Chapter 39 part 1

38.3K 896 29
                                    

Chapter 39 part 1

"Papa!" Mabilis na sambit ni Luisa ng makabawi sa pagkabigla.



"Mukhang napakaseryoso ng pinag-uusapan ninyo." May halong babala ang tingin ni Edgardo sa panganay na anak.




"Binibigyan ko lang nang instructions si Dale Rafael. Nakausap ko kanina ang doctor ni Ellie that's why I'm just relaying to him the instructions and I told them na baka hindi ako makadalaw ng ilang lingo kaya sa kanya ko na lahat binibilin." Kinakabahan si Luisa na baka makahalata ang ama na nagsisinungaling siya.




Napatango ang matandang lalaki bago nito hinarap si Ellie. "Kumusta na ang pakiramdam mo anak?" Malambing niyang tanong.




"Medyo okay na papa." Maikling tugon ni Ellie. Gustong gusto niya sanang tanungin ito tungkol sa kanyang anak ngunit may pinagkasunduan silang magkapatid at hindi rin naman niya maaatim na ipahamak ang kanyang ate Luisa.




Napangiti ang matanda nang marinig mula mismo sa anak na mabuti na ang kalagayan nito. "Basta magpagaling ka anak, wala nang dahilan para malungkot ka pa... nandiyan na si Dale Rafael sa tabi mo." Tinapunan nito ng tingin ang manugang na tahimik na nakaupo sa tabi ni Ellie.




"Papa, maraming salamat dahil binigyan ninyo ako ng isa pang pagkakataon." Simula ni Dale Rafael. Hindi na niya palalampasin ang pagkakataong ito, kailangan ng maayos ang relasyon sa biyenan para matapos na ang problema nila.




"Huwag mo sanang sayangin ang pagkakataon mong ito dahil sa susunod na saktan mo muli ang anak ko kahit mahal na mahal ka niyang si Ellie hinding hindi ka na talaga makakalapit sa kanya." Mahahalata pa rin sa tinig ng matanda ang galit na kinikimkim.




"Pangako po." Mabilis na tugon ni Dale Rafael.




"Hindi ko kailangan ang pangako mo ang inaasahan ko ay tutuparin mo ang mga salitang binitawan mo."




"Makakaasa po kayo." Pagsang-ayon ni Dale Rafael.




"Papa, ano ang nangyari sa baby ko?" Hindi na napigilan ni Ellie ang sarili, wala namang masama kung magtanong siya tungkol sa anak.

Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon