Chapter 12 part 1

40.8K 1K 29
                                    

A.N.

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^

__________________________


Chapter 12 part 1

Naiinis si Dale Rafael sa naging takbo ng pag-uusap nila ni Ellie. Hindi siya makapaniwala na sumang-ayon siya sa mga kagustuhan nito.




"Wala na tayong dapat pag-usapan, nasabi ko na ang mga gusto kong mangyari." Kulang na lamang ay itaboy ni Ellie ang bisita. Kanina pa sila tapos mag-usap ni Dale Rafael pero mukhang wala pa rin itong balak na umalis.




"Gusto kong makausap ang papa mo." 




"Huwag mo ng idamay ang papa dito. Kalalabas lang niya sa hospital at isa pa ay wala naman kayong dapat pag-usapan." Protesta ni Ellie.




Napangiti si Dale Rafael habang titig na titig kay Ellie. Habang tinititigan niya ito ay lalong siyang gumaganda sa paningin niya.




"Mr. Monteverde hindi ko gusto ang ganyang klaseng mga ngisi mo. Kung may binabalak kang masama mabuti pa kalimutan mo na ang pinag-usapan natin."




"Ellie anak, sino ang kausap mo?" Tawag ni Edgardo, naiinip siya sa loob ng kuwarto niya kaya kahit nanghihina pa ay sinubukan niyang lumabas. Dinig na dinig niya ang malakas na boses ng anak na tila may nakikipag-argumento.





"P-Papa, bakit lumabas kang mag-isa?" Mabilis na inalalayan ni Ellie ang ama.





"Good afternoon Mr. Rodriguez." Tumayo si Dale Rafael at tinulungan si Ellie sa pag-alalay sa matanda.




"What are you doing here?" Nagtatakang nakatingin si Edgardo sa binata. "Ellie, anong ibig sabihin nito?" Baling niya sa anak. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawa nahinuha niya rin na ang binatang Monteverde ang dahilan kung bakit mukhang galit ang anak ngayon.




"May pinag-usapan lang po kami, paalis na rin po si Mr. Monteverde." Tinapunan ng makahulugang tingin ni Ellie si Dale Rafael.




"Actually sir I came here because I want to talk to you." Simula ni Dale Rafael wala siyang pakialam kahit ipahiya siya ni Ellie sa harap ng ama nito. Ang importante sa kanya ay may maiuuwi siyang magandang balita sa mga magulang.

Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon