Chapter 7 part 1

41.4K 1K 25
                                    

A.N.

Sorry guys medyo natagalan ang update :)

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^

_________________________


Chapter 7 part 1

Nanlalambot si Ellie habang hawak ang resulta ng pregnancy test, parang gusto niyang mag-iiyak ng mga sandaling yun habang titig na titig sa dalwang linya. Natatakot siya sa kanyang ama dahil sigurado siyang magwawala ito sa galit. Nangingig ang mga kamay niya habang inaabot ang katabing telepono, kailangan niya ng makakausap ngayon at ang unang naisip niyang tawagan ang kanyang ate Luisa. Lalo siyang nanlumo ng sabihin ng katulong nito na nasa business conference ang kapatid at sa isang araw pa ang uwi nito.



Dali-dali siyang nag-ayos para puntahan si Trisha, hindi siya pwedeng abutan ng kanyang papa sa ganitong ayos dahil hindi pa niya kayang sabihin dito ang problema. Akala niya sa dalawang buwan na lumipas ay nakawala na siya sa bangungot na dulot ni Dale Rafael, iyon pala ay nagsisimula pa lamang ito at mas matinding dagok pa ang pinagdaraanan niya.




"Trish, where are you?" Kausap ni Ellie ang kaibigan habang nagmamaneho.




"Nandito lang ako sa bahay, I'm waiting for Tyron's friend may mga pinadala daw siya para sa akin." Nabangggit na ni Trisha noon kay Ellie ang tungkol sa pinsan na parating galing sa Paris. "Bakit ka napatawag?" May pag-aalala sa boses ni Trisha dahil kabisado na niya ang kaibigan kapag may mabigat itong problema.



"I need to talk to you. Mababliw ako kung wala akong makakausap."




"Pero hindi ako makakaalis ngayon may bisita akong parating." Biglang namoroblema rin si Trisha.




"Ako na lang ang pupunta diyan, ayaw kong makita ako ni papa na ganito dahil siguradong maghihinala yun."




"Okay, I'll wait for you and drive safely." Bilin ni Trisha. Tama nga ang kanyang hinala may mabigat na pinoproblema ang kaibigan.




Pagpasok ni Ellie sa solar nina Trisha ay agad niyangnapansin ang magarang sasakyan na naka park. Mukhang dumating na ang hinihintay na bisita ng kaibigan. Muli niyangsinipat ang ayos sa salamin bago umibis ng sasakyan, ayaw din naman niyang mapahiya sa bisita ni Trisha.




"Ellie! Halika ipapakilala kita kay Xander." Nakangiti si Trisha habang papalapit sa kaibigan. "Baka kapag nakita mo ang bisita ko tuluyan ka ng makapag move on kay Dale Rafael." Bulong pa nito sa kaibigan.

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now