Chapter 28 part 2

38K 1K 54
                                    

Chapter 28 part 2

"Dale Rafael, bibigyan kita ng pagkakataon na masilip ang kapatid ko." Seryosong turan ni Luisa at nagpatiuna na itong naglakad papunta sa kuwarto ni Ellie.




Binalingan ni Dale Rafael si Venice at sinabi rito na maaari na siyang iwan nito. At ng tuluyan ng makatalikod ang asawa ng pinsan ay nagmamadali niyang sinundan si Luisa.




"Ate Luisa, gusto ko rin sanang makausap si Ellie." Pagsusumamo ni Dale Rafael habang magkaagapay silang naglalakad.




Agad itong hinarap ni Luisa at seryosong tinitigan. "Huwag mo sanang abusuhin ang pagkakataon na ibinibigay ko sa'yo." Mariing turan nito. Kung alam lamang ni Dale Rafael ang nadarama niya ngayon dahil sa totoo lamang ay puno ng galit ang dibdib niya sa lalaking ito.




"Ate, please gusto kong mabuo ang pamilya ko at ikaw lang ang alam kong makakatulong sa akin." Pamimilit niya rito. Naisip ni Dale Rafael na hindi niya sasayangin ang pagkakataon na ito kailangan niyang makausap si Ellie para maayos na ang gusot sa pagitan nila at para rin makapagsimula na sila.




"Walang ibang makakatulong sa'yo kundi ang sarili mo rin." Umiiling na sabi ni Luisa.




Napahawak sa batok si Dale Rafael, hindi na niya alam ang gagawin kung paano kukumbinsihin si Luisa.




At nang makarating sila sa kuwarto ni Ellie ay muling binalingan ni Luisa si Dale Rafael. "Just stay here. Titingnan ko muna kung gising si Ellie."




"Ate please...."




"If she's awake you're not allowed to see her." Hindi pinansin ni Luisa ang pakiusap nito. Ang inaalala niya ngayon ay kung paano niya ipapaliwanag sa ama ang pagpayag niya na makita ni Dale Rafael ang kapatid. Nasisiguro niyang mahabang diskuayon ito sa pagitan nilang mag-ama.




Pagbukas ni Luisa sa pinto ay siya namang pagbungad ng kanyang ama.




"Papa, saan ka pupunta?"




"Bakit ba ang tagal mo? Akala ko ba okay na ang dis.." Hindi naituloy ng matanda ang sasabihin nang makita ang lalaking nakatayo sa tabi ng anak.

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now