The UnWanted Billionaire

By iampurplelynxx

21.4K 402 32

Ikakasal na sana si Louisse sa kan'yang soon-to-be husband pero nang dahil sa malagim na trahedya, ang inaasa... More

THE UNWANTED BILLIONAIRE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 8.1
CHAPTER 8.2
CHAPTER 9
CHAPTER 9.1
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 11.1
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 14.1
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 17.1
CHAPTER 17.2
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 21.1
CHAPTER 22
CHAPTER 22.1
CHAPTER 22.2
CHAPTER 23
CHAPTER 23.1
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 25.1
CHAPTER 26
CHAPTER 26.1
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 33.1
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 48.1

CHAPTER 45

361 7 1
By iampurplelynxx

WALANG ibang magawa si Louisse nang sandaling iyon kung hindi ang mapayuko. Tila siya batang nasa sitwasyong hinanda na ang sarili na pagalitan.

Ilang minuto na ang dumaan na pinapakiramdaman niyang pabalik-balik na dumadaan sa harapan niya si Zairus. Walang nangahas sa kanilang dalawa na basagin ang katahimikang bumabalot sa buong kuwartong iyon.

Nang tangkain ni Louisse na iangat ang kan'yang ulo ay nakita niya kung paanong kunot na kunot ang noo ni Zairus. Napasinghap siya nang magsalubong ang tingin nilang dalawa.

"He's my son."

Louisse knew that he did not ask a question, but rather a statement. He's sure of what he said. Sa tantiya ni Louisse ay kahit nakasara ang closet ay nakita nito si Alexandros. Kaya walang ibang nagawa si Louisse kung hindi ang mapatango.

Hinahanda niya na ang sarili na marinig ang galit sa boses ng lalaki. Ngunit hindi iyon nangyari. Bagkus tila naguguluhan pa ito.

"How come?"

Makakaramdam na sana ng inis si Louisse nang maalala niyang ang alam nga pala noon ni Ezekhiel ay nakunan siya. Kaya natitiyak niyang iyon din ang nasagap na balita ng lalaki.

"Hindi ako nakunan noon, Zai. Lumipad ako patungong ibang bansa dala sa sinapupunan ko ang anak natin."

Kitang-kita ni Louisse kung paanong tila pinagsakluban ng langit at lupa ang naging bakas ng mukha ng hitsura ni Zairus. Aware siyang pinipigilan lang ng lalaki ang emosyon nito at tila napahilamos na lang sa mukha.

"Why did Ezekhiel lie to me?"

"Ang alam niya ay nakunan ako. Iyon ang pinalabas namin."

"Did you know how miserable my life is when you leave the country, Louisse? I know I pushed you away, and I was wrong with that. But how could you? How could you run away with my son?" may galit na ang tono ng boses nito.

Biglang naiyuko muli ni Louisse ang ulo. Nang mga oras na iyon ay napagtanto niya na sobrang selfish ng naging desisyon niya.

"Zai, I saw you kissing a woman before I left the country, and it caused me to lose myself and meet an accident. At that time, I realized that I didn't want my son to feel the pain that you have caused me. I know I am selfish, and I also know that you are more than in pain. But can you blame me if I want to be selfish and set aside my feelings and let my son be my priority?" 

Maya-maya lang ay naramdaman niyang naupo sa tabi niya si Zairus. Hinawakan nito ang kan'yang kamay nang mahigpit kaya wala siyang nagawa kung hindi ang titigan ito diretso sa mga mata. Halo-halong emosyon ang nakikita niya ro'n. Pero nasisiguro ni Louisse na wala nang bakas ng galit siyang nakikita sa mga mata nito.

"Siguro nga in-denial pa ako sa nararamdaman ko noon, Louisse. But I know my boundaries. Hinding-hindi ko gagawing makipaghalikan sa ibang babae para lang mapigilan ang nararamdaman ko. I think you saw Gretchen with me that time. But we did not kiss. She has a girlfriend, you know?" pinilit nitong pinatunog pabiro ang boses para pagaanin ang usapan nilang dalawa.

Inaalala ni Louisse kung saan niya narinig ang pangalan na iyon. Tiyak niyang narinig na niya iyon kung saan dahil pamilyar iyon sa kan'yang pandinig. Hindi niya nga lang maalala. Nasa gano'n siyang pag-iisip nang maramdaman niyang dumampi ang labi ni Zairus sa kan'yang pisngi kaya nanlaki ang kan'yang mga mata.

She was about to protest when she felt that he slowly lift her hand. Then, he left a bite mark on her ring finger. It's as if he's proposing to her again, but without an actual ring. She can't help her heartbeat go wild while looking at his serious eyes.

"I know this is not the perfect time for this. But I guess you have no choice but to marry me... wife."

Naiwas ni Louisse ang kan'yang tingin. Hindi iyon ang tamang panahon para isipin niya ang kan'yang nararamdaman. Nasa lugar silang iyon at nagawa niya ring iwanan na natutulog si Zairus dahil patuloy pa rin silang hinahabol ni Tonyo. Kung magpapadala siya sa bugso ng damdamin, hindi lang sila ng kan'yang anak ang mapapahamak, madadamay din pati ang mga taong mahahalaga sa buhay nila.

"Zai, I can't. I'm sorry." It came out as a whisper.

Naramdaman niyang muling humigpit ang hawak ni Zairus sa kan'yang kamay.

"I am not pressuring you about the marriage. But if I can ask you for one thing, I want to properly introduce myself to him. Years had already passed without me knowing that I had a son. I should be there for you to hold you, to take care of you. We should be together exploring a bunch of things about him, like his favorite color, favorite hobbies, movies, and such. And I can't help but to feel guilty because I didn't even know his name."

Her heart skipped a beat. Then, she smiled slightly. "His name is Alexandros." Nagawa niya na ring tumingin sa mga mata ng lalaki at hinawakan din ang kamay nito. "Just give me more time. Then, I will introduce you to him, okay?"

Nakaramdam ng kaginahawaan si Louisse nang tumango si Zairus. Hindi niya lubos akalain na kapag nalaman nito na anak nila si Alexandros ay magiging ganoon ang magiging resulta.

"How about taking you two with me and going back to the island?" suhestiyon nito.

Nakagat na lamang ni Louisse ang ibaba ng kan'yang labi. Bigla ay naalala niya ang suhestiyon noon ni Drake. Kaya naman kating-kati na siyang sabihin kay Zairus ang katotohanan patungkol kay Tonyo, pero mas pinili niyang pigilan ang sarili.

"Ayokong mabigla si Alexandros, Zai. I want to take this slowly. I know it's my fault that I deprived you of your chance to meet my son when I ran away with him. But can you give me more time?"

Muli lamang tumango ang lalaki saka na siya nito hinila pahiga ng kama. Mabilis naman niyang hinampas ito sa braso at nagbabalak na sanang ilayo ang sarili mula rito pero lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kan'ya.

"Zai!" babala niya sa lalaki.

"I just want to hug you, wife. Anyway, it's your fault that you left me while I was sleeping," tila batang pahayag nito.

Dumaan ang ilang minutong magkayakap lamang silang dalawa. Hanggang sa bumaba ang mukha ni Zairus para halikan siya sa kan'yang noo. Hindi nagtagal ang labi nito roon dahil bumaba rin iyon patungo sa kan'yang ilong hanggang sa matagpuan nito ang kan'yang labi. Malalim ang halik na ibinibigay nito sa kanya pero walang bakas ng pagmamadali. Tila ninanamnam nito ang sandaling iyon.

Zairus was just slowly kissing her. His hand was rubbing her right ear while they were gazing at each other. That time, Louisse felt that it was one of the best moments she had. 

"Damn it! I miss you and your lips," he said after he kissed her. 

Tila siya teenager nang maramdamang namula ang kan'yang pisngi dahil sa binitiwang salita ni Zairus. Hindi sila nagtagal sa ganoong posisyon dahil siya na ang nagkusang tumayo at hinila ang lalaki. Nakita niya ang pagpoprotesta sa bakas ng mukha nito na siyang nakapagpangiti sa kan'ya.

"I will call you when I get back to the island. You better answer it, wife."

Tumango lang siya. Huling halik pa sa kan'yang labi ay tuluyang tumalikod si Zairus at tinalon ang balkone ng kuwarto nila. Nakaramdam naman ng kaba si Louisse kaya mabilis siyang sumilip sa ibaba para lang makita ang malawak na ngiti ni Zairus, nagawa pa siya nitong kindatan na ikinailing niya na lamang.

Nang mawala na sa kan'yang paningin si Zairus ay bumalik siya sa pagkakahiga sa kama, sinampal niya nang makailang beses ang pisngi para gisingin ang sarili. Nang mapagtantong hindi lamang basta panaginip ang nangyaring usapan sa pagitan nila ni Zairus ay nag-uumapaw sa tuwa ang kan'yang puso.

Kung alam niya lamang na gano'n ang mangyayari ay matagal na sana siyang umuwi sa Pilipinas para ipakilala ang kan'yang mag-ama. Naranasan sana ng kan'yang anak ang matiwasay na buhay. Ngunit wala nang espasyo sa buhay niya ang pagsisisi. Nangyari na ang nangyari. Ang tangi niya na lamang magagawa ay harapin ang katotohanan at magplano para tuluyan na niyang maipakilala si Zairus sa kan'yang anak. At kailangan niya na ring lutasin ang problema patungkol kay Tonyo.

Louisse knows that it's too early to be happy, but she can't help the smile plastered on her lips when she remembers the face of Zairus when she closes her eyes.



NAALIMPUNGATAN si Louisse dahil sa tunog ng kan'yang cellphone. Mabilis siyang napabangon nang maalalang tatawag nga pala sa kan'ya si Zai. Hindi nga siya nagkamali nang kunin niya ang phone na nasa sahig pa rin ay lumabas doon ang isang unknown number at nang sagutin ay kaagad na narinig ang boses ng lalaki.

[I'm worried. It's my 10th time calling you. Did something happen?"]

Supil niya ang ngiti nang mahimigan sa boses ni Zairus ang pag-aalala. "Nothing happened. Nakatulog lang ako."

She heard his sigh of relief.

[I called because I missed you.]

"Magkasama lang tayo kanina."

[I know. But that wasn't enough for the years that we were apart.]

Aware si Louisse na walang halong panunumbat si Zairus, bagkus tila naging open ang lalaki sa damdamin nito para sa kan'ya. Bagay na hindi niya magawang paniwalaan.

[If you were to ask me, I would lock you up on my island so that I could see you everyday. But I know you will not like it.] 

Hindi rin naman nagtagal ang usapan nilang dalawa. Lalo na at narinig niya mula sa kabilang linya ang boses ni Ezekhiel at boses ng dalawang babae na sa hinuha niya ay ang asawa at anak ng lalaki.

Matapos niyang ayusin ang sarili ay nagpasya na siyang bumaba para kamustahin ang mga kasamahan sa bahay, pero laking pagtataka niya dahil sobrang tahimik ng paligid. Nang tuluyan niyang narating ang salas ay binalot siya ng kaba nang makita ang isang lalaki na prenteng nakaupo sa isa sa mga sofa, habang nasa gilid nito ang duguang mukha ni Tonyo.

Maya-maya lang ay may mga armadong mga lalaki ang pumasok sa bahay. Hawak ng mga ito sila Eya, Kris at Suzy na kapwa mga nakatali at may busal sa bibig. Hilam ng luha ang pisngi ng huli, habang sila Kris at Eya ay may piring ang mga mata.

Nag-echo sa buong bahay ang baritonong boses nito nang magsalita ito. "My dear Suzy, I miss you," anito saka tinanggal ang panyo sa bibig ng babae.

"Hayop ka, Reese!" Galit na galit na sigaw ni Suzy.

Natigagal si Louisse. Noon niya na naalala kung sino ang lalaki. Ito lang naman ang pinsan ni Ezekhiel. Pero bakit? Bakit nandon ang lalaki? Bakit kilala nito si Suzy? At bakit bugbog sarado si Tonyo? Sobrang daming katanungan na ang tumatakbo sa isipan ni Louisse.

"That's not how you greet your ex-boyfriend, Suzy."

Nanlaki ang mga mata niyang napatingin sa galit na galit na hitsura ni Suzy. Habang lumilipas ang bawat segundo ay mas lalo lamang siyang naguguluhan. Hindi niya rin nagugustuhan ang tinatakbo ng sitwasyon. Kanina lamang ay masaya siyang kausap si Zairus. How come it turned out like that?

"Anong ibig sabihin nito, Suzy?" Pinilit niyang patatagin ang boses.

Noon lamang siya muling nilingon ni Reese. "Oh, my apologies. I forgot your existence, dear. I got too excited when I saw my ex. Oh, by the way, do I need to introduce myself?"

"Cut the chase! What's happening here? Why–" Hindi niya nagawang ipagpatuloy ang sasabihin at napatingin na lang sa lagay ni Tonyo.

"Oh about this," anito saka hinila ang buhok ni Tonyo na nakapagpasinghap sa kan'ya. "I trained a wild lion, but it seems that I just wasted my time because he has become a scaredy cat." Tuluyan nitong binitawan ang buhok ni Tonyo nang matapos nitong magsalita.

Nang makita niyang bumagsak lang sa sahig ang katawan ni Tonyo ay naikuyom niya ang kamao. Hindi niya pa lubusang naiintindihan ang sitwasyon pero natitiyak niyang hindi na si Tonyo ang kinakaharap nilang suliranin.

"And now, I am cleaning my mess." Pagkasabi nito no'n ay saka lamang napansin ni Louisse ang nakahandusay na katawan ni Drake. Duguan ang lalaki at walang malay. Hindi niya magawang maigalaw ang katawan para puntahan ang lalaki. Narinig na lang niya ang hagulgol ni Suzy at ang pagmamadali nitong puntahan ang minamahal kahit na nakagapos ang mga kamay nto.

"Hayop ka talaga, Reese! I will never forgive you. I am sure that you will pay for this!"

"Stop your dramas, Suzy. I am not here for your forgiveness. You know better than anyone that I want revenge," sandali itong tumigil at bahagyang lumapit sa kan'ya. "How about you come with me and we will have a talk?"

Sandali nitong tinawag ang isa sa mga armadong lalaki. Nang makuha ni Reese ang cellphone na inabot nito ay mabilis itong may tinipa roon saka ipinakita sa kan'ya ang isang larawan na labis na nakapagpaputla sa kan'yang mukha.

"Based on your reaction, I don't need to force you to come with me."

Mahigpit niyang naikuyom ang kamao. Labis na poot ang kan'yang nararamdaman sa sandaling iyon. Ngunit pinili niyang pakalmahin ang sarili. Walang magandang maidudulot kung paiiralin niya ang kan'yang emosyon sa ganoong sitwasyong kinalalagyan nila.

Muli niyang tiningnan ang litrato sa cellphone nito. Larawan iyon ng kan'yang anak, nakatali at nakabusal ang bibig.

"Don't you dare hurt my son."

Continue Reading

You'll Also Like

26.1M 787K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
148K 2.7K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.6M 165K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
820K 38.6K 28
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...