Chapter 27 part 1

39K 1.1K 67
                                    

Chapter 27 part 1

"Sir, nasa line 2 po si Sir Gabriel." Bungad ng assistant ni Dale Rafael.



"Can' t you see that I'm having a meeting right now?!" Pasinghal na tugon ni Dale Rafael. Kasalukuyan siyang nasa telephone conference at hindi siya puwedeng istorbohin kahit pa ang kanyang ama ang nasa kabilang linya.



"Pero sir sabi po ng papa ninyo na kailangang kailangan niya kayong makausap."



Tinapunan lang ng masamang tingin ni Dale Rafael ang assistant at pinagpatuloy na ang ginagawa. Kailangan niyang matapos ang lahat ng mga business deal niya bago mag-anniversary ang kumpanya nila.



Samantalang sa kabilang linya ay nagngingitngit si Gabriel at ng hindi na mahintay ang anak ay ibinaba na niya ang telepono. Naisip niya na mas mainam kung kakausapin niya ito ng personal at kung kaya pang maayos ang pagsasama nila ni Ellie ay tutulungan niya ito.



Bago umalis ay sinundan muna ni Gabriel ang asawa para alamin na rin ang kalagayan ng manugang. Ganun na lang ang pagkagulat niya ng maabutang umiiyak ang asawa habang nakikipag-usap kay Luisa.



"What's going on?" Nag-alalang nilapitan ni Gabriel si Althea.



"Sweetheart, delikado ang kalagayan ni Ellie." Gumagaralgal ang tinig ni Althea habang nagsasalita, wala sa hinagap niya na aabot sa ganitong sitwasyon ang manugang at ang ikinalulungkot pa niya ay parang wala ng pakialam dito ang kanyang anak.



"Don't worry Mrs. Monteverde hindi ko naman pababayaan ang kapatid ko." Singit ni Luisa. Lingid sa kaalaman ng mga ito ay may plano na rin siya para sa kapatid at kung kinakailangan talagang mamili sa dalawa ay hindi naman siya magdadalawang isip na si Ellie ang pipiliin niya na makasurvive.



"Luisa, aayusin namin ang problema ng mga bata hindi namin kukunsintihin ang mga kalokohan ni Dale Rafael." Sinserong sabi ni Gabriel.



Hindi na lamang umimik si Luisa dahil para sa kanya imposible ng maaayos pa ang relasyon ng mga ito lalo na sa mga naglalabasang balita tungkol sa pagbabalikan nina Dale Rafael at Martina.



"Nasaan pala si Venice?" Muling tanong ni Gabriel.



"Inaayos niya ang pagtatransfer ni Ellie. Mas makakabuti kung dadalhin na natin siya sa America, habang tumatagal siya dito kinakabahan ako sa puwedeng mangyari sa mag-ina." Mabilis na tugon ni Althea.



Tinanguan ni Gabriel ang asawa tanda ng pagsang-ayon niya rito. "Ang mabuti pa iwan muna natin si Ellie." Sabay tayo ni Gabriel.

Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon