Chapter 15 part 2

42K 1K 47
                                    

Chapter 15 part 2

Kahit inaantok pa ay bumangon na rin si Ellie ng tumunog ang alarm clock. Kahit nagkaroon sila ng pagtatalo ng asawa kagabi ay hindi naman niya maatim na hindi ito ipagluto ng almusal. Nagtataka si Ellie habang papunta ng kusina, naamoy niya ang mabangong aroma ng brewed coffee. Lalong nanlaki ang mga mata niya ng pumasok sa dining room, may mga nakahain ng pagkain.



"Ma'am Ellie, good morning. Gusto mo na bang mag-almusal?"



"Manang Ansing, what are you doing here?" Tuwang tuwa si Ellie sa kaalamang makakasama niya ang matandang katiwala nila.



"Pinasundo ako kahapon ni sir Rafael para daw may makasama ka dito kapag nasa opisina siya at para hindi raw siya nag-aalala."



Napataas ang kilay ni Ellie, kailan pa nag-alala si Dale Rafael sa kanya. Sinarili na lamang niya kung ano man ang nasa isipan, hindi puwedeng malaman ni Manang Ansing ang tungkol sa totoong relasyon nila ni Dale Rafael dahil siguradong magsusumbong ito sa kanyang papa. Hindi na niya mapapatawad ang sarli kung may mangyayaring masama na naman sa ama dahil sa kanya.



Nagulat si Ellie ng biglang sumulpot si Dale Rafael. "Bakit hindi ka pa bihis?" Bungad nito.



Nang lingunin ni Ellie ang asawa ay bagong ligo na ito. "Bakit?" Nagtatakang tanong ni Ellie.



"Tumawag ang mama kagabi, sa mansion daw tayo mag-aalmusal. Magbihis ka na maaga pa naman." Utos ni Dale Rafael sa asawa.



Pagdating nila sa mansion ay tuwang tuwa siyang sinalubong ng biyenan.



"Kumusta ka na Ellie?" Mabilis na niyakap ni Althea ang manugang. "Dale Rafael, pinababayaan mo ba ang asawa mo? Bakit parang ang laki ng ipinayat niya?" Pinandidilatan nito ang anak habang nagsasalita. Hinila niya si Ellie sa isang bench na nasa garden.



"Talaga lang pong wala akong ganang kumain nitong mga nakaraang araw."  Si Ellie na lang ang sumagot sa biyenan.



Inakbayan ni Dale Rafael ang asawa ng tumabi siya sa kinauupuan nito. Na guilty siyang bigla dahil hindi niya alam na nahihirapan pala si Ellie sa pagbubuntis pero wala siyang naririnig na reklamo mula rito.



"Nahirapan lang si Ellie kasi almost one week din kaming walang helper pero kagabi dumating na si Manang Ansing." Pagsisinungaling ni Dale Rafael sa ina.



"Why didn't you tell me?! Pinabayaan mong gumawa ng gawaing bahay ang asawa mo." Galit na baling ni Althea sa anak. "Mas makakabuti siguro kung dito muna si Ellie, para maasikaso siyang mabuti."

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now