Crush Kita Since 1998

Jando_Oh tarafından

2.5K 545 81

[COMPLETED] From 2019 to 1998. Siya si Ereneo Tesorio Laurente, isang Grade 10 student. After being rejected... Daha Fazla

Crush Kita Since 1998
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note

Chapter 3

112 17 2
Jando_Oh tarafından

Lahat ng nasa contacts ko ay hindi matawagan. Kinakabahan na ako, at mababaliw na ako. Saan na ako uuwi nito ngayon?

Blangko ang utak ko, pero nagkaroon ito nang laman nang may naisip akong gawin na sa tingin ko'y wala pa ring saysay, pero wala na akong ibang magawa, kaya naglakad nalang ako pabalik sa eskwelahan. Nakaramdam ako ng uhaw kaya napadaan ako sa tindahan na dating karinderya.

"Tao po." Sabi ko, at may isang babaeng nanonood ng TV na nadistract kase tinawag ko siya.

"Ano'ng sayo?" Sagot ng babae.

Habang tinititigan ko yung babae, may napapamilyar akong mukha na dahilan kung bakit ko tinanong ang bagay na 'to, "Anak ka ba ni aling Rosel? Medyo kamukha mo kasi sya eh. Sa pagkakaalam ko, wala siyang anak."

"Anong anak? Ako si Rosel. Bibili ka ba o hindi?" Sabi niya pa. Ang sungit naman.

"Pabili ice water nauuhaw ako." Kaya umalis siya para kumuha ng ice water. At napansin ko yung TV na umaandar kaya sumilip ako.

"At ito ang mga nag-iinit na balita ngayong February 2, 1998." Sabi ng announcer sa TV.

1998? Siraulo ka ba? Paano ka naging announcer sa TV kung pati taon di mo alam?

"Eto yung ice water." Sabi ng babae na inaabot sa'kin yung tubig.

Kaya kinuha ko na at inabot ko sa kanya yung dalawang piso. Pero nagreklamo pa siya, "Isang piso lang yan. Sobra bayad mo."

Nang kinuha ko yung isang pisong sobra, nagtanong ako. "Ano'ng petsa ngayon?"

"Ngayon?" Saad nya. "Hindi mo ba alam?"

"Kaya nga nagtanong ako eh."

"Saang lupalop ka ng mundo nakatira at hindi mo alam kung anong petsa ngayon?" ang dami niya pang salita, hindi nalang sabihin nang diretso yung sagot eh. "Ika dalawang araw ngayon ng February, 1998."

1998? Hindi ako naniniwala.

"Hoy, pinagloloko mo ba ako, tindera!?" Napataas na naman ako ng boses dahil naiirita na ako sa mga nangyayari sa araw na 'to, na sinundan naman ng pag simangot niya nang lumingon siya sa'kin.

"Aba bastos ka ah! Ikaw na nga nagtanong, ikaw pa galit? Lumayas ka!" Sigaw nya, na parang may dinadampot at babatuhin ako ng kung ano kaya tumakbo na ako.

Malapit na mag gabi. Naglalakad nalang ako sa kung saan. Hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko alam kung saan pupunta.

Problemado na ang isip ko, unti-unti nang nawawala ang katinuan ko na para bang matandang puno na mahuhulog na ang kahuli-hulihang dahon na naiwan sa sanga nito.

Nagda-dalawang isip ako kung paniniwalaan ko ba yung sinabi ng tindera at ng TV announcer.

Huminga ako nang malalim at patuloy na nag-aalinlangan.

February 2, 1998, kung saan napadpad ako sa panahong ito. Hindi ko alam kung bakit.

Napaupo nalang ako dito sa tapat ng apartment na lagi kong nadadaanan papunta sa'min, nagmukha akong pulubi na walang bahay, at ginawang unan itong bag ko. Naupo ako dito sa ilalim ng puting ilaw, sa dilaw na buwan.

Pero dilaw yung liwanag ng ilaw, kaya siguro yung ilaw yung dilaw, at hindi yung buwan.

Nagkaroon ako ng peace of mind nang sinandal ko ang ulo ko sa bag na nakapatong sa aking mga hita at pinikit ang aking mga mata, nang may napansin akong taong naglalakad sa dilim. Papunta sya dito sa may ilaw kung saan nasa ilalim ako ng streetlight, nakaupo. Hindi ko nalang sya pinansin at ninamnam nalang ang mapayapang sandaling ito.

Ilang saglit ay nararamdaman kong huminto siya sa paglalakad at nakatayo siya sa tapat ko.

"Mr. Transferee?" Isang malambing na tinig ang nahagip ng aking pandinig kaya ako napatingin sa kaniya.

"Kylah!?" Nagulat kong sinabi. Napatunganga ako sa kaniya, at nagtinginan ang mga mata namin sa isa't isa.

Si Kylah lang pala, yung kanina sa eskwelahan.

Kaya pala wala akong nakikilala sa classroom kanina kase klase ng 1998 yung mga naroon. Kahit labag sa loob, pinilit ko nalang na paniwalaan ang pantasya na nag-time travel ako papunta sa panahong ito—year 1998.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong niya sa'kin.

"Nakaupo at sinusubukang umidlip." Pang one time kong sagot—literal, at sinandal ko ulit sa bag yung ulo ko.

"I mean, bakit nandyan ka pa? Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?" Tanong na naman niya.

Nakukulitan ako sa kaniya, pero malambing yung boses nya, parang musika na pampatulog.

Dahil sa pangungulit niya, napilitan akong sumagot ulit. "Wala akong mauuwian eh. Di ko nga alam kung ba't ako napadpad dito eh."

"Wala ka bang mga magulang? Hindi ka ba nila hinahanap?" Nag-aalala yata siya sa'kin ayon sa tono ng kaniyang pagtanong.

"May mga magulang ako." Sagot ko na naman. "Pero hindi pa nila alam ngayon na may anak sila."

"Huh? Hindi ko maintindihan." Aniya.

"Di ko nga rin maintindihan kung ba't ako napadpad dito eh." Salita ko.

Kasabay ng pag-angat ng ulo ko para tingnan ang kaniyang mukha, tinanong ko ulit sa kanya ang bagay na narinig ko na kanina para kumpirmahin ang sagot. "Anong taon ba ngayon?"

Hindi pa rin ako sigurado.

"Taon? Ngayon? 1998. Bakit?" Pasimple niyang sagot.

"Eh yung petsa?"

"Petsa? Hmm... February 2, bakit? Hindi mo ba alam?"

"Tinitiyak ko lang." Sabi ko, at nasandal ulit sa bag yung ulo ko.

"Hindi kita maintindihan, Mr. Transferee. But before that, may I know your name?" Saad niya.

"Kahit naman ipaliwanag ko sa'yo, baka di ka maniwala sa sasabihin ko." Estrikto kong sinabi.

"No, sabihin mo nga. Paniniwalaan kita." Nang marinig ko ang sinabi nya, may nararamdaman akong iba sa aking puso. Yung di ko pa nararamdaman dati.

Paniniwalaan nya raw ako. Pero baka inuuto lang ako ng babae'ng to.

"Kung ganon, maniwala ka man o hindi, galing ako sa 2019. Kaya nga kita tinanong kung anong taon ngayon eh."

"H-Ha? 2019?" Sabi nya, na nagpipigil tumawa na talagang tawang-tawa na, pero pinipigilan nya lang. Napatingin ako sa reaksyon nya.

"Hahahaha! Nakakatawa ka!" At tumawa na nga sya nang malakas.

"Sabi ko na eh. Umalis ka na nga baka hinahanap ka na ng nanay mo." Masungit kong sinabi at kunyari hindi ko na siya pinapansin.

"Wait, seryoso ka ba?" kinakausap niya pa rin ako na unti-unting nagmo-move on sa pagtawa niya. "If totoo yan, paano ka naman napunta dito?"

Naiirita na'ko, tanong sya nang tanong. Pero napaisip ako. Paano nga ba ako napunta dito? Binabalikan kong isipin yung mga pangyayari kanina.

Pag-alis ko sa bahay, kinuha ko yung baon at tiningnan ko yung text ni Ryle na maglaro daw kami ng left 4 dead.

Tapos naglakad na ako papuntang eskwelahan at napadaan ako sa public toilet sa likod ng merkado para umihi sana.

Pero pagbukas ko sa zipper ng pangtalon ko, may napakaliwanag na ilaw kaya di ako nakaihi.

"Tama!" Masigla kong pagkasabi na puno ng pag-asa. Tila ba nagkaroon ng liwanag ang madilim kong mundo nang nagka-ideya ako kung paano maibalik sa normal ang lahat. Si Kylah naman, parang naguguluhan.

Dun nag-umpisa yung mga kakaibang nangyari paglabas ko ng cr! Baka dun ako nag time travel para mapunta dito!

Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan at naglakad nang mabilis papunta sa likod ng merkado kung saan nandoon yung public toilet.

"Hoy, saan ka pupunta!?" Sambit ni Kylah sa akin na sinusundan ako. Wala akong pakialam sa kanya bahala siya.

Binilisan ko ang paglalakad ko, excited ako eh, makakauwi na rin ako sa wakas. Siguradong hinahanap na ako ng nanay ko sa mga oras na 'to.

Madilim na at talagang gabi na, pero nakikita ko na yung public toilet kaya binilisan ko pa ang paglalakad ko papunta don.

"Hintay naman! Naiihi ka ba?" Sabi nya pa na patuloy akong sinusundan. Hay nako naman hindi ba siya pwedeng manahimik?

Pumasok agad ako sa cr na pinasukan ko kanina kung saan ako pumasok. Maayos na ulit yung pinto. Pinasukan ko yung cubicle na pinasukan ko kanina at, ano nga ba yung ginawa ko bago magliwanag?

"Tama!" Natuwa ako ulit. Binuksan ko pala yung zipper ko no'n tapos nagliwanag na. Kaya bubuksan ko ito ulit para magliwanag na naman at para makabalik na'ko sa 2019!

Dali-dali ko nang binuksan ang zipper ng pantalon ko at, ayan na!

Pero, teka, bakit hindi nagliwanag? Kaya sinara ko yung zipper ko at inulit kong buksan ito. Ngunit wala pa ring liwanag. Paulit ulit ko itong ginawa at nangangamba na naman ako.

Wala pa ring nangyayari. Paano na ako makakabalik nito!?

Kaya tinigilan ko nalang. Sinara ko nalang ulit ang zipper ko at tumigil na.

Napansin ko yung pader sa loob ng cr, nawala yung mga drawing na nakalagay. Naging malinis ito. Lumabas na ako sa cubicle at pagtingin ko sa paligid, malinis na nga at hindi na mabaho.

Ang bango na ng cr. Pati yung malaking tite na nakaukit sa pader ay nawala.

Naalala ko yung sinabi ng isang babae kanina at nag-flashback ito sa isip ko.

"Sinira nya ang pinto ng public toilet na kakagawa lang."

1998 pala ito ginawa.

Lumabas akong malungkot ang mukha, matamlay, at naghihintay yung babae sa'kin.

"Okay ka lang?" Tanong na naman niya nang dumaan lang ako sa harap nya.

Napahinto ako. At lumingon ang ulo ko sa kanya para kausapin sya, "Sino ka ba? Bakit ka sunod nang sunod sa'kin?"

"Kase, ngayon lang kita nakita dito. Naisip ko na baka naliligaw ka kaya gusto lang sana kitang tulungan." Mahinahon nyang sagot.

"Umuwi ka na. Hinahanap ka na ng magulang mo." Saad ko, at inalis na ang pagkakatingin sa kaniya.

"Wala akong magulang." Sagot niya na naman, at napahinto na naman ako para makinig.

"Yung tatay ko, meron nang ibang pamilya. Kinalimutan niya na kami. Yung nanay ko naman, nagpunta abroad. May pamilya na rin s'ya doon." Sabi nya pa.

Wala akong masabi. Ay, meron pala. "Saan ka ba nakatira ngayon?"

"Sa apartment ng tita ko. S'ya ang nagpapaaral sa akin. Ang gagawin ko lang, kada 4:30 ng umaga, kailangan kong walisan ang labas ng apartment n'ya at i-maintain na malinis ang mga bakanteng room numbers habang wala pang nagrerenta." Sagot niya sa'kin.

Parang kinu-kwento niya na sa akin ang buhay niya. Hindi naman ako si Charo Santos para mag-host ng Maalaala Mo Kaya.

"Umuwi ka na sa apartment ng tita mo. Hinahanap ka na no'n." Ako.

"Ikaw, saan ka uuwi?" Tanong nya na naman.

"Wala kang pakialam. Hayaan mo na'ko. Isipin mo sarili mo at wag mo'ko pakialaman." Sinagot ko siya nang ganyan, kanina pa ako nakukulitan sa kaniya eh.

Kailangan kong magsungit para tantanan na niya ako.

"Hm? Ang sungit mo naman. Anong ginagawa mo dun sa ilalim ng streetlight kanina? Bakit dun ka natulog? Wala kang mauuwian 'no?" Naiinis na ako sa mga tanong nya.

"Pwede ba?" Naiirita na ako eh. "Umuwi ka na sa inyo! Please lang ha? Wag ka nang makulit ha?"

Natahimik siya, at tahimik na rin ako. Wala nang nagsasalita, at peaceful na ang lahat.

Naglakad na'ko palayo at naghanap ng pwede mapaglipasan ng gabi na matutulugan dito sa tabi-tabi. Pero sinusundan niya pa rin ako at ayaw niyang tumigil.

Tahimik lang akong naglalakad, at bigla niyang sinira ang mapayapang gabi na 'to nang nagsalita siya. "If gusto mo, pwede ka matulog sa place ko."




Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

17K 826 34
I do not fear death nor grim reaper. Simula nang mawala ang lola ni Ariela na nagsilbing magulang niya, lumaki ang galit niya sa grim reaper. Bata p...
81.8K 2.7K 22
OUTSTANDING RANK #2 HORROR PHILIPPINES Kung si KAMATAYAN ang TAYA, at IKAW ang PUNTIRYA... Makikipaglaro ka pa ba ng TAGU-TAGUAN? Highest Achievemen...
6.8K 221 5
The ways to Forget your Ex!
51.7K 1.3K 61
Mga magkakaklase na gumamit ng ouija board upang magspirit of the glass, at di nila alam na ito pala ang magiging dahilan ng kanilang kapahamakan. P...