The UnWanted Billionaire

iampurplelynxx által

20.3K 402 32

Ikakasal na sana si Louisse sa kan'yang soon-to-be husband pero nang dahil sa malagim na trahedya, ang inaasa... Több

THE UNWANTED BILLIONAIRE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 8.1
CHAPTER 8.2
CHAPTER 9
CHAPTER 9.1
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 11.1
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 14.1
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 17.1
CHAPTER 17.2
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 21.1
CHAPTER 22
CHAPTER 22.1
CHAPTER 22.2
CHAPTER 23
CHAPTER 23.1
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 25.1
CHAPTER 26
CHAPTER 26.1
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 33.1
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 48
CHAPTER 48.1

CHAPTER 47

261 3 0
iampurplelynxx által

RAMDAM ni Louisse na nagsisimula nang manlamig ang kan'yang kamay ngunit gano'n naman ang pag-iinit ng kan'yang batok. Nilulukob na ng kaba ang kan'yang buong pagkatao, habang pinagmamasdan si Zairus mula sa screen na nakikipaglaban sa mga armadong lalaki, kasama nito ang pinsang si Ezekhiel.

Hindi na niya nagawang mapakali nang sa unang pagkakataon ay natamaan ng suntok si Zairus sa mukha, hindi nito nagawang naiwasan iyon nang may biglang sumulpot sa tagiliran nito at pinatamaan ito ro'n.

Hindi pa sana mapapansin ni Louisse na nasusugatan na niya ang sarili dala ng pagbaon niya ng kuko sa palapulsuhan kung hindi niya lamang naramdamang may mainit na kamay ang mahigpit na humawak sa kan'yang kamay. Nang lingunin niya si Tonyo ay nababanaag niya ang sari-saring emosyon sa mga mata nito. Nagawa ring alanganing ngumiti ng lalaki na sa pakiramdam ni Louisse ay ginawa nito para pagaanin ang kan'yang kalooban. Nang dahil sa inakto ni Tonyo ay tila nagbalik ang kababatang minsan niyang nakasama sa ampunan.

Naibalik lang niyang muli ang atensiyon sa monitor nang marinig ang hiyawan ng mga lalaki. Nakita niyang sunod-sunod na suntok ang ibinigay ng kalaban ni Zairus pero nagagawa nitong ilagan iyon at nang makakuha ng tyempo ay ito namang ang nagpaulan nang mabibilis na suntok na nakapagpatumba sa kalaban. Nang dahil doon ay nabuhayan ang kan'yang kalooban, pero gano'n naman ang pangngingitngit sa galit na nararamdaman ng mga tauhan ni Reese.

"Nakatyamba lang 'yan. Tingnan niyo at mapapatumba rin 'yang Montell na 'yan. Kapag nangyari iyon ay buong buhay ko siyang pagtatawanan," komento pa ng isa sa mga ito.

Segundo, minuto at oras na ang lumipas. Ang kaninang tahimik na kuwartong kinalalagyan nila ay napuno ng hiyawan ng mga lalaking nanunuod pa rin magpa-hanggang sa oras na mga iyon. Hindi na magawang muling panoorin ni Louisse si Zairus dahil sa lagay nito. Putok na ang labi nito, pati ang kilay at gilid ng mukha nito ay nagdurugo na. Makikita mo rin ang pagod sa mata ng mag-pinsan pero parehong determinadong maipanalo ang laban.

Iyuyuko na sana ni Louisse ang ulo para maiwasang tingnan si Zairus mula sa screen nang bigla itong mapatumba ng kalaban. Isang oras na siyang nakatayo kaya nang masaksihan niya ang senaryong iyon ay ramdam niyang tila bibigay na ang kan'yang tuhod, nasapo niya rin ang bibig dulot ng pagkabigla.

"Zairus," she couldn't do nothing but to desperately call his name, especially that she can hear how Zairus groan in pain.

Naikuyom niya ang kamao at hindi napigilan ang sarili na lalong maging emosyonal, kulang na lamang ay lumuhod siya roon at magmakaawang itigil na ang labanan. Pero maisip lamang niyang gagawin 'yon ay naririnig niya na sa likuran ng kan'yang isipan na lalo lamang maghihiyawan sa tuwa ang mga lalaking kasama nila sa silid. Kaya wala siyang ibang nagawa kung hindi ang manalangin na sana ay magawang makatayong muli ni Zairus, lalo na't kitang-kita niya mula sa monitor na nagmamadaling nakikipaglaban si Ezekhiel para lang mapuntahan ang pinsan.

Gano'n na lamang ang paghihinagpis ng puso niya nang muling may sumipa sa tagiliran ni Zairus at nagawa na ring mapatumba ng mga ito si Ezekhiel. Parehong lugmok na sa sahig ang mga ito. Nang nawawalan na ng pag-asa si Louisse ay tila pinakinggan ang kan'yang panalangin nang masalag ni Zairus ang sipa ng kalaban at hinila nito ang paa ng lalaki hanggang sa mapatumba at magkapalit silang dalawa ng posisyon, nakaibabaw na rito si Zairus at pinaulanan nang magkakasunod na suntok. Nagawa na ring makabawi at makabangon ni Ezekhiel.

Nang makatayong muli si Zairus ay tumingin ito sa camera na tila alam nitong nanunuod siya nang makita niyang bumuka ang bibig nito at sinambit na, "Wait for me." Pinigilan lang ni Louisse ang sariling lumapit sa monitor para lang hawakan ang imahe ni Zairus mula ro'n.

Hindi na namalayan ni Louisse ang oras lalo na't nagpatuloy muli ang labanan. Ni hindi na niya rin mabilang kung ilang kalaban na ang napatumba ng magpinsan. Hanggang sa isa na lamang ang natira sa mga ito pero mukhang naduwag ang lalaki dahil sa nakitang mga kasamahang napatumba na nila Zairus. Lihim na lang na natawa ni Louisse nang tumakbo ang lalaki papalabas ng warehouse ngunit may humabol dito na sa hinuha niya ay isa sa mga kasamahan nila Zairus, saka ro'n na namatay ang monitor at nawala na sa paningin niya si Zairus.

"What a boring fight," ani ng mga lalaking kasama nila sa kuwarto, nagawa pa siyang lingunin ng isa sa mga ito at ginawaran siya ng matalim na tingin. Hindi naman siya nagpatinag at wala siyang takot na naramdaman. Dahil alam niya sa sariling magagawa silang iligtas ni Zairus mula sa mga ito.

Kaya bilang ganti ay nagawang makipagtagisan ng tingin ni Louisse sa lalaki para lang maputol iyon nang muling pumasok si Reese ng silid. Bakas din sa mukha nito ang disappointment. Tila inaasam ng lalaki na mapapatumba ng mga tauhan sila Ezehiel at Zairus.

Mabibilis ang hakbang nitong tinungo siya at halos mapangiwi si Louisse nang hawakan siya nito sa kan'yang palapulsuhan, ramdam niya ang galit na nararamdaman ng lalaki sa mga oras na iyon. Mula sa peripheral vision niya ay nakita niyang pinilit na tumayo ni Tonyo. "Reese," may babala sa tono nito.

Ngumisi naman si Reese saka lumapit ng bahagya sa kan'yang tainga at bumulong. "Huwag ka munang magpakasaya, Louisse. You still haven't seen your son, don't you?"

Alam na alam talaga ng lalaki kung paano siya inisin. Ang sayang lumukob sa kan'ya kanina ay napalitan nanaman ng galit at kaba, pero siniguro niyang hindi niya ipinapakita ang emosyon na iyon sa lalaki.

"And you know what, Reese? You're a coward! Taking my son as your hostage just because you knew to yourself that you're no match against Zairus."

Mas lalong nag-alab sa galit ang mga mata nito dahil sa kan'yang sinambit. She already expected what he will going to do when Reese suddenly pulled her hair. Tuloy ay pakiramdam ni Louisse ay matatanggal ang kan'yang anit nang nasa gano'n pa rin silang lagay ay kinaladkad siya ng lalaki papalabas ng pintuan. Rinig niya ang sigaw ni Tonyo mula sa kan'yang likuran.

"Bring him! And don't forget to gag his mouth and tie his hands again. He's getting into my nerve!" Gigil na sambit ng lalaki.

Ilang hakbang lamang ang ginawa ni Reese at malakas siya nitong binalibag papasok ng kuwarto. Tumama ang likuran niyang bahagi sa isang upuang gawa sa bakal kaya halos mamilipit siya sa sakit. Hindi pa nakuntento ang lalaki at muli nanaman siyang sinabunutan at wala siyang nagawa nang sapilitin nitong iangat ang kan'yang ulo. May hawak na maliit na remote si Reese saka nito ni-on ang monitor sa kanilang harapan, mula ro'n ay nakita niya ang anak na nakabusal ang bibig, nakatali ang dalawa nitong kamay sa likurang bahagi nito at nakaupo sa mono block chair. May dalawang lalaking nakabantay sa magkabilang gilid ng anak.

Galit siyang lumingon kay Reese. Noon naman ito ngumisi dahil sa naging reaksyon niya. "Anong laban ng anak ko sa bantay niya ha, Reese? He's only five years old for godness sake!"

"But that five years old help you to escape Aiden, right? Mas mainam nang nag-iingat, Louisse. Manalangin ka na lang na wala akong maisip na masamang gawin sa kan'ya," walang emosyong sambit ng lalaki at nagawa pang mas lalong diinan ang pagkakahawak sa kan'yang buhok.

"Don't you dare lay your hands to my son, Reese. Hinding-hindi kita mapapatawad."

"Oh, no, Louisse. I didn't need your forgiveness. But I will enjoy if you will suffer because you couldn't do nothing for your son's sake. Maghihintay ka lang dito hanggang sa iligtas ka ni Zairus. If... he can."

"He can, Reese. He will do it for us because he loves us. But how about you, Reese? Does anyone loves you?" pangungutya niya rito.

Gano'n na lang ang pagkabigla ni Louisse nang hawak pa rin ni Reese ang buhok niya nang itayo siya nito at malakas siyang sinampal na naging dahilan nang pagkatumba niya sa sahig. Ramdam niya rin ang pagtama ng ulo niya ro'n.

"Don't test my patience, Louisse. Mabait pa ako sa lagay na 'to. Dahil hindi mo gugustuhing ibaling ko ang galit ko sa ama, sa kan'yang anak."

Ilang minuto na rin ang lumipas nang bigla na lang silang iwan sa kuwartong iyon ni Reese. Nagawa niya ring tulungan si Tonyo na kalagan ang mga kamay nito. Gustuhin mang buksan ni Louisse ang monitor sa harapan nila para kahit sa gano'n man lang na paraan ay masilayan niya ang kalagayan ng anak pero umalis si Reese na dala ang maliit na remote control para buksan ang TV na iyon.

"Louisse," pagkuha ni Tonyo sa kan'yang atensyon. Mula sa tinititigang TV ay nilingon niya ito. "I'm sorry."

"For what?" mahina niyang tanong, tila nawalan ng lakas ang kan'yang katawan.

"For everything." Huminga ito nang malalim saka nagpatuloy. "If I didn't plan to join hands to Reese, this will not happened."

"Pero nangyari na, Tonyo. Nangyari na..." turan niya saka muling tumingin sa monitor. "Naging masama ba ako sa'yo nang mga panahong nasa ampunan pa tayo?"

Mabilis naman sa alas-kuwatrong lumuhod sa kan'yang harapan si Tonyo, tila hindi na nito iniinda ang mga pasa, saka sunod-sunod na umiling. "Don't say that, Louisse. Ikaw lang ang taong nagpakita ng kabutihan sa akin noon. Nagpapasalamat ako na naging magkaibigan tayo."

"Then, why?" Hindi na niya napigilang pumiyok ang boses. "Why did you do this to me, Tonyo? Why did you do this to my son?" Tumawa siya ng pagak. "You don't know how scared I was just to ensure my son's safety because I never thought that the person I trusted would be a nightmare for us."

Napapikit ang lalaki hanggang sa nagawa nitong humugot ng malalim na hininga, saka tumingin ng diretso sa kan'yang mga mata. "Katulad mo ay may iniingatan din akong mahalagang tao sa buhay ko, Louisse. Bukod sa'yo ay siya lang 'yong taong nagpakita sa akin ng totoong pagmamahal. Sabay kaming nangarap at masyado akong naging abala sa pagbuo sa pangarap naming dalawa na hindi ko akalaing siya ang magiging kabayaran."

Nangunot naman ang kan'yang noo. "What do you mean?"

Muli itong naupo sa tabi niya at ito naman ang nakatulalang tumingin sa monitor sa kanilang harapan. "We both had a dream to build a company under our name. Akala ko magiging successful. Pero maraming naging hadlang. Hanggang sa nalugmog ako nang bumagsak ang kumpanyang dugo't pawis naming itinayong magkasintahan. Akala ko wala na kaming pag-asa, until Reese show up. Akala ko mabait na investor lang siyang naghahangad na muling umangat ang kumpanya namin at nagawa niya pang mare-brand ang kumpanyang pinagpaguran namin. But he show his true color when my fiancée died in a tragic accident. Kailan ko lang nalaman na siya pala ang nakabangga sa mag-ina ko pero hindi ko na siya magawang takasan dahil sa patong-patong kong pagkakautang sa kan'ya."

Hindi magawang makapagsalita ni Louisse dahil sa naging rebelasyon ni Tonyo. "Alam kong hindi ako naging mabuting kaibigan sa'yo dahil nalagay ko sa alanganin ang mag-ama mo. But trust me,Louisse. When I came to my senses, I was really planning to tell you the truth, but Reese did everything para lang harangan lahat ng pinaplano ko."

Muli siya nitong nilingon at mahigpit na hinawakan ang kan'yang kamay. "I know I can't rise from the darkness I'm in. But I'm not planning to take you with me. I also know it's too late to regret but the least that I can do is to make it right."

Nang makita niyang tumulo ang mga luha sa mga mata ni Tonyo ay wala siyang nagawa kung hindi ang yakapin ito nang mahigpit habang patuloy nitong sinasambit ang katagang, "I'm sorry."

Olvasás folytatása

You'll Also Like

346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
763K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.