Chapter 7 part 2

40.1K 1K 40
                                    

A.N. 

Happy reading!!! ^ ^

Please don't forget to vote and leave your comments. Thanks :)

________________________

Chapter 7 part 2


Kinakabahan si Ellie habang hawak ang telepono at titig na titig sa hawak na papel kung saan nakasulat ang telephone number ng mansion ng mga Monteverde. Umaasam siya na si Dale Rafael ang makasagot sa tawag.



Halos manginig ang boses niya ng may sumagot sa kabilang linya. "Good afternoon po, may I talk to Dale Rafael?" Magalang na bungad ni Ellie.




"I'm sorry hija, pero wala dito ngayon ang panganay ko." Malumay na tugon ni Althea. Naghihinala na siya na isa na naman ito sa mga naging babae ng anak.




Nahigit ni Ellie ang hininga ng mapagtanto na ang ina ng binata ang kausap sa kabilang linya."Tatawag na lang po ulit ako. Maraming salamat."




"Wait... Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Habol ni Althea, kahit sa telepono lang niya kausap ito ay parang ang gaan ng loob niya sa babae.




"Ellie Rodriguez ma'am."




"Ellie Rodriguez..." Ulit ni Althea sa sinabi ng kausap. Ito ang matagal na niyang hinihintay ang makausap ang dalaga na tinutukoy ni Luisa Villegas. "Ellie, may ginawa bang kalokohan ang aking anak sa iyo?" Walang paligoy-ligoy na tanong ni Althea.




"N-Naku w-wala po ma'am. May aapply lang po sana ako ng trabaho hindi ko po alam na number pala ninyo sa bahay ang naibigay sa akin ng kaibigan ko." Pagsisinungaling ni Ellie, natakot siyang bigla na umamin sa ina ni Dale Rafael.





"Kung may ginawang kalokohan ang anak ko sa iyo huwag kang matatakot na magsabi sa akin." Nararamdaman ni Althea na nagsisinungaling ang kausap.




"Wala po talaga ma'am."




"I'll just give you his private number in his office,para makapag-usap kayo. Mas mainam kung personal mo siyang pupuntahan sa opisina niya, itatawag ko sa secretary niya na darating ka."




"Hindi po ako makakarating ngayon, nasa probinsiya pa po ako."

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now