Chapter 32 part 2

39.5K 857 31
                                    

Chapter 32 part 2

"Martina, kumusta ang pinapagawa ko sa'yo?"



"Lolo..." Nag-aalangan ang tinig ni Martina at halos hindi makatingin ng diretso sa mata ng abuelo.



Kasalukuyan silang nag-aalmusal isa sa mga pagkakataon na ikinakatakot niya;  ilang araw na niyang iniiwasan ang don dahil hindi na kaya ng konsensiya niya ang mga pinag-uutos nito kanya. Ngunit ngayong umaga ay tila hindi nakisama ang pagkakataon sa kanya, pilit siyang pinagising sa kasambahay para makasabay siya sa pagkain. Magmula ng dumating siya ng Pilipinas at nalaman niya ang katotohanan tungkol sa tunay niyang pagkatao ay ang matanda na ang nagpapasya sa bawat kilos niya.



"Kung gusto mong tuluyan kitang matanggap sa pamilyang ito gagawin mo ang pinag-uutos ko Martina." Seryosong turan ni don Emmanuel sa pagitan ng pagsubo nito.



Nang malaman ni don Emmanuel na nabuntis ng anak ang kasintahan ay plinano na niyang mawala sa kanilang landas ang bata ngunit sinuway siya ng pamangkin na pinag-utusan at ito ang kinikilalang mga magulang ni Martina sa ngayon.



"Nahihirapan na po ako at natatakot ako na malaman ng mga Monteverde ang plano natin." Mahinang usal ni Martina habang yukong yuko ang ulo.




"Bullshit! Manang-mana ka sa iyong ama! Wala kayong pinagkaiba ni Marco." Dumadagundong ang boses nito sa dining room at kitang kita rin sa mukha ng don ang galit. Kahit may edad na ito ay hindi pa rin maipagkakaila na ang bawat katagang binabanggit nito ay tila isang batas sa mga taong nakapaligid sa kanya.




Lalong nanginig sa takot si Martina. Habang tumatagal niyang nakakasama ito ay unti-unti na niyang pinagsisisihan ang naging desisyon na magpakilala rito. Ang tanging naging konsolasyon lamang niya ay ang magiliw na pagtanggap sa kanya ng kanyang lola Marife. "Lolo, hindi ko po kayang pumatay ng isang bata na..."




"Hindi ko sinabi na ikaw ang gagawa, may mga tao tayong uutusan. At isa pang gusto kong ipaalala sa'yo Martina....huwag mo akong tatawaging lolo hangga't hindi mo nagagawa ang misyon mo." Putol ni don Emmanuel sa mga sasabihin pa sana ni Martina.




"Emmanuel! Ano na namang kalokohan ito?" Nakasimangot na bungad ng matandang babae.




"Huwag kang makialam dito. Kami ni Martina ang nag-uusap." Sabay kumpas nito sa kanang kamay na ang ibig sabihin ay iwan silang dalawa.




Parang nabuhayan ng loob si Martina ng marinig ang boses ng kanyang lola buhat sa likuran. Ang pagkakaalam niya ay nagbabakasyon ito sa tita Marian niya at sa isang araw pa ito babalik. Sa ilang buwan niyang pagtigil sa mansion ay nakita niya kung anong klaseng relasyon mayroon ang dalawang matanda. Hindi niya maintindihan kung paano nakakayanan ng kanyang lola ang pag-uugali ni don Emmanuel.

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now