Chapter 8 part 2

39.2K 1.1K 53
                                    

A.N.

Maraming salamat sa patuloy ninyong suporta sa story nina Dale Rafael at Ellie ^^ 

Please don't forget to vote and leave your comments :)

_______________________


Chapter 8 part 2

Walang sinayang na oras si Edgardo, nang malaman ang problema ng bunsong anak ay agad siyang lumuwas ng Manila para makipagkita kay Dale Rafael Monteverde. Mabui na lamang ay inaanak ng kaibigan niya ang secretary ng binata kaya hindi siya nahirapang makakuha ng appointment dito.




"Good morning, I have an appointment with Mr. Monteverde." Bungad ni Edgardo sa secretary ni Dale Rafael.




"Sorry sir, but he's still in the meeting, pero patapos na rin po yun."




"Okay, I'll just wait for him." Umupo muna siya sa couch habang naghihintay. Puro simbolo ng karangyaan ang kasalukuyan niyang nakikita kaya pilit niyang pinapatatag ang kalooban na makayanan ang gagawin.



"Sir, Mr. Monteverde is waiting for you." Putol ng secretary sa pagmumuni muni ni Edgardo.




Buo ang loob ni Edgardo habang papasok sa pribadong opisina ng binatang Monteverde.




"Mr. Rodriguez, I am not expecting to see you here." Nakangiting bati ni Dale Rafael. "Kailangan niyo bang dagdagan ang loan ninyo?"




"Hindi ako pumunta dito dahil lamang sa loan..." Seryosoong tinitigan ni Edgardo ang binata.




Medyo naiilang si Dale Rafael sa mga titig ng kaharap. Nararamdaman niya pinipigilan nito ang galit, at kung hindi siya nagkakamali ay may kinalaman ito tungkol kay Ellie.




"I came here to discuss with you about my daughter's situation."




"Wala po akong oras ngayon para pag-usapan ang tungkol diyan. If you want we can talk about it some other time."




"Ngayon natin ito pag-uusapan at wala akong pakialam kung busy kang tao." Sabay pukpok ni Edgardo sa mesa ng binata.

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now