Chapter 1 part 2

63K 1.5K 27
                                    

@ellahcaballero




Chapter 1 part 2


Nagsimula ng mailang si Ellie ng mapansin niyang panay ang tingin sa kanya ng mga lalaking nasa kabilang mesa. Hindi rin ito nakaligtas kay Luisa hinala niya na ang kapatid ang pinag-uusapan ng mga ito kaya naman dali-dali na niyang niyaya ito. Ngunit sa ayaw at gusto nila ay madadaanan nilang magkapatid ang mesa ng mga lalaking ito.



"Wow! Hindi lang mukha ang maganda pati ang katawan." Nakangising sabi ni Oliver habang pinagmamasdan si Dale na titig na titig din sa dalaga.




"Mauuna na ako." Sabay tayo na rin ni Dale pero ang balak niya ay sundan ang dalaga sa kabilang mesa. Bahala na kahit magalit pa ang kanyang pamilya ang mahalaga makilala niya ang babae.



____________



"Ellie, mag-iingat ka." may pag-aalala sa boses ni Luisa, hindi niya alam kung bakit hindi siya kampanteng iwanan ang kapatid na mag-isa.




"Ate, I'm too old and I can handle myself. Hindi na ako teenager para alalahanin mo pa." Nailing na wika ni Ellie.



"Okay, okay bata magtext ka kapag na nasa bahay ka na." pahabol pa nito bago tuluyang iniwanan ang kapatid.




Naitirik na lamang ni Ellie ang mga mata, napakaimposible talaga ng mga taong nakapaligid sa kanya. May mga pagkakataong halos ipagtulakan na siya ng mga itong mag-asawa pero kung ituring siya ng mga ito ay daig pa ang isang teenager. Mula ng mangyari ang insidenteng yun ay lalong naging protective ang pamilya sa kanya.


Dumiretso si Ellie sa department store para makapamili ng pasalubong sa kanyang papa at mga kaibigan. Tuwing lumuluwas siya ng Manila ay parang mga batang naghihintay ang mga ito ng mga pasalubong kaya naman obligado syang mamili. Sa bahay pa lamang ay nakaplano na ang bibilhin niya kaya hindi na siya nahirapang mamili at isa pa ayaw din naman niyang masyadong gabihin sa pag-uwi lalo na marami siya napapanood sa TV tungkol sa mga krimeng nagaganap sa lungsod.



Samantalang si Dale naman ay nagulat dahil ngayon lang siya nakakita ng babaeng mabilis magshopping akala niya ay aabutin ng ilang oras sa pamimili ang sinusundan. Kailangan niyang makagawa ng paraan para makilala ito.




Nagmamadali ang bawat hakbang ni Ellie palabas ng shopping mall kaya hindi na niya namalayan na may lalaking sumusunod sa kanya. Nagulat na lamang siya ng biglang may bumunggo sa kanya at sumambulat ang mga pinamili. At ang sama pa nito ay hindi man lang ito nanghingi ng paumanhin.

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now