Chapter 35 part 2

35.8K 778 46
                                    

Chapter 35 part 2

"Ready?" Putol ni Luisa sa pagmumuni-muni ng kapatid. Kanina pa niya kinakatok si Ellie at nang walang nagbubukas ng pinto sa kanya ay minabuti na niyang pasukin ito. Agad na bumungad sa kanya ang dalawang malalaking maleta nito. 




Malungkot na tumango si Ellie, ngayong paalis na sila ay tumindi ang kabang nararamdaman niya. Lalong nabalutan ng takot ang kanyang dibdib, hindi man niya maamin at natatakot din siya na baka hindi maging matagumpay ang isasagawang operasyon sa kanya. "Ate, kinakabahan ako." Hindi na niya napigilang bulalas sa kapatid.





"Ellie, just relax and be optimistic. Alam ko na malalampasan natin ito." Pagpapalakas niya ng loob sa kapatid. 





"Alam na ba ng papa na ngayon ang alis natin?" Biglang naawa sa ama si Ellie dahil magmula ng ma- diagnosed siya na may problema ang pagbubuntis niya ay hindi na muling nakauwi sa probinsiya. 




"Nakausap ko na ang papa, ang sabi niya bago daw ang schedule ng operasyon mo darating siya." 





"How's the mango farm?" Wala na siyang naging balita sa mga nangyayari sa negosyo nila, hindi niya alam kung nakabawi na ba ang farm nila. 




"Alam mo iyan ang good news ko sayo." Matamis ang pagkakangiti ni Luisa. "Sinabi sa akin ng papa na may bago na daw siyang kliyente at pumirma ito ng ten years contract." Masigla ang boses ni Luisa habang nagsasalita. 





"Wow! This is really a good news." Biglang naging masigla ang pakiramdam ni Ellie dahil ang ibig sabihin nun ay hindi na namomoroblema ang ama.  "Kilala mo ba yung bagong kliyente ng papa?" 




"Hindi ko na naitanong kay papa masyado akong na overwhelm nang malaman kong nagiging maayos na ulit ang farm natin." 




Napatango na lamang si Ellie. 




"In 30 minutes aalis na tayo, ayusin mo na ang sarili mo. Nasa akin na lahat ng mga documents na kakailanganin mo." Pag-papaalala ni Luisa sa kapatid. 




"Ate, tumawag na ba si Dale Rafael?" Alanganing tanong ni Ellie. 

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now