Map of the Blazing Hearth (Ga...

Oleh VentreCanard

1M 77.3K 28K

Iris Evangeline Daverionne is a white werewolf who hates vampires. She vowed to herself that she would never... Lebih Banyak

Map of the Blazing Hearth
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 28

10.8K 930 100
Oleh VentreCanard

AN/ Hi! This is VentreCanard! I will have my first book signing event this coming April 30, 2023 at Robinsons Galleria Atrium. I hope to see you there <3 
For more information, you can follow my Facebook account and Popfictions books. Thank you!

Chapter 28 Apple

Hindi man aminin ni Tavion nang harapan sa Matandang Oda na ang kasalukuyang hari ng emperyong iyon ang kanyang totoong ama, hindi na kailangan pa ng matanda ng kumpirmasyon.

Tavion might have avoided narrating the detailed story of his past for years, but now that his father, the old Oda, who's getting scared of his old age and death, he's trying to convince Tavion to leave the forest.

Pinagmamasdan ng matanda ang pagsisibak ng kahoy ni Tavion at ang buhok nitong lumalabas na ulit ang natural na kulay.

Even in Tavion's teenage years, when he's still young and growing, hindi na naitatago ang dugong nananalaytay sa kanya. He's a Gazellian with a gene close to perfection. Isa pang higit na nahubog ang katawan niya sa mabibigat ng gawain sa kagubatan.

Bigla kong naalala nang sabihin niya nang walang pakundangan na nais niyang manirahan kasama ko sa gitna ng kagubatan. Because he's been there, at sa gitna rin pala siya ng kagubatan lumaki.

"Tavion, dapat ay magpakilala ka na sa iyong totoong ama. You deserve to live like a royalty. Hindi sa kagubatang ito at sa pagsisibak ng kahoy, at panghuhuli ng mga ligaw na hayop."

Hindi pinansin ni Tavion ang Matandang Oda at nagpatuloy siya sa pagsisibak ng kahoy sa kanyang hubad na katawan. Pero kahit pilit niyang hindi pinapansin ang mga salitang iyon, nakikita sa ekspresyon ng kanyang mukha na hindi na siya natutuwa sa takbo ng kanilang usapan.

"Huwag mo akong hintayin na ako na mismo ang siyang magbigay ng impormasyon sa hari."

Doon natigil si Tavion sa pagsisibak ng kahoy. "Are you pushing me away?"

"Alam mong hindi iyon ang intensyon ko, Tavion. Tumatanda na ako at hindi mo ako katulad. Hindi ako mapapanatag na mag-isa ka rito sa kagubatan gayong alam ko naman na may mas mabuti kang kalalagyan."

Huminga nang malalim si Tavion. He put down his axe and slowly walked towards his father. "You are my father. You are my only family. May sarili nang pamilya ang haring iyon. I don't think he's willing to accept an unwanted child. Isa pa, masaya na ako rito. Hindi ko na gustong pumasok sa magulong buhay sa palasyo."

Nag-aalalang tumitig lang sa kanya ang matanda.

"Masyado mo nang isinarado ang puso mo, Tavion," sinubukang hawakan ng Matandang Oda ang kamay ni Tavion, tinitigan lang iyon ni Tavion at tinanggal niya rin agad.

Nasisiguro kong kapag tumagal pa ang pagkakahawak sa kanya ng matanda ay baka magawa na siyang makumbinsi nito. Sa panunuod ko sa pagsasama nina Tavion at Matandang Oda, saksi ako sa pagmamahal nila sa isa't isa.

Kung si Matandang Oda'y bukas para ipakita kay Tavion kung gaano niya kamahal ang batang inampon niya, si Tavion naman ay patagong nag-aalala sa matanda. Lagi niya itong kinukumutan sa gabi, iginagawa ng inuming gamot at hindi na hinahayaang gumawa ng mabibigat na gawain.

Tavion's always worried and over protective with the old man, hindi niya lang iyon ipinakikita o kaya'y isinasalita.

"I don't want any rejections anymore."

Hindi iilang beses na ganoon ang usapan ni Tavion at ang Matandang Oda pero hindi pa rin magpapilit si Tavion.

"Hindi na magbabago ang desisyon ko."

"Are you planning to live here alone, Tavion? Bakit hindi ka na bumuo ng pamilya?" biglang nabuga ni Tavion ang tubig na iniinom niya mula sa kawayang baso.

"Huh? I prefer living alone."

Tumabi na sa kanya ang Matandang Oda at hinawakan niya ang malaking braso ng kanyang anak na dati'y akala niyang sawang-sawa nang lumaban sa buhay.

"Gusto ko'y maging masaya ka kahit wala na ako, Tavion."

"Stop saying that," nakakunot na ang noo ni Tavion.

"Makinig ka sa akin dahil nagsasabi ako ng katotohanan—"

"You will live more years, father. Sasama ako sa ekspedisyon na binubuo ng palasyo."

"Ano?"

"I am going to join them to search for the fountain of life, father. Sasama ako sa ekspedisyon na binubuo ng palasyo. At magdadala ako ng tubig na magdadagdag sa buhay mo. Kaya huwag ka nang matakot dahil sasamahan mo pa rin ako sa mundong ito nang napakatagal."

The fountain of youth. Ilang beses ko na rin itong nabasa sa mga aklat at hanggang ngayon ay katanungan pa rin kung saan ito matatagpuan. Pero ngayong pinapanuod ko ang nakaraan ni Tavion, nasagot na ang katanungan ko.

"H-Hindi birong hanapin ang makapangyarihang tubig na iyon, Tavion, at isa pa'y isang alamat lang iyon at hindi pa napapatunayan."

"But at least, I tried. Sa susunod na linggo na ang simula ng aming paglalakbay kaya ngayong buong linggo ay sisimulan ko nang ibaba ang lahat ng kandila, halamang gamot, uling, kahoy, at ang mga produkto mo na dapat dalhin sa ibaba. Huwag kang mag-alala, babalik ako ritong may dalang magandang balita."

Hindi na nakapagsalita ang matanda at naluha na lang siya sa harapan ni Tavion na sinimulan na siyang tawanan.

"Ikaw lang ang pamilyang tumanggap sa akin. Hindi ako papayag na mawawala ka lang sa akin dahil sa katandaan," tumingala na si Tavion sa bubong ng kanilang maliit na bahay at pilit pinipigilan ang luhang namumuo sa kanyang mga mata.

"We're living in the world full of possibilities, and trying to risk an impossible journey to acquire something that would make your life longer. . . is a chance that I wouldn't ever let go."

Nang araw na iyon ay naging abala si Tavion sa lahat ng gawain nilang mag-ama. Ilang beses siyang nagtaas at baba ng bundok para lang madala ang iba't ibang produkto ng Matandang Oda.

"Kaya habang wala ako ay huwag ka nang bumaba sa bundok. Kung kinakailangan na lang, kinausap ko na rin ang mga nakakausap mo na kung maaari ay sila na ang pumunta rito kung biglaan nilang kailangan ng produkto," paliwanag ni Tavion.

Naging saksi ako ng paghihirap ni Tavion sa pamumuhay niya sa kabundukan at sa pakikipagkalakalan niya sa mga iba't ibang nilalang sa pamilihan. Kung pagmamasdan siya ay hindi iisiping siya'y nanggaling sa marangyang pamilya mula sa palasyo.

I heard rumors about the young Gazellians and their way to entertain women in Parsua Sartorias when they haven't found their mates, even Rosh has his fair share of stories of having that youthful years.

Si Tavion ay nakakatanggap na ng atensyon ng mga kababaihan pero hindi man lang iyon pinapansin ni Tavion. Madalas pa nga ay binibigyan niya nang masamang tingin ang mga babaeng biglang hahawak sa kanya kahit gaano pa man iyon kaganda.

"Totoo bang sasama ka sa ekspedisyon na binubuo ni Haring Tiffon, Tavion?" tanong sa kanya ng isang matandang babae.

Tumango siya.

"Bakit hindi mo kayang subukan na pumasok bilang sundalong mandirigma ng palasyo? Mga katulad mo ang kinukuha nila, bata, matipunong pangangatawan, isama pang napakagandang mong lalaki! Siguradong baka ika'y bigyan ng destino sa mismong loob ng palasyo."

Hindi na sumagot pa si Tavion nang tanggapin niya ang supot na naglalaman ng tinapay na binili niya para kay Matandang Oda.

Sa pamilihan ay tanaw ni Tavion ang palasyo ng emperyong iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa naririnig na binanggit nila ang ngalan ng emperyo.

Pinagpatuloy ni Tavion ang paggala sa pamilihan at pagtingin ng iba't ibang produkto na maaari niyang iuwi sa kanila. Pero nang marinig niya na naman ang pamilyar na ingay ng paparating na kawal ay agad nang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Dadaan si Haring Tiffon!" malakas na anunsyo ng kawal na nasa harapan ng parada.

Hindi agad lumingon sa gitna ng daan si Tavion at bumili pa siya ng mapulang mansanas. Mas ibinaba niya ang kanyang talukbong bago siya humarap doon sa gitna ng daan.

Nagsisimula nang magkagulo ang lahat ng nilalang na nais silayan ang mukha ng sinasabi ng lahat ng siyang tinatanggi ng napakaraming babaihan ng emperyo. Ilang beses pa ngang napapaismid si Tavion sa tuwing naririnig niyang si Haring Tiffon na daw ang pinakamakisig na haring naupo sa posisyon, kaya't hindi na daw iyon pinakawalan ng Reyna Lumina.

It's also not a secret to the empire that the current king was an outsider. Alam nilang lahat na galing sa ibang mundo ang hari at piniling mamuhay dito dahil sa pag-ibig. Ilang tila at hagikhikan na ang narinig ni Tavion na usapan ng mga kababaihan tungkol sa uri ng pagmamahal ng kanyang totoong ama.

King Tiffon and Queen Lumina's story is like a masterpiece that every woman of this empire wishes for.

Dahil isinakripisyo daw ni Haring Tiffon ang lahat para lang makasama ang kanyang mahal na reyna.

Umiismid at umiiling lang si Tavion habang naririnig ang nakabibinging kuwentong iyon. Paano na lang kung nalaman ng mga babaeng nag-uusap na iyon sa pamilihan na may unang babaeng minahal ang kanilang hari?

They even had a child.

Nagkakatulakan na ang mga kababaihan sa gilid ng kalsada, ang mga bantay sa bawat tindahan ay nanghahaba na ang leeg sa parating na parada, at maging ang mga namimili ay tumigil at nag-abang na rin sa hari.

Si Tavion ay nanatili na ring nakatayo sa kanyang posisyon, ilang beses inihahagis sa ere ang kanyang bagong biling mansanas habang hinihintay ang kanyang ama.

Panay ang ismid, pag-iling at sarkastikong pagtawa ni Tavion sa kanyang naririnig, hanggang sa mapikon na rin siya at lumingon siya sa grupo ng mga babaeng nasa likuran niya.

He didn't utter a single word but that silence the women behind him.

"Suplado mo talaga, Tavion."

"Hindi ka makakahanap ng mapapangasawa sa ugali mong iyan."

"Dapat ay maging mabuti ka sa aming mga kababaihan. Maging maginoo ka naman."

"Pagsisihan mo rin kapag nabuo na ang takot sa 'yo ng nakakarami."

"You might not marry."

Bahagyang tinusok ni Tavion ng kanyang isang daliri ang kanyang tainga na tila nabibingi siya sa binubulong sa kanya ng mga kababaihan sa likuran.

"Dear girls, I can even have hundreds of wives if I wanted. And if you're standard is like the king?" umiling muli siya at natawa. "Poor standard."

Nagsinghapan ang mga kababaihan nang marinig iyon mula kay Tavion.

"H-Hindi ka ba natatakot na may makarinig sa 'yo at isumbong ka—" this time, Tavion looked back at them again.

Ngumiti siya nang napakatamis sa apat na babaeng nag-uusap. "Isusumbong ninyo ba ako?"

Habang pinapanuod ko si Tavion at kung paano niya gamitin ang mukha niya, bigla ko nang binawi ang nasa isip ko. He's still that Gazellian after all, he's still aware about the worth of his handsome face.

Tila na hipnotismo ang mga babae sa mukha ni Tavion dahil sabay-sabay ang mga iyong umiling. "Good girls."

Hindi rin nagtagal na lalo nang nagkagulo ang mga nilalang sa gilid ng daan lalo na nang makita na nila ang unang kawal ng hari. Ayun sa naririnig ni Tavion, galing sa paglalakbay ang hari at halos isang buwan daw ang mga itong nawala.

Pinagpatuloy ni Tavion ang paghagis ng mansanas sa ere at nang natatanaw na niya ang mataas na kabayo ng kanyang ama ay kinagat na niya nang napakalaki ang kanyang mansanas.

He's chewing a part of the apple while he's stilling playing with its large part in the air. Habang naririnig niya ang yabag ng mga kabayo sa basang kalsada, ang ingay ng mga nilalang na nagpupumilit makita ang hari, at ang ingay ng mga kawal, ramdam na niya ang pagbigat ng kanyang paghinga. At ang pagpipigil niya sa sariling pagningasin ang kanyang mga mata.

Kung noong una'y hindi niya pa kayang higit na pagmasdan ang sarili niyang ama ngayon ay alam niyang hindi siya matutuwang bumalik ng kabundukan kung hindi niya gagawin ang nasa kanyang isipan.

Tila bumagal ang oras habang patuloy niyang inihahagis ang mansanas sa ere. Panay ang panguya niya at unti-unti'y lumalabas na ang ugat sa kanyang kamay.

"Now," bulong ni Tavion sa kanyang sarili.

Nang sabihin niya iyon ay naagaw ang lahat ng atensyon nang biglang may napakaraming itim na ibon ang lumipad sa ibabaw ng pamilihan. It could hundreds of crows suddenly attacked the parade of King Tiffon. Nagkagulo ang mga kabayo at kawal ni Tiffon habang nagsimula na rin magtakbuhan ang napakaraming nilalang na nais siyang makita.

Napakalawak ng ngiti sa labi ni Tavion habang nagkakagulo ang mga kawal na ngayon ay sinusugod ng mga uwak na inutusan niya. Kahit si Haring Tiffon ay hindi rin nakatakas dahil ngayon ay napakaraming ibon rin ang nais siyang saktan.

Sa gitna ng nagkakagulong pamilihan, sa mga kawal na ngayon ay may hawak ng mga palaso at espada, sa mga nilalang na nagkakabanggaan na sa pagtakbo, at sa mga tindahan na nagsisimula nang magsarado, tanging si Tavion lang ang tahimik na nakatayo sa kanyang posisyon habang tanaw si Haring Tiffon.

He was smiling, looking satisfied.

Pero hindi nakuntento si Tavion dahil ang mansanas na kinagatan niya ay marahas niyang ibinato sa posisyon ng kanyang ama. Marahas iyong tumama sa pisngi ng kanyang ama na bahagyang nagpatinag sa kanyang pagkakaupo sa kabayo.

Tavion grinned in fulfillment.

Tumalikod na si Tavion at kinuha ang malaking supot na inilagay niya kanina sa isang tindahan at binitbit niya na iyon na may malaking ngisi sa kanyang mga labi.

"Hanggang sa susunod na parada, Haring Tiffon."

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

458K 33.2K 53
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
2M 69.2K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
2.9M 225K 83
A writer A drummer An online understanding Genre: Epistolary Written by: april_avery My first epistolary story! Enjoy reading! #SoItsYouWP
9.3M 474K 63
In fairy tale, it is the prince who would go all the way with all his might to fight against the enchanted apple. And his kiss will awaken the sleepi...