Chapter 33 part 1

40.9K 814 31
                                    

Chapter 33 part 1


"Nakausap mo ba si Ellie?" Nag-aalalang tanong ni Althea sa panganay na anak. Naabutan niya itong tahimik na nakatayo sa may teresa at mukhang malalim ang iniisip.




"Oo mama, naipaliwanag ko na sa kanya sa telepono ang dahilan kung bakit hindi ko siya nasundo. Mamaya pupuntahan ko siya para masiguro ko kung okay ang mag-ina ko." Pilit na ngiting sagot ni Dale Rafael.




"That's good." Nilapitan niya ito at tinabihan sa pagkakatayo bago muling nagsalita. "Kung nagkausap na kayo ni Ellie...bakit mukhang problemado ka pa rin?"




Marahang nilingon ni Dale Rafael ang ina bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "I was hoping that we could attend the company anniversary together..."



Marahang tinapik ni Althea ang kanang balikat ng anak. "Marami pang anniversary na darating hijo. Ang mahalaga ngayon ay maging maayos ang kalagayan ng mag-ina mo."



"This is the perfect timing para ipakilala ko si Ellie."



Napangiti si Althea, natutuwa siya dahil natuto ng magmahal ang anak. Mabuti na lamang ay dumating si Ellie sa buhay nito para ipakita at iparanas dito ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.




"Don't worry anak, dahil ako mismo ang mag-oorganize ng party para kay Ellie. Pagkapanganak niya ay sisimulan ko na." Masiglang turan ni Althea pero may kakaibang kaba siyang nadarama tuwing maaalala ang nalalapit na operasyon ni Ellie. Tinapat sila ng mga doktor na napakaliit lamang na porsiyento na maging matagumpay ang operasyon.




"Sa isang araw na ang punta namin ni Ellie sa Amerika pakiramdam ko ay unti-unti ng nauubos ang lakas ng loob ko." Mahinang usal ni Dale Rafael. Mababakas sa boses nito ang takot sa mga puwedeng mangyari kay Ellie.




"Huwag mong hahayaan na talunin ka ng takot anak. Ang tanging kailangan ni Ellie sa ngayon ay lakas ng loob at iparamdam mo sa kanya ang pagmamahal mo. Siniguro rin naman sa atin ng mga doktor na gagawin nila ang lahat para sa mag-ina mo."




"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyong mag-ina." Nakangiting bungad ni Gabriel.



"Pinag-uusapan namin ang tungkol sa kalagayan ni Ellie." Si Althea na ang sumagot sa asawa.



Marahang tumango si Gabriel.


Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now