Map of the Blazing Hearth (Ga...

By VentreCanard

1M 76.9K 28K

Iris Evangeline Daverionne is a white werewolf who hates vampires. She vowed to herself that she would never... More

Map of the Blazing Hearth
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 27

11.1K 975 84
By VentreCanard

Chapter 27 Father

Those who smile a lot have the deepest pain. They would always use the sweetest smile as a protective shell for their vulnerable heart.

Sino ba ang may gustong ipakita ang kanilang kahinaan? As much as possible, every individual would hide any sign of their weakness. Walang gusto kaawaan sila o kaya'y maliitin dahil sa kanyang pinagdaanan.

But to witness my mate's pain and sadness, inflicted not just sadness but intense hatred. Gusto kong maghiganti sa sakit na naranasan ni Tavion, sa lahat ng pagtitiis niyang ginawa at maging sa mga luhang iniluha niyang hindi ako kasama.

Those years might be the time that we were still trying to grow individually, years that we were not destined to meet, but how I wished that I was there to help him.

"I was wrong when I brought you here, Tavion. Find your father. . . you deserve to find a family that will love and accept you, anak. Live. At mangako ka sa aking babalik kang malakas para bawiin ang mundong ito."

Halos hindi ko na magawang manuod sa pangyayari habang naririnig ko na ang pilit na pagsigaw ni Tavion at pagtawag sa kanyang ina. Iniwas ko na ang tingin ko at mariin akong pumikit. Nagawa ko pang takpan ang tainga ko para hindi na marinig pa ang paghihirap ni Tavion.

I want to end it. Gusto ko nang makawala sa nakaraan ni Tavion, gusto ko nang bumalik sa kasalukuyan at ibunton sa kalaban ang lahat ng sakit niya. Hiniling kong malaman ang nakaraan niya, ngunit ang masaksihan mismo ang sakit na dinananas niya, gusto kong bawiin ang kahilingang iyon.

I just want to keep an image of Tavion that smile a lot, a vampire that takes everything lightly. Hindi ko matanggap na nagkaroon siya nang ganoong klase ng nakaraan at wala ako sa tabi niya para lang tulungan at damayan siya.

The visions didn't stop there but brought me to a place that sheltered little Tavion during the deepest part of his life.

When I opened my eyes, I was welcomed by another place— a place far from the invaders, enemies, and even a family that would push you to death. It was a small old messy cabin. The shimmer of the orange blazing fire gives off a dim light, and the cracking sounds of the firewood, and its shadows dancing on the wall made me even feel the warmth of the place.

I followed the path towards the fireplace, around it were three worn-out sofas with signs of tattered patches in different colors, sewed in the most uneven stitches as if they would hide their old age.

As I continued my little steps with my eyes slowly navigating the whole place, I noticed a huge wooden table at the left side of the old sofa set, full of kinds of potted plants in different sizes, tacks of old papers and scrolls, books covered with dust, quill, and ink, bottles filled with liquid colors, dried leaves and roots, maps, compass, and hourglass. There were also bookshelves filled with thick books and jars with preserved parts of small species of monsters.

My steps haltered and I noticed that I was already in front of the sofa, showing me the middle view of it, between those sofas was a short rectangular wooden table, there were slices of bread and a coffee still emanating a smoke, under the table was a brown furry carpet that I could immediately assume came from a brown bear, and at the edge of the table, pointing directly at the fireplace— the extended floor of the blazing hearth. I found the runaway little prince, curled in the fetal position with pain visible pain on his face.

"T-Tavion. . ."

Sinubukan kong lumapit sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko nang bigla na lang lumitaw na kubadong matandang lalaki at dinaluhan ang prinsipe. Mas inayos niya pa ang kumot sa paligid ni Tavion para mas mainitan ito.

Suminghap ako at napatitig sa matandang lalaki. When he looked at my direction, there was a huge scar of his right eyes. It was like something clawed it for him not to see again. Mabuti na lang at hindi ang dalawa niyang mga mata.

I thought he could see me, and waited for him to notice me, but in the end, his attention was on Tavion again.

Sinabi sa akin ni Tavion noon na nanirahan din siya sa mundo ng kanyang ama. So, this place was King Tiffon's world. At ang matandang kumukupkop ngayon kay Tavion ang posibleng siyang nagpalaki sa kanya.

"Ina. . ."

Paulit-ulit iyong ibinubulong ni Tavion buong magdamag. At hindi lang ako ang umalis sa tabi niya nang mga oras na iyon, kundi ang matandang lalaki. He even allowed Tavion to cry like a baby on his arms, while repeatedly calling for his mother.

"I've been living in this old house of hundreds of years, but I never thought that this blazing hearth would give me an injured boy, Matilda," the old man said as he looked up at the top of the fireplace, with an old painting of a woman— his wife.

Ilang araw na ganoon si Tavion na natutulog, umiiyak at walang gana sa pagkain, pero nang magkaroon na rin siya ng lakas na mabasa ang kanyang sitwasyon, agad na siyang nagbigay ng distansya sa matanda.

He looked scared, traumatized and pitiful to watch. Naiiyak ako sa tuwing pilit siyang inaalo ng matanda at binibigyan ng pagkain.

He was like that wild cat that the old man was trying to tame. Laging nasa sulok, nagniningas ang pulang mga mata, nakalabas ang pangil at mahabang kuko habang umaatras papalayo sa kanya.

He kept on hissing and threatening the old man. Pero ang tanging ibinabalik lang sa kanya ng matanda ay maiinit na ngiti at malalambing na salitang araw-araw niyang ipinaririnig sa bata.

"I am a friend. . ."

"Hindi kita sasaktan."

"You should eat a lot."

"You are safe here."

"I am here to protect you."

"Do you want to play?"

"Come here, I'll wash you."

"Are you thirsty?"

"I will help you to take a bath."

It took months before Tavion started to open his heart for the old man. Hindi siya nakakapagsalita at ang tangi niya lang kayang gawin noon ay tumango at umiling sa matanda.

Hindi na rin siya umaatras at tinititigan nang masama ang matanda, he was accepting his foods and allowing him to give him a bath. The old man even hunted animals for him to have fresh blood.

"You are really a good looking young man," binibihisan na siya nang matanda at karamihan sa mga kasuotan ni Tavion ay malaki sa kanya. He looked like a lanky malnourish kid, at hindi iisipin na isa siyang prinsipe. Isa pa, nito lang siya nagsimula ulit uminom ng dugo.

"Do you have a name?" tanong matanda habang pinupunasan niya ang buhok ni Tavion. "Your hair has the rarest color."

Wala pa rin siyang matanggap na sagot kay Tavion. Huminga nang malalim ang matanda at iniharap niya na sa kanya ang bata. "You are not deaf. Dahil alam kong naririnig mo naman ako. I heard you talk when you were asleep. At least, give me your name, hijo."

Just like before, Tavion didn't give him expression. Ganoon lang ang pagsasama ni Tavion at ng matandang lalaki. Tavion's always observing him, kung dati ay lagi siyang nakadistansya ngayon ay sumisilip na rin siya sa ginagawa ng matanda. He even tried to read his books. Nagsisimula na rin siyang gumaya sa ginagawa ng matanda, makinig sa kanyang mga pinag-aaralan at sumama na rin siya sa kagubatan.

Bago matulog ang matanda ay lagi siyang nagku-kwento ng kanyang karanasan nang siya ay malakas pa. He served the royal family of this empire for the long time as a soldier, but now that he's already in his old age, he went into a small business to provide for his living. Iyon ay ang paggawa ng iba't ibang klase ng halamang gamot, usok na maaari sa medisina, usok na maaari sa giyera at maging paggawa ng mga pampasabog.

Tinanaw ni Tavion ang labas ng bintana ng kanilang maliit na tahanan. He could see the huge castle atop of the high hill.

"T-Tavion," biglang nagsalita si Tavion.

Agad iyong nasundan nang malakas na pagkabasag ng bote at ang mabibigat na yabag ng matandang nagmamadaling lumapit sa batang nakatanaw sa labas ng bintana.

"A-Ano ang sabi mo?"

At pagkatapos nang matagal na panahon, nasaksihan ko nang muli ang marahang pagngiti ng batang Tavion. Hindi lang ang matandang lalaki ang siyang napaluha ng oras na iyon, dahil maging ako ay hindi na napigilan ang aking sarili.

"Tavion ang ngalan ko."

Bumuhos na ang napakaraming luha sa matandang lalaki bago niya kinabig sa kanyang dibdib si Tavion.

Nang araw na iyon mas naging magiliw na sa isa't isa sina Tavion at ang matandang lalaking si Matandang Oda, hanggang sa lumipas na ang mga taon at magsimula nang magbinata si Tavion.

"Oda, pupunta akong kagubatan."

"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yong tawagin akong ama!" sigaw ng matanda kay Tavion nang magpaalam ito.

Tumatawa na rin si Tavion at nakikipagbiruan na sa matanda. "Matandang Oda, may nahuli akong baboy ramo."

Madalas silang uminom ni Tavion ng tsaa sa gabi habang nakatanaw sa kalangitan at pinagmamasdan ang mga bituin. Kung si Tavion ay nakangiting naroon ang atensyon sa kalangitan, ang matanda nama'y nakatitig na sa kanya at may mga matang punung-puno ng pag-aalala.

"Hindi na ako bumabata, Tavion."

"You are as strong as the oak tree, Oda. Ano ba iyang sinasabi mo?"

"Dapat ay lumalabas ka rin sa kagubatang ito, Tavion. Explore the city of this empire. Malakas ka na at kaya mo na ang iyong sarili. Maaari kang makapaghanap ng magandang trabaho dala ang iyong kaalaman. Matalino kang bata. . ."

"I want to live here. Tahimik. . . payapa. At tanggap mo ako."

Nang magsimula na namang mag-usap sina Tavion at Matandang Oda, hindi ko alam kung bakit tila nararamdaman ko ang kirot at bigat ng mga salita ng matanda.

"Siguro ay kaya ako dinala rito ni ina ay para makilala ka, Matandang Oda. You are like a father. Ikaw ang pamilyang sinabi niyang tatanggap sa akin."

"Pero kahit kailan ay hindi mo ako tinawag na ama," umiiling na sabi ng matanda.

"Because I am way more handsome than you! No one will believe that I am your son," nagbibirong sagot ni Tavion.

"This ungrateful kid!" biglang kinilik ng matandang lalaki sa kanyang braso ang tumatawang si Tavion.

Sa loob nang maraming taon na makasama sina Tavion at ang Matandang Oda, kailanman ay hindi pinilit ng matanda na magkuwento si Tavion sa kanyang nakaraan. Ilang beses niya mang marinig si Tavion na binabangungot sa kanyang pagtulog, ang tanging ginagawa lang ng matanda ay kumutan siya at haplusin ang kanyang kulay abong buhok. And the old man was just lighting a scented candle for Tavion to have a calm sleep.

***

"Kailangan kong bumaba sa bayan, maaari ko nang ibenta ang mga kandilang ito, Tavion. Gusto mo bang sumama?"

Umiling si Tavion. Hindi naman siya pinilit ng matanda at hinatid niya na lang ng tanaw ang matanda habang patungo na ito sa kabayo.

Pero hindi rin nakatiis si Tavion, nagmamadali niyang kinuha ang talukbong niya at isinuot iyon habang tumatakbong sumunod sa matanda.

"Sasama ako!"

Ilang oras din ang kanilang pangangabayo hanggang sa makarating sila sa pamilihan ng emperyo. Hindi na rin naman ako nagulat dahil hindi iyon nalalayo sa Sartorias.

Nakasunod lang si Tavion sa likuran ng matanda habang nakikipag-usap iyong sa mga bumibiling tindahan sa kanya, hindi iilang mga kababaihan ang ilang beses pilit sinisilip ang mukha ni Tavion, dahil na rin sa tangkad at tikas nang paglalakad nito na hindi matatago sa kanyang kasuotan.

"Matandang Oda, hindi mo sinabing may binatang anak ka pala!"

"Ganito rin ako katikas noong kabataan ko!" tinapik pa nang matanda ang braso ni Tavion na may dalang malaking basket na may lamang mga kandila.

But what caught Tavion's attention was the quick parade that day, in the middle of the busy street of the commoner's flea market. Nagsigawan ang mga nilalang sa tabi at humahangang pinanuod ang nagdaraang kawal ng palasyo, ngunit sa huli nito'y ang mag-asawang hari't reyna.

Nang lumingon sa parade ang Matandang Oda, sa unang pagkakataon na nakita na niya ang kasalukuyang hari ng kanyang emperyo— haring may katulad ng kulay ng buhok ng batang kanyang itinuring anak.

Hindi man buong buhok nito ang may bahid ng kulay ng abo, hindi pa rin maipagkakaila ang magkakawangis nito kay Tavion.

Tulalang-tulala si Tavion habang pinagmamasdan ang kanyang ama, nabitawan niya ang basket na hawak niya at pinili niyang maglaho sa lugar na iyon.

***

Alalang-alala ang Matandang Oda nang makabalik siya sa kanilang tahanan na wala si Tavion. Hawak na niya ang lampara at itinataas niya iyon sa kadiliman habang tinatanaw ang daan na posibleng tahakin ni Tavion.

"Tavion! Anak!"

That night, Tavion came back to their old cabin, with a smile on his face, and dyed black hair. "I am home, Father."

Continue Reading

You'll Also Like

106K 5K 29
Saan galing ang mga kuwento? Paano pumili ng pamagat? Anu-ano ang mga story elements? Gaano kalaki ang plot? Ilan ang dapat na tauhan sa kuwento? Bak...
9.3M 474K 63
In fairy tale, it is the prince who would go all the way with all his might to fight against the enchanted apple. And his kiss will awaken the sleepi...
253K 11.2K 38
Hey, Wattpadders! Muling nagbabalik ang pinakamasayang party rito sa Wattpad! Naririto na ang Wattpad Filipino Block Party 2018! Are you all ready to...
7.6M 439K 63
In the fairy tale, only an act of true love's kiss can melt a frozen heart, a kiss from a prince with his everlasting love. But what happened to my p...