Chapter 27 part 2

38.9K 1.1K 50
                                    

Chapter 27 part 2

Pagkagaling sa hospital ay dumiretso si Gabriel sa opisina ng anak para kausapin ito sa kalagayan ni Ellie, hindi siya titigilan ng asawa hangga't hindi niya nakakausap ang panganay nila. 



"Where is Dale Rafael?" Maawtoridad niyang bungad sa assistant ng anak. 




Pagkakita nito sa ama ng boss ay parang binuhusan siya ng suka parang nahihinuha na niya ang mangyayari. "Sir, he's having a meeting right now." 




"I want to talk to him right now. This is more important than his business meeting." Walang babalang dire-diretsong pumasok si Gabriel sa pribadong opisina ng anak. 



"S-Sir..." Wala ng nagawa ang assitant ni Dale Rafael ng tuluyan ng makapasok si Gabriel.




"What's going on here?!" Dumadagundong ang boses ni Gabriel sa tagpong inabutan. Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo. 




"Papa, I'll explain." Mabilis na inilayo ni Dale Rafael si Martina. 




"Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko ang sasabihin mo." Tinapunan nito ng masamang tingin ang anak bago binalingan si Martina. "Martina, I want to talk to my son." 




"Raffy,  I think this is the perfect time to inform your dad about our relationship." Umabrisiyete pa ito kay Dale Rafael. 




"Martina! What are you talking about?" Inis na binaklas ni Dale Rafael ang kamay ng dalaga. Ang inabutang tagpo ng kanyang ama ay malayo sa kung anuman ang iniisip nito. Mahigpit niyang binilinan ang kanyang assistant na hindi siya puwedeng istorbohin ngunit ayon dito ay nagpumilit na pumasok ang babae. At pagpasok na pagpasok nito ay mahigpit itong yumakap sa kanya na siya namang nasaksihan ng ama. 




"Raffy, sinabi ko kina papa at mama na nagkabalikan na tayo." 




"Martina, hindi na kayo puwede ng anak ko." Hindi na napigilan ni Gabriel ang sarili, kung kinakailangan na siya ang tumapos sa kalokohang ito ay gagawin niya. 




"Tito, alam ko na fake ang kasal ni Dale Rafael at ni Ellie." May kumpiyansang tugon ni Martina. 

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now