Chapter 36 part 2

35.9K 871 59
                                    

Chapter 36 part 2

Pagkarating na pagkarating sa bahay ng bayaw ni Luisa sa Queensland ay agad siyang nakipag-ugnayan  sa hospital kung saan isasagawa ang operasyon ng kapatid mabuti na lamang ay maayos ang koordinasyon ng hospital nila sa Pilipinas. Naniniwala siya na makakaligtas ang mag-ina ayon na rin sa mga nakausap niyang mga doktor. Nakaschedule si Ellie for admission sa susunod na araw kaya naman aligaga siyang naghahanda ng mga pangangailangan ng kapatid.




Kasalukuyan siyang nasa kuwartong nakalaan sa kanya at nag-aayos ng mga gamit at ng mapadako ang paningin niya sa isa niyang maleta ay bigla siyang may naalala. Dali-dali niya itong kinuha at ipinatong sa ibabaw ng kama at sinimulang halungkatin. Pigil ang kanyang hininga ng makita ang hinahanap, nagdududa siya kay Martina kaya hindi pa rin niya maiwasang kabahan sa nilalaman ng envelope. Bubuksan na sana niya ang envelope na galing kay Martina ngunit nakarinig siya ng mahihinang katok mula sa labas. Dahil sa pagmamadali na alamin kung sino ang nasa labas ay basta na lamang niya nabitawan ang hawak.




"Ate Luisa, kuya Ric is on the phone may importante daw siyang sasabihin." Nakangiting bungad ng kapatid ni Ric.




Napakunot ang noo ni Luisa, mukhang may nakalimutan pang ibilin ang asawa kaya nagmamadali na siyang sumabay na bumaba sa bayaw.




Samantalang si Ellie naman ay hindi mapakali sa kanyang kuwarto kanina pa niya gustong umidlip ngunit hindi siya dalawin ng antok siguro dahil na rin sa nalalapit niyang operasyon  kaya minabuti na lang niyang puntahan ang kanyang ate Luisa para makipagkwentuhan at magpalipas ng oras.




Nakailang katok na si Ellie ngunit walang nagbubukas ng pinto sa kanya kaya sinubukan niyang pihitin ang seradura at laking tuwa niya ng hindi nailock ng kanyang ate. "Saan kaya iyun?" Bulong ni Ellie sa sarili. Akmang lalabas na siya ng mapansin niya ang isang envelope sa ibabaw ng kama naalala niya nang paalis na sila kanina ng Pilipinas ay parang may ikinubling sulat ang kapatid sa kanya kaya hindi na siya nagdalawang isip agad niya itong dinampot at binuksan.




Nanginginig ang buong katawan ni Ellie habang binabasa ang laman ng envelope. Nagsimula na rin siyang makaramdam ng kirot na nagmumula sa may bandang puson niya at ilang segundo pa ang lumipas ay lalong tumindi ang nararamdamang sakit. Dahan dahan siyang naupo sa may kama.




"Ellie, are you okay?" Nagmamadaling linapitan ni Luisa ang kapatid ng abutan niya itong namimilipit sa sakit.




"Ate si Dale Rafael..." Naluluhang turan ni Ellie.




"Don't worry darating siya sabi ng kuya Ric mo, nakiusap daw si Dale Rafael sa kanya kaya naman ibinigay niya ang address natin dito."

Love Begins Here (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα