Chapter 9 part 2

39.9K 989 40
                                    

A.N.

Pasensiya na guys bitin na naman pero sinusubukan ko naman pong makapag ud everyday. ^ ^

Please don't forget to vote and leave your comments.

-------------------------------------------

Chapter 9 part 2

Nakahinga ng maluwag ang magkapatid lalo na si Ellie ng ianunsiyo ng attending physician ng kanilang papa na ligtas na ito. Ngunit kabilin bilinan nito na bawal munang mapagod ang matandang lalaki at kung maaari ay huwag bibigyan ng problema habang hindi pa lubos na nakakarecover.




"Ellie, kami na ni manang Ansing ang bahala kay papa dito. Umuwi muna kayo ni Trisha para makapagpahinga, lalo ka na bawal sayo ang mapagod baka makasama sa kalagayan mo." Pagtataboy ni Luisa sa kapatid ng mailipat na sa private room ang kanilang ama. "Trisha, maraming salamat. Ikaw muna ang bahala sa kaibigan mo." Nakangiting bilin ni Luisa.



"Don't mention it ate, alam mo naman na parang pamilya na ang turing ko sa inyo." Masiglang tugon ni Trisha.




Habang pauwi ay muling binuksan ni Trisha ang topic tungkol sa paghingi nila ng tulong kay Xander.



"Trish, do you think he can help us?"



"I'm pretty sure of that, they're friends at matatakot si Dale Rafael na isumbong siya ni Xander sa mga magulang niya. What's your plan ba?"



"I just wanted him to acknowledge our child. Kahit hindi na niya ako pakasalan." Mariing pinikit nito ang mga mata habang nagsasalita.



"Ellie, huwag mong ipagsiksikan sa lalaking yun ang magiging anak mo. Baka isipin ng Dale Rafael na yun intresado ka sa pera niya." Panenermon ni Trisha sa kaibigan.



"Narinig mo naman ang sinabi ng doctor ng papa, bawal siyang bigyan ng mga problema dahil puwedeng lumalala ang sakit niya...."



"So, kaya ka magpapakababa? Ewan ko sayo Ellie naloloka ka na naman."



"Asikasuhin mo na lang muna ang pagdadrive mo. Pagdating natin sa bahay tatawagan ko si Xander." Desidido na talaga si Ellie na ituloy ang plano.



Pagdating na pagdating nila sa bahay ay agad na kinausap ni Ellie si Xander. Kahit nahihiya sa binata ay lakas loob niyang isinalaysay dito ang problema kay Dale Rafael, nangako naman ito na gagawin niya ang lahat ng makakaya para kumbinsihin ang kaibigan.



Napapailing si Trisha habang nakikinig sa kaibigan. Pilit na lamang niyang iniintindi ito kahit labag sa kalooban niya ang mga nabuong plano. Ang gusto lang sana niya ay ipakiusap kay Dale Rafael na ito humingi ng apology kay tito Edgardo ng malaman niyang nagkasagutan sila. Pero iba naman pala ang tumatakbo sa isipab ng kaibigan.

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now