Love Begins Here (Completed)

By terelou1220

3.5M 84.1K 3.3K

FINALE More

Prologue
Chapter 1 part 1
Chapter 1 part 2
Chapter 2 part 1
Chapter 2 part 2
Chapter 3 part 1
Chapter 3 part 2
Chapter 4 part 1
Chapter 4 part 2
Chapter 5 part 1
Chapter 5 part 2
Chapter 6 part 1
Chapter 6 part 2
Chapter 7 part 1
Chapter 8 part 1
Chapter 8 part 2
Chapter 9 part 1
Chapter 9 part 2
Chapter 10 part 1
Chapter 10 part 2
Chapter 11 part 1
Chapter 11 part 2
Chapter 12 part 1
Chapter 12 part 2
Chapter 13 part 1
Chapter 13 part 2
Chapter 14 part 1
Chapter 14 part 2
Chapter 15 part 1
Chapter 15 part 2
Chapter 16 part 1
Chapter 16 part 2
Chapter 17 part 1
Chapter 17 part 2
Chapter 18 part 1
Chapter 18 part 2
Chapter 19 part 1
Chapter 19 part 2
Chapter 20 part 1
Chapter 20 part 2
Chapter 21 part 1
Chapter 21 part 2
Chapter 22 part 1
Chapter 22 part 2
Chapter 23 part 1
Chapter 23 part 2
Chapter 24 part 1
Chapter 24 part 2
Chapter 25 part 1
Chapter 25 part 2
Chapter 26 part 1
Chapter 26 part 2
Chapter 27 part 1
Chapter 27 part 2
Chapter 28 part 1
Chapter 28 part 2
Chapter 29 part 1
Chapter 29 part 2
Chapter 30 part 1
Chapter 30 part 2
Chapter 31 part 1
Chapter 31 part 2
Chapter 32 part 1
Chapter 32 part 2
Chapter 33 part 1
Chapter 33 part 2
Chapter 34 part 1
Chapter 34 part 2
Chapter 35 part 1
Chapter 35 part 2
Chapter 36 part 1
Chapter 36 part 2
Chapter 37 part 1
Chapter 37 part 2
Chapter 38 part 1
Chapter 38 part 2
Chapter 39 part 1
Chapter 39 part 2
Chapter 40
Epilogue

Chapter 7 part 2

40.1K 1K 40
By terelou1220

A.N. 

Happy reading!!! ^ ^

Please don't forget to vote and leave your comments. Thanks :)

________________________

Chapter 7 part 2


Kinakabahan si Ellie habang hawak ang telepono at titig na titig sa hawak na papel kung saan nakasulat ang telephone number ng mansion ng mga Monteverde. Umaasam siya na si Dale Rafael ang makasagot sa tawag.



Halos manginig ang boses niya ng may sumagot sa kabilang linya. "Good afternoon po, may I talk to Dale Rafael?" Magalang na bungad ni Ellie.




"I'm sorry hija, pero wala dito ngayon ang panganay ko." Malumay na tugon ni Althea. Naghihinala na siya na isa na naman ito sa mga naging babae ng anak.




Nahigit ni Ellie ang hininga ng mapagtanto na ang ina ng binata ang kausap sa kabilang linya."Tatawag na lang po ulit ako. Maraming salamat."




"Wait... Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Habol ni Althea, kahit sa telepono lang niya kausap ito ay parang ang gaan ng loob niya sa babae.




"Ellie Rodriguez ma'am."




"Ellie Rodriguez..." Ulit ni Althea sa sinabi ng kausap. Ito ang matagal na niyang hinihintay ang makausap ang dalaga na tinutukoy ni Luisa Villegas. "Ellie, may ginawa bang kalokohan ang aking anak sa iyo?" Walang paligoy-ligoy na tanong ni Althea.




"N-Naku w-wala po ma'am. May aapply lang po sana ako ng trabaho hindi ko po alam na number pala ninyo sa bahay ang naibigay sa akin ng kaibigan ko." Pagsisinungaling ni Ellie, natakot siyang bigla na umamin sa ina ni Dale Rafael.





"Kung may ginawang kalokohan ang anak ko sa iyo huwag kang matatakot na magsabi sa akin." Nararamdaman ni Althea na nagsisinungaling ang kausap.




"Wala po talaga ma'am."




"I'll just give you his private number in his office,para makapag-usap kayo. Mas mainam kung personal mo siyang pupuntahan sa opisina niya, itatawag ko sa secretary niya na darating ka."




"Hindi po ako makakarating ngayon, nasa probinsiya pa po ako."




"That's okay, I'll just inform them para aasikasuhin ka nila doon. Hindi kasi nakikipag-usap si Dale Rafael kung walang appointment kaya mabuti na lang dito ka tumawag."





"Salamat po ma'am." Unti-unti nang napapanatag ang kalooban ni Ellie.





"Just call me tita, ayoko ng ma'am dahil ang pakiramdam ko parang ang tanda ko na." Sinabayan pa ng mahinang tawa ni Althea.





"Okay po t-tita." Nahihiyang sabi ni Ellie.

Nang maibaba niya ang telepono ay napagtanto ni Ellie na mabait ang ina ni Dale Rafael ang hindi niya lang alam kung bakit ang sama ng ugali ng binata.




"Ellie! Kanina pa ako kumakatok." Nakasimangot na bungad ni Trisha.




"Sorry hindi ko narinig."




"Kasi naman paano mo ako maririnig ang lalim ng iniisip mo." Sabay tabi nito sa kaibigan.




"Kausap ko si Mrs. Monteverde kanina."




Nanlaki ang mga mata ni Trisha. "Really? Si Athea Monteverde?" Halos hindi makapaniwalang bulalas nito.




Marahang tango ang tugon ni Ellie.




Bago muling nagsalita si Trisha ay inilibot muna niya ang paningin sa kabuuan ng beach house. "Si tito Edgardo?"




"Wala pa siya, pero parating na yun."




"Maglakad lakad muna tayo sa labas, natatakot ako na maabutan tayo ni tito." Nauna ng tumayo si Trisha.




Sumanga-ayon naman si Ellie sa kaibigan dahil hindi pa siya handa para sabihin sa ama ang kalagaya ngayon. Bago tuluyang lumabas ay dala niya ang kanyang cellphone mas mainam kung susubukan na rin niyang tawagan si Dale Rafael ngayon.





"Sinong tinatawagan mo?" Nakakunot ang noon ni Trisha.




"Si Dale Rafael, ibinigay sa akin kanina ni tita Althea ang private number niya sa opisina."




Nanahimik na lamang si Trisha kahit gusto niyang salungatin ang kaibigan ay hindi niya magawa. Pilit na lamang niyang inuunawa ito.





Samantalang si Dale Rafael ay abala ng mga sandaling yun dahil may mga deal silang dapat maayos sa araw din na yun. Mahigpit niyang ibinilin sa sekretarya na walang puwdeng umistorbo sa kanya maliban ang mga magulang at mga kapatid.





Napabuntong hininga siya ng biglang mag ring ang private line niya. Walang ibang tumatawag dito kundi ang mga kapamilya lamang. Kaya laking gulat niya ng boses ng babae ang nasa kabilang linya at nasisiguro niyang hindi ito ang kanyang ina.





"Who's this?" Inis na tanong niya.





Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Ellie ng marinig ang boses ng binata. "T-This is E-Ellie R-Rodriguez."





Lalong nainis si Dale Rafael ng marinig ang pangalan ng babae sa kabilang linya. Naisip niya kung kanino kaya nakuha ng babaeng ito ang private number niya, wala siyang matandaan na nakakaalam nito kahit sa mga kaibigan ay hindi niya pinapaalam ang private line.





"Look lady, I'm busy and I'm in the middle of the meeting right now." Walang pakundangang tugon ni Dale Rafael.





"Dale, we need to talk." Buo na ang loob ni Ellie ng mga sandaling yun para sa kanya ito na ang pagkakataon na makausap ang binata.





"Mahirap ka talagang umintindi, okay I'll tell you frankly.... Ayaw na kitang makausap, hindi ka naman lugi dahil 7 million din ang naipahiram ko sa tatay mo." Bruskong pahayag ni dale Rafael, wala siyang pakialam kahit masaktan ang damdamin ng kausap ang mahalaga ay maiparating niya dito ang gusting mangyari.





Nang marinig ni Ellie ang sinabi ni Dale Rafael ay namalayan na lamang niya nag-uunahan ng tumulo ang mga luha. Naramdaman din niyang hinablot ng kaibigan ang hawak sa cellphone at mabilis na ini off.





"Sabi ko na sa iyo na huwag ka ng makipag-usap sa walang hiyang lalaking yun eh." Sermon ni Trisha habang hinahagod ang likod ng kaibigan.





"Tama ka Trish, napakasama nga niya." Tuluyan ng napahagulgol si Ellie.

Continue Reading

You'll Also Like

93.9K 2.8K 45
He just wants to be with her. But she has dreams--- which doesn't include a future with him.
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
11.4M 125K 55
Noon Si Dr. Nick Jensen ang nagmahal kay Atty. Jenna Rodriguez ngunit tinanggihan niya ang pagmamahal na iyon. Ngayon Si Atty. Jenna Rodriguez naman...
111K 2.6K 38
When games aren't playful anymore, how will they play?