Chapter 32 part 1

39.1K 927 57
                                    

Chapter 32 part 1

Kasalukuyang nag-aalmusal si Ellie ng ianunsiyo ng katulong na may bisita daw siya. "Manang sigurado ka bang ako ang hinahanap? Baka naman si ate." May pag-aalinlangang tanong niya.



"Kayo po talaga ma'am, sabi niya kaibigan daw ninyo siya."



Nagkibit balikat na lamang si Ellie, baka nga si Trisha ang naghahanap sa kanya. Lalo na mahilig itong basta na lamang sumusulpot kahit gaano pa ka busy ang schedule nito.



Naningkit ang mga mata ni Ellie ng mapagsino ang bisitang naghihintay sa living room. "Ano na naman ang kailangan mo?" Walang kangiti-ngiting bungad ni Ellie. Hindi nakakapagtakang nakapasok ito sa Village noong pinaimbestigahan niya ito ay napag-alaman niyang may bahay din dito ang mga magulang nito.



"Totoo ngang napakayaman ng napangasawa ng kapatid mo." May halong pang-uuyam ang boses ng babae habang iginagala ang paningin sa marangyang sala ng mga Villegas.



"Ngayong alam mo na kung gaano kayaman si kuya Ric...ibibilang mo na rin ba siya sa mga hinuhuthutan mo?" Nakangising baling ni Ellie, kitang kita niya ang pamumula ng mukha ni Martina. Hindi niya masasabi kung dahil sa pagkapahiya o dahil sa galit. Nakaramdam siya ng kasiyahan sa nakikitang reaksiyon nito.



Tumawa ng mapakla si Martina bago tumayo mula sa kinauupuan at hinarap si Ellie. "Huwag mo akong itulad sa'yo at sa kapatid mo." Galit na dinuro niya si Ellie.



Napapailing na tinitigan ito ni Ellie. Akmang iiwan na niya ito ng biglang hablutin ni Martina ang kaliwang braso niya, mabuti na lamang ay agad niyang nabawi ang balanse dahil kung nagkataon baka napahamak na siya at ang kanyang pinagbubuntis. Nakaramdam siya ng kaba dahil sa ginawa ni Martina.



"Huwag kang bastos Ellie, kinakausap pa kita! Masyado na yatang lumaki ang ulo mo. Akala mo ba totoo ang mga pinagsasabi sa'yo ni Dale Rafael? Napakadali mo talagang mabola... Hayan ang katibayan, nagbunga ang katangahan mo." Nanggigigil sa galit si Martina habang dinuduro nito si Ellie.





"Martina, I don't have time with your bitchiness. Alam ko ang dahilan kung bakit pilit mong pinagsisiksikan ang sarili mo kay Dale Rafael." Matapang na turan ni Ellie. Noon ay pinalampas niya ito dahil hindi niya pa lubos na kilala ang babae ngunit ngayong may hawak siyang mga impormasyong tungkol dito ay hindi na niya hahayaan na muling tapak tapakan nito.





Tinawanan lamang ni Martina ang sinabi ni Ellie at muling hinarap ito. "Nakakaawa ka talaga. Wala kang kaalam alam na niloloko ka na ni Dale Rafael dahil nalaman niya na napakaliit ng chance mo na mabuhay after giving birth to your child." Tila nakikisimpatiya ang boses nito ngunit kung titingnan ang kanyang mukha ay malalaman mong nang-uuyam lamang ito.



Halos hindi nakagalaw sa kinatatayuan si Ellie, hindi niya alam kung paano nalaman ni Martina ang tungkol sa sitwasyon ng pagbubuntis niya. Mahigpit na binilinan ng kanyang ate ang mga doctor niya na confidential ang sitwasyon niya.



"Alam mo ba na bukas na ang company anniversary nila? At kung talagang seryoso siya sa'yo dapat inimbitahan ka niya para ipakilala sa mga kaibigan nila." Patuloy ni Martina.



"Napag-usapan na namin ang tungkol diyan." Pagsisinungaling ni Ellie dahil ang totoo ay wala namang nabanggit si Dale Rafael tungkol dito. "At ang tungkol naman sa pagbubuntis ko mukhang nagkamali ka ng nakuhanan ng impormasyon." Kahit anong mangyari ay hindi aaminin dito ni Ellie ang kinakaharap na problema.



Inismiran lamang siya ni Martina bago muling nagsalita ito.



"Sayang wala kang invitation hindi mo masasaksihan ang engagement namin ng fake husband mo." Nalaman ni Martina na walang kaalam alam si Ellie tungkol sa totoong estado ng kasal nito kay Dale Rafael.





"Talagang itutuloy niyo ng lolo mo ang mga plano ninyo laban sa mga Monteverde. Kaya ikaw ang paboritong apo ni Don Emmanuel dahil magkasing itim kayo ng budhi." Mariing pahayag ni Ellie.





"Huwag mong idadamay dito ang lolo ko!" Akmang susugurin ni Martina si Ellie ng biglang may nagsalita.





"Sige ituloy mo at hindi ako magdadalawang isip na kaladkarin sa kahihiyan ang pamilya mo!" Pulang pula sa galit si Luisa. Buti na lamang ay may nakalimutan siyang importanteng mga papeles kaya binalikan niya ito kundi ay baka napahamak na ang kapatid.





"Umalis ka na Martina o baka naman gusto mong ipakaladkad pa kita." Sabay turo nito sa pintuan.



"Hindi pa tayo tapos Ellie." May pagbabanta sa tinig ni Martina bago tuluyang tumalikod.



Napabuntong hininga na lamang si Ellie ng mawala na sa paningin niya si Martina. Hindi talaga magandang idea na muling makipag-usap pa sa bruhang babaeng yun dahil mukhang mapapaaga ang kamatayan niya.





Hinarap naman ni Luisa ang kapatid. "Ellie, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag kang makipag-usap sa babaeng iyon."





Hindi pinansin ni Ellie ang sinabi ng kapatid."Ate, may nabanggit siya tungkol sa engagement nila ni Dale Rafael." Ang tngkol dito ang gumugulo sa isipan niya ngayon.





Matagal na hindi nakakibo si Luisa. Inaya niyang maupo ang kapatid sa tabi niya.





"Ate, may alam ka ba tungkol dito?" Muling tanong ni Ellie. Napansin niya na pag-aalala sa mukha ng kapatid.



Nagpakawala muna ng malalim na buntong hininga si Luisa bago nagsalita. "I heard that news last night. Nang tanungin ko ang kuya Ric mo tungkol dito ay wala rin siyang alam hindi natin alam kung gawa-gawa lang ni Martina ang tungkol sa engagement nila. We need to talk to Dale Rafael siya lang ang makakapagbigay ng totoong information sa atin."



"I'm gonna call him." Malungkot na tumayo si Ellie at nagpaalam na sa kapatid na magpapahinga muna. Kailangan muna niyang pakalmahin ang sarili bago makipag-usap kay Dale Rafael.

____________

A.N.

Please don't forget to vote and leave your comments ^^ 

Thank you

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now