Chapter 2 part 2

51.7K 1.2K 18
                                    

@aina_4551



Chapter 2 part 2


Maaga pa lamang ay handang handa na si Ellie sa meeting nilang mag-ama kahit napuyat siya sa pagrereview ng mga dokumentong dadalhin nila ay balewala sa kanya ang tanging hangad niya ay maapprove ang loan nila.


 

"Are you ready anak?" nakangiting bungad ng kanyang papa. Bihis na bihis na rin ito.


 

"Yes Pa, kayo na lang hinihintay ko." Sabay tayo nito at dinampot ang kanyang handbag.  



Pagdating nila sa Monteverde bank ay diretso sila sa opisina ng manager. Ayon sa secretary ay tatawagan nito ang boss para ipaalala ang meeting nito.




Hinintay muna ni Ellie na makalabas ang secretary bago binalingan ang ama. "Papa, sigurado ka bang may appointment ka sa manager nitong bangko?"



"Yes, actually siya mismo ang kausap ko kahapon at siya rin ang nagschedule ngayon.  



"Be patient anak, tayo ang nakikiusap kaya tayo ang dapat magpasensiya kung late man siya." Nakangiting wika ng matandang lalaki.




Halos kalahating oras silang naghintay at nakahinga ng maluwag si Ellie ng sabihin ng secretary na dumating na rin sa wakas ang manager.



Nang pumasok ang manager ng Montevede Bank ay halos pigilan ni Ellie ang paghinga, agad niyang nakilala ang lalaki. Natuwa siya dahil mukhang hindi sila mahihirapan na kumbinsihin ito sa hinihingi nilang loan. Inihanda ni Ellie ang matamis niyang ngiti para dito.



"Good morning, Mr. Monteverde." Mabilis na tumayo ang papa ni Ellie para magbigay galang sa dumating.




Dire-diretso ang batang manager sa kanyang executive table, ni-hindi nito tinapunan ng tingin si Ellie. "Good morning, Mr. Rodriguez. I'm sorry na late ako may mga importante pa akong inasikaso."




"By the way Mr. Monteverde this is Ellie, my daughter siya ang katulong kong nagpapatakbo ng business namin." Pakilala ni Edagrdo sa anak.



 

"Miss Rodriguez nice to meet you."

Love Begins Here (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora