Gods and Demons [COMPLETED]

By _CheekyAngel_

295K 9.2K 208

What will happen if you are brought to a new different world? More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
English or Tagalog?
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Book 1 Fin
Fantasy

Chapter 7

9K 296 16
By _CheekyAngel_

Corin's Pov

Nasapo ko nalang ang ulo ko sa pagkirot nito. Hinilot ko ang aking sentido at marahan itong minasahe. Sumandal ako sa hinihigaan ko at inaninag ang paligid.

Kinapa ko ang lugar sa aking gilid at wala akong nahawakang kahit ano.

Napadilat ako ng mabilis dahil sa kaba. Bakit ang dilim ng buong kwartong ito. Pinasadahan ko ng tingin ngunit wala talaga akong makita ni anino.

Kinilabutan nalang ako ng may maramdamang mainit na katawan sa tabi ko ang yumakap sa akin.

Kinakabahan man ay dahan-dahan kong inaninag kung ano ang nasa 'king tabi. Narinig ko ang mahinang paghinga nito, pagkahawak ko sa bandang ulunan ay nasalat ko ang makinis nitong balat. Dito na may humawak sa aking kamay at parang hihimatayin na ako sa ginawa nitong pagdampi ng kamay ko malapit sa tumitibok nitong puso.

Nag-init ang pisngi ko at bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hihikain yata ako sa nalaman ko kung ano o sabihin na nating sino, ang nakahiga ngayon at katabi ko sa pagtulog.

"Ssssh... "

Sabi niya na tila inaantok pa at bahagyang nagmulat dahilan para makita ko ang kanyang itim na mga mata. Hinatak niya ang braso ko at hindi ko inasahan ang dire- diretsong paglapat ng kanyang labi sa' aking sarili.

Napasinghap ako sa pagkagulat ng maramdam ang daloy ng enerhiya sa init ng kanyang paghagkan kasabay ang panlalaki ng mga mata ko.

Bahagya ko siyang itinulak para humiwalay sa akin kahit gusto ko ang init. Saglit siyang humiwalay ngunit bago ko pa maumpisahan ang sasabihin ko ay muli kong nalanghap ang kanyang hininga ng dumampi sa akin sa pangalawang pagkakataon ang malambot niyang mga labi.

" Ano bang ginagawa - hmmm... " hindi ko na natuloy pa ang sinasabi ko dahil sa paggalaw ng labi niya na pilit akong pinapasabay. Napaisip ako ng isang bagay, hindi niya ba alam na labing-anim na taong gulang lang ako?

Natukod ko ang isa kong kamay para sa pagsuporta nang hindi ako bumagsak ng hatakin niya ako bigla pahiga.

Habang tumatagal ang halik niya ay nadadala ako. May kung ano talagang enerhiya ang dumadaloy sa loob ng aking katawan sa ginagawa niyang walang tigil na paghalik.

Hinawakan niya ang batok ko at tuluyan ng napunta sa kanya ang bigat ko.

Patuloy lang siya sa ginagawa hanggang sa maramdaman kong inaantok na ako dahil sa pagbigat ng talukap ng aking mga mata.

" Matulog kang muli... " bulong niya sa akin.

Pagkasabi niya nun ay tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang paligid

ko at nakatulog akong muli sa kanyang tabi.

Someone's Pov

" Ano? Dumating na ang hari? "

Nakaupo ako sa harap ng bisagra at sinusuklay ang aking dilaw at mahabang buhok.

" Opo Lady Thalia. Ramdam po ni Quentin ang malakas niyang presenyang nagkalat sa kaharian at alam na ng lahat ng nilalang na dumating na ang kanilang kamahalan. "

Sinulyapan ko siya sa' aking paningin at mukhang seryoso siya sa kanyang sinasabi.

" Sige makakalis ka na. " utos ko at tumayo papunta sa aking kama.

" Masusunod Lady Thalia. Maiwan ko na kayo. " lumabas siya at sinarado ang pinto.

Kung gayon ay totoo ngang pinili ni Shenrin ang hari noon pa man. Mailap siya at hindi ni minsan nagbigay ng kahit katiting na atensyon sa iba. Ano kayang klaseng hari ang pinili niya?

Siguro ay isang matipuno at malakas na kamahalan ang kamahalan. Kailangan ko siyang mapa-ibig dahil siya ang nag-iisang hari na galing sa ibang mundo at magiging tulay para lumakas ako.

Natuwa ako sa naisip na plano. Pag nagkataon, ako ang magiging pinakamalakas na reyna, kaiinggitan at titingalain din ng lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

23.5M 796K 114
Jasmin used to believe in alchemy and her grandfather's stories about it. But as she grows older, she too grows up and considers his tales a myth for...
80.4K 2.4K 39
Stone Academy. Ito ay nakatampok sa Stone World; ang mundo na binuo ng labing-dalawang gemstones. Ang Stone Academy ay ang paaralan kung saan itinutu...
83.5K 4.4K 33
What if I can give you a once-in-a-lifetime opportunity to be the person you wish to be? To go back to the time before you were damaged? To exist in...
13.3K 557 31
Paid to work as Hidden Sparks' city villainess, Mystic suddenly finds herself in the middle of an impending cosmic trouble that could destroy East We...
Wattpad App - Unlock exclusive features