Chapter 24 part 2

42.4K 1K 38
                                    

Chapter 24 part 2
Magmula ng malaman ni Luisa ang sensitibong kalagayan ng kapatid ay hindi ma niya ito pinayagang bumalik ng probinsiya na sinang-ayunan naman ng kanilang ama. Nakipag-ugnayan na rin siya sa mga espesiyalista na puwedeng makatong kay Ellie.




"Ate, magkikita kami ni Trisha ngayon." Kaninang umaga ay tinawagan siya ng kaibigan para kumustahin at ng malaman niyang nasa Manila ito ay napagkasunduan nila na magkita sa pinakamalapit na coffee shop.




Napatuwid ng upo si Luisa, tuwing umaga ay nakagawian na niya ang bisitahin ang mga halaman niya sa greenhouse. "Ellie, hindi na makakabuti sa'yo ang pagbibiyahe." Nag-aalalang nilingon ni Luisa ang kapatid.




"I'll be fine. Diyan lang naman kami sa Gloria's Cafe, kailangan ko rin ng konting excercise. Look at me nagmamanas na yata ako." Nakasimangot na turan ni Ellie.



"Okay, pero mag-iingat ka ha? Ang pagkakaalam ko diyan madalas magpunta ang magkakapatid na Monteverde." Pagpapaalala ni Luisa. Ayaw niya na rin na magkabanggaang muli si Dale Rafael at Ellie para sa ikatatahimik ng lahat.




Nagkibit balikat na lamang si Ellie. Naisip niya na weekdays ngayon kaya imposible na makita niya ang isa sa mga ito. Nasisiguro niya na busy ang mga ito sa kaniya kaniya nilang negosyo.




Nang makarating si Ellie sa coffee shop ay nakangiti siyang sinalubong ni Trisha. Walang tigil ito sa pangungumusta sa kanya lalo na sa kanyang pagbubuntis.



"Nakakuha ka na ng second opinion?"




"May appointment ako this week sa isang especialist." Malungkot na tugon ni Ellie.




"That's good, sana naman nagkamali lang ng findings sa'yo si Dra. De Villa."




"That's what I am praying for, kaya lang these past few days nararamdaman ko na ang mga symptoms na sinasabi niya. Kaya kinakabahan na ako Trish, ayokong mawala sa akin ang baby ko." Sabay haplos nito sa maumbok na niyang tiyan.




"Bakit hindi ka humingi ng tulog kay Dr. Venice Dela Vega? I'm sure matutulungan ka nun, isa siya sa pinakamagaling na doktor sa Pilipinas." Ito ang isa sa mga dahilan ni Trisha kaya nakipagkita sa kaibigan ang kumbinsihin ito na makipag-usa kay Dra. Dela Vega.




Napailing si Ellie sa sinabi ni Trisha. "Alam mo naman na magkaibigan ang pamilya nina Dale Rafael at ni Venice."

Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon