Chapter 19 part 2

41.5K 1K 51
                                    

A.N.

Kinakabahan na ako sa susunod na chapter... hehehehe

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^

Thank you :)

________________________


Chapter 19 part 2

Kasalukuyang nagpapahangin si Edgardo sa balkonahe ng matanaw ang mga anak na papalapit sa kinatatayuan niya. At lalong lumalim ang gatla niya sa noo ng makitang may bitbit na dalawang malalaking maleta ang kanilang hardinero.




"Hi, papa."Alanganin ang nginitian ni Ellie ang ama bago hinagkan ito.




"Sino ang nag-alsa balutan? Ano yung mga maletang bitbit ni Roel?" Hindi pa rin nawawala ang pagkakakunot ng noo ni Edgardo.




Nagkatinginan sina Luisa at Ellie. "Papa, let's talk inside. I'll explain everything." Salo ni Luisa dahil napansin niyang parang biglang naumid ang dila ng kapatid.




Balisa si Ellie ng mga sandaling yun, natatakot siya na baka makasama sa kalusugan ng ama ang ipagtatapat niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung dahil sa kanya ay mapapahamak ito.




Pagkarating sa study room ay hinila ni Ellie ang silya at tumabi sa ama. "Papa, I'll just stay here." Abot abot ang kabang nararamdaman niya.





"Nagkaproblema ba kayo ni Dale Rafael?" Seryosong tanong ni Edgardo. Sa hitsura pa lang ng kanyang bunso ay masasabi niyang may mabigat itong dinadala.




Marahang tumango si Ellie bago tinapunan ng tingin ang kanyang ate na tahimik na nakikinig.



Agad namang naunawaan ni Luisa na humihingi ng saklolo sa kanya ang kapatid. "Papa mas makakabuti kay Ellie at sa magiging apo ninyo kung dumito na sila."




"Heto na ang kinatatakutan kong mangyari." Napapailing na wika ni Edgardo. "Pinagbubuhatan ka ba ng kamay ng lalaking yun?" Nagsisimula ng tumaas ang boses ng matanda.




"Papa, calm down makakasama sa'yo ang magalit." Saway ni Luisa sa ama.




"I'm sorry papa." Nakayukong turan ni Ellie. Hindi siya makatingin ng diretso sa ama dahil hiyang hiya siya sa mga kapalpakan niya.

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now