Love at First Sight

By MyTrixietrix

90.9K 3.6K 195

Love at first sight More

PROLOGUE
First One
Second One
Third One
Fourth One
Fifth One
Sixth One
Seventh One
Eight One
Ninth One
Tenth One
Eleventh One
Twelfth One
Thirteenth One
Fourteenth One
Fifteenth One
Sixteenth One
Seventeenth One
Eighteenth One
Nineteenth One
Twentieth One
Twentyfirst One
Twenty-second One
Twenty-third One
Twenty-fourth One
Twenty-Fifth One
Twenty-Sixth One
Twenty-Seventh One
Twenty-Eight One
Twenty-Ninth One
Thirtieth One
Thirty-First One
Thirty-Second One
Thirty-Third One
Thirty-Fourth One
Thirty-Fifth One
Thirty-Sixth One
Thirty-Seventh One
Thirty-Eight One
Thirty-Ninth One
Fortieth One
Forty-First One
Forty-Second One
Forty-Third One
Forty-Fourth One
Forty-Fifth One
Forty-Seventh One
Forty-Eight One
Forty-Ninth One
Fiftieth One
Fifty-First One
Fifty-Second One
Fifty-Third One
Fifty-Fourth One
Fifty-Fifth One
Fifty-Sixth One
Fifty-Seventh One
Fifty-Eight One
Fifty-Ninth One
Sixtieth One
Sixty-First One
Finale

Forty-Sixth One

1.3K 59 6
By MyTrixietrix

Forty-Sixth One


Hiniram ni Mommy at Daddy si Julie sakin. Nasa music room sila. Siguro, ibibigay na nila ang regalo nila kay Julie. Umupo muna ko sa sofa. Naghintay ako dun hanggang sa lumabas na si Mommy at Daddy. Tumayo naman ako. Nakita ko si Julie na nakangiti sakin. 


"Hey Yam.." 


Lumapit ako sakanya. Nakita ko na may suot siyang kwintas. Napatingin ako kay Mommy at Daddy. 


"The book is mine. The necklace..." 


Tumingin si Mommy kay Daddy. 


"Dad.." 


"Gift ko kay Julie. Wag ka ng umangal. Alam ko naman na mas mayaman ka na sakin pero hayaan mo naman na bigyan ko ng ganyan ang anak ko." 


Anak..nakakatuwang isipin na simula palang noong una, anak na ang trato nila kay Julie. Tumango naman ako. 

Bumalik na sila sa garden. Naiwan kami ni Julie. 


"Grabe. Parang nanlumo naman ako sa mga niregalo sayo ng mga kapatid ko. Lalo na sa regalo ni Mommy at Daddy." 


Nahampas naman niya ko. 


"Ewan ko sayo, Yam." 


"Parang wala namang kwenta yung regalo ko sayo." 


"Adik ka Yam. Yung sayo nga travel around the world ticket ata yun eh. Mas bongga kaya. Tsaka wala naman akong hinihiling mula sayo. Ikaw palang sapat na." 


Napangiti naman ako. "Ganun ba yun? Eh paano kung gusto ko mas ilevel up ko pa ang regalo ko?" 


Napakunot noo siya. "What?" 


"Tara." 


Niyaya ko naman siya sa labas. Nakita ko na kumpleto na din ang mga kapatid ko at kapatid ni Julie. Kumakain sila ngayon ng ice cream. 


"Oh? Gusto niyo kumain?" 


Umiling naman ako. "Papa? Mama? Pwede po kaming umalis ni Julie? Mag roadtrip lang po kami." 


"Pwede naman." Sabi nila. 


"Teka, wala ka namang dalang car ah? Nagpadala ka ba o gagamitin mo yung van natin?" 


Napakamot ako sa ulo ko. 


"Oo nga pala wala akong dalang kotse." 


"Gusto mo ba talaga mag roadtrip? Yung kotse ko gusto mo yun nalang gamitin natin?" 


Napangiti naman ako. Umiling nalang ako sakanya. 


"Eh paano?" 


"Wag na tayo mag roadtrip." 


Huminto muna ko sandali. Tinaas ko ang kamay ko at pumitik ako sa ere. 


"Skytrip tayo." 


Biglang may narinig kami na tunog ng helicopter. Nasa itaas lang yun. Halos liparin naman ang buhok namin sa sobrang lakas ng hangin. 


"Yam.." 


Nginitian ko lang si Julie. Maya maya bumaba na ang helicopter. Hindi naman ganun kalaki yun. 


"Yam? Sasakay tayo dyan?" 


Tumango naman ako. "Oo. Dadalhin kita sa lugar kung san ko ibibigay sayo ang regalo ko." 


"Ha? Eh may regalo ka na sakin." 


"Siyempre, hindi naman ako papatalo sa mga regalo sayo ng kapatid ko." Biro ko. 


Nahampas nanaman niya ko. Tumingin ako sa pamilya namin. 


"Itatakas ko lang po ang soon to be misis ko." 


Ngumiti naman sila samin. Sumakay naman kami ni Julie sa helicopter. Unti unti na yung umangat hanggang nasa itaas na kami. 


"Woah. Grabe, pakiramdam ko ako si Anna ng fifty shades of grey." 


Natawa naman ako sa sinabi niya. 


"You're more than that." 


Nakita ko sa mata ni Julie na tuwang tuwa siya na makita ang iba't ibang kulay ng ilaw at naglalakihang building sa paligid na nadadaanan namin. Lumapag ang helicopter na sinasakyan namin sa isang malaking field. Bumaba naman kami. Iniwan na muna kami ng mga nagmaneho nung helicopter. 


"Oh? Anong gagawin natin dito?" 


Ngumiti ako sakanya. Tulad kanina, tinaas ko ulit ang kamay ko at pumitik. Biglang may mga iba't ibang ilaw ang nagsibukas. Tapos nagsiliparan naman ang nga helicopter sa ibabaw namin habang sinasabuyan kami ng rose petals. 


"E..Elmo.." 


Hinawakan ko ang kamay niya. 


"Ilang beses na tayong nagkaayaan ng kasal pero isang beses palang kitang nabigyan ng ganito. Diba hindi pa naman yun ang formal engagement ring na binigay ko sayo nung nasa Paris pa tayo?"


Hindi nakapagsalita si Julie. Kita mo sakanya ang pagkamangha at pagka gulat. Lumuhod ako sa harap niya. May puting rosas na may stem ang nahulog sa ibabaw namin. Pinulot ko ang isa dun. Binigay ko sakanya. 


"Julie..yam ko.." 


Hinalikan ko ang kamay niya. 


"Gagawin ko ng pormal ang lahat. This time, totoo na ito. Totoong totoo." 


May kinuha ako sa bulsa ko. Orange box. A small box. 


"Kahit alam kong yes ang isasagot mo.." 


Natawa naman siya. Natatawa siya na naiiyak. 


"Biro lang. Kahit na alam kong yes ang sagot mo kasi ilang beses na din naman nating nagawa ito. Still, gusto ko formal. Yung maayos. Yung pinaghandaan." 


Binuksan ko yung box. 


"Ilang ulit ko ng natanong sayo ito..pati ikaw nagtanong narin nito sakin.." 


"Moe.." 


Huminga ako ng malalim bago..


"Will you marry me, Ms. Julie Anne San Jose? My future Mrs. Elmo Magalona?" 


Imbis na sagot ang nakuha ko sakanya. She held my face..


"Woah.." 


Nasabi ko after ng intense na halik niya. 


"Yes." 


Niyakap ko siya at pinaikot-ikot sa ere. I really love this girl. Pagkatapos nun naupo kami sa lapag na punong puno at nagkakalat na rose petals. Nagulat ako ng bigla siyang humiga. 


"Oh? Pagod ka na? Gusto mo iuwi na kita?" 


Umiling naman siya. "Nope. Ayoko pa. Dito na muna tayo. Ang bango bango ng paligid." 


Napangiti naman ako. Tumabi na ko sakanya at nahiga din sa tabi niya. Tahimik lang kami tapos bigla siyang tumingin sakin. 


"Why?" 


"Ilang weeks palang tayo magkakilala." 


"Yes pero pakiramdam ko kilalang kilala na kita." 


Natawa naman siya. "Same." 


"May mga bagay pa ba kong dapat malaman sayo? May mga bagay pa ba kong hindi pa alam tungkol sayo?" 


Nag-isip naman ako. 


"Ano bang gusto mong malaman?" 


"Hmm..si Liza ba ang first love mo?" 


Napatingin ako sa langit. 


"Hindi."


"Eh sino?" 


"5 years old ako nun.." 


5 years old ako ng makilala ko ang first love ko. Ring bearer ako sa isang kasal. After kong ihatid ang singsing, umalis ako sa simbahan. Naiinip kasi ako dun. Naglakad lakad ako hanggang sa nakarating ako sa garden ng simbahan. May duyan dun kaya pumunta ako dun at nahiga. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng may batang naghagis sakin ng manika. 


"Ikaw bata! Pwesto ko yan!" 


Tiningnan ko yung bata. Babae siya. Maganda siya pero ang sungit. 


"Wala naman ikaw pangalan dito eh." 


"Eh! Ako una dyan!" 


"Ako kaya!" 


Nagtatalo kami ng bigla siyang umiyak. Nataranta naman ako kasi kahit na nakikipagtalo ako sakanya, ayokong paiyakin siya.  


"Wag na ikaw iiyak." 


Lumapit ako sakanya. Hindi parin siya tumitigil. Kumuha ako ng bulaklak at binigay sakanya. 


"Wag ka ng umiyak." 


Napatingin naman siya sakin. Hindi pa niya kinukuha ang bulaklak na binigay ko. 


"Akin na.." 


Kinuha niya. Napangiti naman ako. 


"Gusto mo tabi tayo?" 


Tumango naman ako. Umupo kami sa may duyan. Kita ko pa din sa mata niya ang luha. Basang basa ang mata niya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko. 


"Here.." 


Ngumiti naman siya sakin. Ang ganda ng ngiti niya. Para kong na love at first sight. 


"Thank you." 


At siya ang first love ko. 


"Hindi mo nakuha ang pangalan niya?" 


"Hindi eh.." 


Tumango naman siya. Humiga siya sa may dibdib ko. 


"Kung hindi mo kaya ako nakita sa simbahan sa Paris, sino kaya ang fiancee mo ngayon?" 


Hinaplos ko ang buhok niya. 


"Wala." 


"Ha?" 


Tumingin siya sakin. 


"Wala akong fiancee ngayon kung hindi kita nakita noon sa Paris. Pero kahit wala akong fiancee, maghihintay ako na dumating siya. Hihintayin kita.." 


Ngumiti naman sakin si Julie. 


"I love you, Moe.." 


"Mahal din kita." 


Hinalikan ko siya sa labi. Isa sa mga pinaka magandang gabing kasama ko siya. 


To be continued..

Continue Reading

You'll Also Like

815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
1.7K 110 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"
113K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
121K 4.5K 43
Is it worth it to invest feeling to someone who never appreciate your existence? On-going