Love Begins Here (Completed)

By terelou1220

3.5M 84.1K 3.3K

FINALE More

Prologue
Chapter 1 part 1
Chapter 1 part 2
Chapter 2 part 1
Chapter 2 part 2
Chapter 3 part 1
Chapter 3 part 2
Chapter 4 part 1
Chapter 4 part 2
Chapter 5 part 1
Chapter 5 part 2
Chapter 6 part 1
Chapter 6 part 2
Chapter 7 part 1
Chapter 7 part 2
Chapter 8 part 1
Chapter 8 part 2
Chapter 9 part 1
Chapter 9 part 2
Chapter 10 part 1
Chapter 10 part 2
Chapter 11 part 1
Chapter 11 part 2
Chapter 12 part 1
Chapter 12 part 2
Chapter 13 part 1
Chapter 13 part 2
Chapter 14 part 1
Chapter 14 part 2
Chapter 15 part 1
Chapter 16 part 1
Chapter 16 part 2
Chapter 17 part 1
Chapter 17 part 2
Chapter 18 part 1
Chapter 18 part 2
Chapter 19 part 1
Chapter 19 part 2
Chapter 20 part 1
Chapter 20 part 2
Chapter 21 part 1
Chapter 21 part 2
Chapter 22 part 1
Chapter 22 part 2
Chapter 23 part 1
Chapter 23 part 2
Chapter 24 part 1
Chapter 24 part 2
Chapter 25 part 1
Chapter 25 part 2
Chapter 26 part 1
Chapter 26 part 2
Chapter 27 part 1
Chapter 27 part 2
Chapter 28 part 1
Chapter 28 part 2
Chapter 29 part 1
Chapter 29 part 2
Chapter 30 part 1
Chapter 30 part 2
Chapter 31 part 1
Chapter 31 part 2
Chapter 32 part 1
Chapter 32 part 2
Chapter 33 part 1
Chapter 33 part 2
Chapter 34 part 1
Chapter 34 part 2
Chapter 35 part 1
Chapter 35 part 2
Chapter 36 part 1
Chapter 36 part 2
Chapter 37 part 1
Chapter 37 part 2
Chapter 38 part 1
Chapter 38 part 2
Chapter 39 part 1
Chapter 39 part 2
Chapter 40
Epilogue

Chapter 15 part 2

42K 1K 47
By terelou1220

Chapter 15 part 2

Kahit inaantok pa ay bumangon na rin si Ellie ng tumunog ang alarm clock. Kahit nagkaroon sila ng pagtatalo ng asawa kagabi ay hindi naman niya maatim na hindi ito ipagluto ng almusal. Nagtataka si Ellie habang papunta ng kusina, naamoy niya ang mabangong aroma ng brewed coffee. Lalong nanlaki ang mga mata niya ng pumasok sa dining room, may mga nakahain ng pagkain.



"Ma'am Ellie, good morning. Gusto mo na bang mag-almusal?"



"Manang Ansing, what are you doing here?" Tuwang tuwa si Ellie sa kaalamang makakasama niya ang matandang katiwala nila.



"Pinasundo ako kahapon ni sir Rafael para daw may makasama ka dito kapag nasa opisina siya at para hindi raw siya nag-aalala."



Napataas ang kilay ni Ellie, kailan pa nag-alala si Dale Rafael sa kanya. Sinarili na lamang niya kung ano man ang nasa isipan, hindi puwedeng malaman ni Manang Ansing ang tungkol sa totoong relasyon nila ni Dale Rafael dahil siguradong magsusumbong ito sa kanyang papa. Hindi na niya mapapatawad ang sarli kung may mangyayaring masama na naman sa ama dahil sa kanya.



Nagulat si Ellie ng biglang sumulpot si Dale Rafael. "Bakit hindi ka pa bihis?" Bungad nito.



Nang lingunin ni Ellie ang asawa ay bagong ligo na ito. "Bakit?" Nagtatakang tanong ni Ellie.



"Tumawag ang mama kagabi, sa mansion daw tayo mag-aalmusal. Magbihis ka na maaga pa naman." Utos ni Dale Rafael sa asawa.



Pagdating nila sa mansion ay tuwang tuwa siyang sinalubong ng biyenan.



"Kumusta ka na Ellie?" Mabilis na niyakap ni Althea ang manugang. "Dale Rafael, pinababayaan mo ba ang asawa mo? Bakit parang ang laki ng ipinayat niya?" Pinandidilatan nito ang anak habang nagsasalita. Hinila niya si Ellie sa isang bench na nasa garden.



"Talaga lang pong wala akong ganang kumain nitong mga nakaraang araw."  Si Ellie na lang ang sumagot sa biyenan.



Inakbayan ni Dale Rafael ang asawa ng tumabi siya sa kinauupuan nito. Na guilty siyang bigla dahil hindi niya alam na nahihirapan pala si Ellie sa pagbubuntis pero wala siyang naririnig na reklamo mula rito.



"Nahirapan lang si Ellie kasi almost one week din kaming walang helper pero kagabi dumating na si Manang Ansing." Pagsisinungaling ni Dale Rafael sa ina.



"Why didn't you tell me?! Pinabayaan mong gumawa ng gawaing bahay ang asawa mo." Galit na baling ni Althea sa anak. "Mas makakabuti siguro kung dito muna si Ellie, para maasikaso siyang mabuti."



Biglang naalarma si Dale Rafael. "Mama, ako na ang bahalang mag-aasikaso sa asawa ko."



"Good morning!" Masayang bungad ni Venice sabay halik nito sa tiyahin ng asawa. "You must be Ellie right?" Hindi na niya hinintay na makasagot ito agad niyang niyakap at nakipagbeso beso.



"Sweetheart, she's Dr. Venice Almonte Dela Vega and her husband is my dear cousin." Pakilala ni Dale Rafael sa asawa ng pinsan. "And this is my lovely wife Ellie Rodriguez Monteverde." Hinalikan pa nito sa tuktok ng ulo si Ellie. Kung pagmamasdan sila ay parang totoong mahal na mahal ni Dale Rafael ang asawa.



"Lagot ka sa pinsan mo Rafael, hindi mo kami inimbitahan sa kasal ninyo at kung hindi pa kami inimbitahan ni tito at tita ngayon hindi ko makikilala si Ellie." Reklamo ni Venice.



Tinawanan na lamang ito ni Dale Rafael. "Where is Xin Ellis?" Sabay lingon niya kung saan nakaparada ang kotse ni Venice.



"Hahabol na lang daw siya but we don't need to wait for him."



"Kung ganun halina kayo kanina pa nagugutom ang papa mo." Sa anak nakatingin si Althea habang nagsasalita. Kahit nakikitang niyang maayos ang pakikitungo ni Dale Rafael kay Ellie ay nag-aalala pa rin siya para sa manugang. Hindi niya palalampasin ang pagkakataon na ito, kailangan niyang makausap si Ellie ng sarilinan.



Sa hapag kainan ay naiilang si Ellie tuwing mapapatingin sa kanya ang biyenang babae. Alam niya na may ibig sabihin ang mga tiitg nito.



"Ellie, this is good for you." Inabot ni Venice ang bandehado ng seafoods kay Ellie.



Natutuwa si Ellie kay Venice dahil kahit ngayon lang sila nagkakilala ay nakagaanan niya agad ito ng loob.



Nang matapos ang masaganang almusal ay tinawag ni Gabriel ang anak, ikokonsulta daw nito ang planong pagbili sa isang naluluging kumpanya. Si Venice naman ay tinawagan ay agad nagpaalam matapos makatanggap ng emergency call mula sa pinaglilingkurang hospital.



Dinala ni Althea ang manugang sa kanyang greenhouse. Gusto niyang ipakita rito ang iba't ibang klaseng halaman na inaalagaan niya.



"Ellie, is he treating you well?" Makahulugang tanong ni Althea,  kanina pa niya napapansin ang pananahimik nito.



"Opo, wala naman kaming problema." Hindi makatingin ng diretso si Ellie sa biyenan.



"I know, you're not telling the truth. I've been there with your situation and I want to help you. Huwag kang mahihiyang magsabi sa akin." Hinawakan ni Althea ang dalang palad ng manugang at marahang pinisil ang mga ito.



Parang may bikig sa lalamunan si Ellie ng mga sandaling yun. Kahit maganda ang pakikitungo sa kanya ni Althea ay natatakot siyang ipagtapat dito ang tungkol sa kasunduan nila ni Dale Rafael.



"You can trust me Ellie, kahit kailan ay hindi ko kinampihan ang mga anak ko kapag alam kong sila ang may pagkakamali." Pinaupo niya sa kanyang tabi si Ellie bago muling nagsalita. "What is your agreement with my son? Nang mabilisan kayong magdesisyon tungkol sa pagpapakasal ninyo ay naghinala na ako. At ang sabi ko sa sarili ko hindi ko hahayaan na maranasan mo ang sakit na naranasan ko sa inyong papa."



Doon na tuluyang bumigay si Ellie, naramdaman na lang niya ang pagkabig sa kanya ni Althea.



Ngayon ay malinaw ng lahat kay Althea hindi na kailangang magsalita ni Ellie. Alam na niya ang mga susunod na gagawin.


Continue Reading

You'll Also Like

453K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
5.2M 74.9K 55
*Not Suitable for 13yrs old and below readers.* First love never fades. Yan ang lagi kong naririnig. Kasabihan na pinaniwalaan ng lahat at isa na ko...
84.5K 399 5
(COMPLETED) Lying is beyond our control, making it a habit is a choice.