Chapter 10 part 1

40.5K 1K 32
                                    

A.N.

Another UD guys... Medyo sinipag lang ako today.. ^ ^

Please don't forget to vote and leave your comments :)

__________________

Chapter 10 part 1

Ipinaalam ni Ellie sa kanyang kapatid na gustong makipag-usap sa kanya ni Dale Rafael. Talagang nagulat siya ng makatanggap ng tawag kay Xander at sinabi nga nitong gustong makipag-usap ng kaibigan sa kanya.



"Bakit kailangan mo pang makipag-usap sa lalaking yun?" Pigil ang galit ni Luisa.



"Ate, gusto ko nang matapos ang lahat. Trust me, this time hindi na ako maaagrabyado ng lalaking yun." Pagbibigay assurance ni Ellie.




"Bahala ka, pero huwag mong hahayaan na muli kang saktan ng walang hiyang yun." Sa totoo lang ay sukdulan ang galit ni Luisa kay Dale Rafael at kung siya ang masusunod ay hinding hindi na niya muling palalapitin ang kapatid dito.



"Ate, bahala ka muna kay papa baka kasi magtagal ako ng dalawang araw sa Manila may mga kailangan din akong bilhin."



"Don't worry about him baka bukas makakalabas na rin daw siya. Puntahan mo na rin ang OB clinic na ito." Sabay abot ni Luisa ng business card. "Dra. Vergara is my friend and I already recommended you to her. Huwag kang babalik dito ng hindi nagpapacheck-up Ellie." Mahigpit nitong bilin.



Magaan ang pakiramdam ni Ellie ng umalis ng Candelaria at ngayon magkikita silang muli ni Dale Rafael ay wala ng takot o kaba siyang nararamdaman. Hinanda na niya ang kanyang sarili sa mga masasakit na salitang maaring marinig niya mula dito.




Naputol ang pagmumuni-muni ni Ellie ng marinig ang boses ng kasamang driver.




"Ma'am sa Acropolis po ba ang tuloy natin?" Magalang na tanong nito.




"Manong, sa Ortigas po muna tayo." Ang sabi sa kanya ni Xander ay dinner time ang inischedule ni Dale Rafael para mag-usap sila.




"Ma'am, akala ko po mamayang gabi pa tayo sa pupunta sa Ortigas."




"Ngayon na po para pag-uwi natin makapagpahinga na tayo." Nakangiting tugon ni Ellie. Ayaw na rin niyang ipagpaliban pa ang pakikipag-usap kay Dale Rafael. 





Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon