Map of the Blazing Hearth (Ga...

By VentreCanard

1.1M 80.7K 28.3K

Iris Evangeline Daverionne is a white werewolf who hates vampires. She vowed to herself that she would never... More

Map of the Blazing Hearth
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 31

12.5K 1K 88
By VentreCanard

Chapter 31 Foolish Wish

"I am the known foreign king in this world, Tavion. Endless assassination attempts have been part of my life. And one of my deepest fears is to bring you here and become their helpless target. Hindi mo alam ang pagnanais kong makasama ka, anak. Pero natatakot akong ito ang siyang sasalubong sa 'yo. Kaya humihingi ako ng tawad, anak. . . na umasa akong sa sandaling kuhanin ka ni Thaddeus ay mabibigyan ka niya ng buhay at pamilyang hindi ko kayang ibigay sa 'yo."

One of the things that Adam and Lucas admired about me was my tough personality. Lagi nilang sinasabi na kaiba ako sa mga babaeng lobo na nakilala nila na agad nilang nakikitaan ng emosyon. Bihira lang nila ako makitang lumuha at maging mahina.

But the moment I entered Tavion's past I felt so vulnerable, na ang bawat sakit na nararamdaman niya ay higit na tumatagos sa akin. Maybe that's the real power of mates, mas masakit kapag ang lalaking mahal mo ang nakikita mong nasasaktan.

At higit akong nasasaktan sa nakikita ko.

Why did these worlds keep giving Tavion the same images, the same scenes of his parents, bleeding before him?

Gusto kong tumakbo at tumulong sa pangyayaring nasasaksihan ko. I want to turn into that huge werewolf that could protect her own mate from experiencing that miserable scene, but all I could do was watch and cry for him.

Tavion's mouth was hanging open with the horror and fear on his eyes. Nakatuon ang lupa ang dalawa niyang siko mula sa kanyang likuran upang alalayan ang kanyang katawan. He couldn't move an inch but watch his father.

Iyon ang bagay impormasyong kailanman ay hindi narinig ni Tavion nang sandaling tumawid siya sa mundong ito. Ang tanging narinig niya lang ay magagandang balita, mabubulaklak na salita, at makukulay na kwento tungkol sa pag-ibig ng kanyang ama sa reyna. Ngunit sa likuran pala nito'y ang pilit na pakikipagsapalaran ng kanyang ama sa kamay ng ibang maharlika.

His father, Tiffon Gazellian was experiencing the same foreign treatment that he'd been enduring in his mother's world. Tavion might have the poor relation with his siblings in his mother's world, but he never experienced being assassinated. At kung naranasan niya man iyon ay galing iyon sa kalabang emperyo.

At base sa reaksyon ngayon ni Tavion, tama ang siyang iniisip ko. That King Tiffon Gazellian has been keeping the information to public, that behind the closed doors of the castle there were multiple of assassination attempts for him.

Dahil anong klaseng emperyo nga ba ang tatanggap ng panibagong hari mula sa ibang mundo?

Those fairytale stories about King Tiffon and Queen Lumina were just the beautiful covers for the dark sides of this empire.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang nagsimula nang tumayo si Tavion habang nakayuko ang kanyang ulo.

Gusto ko lang yakapin at hawakan ang mga kamay ni Tavion ng mga oras na iyon. Dahil alam kong sa sandaling ito ay iisa ang siyang tumatakbo sa aming isipan— I could feel his pain and hatred for his fate.

Dahil ang dalawang nilalang na nais niyang makasama nang napakahabang panahon ay walang kakayahang yakapin at ipagsigawang siya ay kanilang anak. He should be kept and hidden.

Sa mga nasasaksihan ko, lubos kong hinihiling na matapos na ang lahat ng ito upang mabigyan ako ng pagkakataong dalhin si Tavion sa Nemetio Spiran, dahil nasisigurado kong hindi manlilimos ng pamilya ang lalaking minamahal ko sa sandaling dalhin ko siya sa mundong iyon. Dahil hindi lang iisang kamay ang maglalahad sa kanya sa Parsua Sartorias, hindi iilang braso ang yayakap sa kanya na ilang taong ipinagkait sa kanya ng tadhana.

The whole family of Gazellian will accept my Tavion.

Hindi ako umalis sa tabi ni Haring Tiffon na nakaluhod, lumuluha at nagdurugo. Hindi na siya makapagsalita pa habang nakayuko habang si Tavion ay diretso nang nakatitig sa kanyang unahan habang patuloy na dumarami ang mga nakapalibot sa kanila.

I even heard conversations around us, confusion about Tavion, but they ended up surging together to immediately finish their mission.

Ngunit kung inaakala nilang ganoon lang nila kadali mapapatay si Tavion ay doon sila nagkakamali. Wala nang pana pa ang nakalipad at wala ni anino ang nakalapit kay Haring Tiffon.

Tavion moved quickly like a flash of red thin light between the darkness of the night, and the only way that gave me the images of those poor enemies was the sounds of quenching flesh and dripping blood.

I never witnessed Tavion kill someone the moment he arrived in that world, but during that night, I never felt any hesitation.

Walang itinirang buhay si Tavion at pinatay niya ang mga iyon ng walang bahid ng kahit katiting na awa.

Nanatiling nakatayo si Tavion sa unahan ni Haring Tiffon na nakaluhod, panay ang agos ng dugo sa dalawang kamay ni Tavion habang nakapalibot sa kanya ang patay na katawan ng mga nilalang na nais pumatay sa kanyang ama.

Blangko na ang ekspresyon ni Tavion habang mabagal siyang naglalakad patungo sa kanyang ama, at bago pa man siya makaluhod at mahawakan ang kanyang ama sa nangangatal na kamay niyang punung-puno ng dugo, biglang may liwanag na tumama sa kanyang katawan.

Tumilapon si Tavion sa ilog habang may dalawang lumulutang na liwanag ang agad lumapit kay Haring Tiffon.

Agad kong narinig ang singhap ng babae, tatayo na sana ito para muling sugurin si Tavion na nasa ilog nang biglang umubo si Haring Tiffon.

"I am still alive, Cora. Don't hurt him. He is my son."

"Ano?!"

Gumalaw ang liwanag mula sa kamay ng kadarating na babae at hinayaan niya iyong lumutang na siyang nagmistulang liwanag niya upang higit na makita ang sitwasyon ng hari.

Mas lalo itong suminghap nang makita ang nakatusok kay Haring Tiffon.

"S-Silver dagger. . ."

Iyong atensyon ko ay nawala na kay Tavion kundi naroon na kay Cora. Nasisigurado kong nakita ko na siya noon pa. Pilit kong inalala kung saan ko siya nakita nang magpakita sa imahe ko si Diyosa Eda.

This Cora was with Goddess Eda! Isa siya sa kambal ni Diyosa Eda!

Mas dumalo na siya kay Haring Tiffon at inangat niya na ang dalawa niyang kamay na nagliliwanag sa dibdib ng hari. She is a goddess and a vampire, kung may kahinaan din siya katulad namin ay may kakayahan naman siyang makapanggamot katulad ni Claret.

Sinimulan na niyang tanggalin ang pana sa dibdib ni Haring Tiffon, halos hindi ko na iyon matingnan dahil ang marinig pa lang ang paggalaw ng pana sa laman niya'y halos magpapigil na sa aking paghinga.

I've seen different kinds of injuries, at hindi lang iyon basta na lamang tama o sugat, pero iba pa rin kapag gusto mong mabuhay ang nilalang na nasa harapan mo— as if the arrow was inside my body.

Lumangoy na papalapit si Tavion, hindi pa siya tuluyang umaahon at hinayaan niyang nakasampay ang kanyang mga braso sa lupa habang pinagmamasdan niya ang kanyang amang nahihirapan.

"Will he die?"

Iritadong lumingon sa kanya ang babaylan habang nagliliwanag pa rin ang mga kamay nito. "He's been pierced by different weapons before. Mabubuhay pa si Haring Tiffon sa iisang pana."

Tumango si Tavion at nanatiling nanunuod. I noticed how Tavion sighed in relief when the arrow was successfully pulled out from his father's body.

Umahon na si Tavion sa ilog.

"Should I escort you to the castle? Baka may nakaabang na sa inyo roon. Is this really an ordinary day? Bakit tinamaan ka kanina?"

Tipid tumawa ang kanyang ama. "Maybe because of my age," kumunot ang noo ni Tavion, dahil alam niyang kung hindi siya kausap ng kanyang ama ay magagawa niyong iwasan ang pana.

"Is he really your son?"

"He is my son," mas madiing sabi ni Haring Tiffon.

Habang nagliliwanag ang mga kamay ni Cora ay tipid siyang tumingala para higit na sulyapan ang mukha ni Tavion.

"Kadarating mo lang sa mundong ito?"

Nag-angat na rin ng tingin si Haring Tiffon, nagkaroon na sila ng kaunting pag-uusap ni Tavion kanina, pero nasisiguro kong marami pa siyang gustong malaman.

"I grew up here."

"And you never looked for your father? Ngayon lang?"

"Should I?"

Nabalot ng katahimikan ang kagubatan sa palitan ng kanilang mga salita. Muli kong itinuon ang atensyon ko sa babaylan, pilit kong inalala ang impormasyong naaalala ko sa kanya.

She's one of the twins of Goddess Eda and Andronicus Clamberge III. Nagawa silang paghiwalayin ng diyosa para protektahan ang mga ito, one was sent here and the other one was sent in the human world na nakatakdang makasama ni Naha, ang babaeng itinakda kay Prinsipe Evan Gazellian.

Ilang beses akong napaatras habang pinagmamasdan silang dalawa ni Tavion. Ibig sabihin ay mas nauna niyang nakilala si Tavion bago pa dumating ang mga Gazellian sa mundong ito?

I was aware with the news that the Gazellian siblings discovered the world of King Tiffon and how they accepted that their uncle was not coming back.

Bago pa man makarating si Tavion sa Nemetio Spiran ay nagawa niya na bang makita ang mga pinsan niya?

"What should I do about these bodies?" kaswal na tanong ni Tavion.

"I will get rid of them," sagot sa kanya ni Cora.

Tumango si Tavion, tumalikod na siya sa dalawa at nagsimula na siyang mag-inat sa harapan ng mga iyon.

"Then I think I should go," sabi ni Tavion.

Maglalakad na sana palayo si Tavion na hindi man lang mag-iiwan ng salita sa kanyang ama, nang biglang tumayo si Cora at marahas niyang hinablot ang braso ni Tavion.

"Help us."

Hindi nagsalita si Tavion at lumapit siya sa kanyang ama, he guided him towards his horse. Walang ibang ginawa si Haring Tiffon kundi panuorin ang bawat kilos ni Tavion na hindi na sumasalubong sa kanyang mga mata.

Cora took care of the dead bodies using her power. Hinintay lang siya saglit ni Tavion bago siya natapos.

"Where are you going to ride?" tanong ni Tavion.

"May itinali akong kabayo sa likuran ng punong iyon."

"Okay."

Muling umalis si Cora sa tabi ng mag-ama. Naroon lang sa tabi ng kabayo si Tavion at tipid na pinagmamasdan ang kuko niya, ngunit alam kong ramdam niya ang titig sa kanya ni Haring Tiffon.

"Salamat, Tavion."

Tumango siya na hindi lumilingon.

Tinanaw ko si Cora kung nasaan na siya pero mukhang sadyang hinayaan niyang magkaroon ng sariling oras ang mag-ama.

"What do you mean by my uncle named Thaddeus? Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin."

"He is my younger brother, Tavion. I ran away from my own world. Your mother might have given you a little bit of my story. . ."

Tumango ulit si Tavion. "Some of your stories . . . with her."

Natahimik si Haring Tiffon nang sabihin iyon ni Tavion pero agad rin siyang nagpatuloy nang mapansin niyang nakikinig sa kanya si Tavion.

"Si Thaddeus ang siyang ngayon ay hari ng Parsua Sartorias, ang emperyong tinakbuhan ko. I believe that my brother can build a perfect family that can give you warmth. . . bagay na hindi ko kayang ibigay sa 'yo, anak."

"Where is he now?" malamig na tanong ni Tavion. "Wala kahit anino niya."

Napasinghap ako sa sinabi ni Tavion, dahil kung hindi ako nagkakamali ay sa panahong ito ay hindi na nabubuhay si Haring Thaddeus.

Kung sakaling buhay pa si Haring Thaddeus ng panahong ito, posible kayang higit na mas masaya na si Tavion? Or was it part of his plan na hindi agad makarating sa Sartorias si Tavion?

Nang sabihin iyon ni Tavion ay si Haring Tiffon naman ang natigilan. Bumalik na si Cora habang hila ang isang kabayo.

"Why are you alone? Nasaan ang mga kawal ng hari?"

Nakasakay na si Cora sa kabayo habang nasa ibaba pa rin si Tavion, hindi na niya inalalayan ang kanyang ama, ngunit kasabay pa rin siya ng dalawa palabas ng kagubatan.

"He is a civilian right now. At ako lang ang nakakaalam niyon."

"Uhuh?"

"Tavion, anak, I know that you don't want this encounter. Cora is a good enchantress, kung gusto mong kalimutan ang araw na ito at ang pagkikita natin—"

"Make me forget it. Both of us. Gusto ko ay matapos ang gabing ito ay wala tayong koneksyon."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tavion dahil nasisiguro kong nagsisinungaling siya ng mga oras na iyon. Hindi ko na napigilan ang sariling kong tumakbo at humarap kay Tavion. I tried to punch him or kick him. He's too stubborn!

Hindi iyon ang gusto niya!

I saw pain crossed on King Tiffon's face, pero iyon ang kahilingan ng kanyang anak at iyon ang ipinangako niya sa kanya. Ang ibibigay ang nais niya sa abot ng kanyang makakaya.

"Cora. . ." mahinang sabi ni Haring Tiffon.

"What? Away ninyo iyang mag-ama, bakit ninyo ako idadamay?"

"That is the only wish that I could give to my son. Give it to him."

But that night, Cora didn't follow the order of the king, she knew that it was against his king's will, dahil nakikita niya ang kislap ng mga mata ng hari sa tuwing tititig siya sa kanyang anak. He might be hurt by Tavion's words, pero iba pa rin ang saya sa kanyang mga mata.

After that night, when all the creatures who were enlisted on the mission for the search of the great fountain of youth were summoned to the castle, lined like soldiers who were about to enter a battle, Tavion might have that hatred look in his eyes through the years when King Tiffon passed by him he immediately had that hidden gentle smile.

Because King Tiffon painfully pretended not to notice his own son because of Tavion's foolish wish. 

Continue Reading

You'll Also Like

256K 11.3K 38
Hey, Wattpadders! Muling nagbabalik ang pinakamasayang party rito sa Wattpad! Naririto na ang Wattpad Filipino Block Party 2018! Are you all ready to...
1.7M 75K 46
Light Story Only. For Fun Only. BOOK 1 slice of life
2.1M 55.3K 47
"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"
1.7M 70.8K 37
Natalie received a message saving her from her demise. The sender is none other than Death himself.