Chapter 14 part 2

38.6K 1K 35
                                    

A.N.

Thank you so much saseumi sa magandang cover ^ ^

Please don't forget to vote and leave your comments :D

__________________________________

Chapter 14 part 2

Nagmamadaling umibis ng kanyang sasakyan si Ellie. Sigurado siyang kanina pa siya hinhintay ng kaibigan.





"Sorry,  I'm late. Hindi na talaga magbabago ang Metro Manila, it's traffic everywhere." Reklamo ni Ellie ng makalapit sa kaibigan. "Where's Xander?" Inikot niya ang mata sa loob ng restaurant.





"He's in VIP room having meeting with his lawyer. Napakaworkaholic ng lalaking yun. Ano ba ang gustong kainin ng buntis?" Nakangiting nakamata si Trisha sa kaibigan.






"Any kind of food basta huwag lang maalat. Kanina pa nagrereklamo ang baby ko."






Tamang tama dahil siya namang paglapit ng waiter sa kanila. Habang hinihintay nila ang order ay panay ang kuwento ni Trisha tungkol sa trip nito South Korea. Pati mga korean food ay ibinibida ng kaibigan.





"Dapat naghanap ka na rin dun ng boyfriend." Panunukso ni Ellie.






"Gusto ko lang ang discipline sa bansa nila at mga pagkain nila pero hindi ko feel ang koreans." Sabay bungisngis nito.





Nakitawa na rin si Ellie, kahit paano ay nabawasan ang bigat ng kalooban niya. Panandalian niyang nakalimutan ang problema niya sa aswa.






"Kumusta kayo ni Dale Rafael? May development na ba ang pagtrato niya sa'yo?" Biglang naging seryoso ang tinig ni Trisha. Makikita din sw mukha nito ang pag-aalala sa kaibigan.





Tanging buntong hininga lamang ang naisagot ni Ellie.



Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now