Chapter 29 part 1

38.7K 1K 20
                                    

Chapter 29 part 1

"A-Ate..." Nanghihinang tawag ni Ellie sa kapatid.



Natigilan si Luisa ng marinig ang boses ng kapatid. Kitang kita niya ang reaksiyon nito habang palipat lipat ang tingnin sa kanila ni Dale Rafael.




"Ellie, kumusta pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Luisa.




"I feel weak...pero wala na ang pain." Muling nilingon ni Ellie si Dale Rafael na nakatayo sa kabilang gilid ng kama niya. Kitang kita niya ang pag-aalala sa mukha nito ngunit hindi siya nakakasiguro kung totoo ba ang ipinapakita nito ngayon. Maraming beses na siyang nasaktan nito at hindi na niya hahayaan na mangyari ulit.



"You need to rest Ellie para lumakas ka ulit." Pilit na pinapasigla ni Luisa ang tinig. Pero alam niya na gustong gusto na siyang komprontahin ng kapatid tungkol kay Dale Rafael.



Napabuntong hininga si Ellie, naiilang siya sa mga titig ng asawa. "Ano ang ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ni Ellie kay Dale Rafael. Hinihintay niya na magpaliwanag ang kapatid tungkol dito ngunit nararamdaman niya na inililihis nito ang usapan kaya hindi na niya napigilan ang sarili.



"Ellie, please hayaan mong alagaan kita." Nagsusumamong tugon ni Dale Rafael.



"Magmula ng umalis ako sa poder mo wala ka ng responsibilidad sa akin." Malamig na tugon dito ni Ellie.



Hinila ni Dale Rafael ang silya at umupo sa tabi ng asawa. "Ellie, please give me another chance." Alanganing niyang hinawakan ang kamay nito at ng maramdaman niyang hindi ito umiwas ay hinigpitan niya ang pagkakahawak. "Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin." Pagmamakaawa niya.




Mariing napapikit si Ellie. Ayaw niyang maging ipokrita sa sarili dahil sa totoo lang ay malapit ng maniwala ang puso niya sa mga ipinapakita at sinasabi ni Dale Rafael. Unti unti nang natitibag ang depensa niya.




"Ellie please..." Muling pukaw ni Dale Rafael dito at buong pagmamahal na hinalikan nito ang kamay ng asawa.




"Dale Rafael, huwag mong ipagkamali ang guilt feelings sa love dahil malaki ang kaibahan nito. Siguraduhin mo muna ang sarili mo bago ka magdesisyon para wala kang sisisihin o pagsisisihan sa bandang huli." Kahit gusto niyang bigyan ito ng pagkakataon ay may pag-aalinlangan siya dahil ayaw na niyang maulit ang mga naging pagkakamali noon.




"Ellie, mahal kita kayo ng magiging anak natin. Mahirap bang intindihin yun?" Nang mga sandaling yun ay desperado na si Dale Rafael.

Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon