JASPER, The Demon Slayer

By DyslexicParanoia

4.3M 120K 14.3K

Katropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng prope... More

Jasper, the Demon Slayer [Wattpad Version]
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
UKOL SA IKALAWANG BAHAGI
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES
3rd Batch for JTDS Limited Book Collector's Edition is now open!

KABANATA 51

30.7K 1K 163
By DyslexicParanoia

Jordanna's P.O.V.

One dinner time at my parent's house...

"Mahal..." Malambing na pagtawag ni Daddy kay Mommy, habang nakaabang na ang kutsarang may kanin at ulam sa bibig ni Mommy.

Natawa si Mommy, "Ano ka ba naman, Jon. Bakit ba sinusubuan mo pa 'ko?" pero ngumanga rin naman ito para isubo ang pagkaing iniaalok ni Daddy sa kanya.

"S'yempre, ikaw ang reyna ng buhay ko eh." Nakangiting sagot ni Daddy. Naglalagay itong muli ng kanin at ulam sa kanyang kutsara mula sa kanyang plato.

Napahagikhik si Mommy habang nginunguya ang pagkaing isinubo sa kanya. Napalingon ako kay Jasper na napapailing naman sa ginagawa ng mga magulang ko. Nakasimangot ito.

Gano'n din ang naging reaksyon n'ya nung nagpunta kami sa bahay ng parents n'ya no'ng isang araw, na para bang, hindi n'ya nagugustuhan ang nag-uumapaw na sweetness ng aming mga magulang.

"Ok ka lang ba?" ako kay Jasper, habang nagmamaneho na ito pauwi sa nilipatan naming bahay.

"Oo naman, bakit?" hindi man lamang ito tumingin sa akin.

"Para kasing... Ah, wala."

Napasulyap ito sandali, bago muling tumingin sa kalye. "Say it!"

Nag-isip muna ako. "Parang hindi mo gusto 'yung sweetness ng mga parents ko."

"Hindi naman sa ganun." Aniya, "Ang sa akin lang, hindi naman nila kailangang magpaka-O.A. sa pagiging perfect example. Hindi mo ba nahahalata?"

"Ang alin?"

"Na parang nananadya na lang sila. Na parang ginagawa lang nila 'yun sa ating harapan para tularan natin sila."

"Bakit mo naman nasabi 'yun?"

"C'mon. Do you actually believe na after all these years na magkakasama sila, ganun pa rin sila ka-sweet?"

"Why not?"

"Because..."

"Because what?"

"Because every relationship has stages. Sa stage ng ligawan o maybe up to two years of being married, posible na maging totoong ganyan nga sila ka-sweet. But observe as children come and marital responsibilities gets on the way. Nagbabago na."

"Bakit? Hindi ba consistently sweet ang parents mo?"

"Si Mommy lang ang ganun." Aniya, "Which is quite normal dahil ang mga babae lamang naman usually ang hindi maka-outgrow sa first stage. Ang kaso mo, kaming mga lalake, we move forward. We live in reality and not in the fantasy land of the hopeless romantics."

"Pero bakit ang Daddy ko, s'ya ang mas sweet sa Mommy ko?"

Napatawa s'ya, "Iba naman kasi 'yung Daddy mo."

"Pa'nong naiba?"

"He's weird, remember?"

"Kailan pa naging wierd ang pagiging sweet?" nakasimangot na ako.

Natahimik s'ya. Maya't-mayang sinusulyapan ako nang makahulugan.

"Are you expecting me to be like your Dad?" matapos n'yang inihinto ang sasakyan sa labas ng gate ng nilipatan naming bahay. "Gusto mo rin akong maging wirdo? Topakin? Under de Saya?" nakangisi s'ya. "I'm sorry Hun, I can only be my awesome self."

Nagulat ako. Hindi ko akalain na sasabihin n'ya sa akin 'yun in the most insulting way. Kahit naman totoong topakin at wirdo ang Daddy ko, mahal ko 'yun at hindi ko gusto na pinipintasan na lamang ito basta-basta ng kahit sino. Kahit na si Jasper pa 'to.

"Sure, you can always be you, you self-centered asshole!" Bulong ko—bagama't sinigurado ko na narinig n'ya 'yun bago ako nagdali-daling bumaba ng sasakyan.

"Hey!" Sigaw n'ya. Bumababa na rin. "What the hell is that supposed to mean?" sambakol ang mukha n'ya.

Hindi ko na ito pinansin. In-unlock ko ang gate at saka dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay.

"Jordanna!" Nang naro'n na kami sa salas.

Huminto ako sa paglalakad, nilingon s'ya—nanlilisik ang nga mata "What?!"

"Anong what?!" Nakapamaywang s'ya, "May mali ba sa sinabi ko? Totoo namang topakin ang tatay mo di ba? Wirdo at Under de--"

Hindi pa man din ito natatapos, nilapitan ko na ito at sinuntok ng isang malakas sa kaliwang panga. Napaatras ito—hawak-hawak ang pangang sinuntok ko.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Well at least he knows how to forget about himself para mapasaya ang Mommy ko." Nag-aabot-abot na ang paghinga ko. Naiiyak. "Iniaalay n'ya ang buhay n'ya sa kapakanan ng pamilya n'ya. Hindi katulad mong hambog, pero duwag naman! Nagpapakamatay, para lamang matakasan ang kanyang responsibilidad!"

Natahimik ito. Unti-unting tumalim ang tingin sa akin.

"Ano?!" Bulyaw ko. "Ikaw pa ba ang magkakaganang magalit sa akin? Bakit? Hindi ba't pagiging makasarili 'yung alam mo nang nasa panganib pa ako, basta mo na lamang sasaksakin ang sarili mo at iiwanan ako pati na rin ang mga kasamahan mo?!" Lumapit ulit ako bago ko ito sinapak sa dibdib. Hindi man s'ya gaanong natitinag, alam kong nararamdaman din n'ya ang sakit ng bawat hampas ko. "Pa'no kung hindi ka na pinabalik, ha? Iiwanan mo lamang ako ng gano'n na lang at ang mga anak mo? Putang ina mo, Jazz! Maaari ngang mas lamang ka dahil sa ipinagmamalaki mong dugong nananalaytay sa iyong ugat. Pero walang-wala ka sa kalingkingan ng Daddy ko sa pag-aalala at pagbabantay n'ya sa aking ina at sa aming magkakapatid." Dinuro ko ang mukha n'ya, "H'wag na h'wag mo s'yang mamaliitin kung ayaw mong magkalimutan tayo." Nag-walk out na ako nang tuluyan patungo sa aming silid at do'n tuluyang umiyak.

Kung kay Daddy ito at si Mommy ang nagalit sa kanya. Tumitiklop na siguro ang tuhod nito para lumuhod sa paghingi ng tawad—hahabulin ako upang paamuin para hindi na ako magalit. But Jasper is right; he is not like my Dad...he's 'unfortunately' not even close to him—or to tito Jason, as a family man.

Sa halip na katok sa pinto, isang malakas na pagpapaharurot ng sasakyan ang nadinig ko mula sa labas.

Umalis na naman s'ya.

Iniwanan na naman n'ya akong muli.

Kailan na naman kaya s'ya babalik?

Bukas?

Sa makalawa?

Sa isang linggo?

Sa Isang buwan?

Ganito na s'ya mula nang nabuhay s'yang muli. Parating abala sa maraming bagay. Wala halos oras para sa pamilya. Lumalayas kahit may problema pa kami. Binabalewala ako, h'wag lamang ang mapabayaan n'yang muli ang kanyang hukbo.

Kapag kailangan namin puntahan ang aming mga magulang, umuuwi s'ya, pupunta kami nang magkasama na tila normal na mag-asawa. Pero tulad ngayon...idina-drop off lamang n'ya ako sa bahay, para makaalis muli.

Lumalaki na ang tiyan ko pero parati naman s'yang wala. Mabuti na lamang talaga at pumayag ang hipag kong si ate Helena na do'n muna sa amin tumira. Ang kaso mo, naiinggit naman ako sa kanya, lalo na kapag dinadalaw s'ya ni kuya Paolo.

Ang sweet nila. Parang mga parents ko at parents ni Jazz. Kung makapag-PDA akala mo, walang tao sa paligid. Ang swerte ni ate Helena kay kuya Paolo. Kahit na alam namin na abala ito dahil sa nature ng kanyang trabaho, hindi n'ya nakakalimutang dalawin o tawagan si ate Helena. Samantalang ako, ni tawag o text, wala. Naghihintay na lamang parati na magmilagrong maalala ako ni Jazz.

"Paolo ano ba? Nakikiliti ako." Ani Ate Helena, na nasundan ng halakhak. "Wag ka ngang makulit baka marinig tayo ni Jordanna." Naro'n lamang sila sa kabilang k'warto.

"Miss na miss na kita eh. Umh." Mahinang sagot ni kuya Paolo.

"I miss you too. Pero h'wag mo kasi akong kilitiin."

"Ok."

Natahimik nga sila, pero dahil na rin sa napakatahimik sa aming lugar, naririnig ko pa rin ang mahinang langitngit ng kanilang kama—maging ang kanilang mga impit na pag-daing habang nagtatalik ang mga ito sa kabilang silid.

***

"Hoy!" Sigaw ni Ate Helena sa may salas.

Nasa kusina man ako, naririnig ko pa rin 'yun.

Dumating na si Jasper. Tatlong araw mula noong huli.

"H'wag mo ako sesermunan Helena. Pagod ako." Sagot ni Jasper na sinundan naman ng nalakas na pagbalibag ng pinto sa pintuan ng aming silid. Napa-iktad ako sa lakas noon.

"Ewan ko sa 'yo!" Sigaw ni ate Helena, na unti-unti ko nang nararamdamang papunta na sa akin sa kusina. "Hay naku Jordanna, ako ang naha-highblood d'yan sa asawa mo." Umupo ito sa highchair sa may island at do'n nangalumbaba. Inabutan ko ito ng isang tasang kape.

Hindi na ako umimik. Umupo na rin lamang ako sa isa sa mga highchair matapos kong ikuha ang sarili ko ng isang basong gatas.

"Eto sincere 'to ha?" sabi sa akin ni Ate Helena, matapos n'yang humigop ng kape, "Kung dumating man ang panahon na magsawa ka na at iwanan na lamang ang aking talipandas na kapatid. Witness mo ako. I'll back you up." Nakangiti s'ya.

Nginitian ko s'ya pabalik.

"Uy, may pa-coffee ba?" ani kuya Paolo. Bigla na lamang itong lumitaw sa may pintuan.

"Hi babe." Pagbati ni ate Helena sa kanya. "Nag-brew si Jordanna, help yourself and join us."

Lumapit muna si Kuya Paolo para halikan si Ate Helena bago nito ikinuha ang sarili ng kape, from the coffeemaker.

"Dinig na dinig ko ang boses mo babe,"Wika kuya Paolo kay ate Helena; umuupo na ito sa highchair sa tabi ng nobya. "Highblood ka na naman ba?" natatawa ito.

"Pasensya ka na babe. Kadarating lang kasi ni Kuya after what? Three days? Ni ha ni ho, hindi man lamang s'ya tumawag dito para mangumusta. Mas'werte s'ya at napakabait nitong asawa n'ya. Kung sa akin 'yun, iiwanan ko na s'ya. B'wisit."

"Hindi rin naman kasi madali ang responsibililidad na nakaatang sa kanyang balikat. Baka naman kaya ganun, alam n'yang naririto ka naman para kay Jordanna."

"Kahit na!" Sagot ni ate Helena. "Ano ba naman 'yung magpakita man lamang s'ya ng concern at pag-aalala sa asawa n'ya. Lalo na ngayon sa kalagayan ni Jordanna."

"I'm sure concerned din 'yun." Sagot ni kuya Paolo, "Pero meron kasing mga lalaki na hindi masyadong showy like...tito Jason and Jasper."

Sinaksak s'ya ng matatalim na tingin ni ate Helena, "Bakit mo ba s'ya ipinagtatanggol? H'wag mong sabihin na sa kanya ka kampi?!"

Hinawakan ni kuya Paolo ang kamay ni Ate Helena, "Babe, hindi naman sa ganun. Ang sa akin lang, baka naman nagmana lang si Jasper kay tito Jason na hindi showy. Nakita mo naman, magkamukhang-magkamukha sila 'di ba?" nakabungisngis si kuya Paolo, natatawa naman sa ekspresyon ng kanyang mukha si ate Helena, "Parehong suplado at parating seryoso."

"Ikaw ba, kanino ka nagmana, kay tito Art o kay tita Laura?" natatawang tanong ni Ate Helena.

"Sino ba ang kamukha ko?"

"Si tito Art." Sagot ni Ate Helena.

"O 'di kay Daddy ako nagmana." Humahagikhik si kuya Paolo.

"Nagmana ng ano?" nahawa agad sa paghagikhik si ate Helena. "Sa kabaitan ba o sa pagiging over conscious sa buhok?"

Tumawa si Kuya Paolo, "Pwede, but not exactly."

"Eh ano?"

"Sa pagiging tapat at loyal magmahal." Nakabungisngis na wika ni kuya Paolo; sinusundot nito ang tagiliran ni Ate Helena. Tila kinilig naman si ate Helena bago sila naghalikan sa harapan ko.

Ang sweet nila. Nakakainggit. I wish, ganun ka-sweet si Jasper. But I know I cannot really ask for that. I can only love him for what he is.

***

"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Jasper nang magising s'ya kinahapunan.

"Kagigising ko lang 'di ba?!" Pabalang na sagot n'ya, habang kumukuha ng bottled water sa ref.

"Nagtatanong lang naman..." Mahinang sagot ko.

"'Yun na nga ang point ko eh. Hindi ba pwedeng gamitin mo muna ang common sense mo bago ka magtanong?" nakasimangot na umupo ito sa highchair sa may island, "Alam mong kagigising ko lang, tapos ganun ang tanong mo? Kung nag-iisip ka, common sense lang Jordanna, galing ako sa tulog, natural, hindi pa ako kumakain! Kailangan ko pa ba talagang ipaliwanag ang mga ganung bagay sa 'yo?"

Naiiyak ako sa naging reaksyon n'ya. Pero tiniis ko na lang ang nararamdaman ko para hindi n'ya mahalata. Alam ko naman na medyo sablay ang pagkakatanong ko. Ang hindi ko lang matanggap, binara at sinungitan n'ya ako agad. Wala pang isang taon ang aming pagsasama, ganito na, paano na kaya kapag umabot na kami ng maraming taon.

"Ano bang ulam?" nakasumangot na tanong n'ya.

"Nagluto ako ng paborito mong paksiw na bangus." Nag-uumpisa na akong maghayin.

"Paksiw ba 'to?" anya, matapos ang unang subo. Nakatingin ito sa plato n'ya.

"Oo, bakit?"

"Bakit ang tabang? Nilagyan mo ba 'to ng suka?"

"Oo naman." Kumuha ako ng kutsara at tinikman ang sabaw. "Ok naman ah. Mas gusto mo ba ang mas maasim pa?"

"Magrereklamo ba ako kung hindi?"

"S'ya sandali." Kinuha ko ang mangkok na may lamang paksiw. "Ia-adjust ko lang ang timpla.

"H'wag na!" Pabalang na sambit ni Jasper. "Malalamog lamang ang isda kapag iluluto mo pa ulit 'yan." Itinuloy n'ya ang pagkain. "Ba't di ka kasi nagtanong muna kay Mommy kung anong gusto kong timpla sa paksiw na bangus?" Padabog ang pag-uumpugan ng kanyang mga kubyertos, at plato.

Tumalikod na lang ako para maitago ang hindi ko na mapigilang pagpatak ng luha. Pilit nagpapanggap na naghuhugas lamang ako ng mga pinggan.

"Next time tawagan mo muna si Mommy." Dugtong n'ya. "Hingiin mo sa kanya ang recipe ng mga paborito ko." Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata sa sobrang sama ng loob." Para hindi 'yang minsanan na nga lang ako makakain dito, nabub'wisit pa ako."

[ITUTULOY]

Continue Reading

You'll Also Like

21.3M 788K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
5.8K 546 38
Gynophobia: A fear of Women. Genre: Mystery/Thriller/Romance Highest Rank #117 Mystery Gonnie Han Cuego has a peculiar phobia, called Gynophobia. His...
1.6M 49.6K 90
[Published Under Precious Pages] Book 2 ng Ang Boyfriend Kong Mummy na, Vampire pa. Simula nang maglaho ang vampiric curse, si Sage Elizalde ay nagi...
1.5M 62.3K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...