Love at First Sight

By MyTrixietrix

90.9K 3.6K 195

Love at first sight More

PROLOGUE
First One
Second One
Third One
Fourth One
Fifth One
Sixth One
Seventh One
Eight One
Ninth One
Tenth One
Eleventh One
Twelfth One
Thirteenth One
Fourteenth One
Fifteenth One
Sixteenth One
Seventeenth One
Eighteenth One
Nineteenth One
Twentieth One
Twentyfirst One
Twenty-second One
Twenty-third One
Twenty-fourth One
Twenty-Fifth One
Twenty-Sixth One
Twenty-Seventh One
Twenty-Eight One
Twenty-Ninth One
Thirtieth One
Thirty-First One
Thirty-Second One
Thirty-Fourth One
Thirty-Fifth One
Thirty-Sixth One
Thirty-Seventh One
Thirty-Eight One
Thirty-Ninth One
Fortieth One
Forty-First One
Forty-Second One
Forty-Third One
Forty-Fourth One
Forty-Fifth One
Forty-Sixth One
Forty-Seventh One
Forty-Eight One
Forty-Ninth One
Fiftieth One
Fifty-First One
Fifty-Second One
Fifty-Third One
Fifty-Fourth One
Fifty-Fifth One
Fifty-Sixth One
Fifty-Seventh One
Fifty-Eight One
Fifty-Ninth One
Sixtieth One
Sixty-First One
Finale

Thirty-Third One

1.5K 68 4
By MyTrixietrix

Thirty-third One


"JULIE! Labas ka na dyan! Malalate tayo!" 


Narinig ko na sigaw ni Carly. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nagagandahan ako sa suot ko. Biglang bumukas yung pinto. 


"Woah. Ang ganda mo." 


Napangiti ako. "Salamat. Ikaw din naman besh." 


"Siyempre mag bestfriends tayo eh. Ano bang ginagawa mo dyan?" 


Huminga ako ng malalim. Lumapit siya sakin. 


"Nangako sayo si Elmo na uuwi siya diba?" 


Tumango ako. Kanina ko pa din iniisip si Elmo. Ilang araw ko na nga ba siyang hindi nakakausap. Miss na miss ko na siya. 


"Ano bang sabi sayo nung driver niya?" 


"Tumawag siya dun. May meeting si Elmo kaya hindi niya nakausap. Pero ang sabi baka hindi siya makauwi ngayon kasi may paparating na bagyo." 


"Hayy. Pambihira namang bagyo yan oh. Ngayon pa talaga nasumpungan. Hayaan na muna natin. Malay mo mamaya may balita na tayo." 


"Kinakabahan ako besh eh. Hindi siya tumatawag baka kung ano ng nangyari dun. Wala na kong pakialam kung hindi siya maka attend sa event basta kahit isang tawag lang. Kahit isang beses lang na marinig ko ang boses niya na nagsasabi na okay lang siya, sapat na sakin yun." 


Tinapik niya ang likod ko. 


"Okay lang siya. Magtiwala tayo kay God. Pray lang." 


Tumango naman ako sakanya. Bumaba na kaming dalawa. Nag-aantay na dun yung driver ni Elmo. Pinagbuksan niya kami ng pinto. Tumingin ako sakanya. 


"Wala parin po ba kayong update sakanya?" 


"Ma'am.." 


"Nasa Japan parin po ba siya o umalis na siya dun?" 


"Ang huling balita ko po ay umalis na po si Sir Elmo sa Japan. Dahil po naka private plane siya, mabilis po siyang makakarating dito pero kung ganitong may mga bagyo, hindi ko po alam." 


Napayuko naman ako. Parang hindi naman ako makakapag enjoy kung inaalala ko si Elmo. 


"Ma'am Julie, wag po kayong mag-alala. Kapag may balita sasabihin ko po kaagad sainyo. Hindi rin po gugustusin ni Sir Elmo na nag-iisip kayo. May event pa po kayong pupuntahan." 


Pilit akong ngumiti. Pumasok na ko sa kotse. Papunta na kami ngayon sa school. Sa school lang din naman gagawin yun. Nakatingin lang ako sa salamin ng sasakyan. Napatingin ako sa taas ng langit. May eroplano na dumaan. Pumikit ako. Sana okay ka lang, Yam.


"Nandito na tayo!" 


Sigaw ni Carly. Tumingin ako sa labas. Ang daming tao at kotse. Lahat sila may partner. Si Carly din may partner din. Yung captain ng soccer team. Si Jay. Lumabas na siya. Tiningnan niya ko. 


"Psst. Hindi ka ba lalabas?" 


"Hi Carls! Ang ganda mo. Ikaw si?" Sabi ni Jay.


"Athena." 


"Ikaw ba? Sino ka?" 


"Poseidon" 


Tumango naman si Carly. Napatingin sakin si Jay. Gulat na gulat siya. 


"Woah. Julie? Ikaw ba yan? Ang ganda mo." 


"Psssh. Kelan ba pumangit ang best friend ko?" 


Tumingin sakin si Carly. 


"Huy? Bumaba ka na dyan." 


Wala naman akong choice kundi bumaba. Pababa na sana ako ng sasakyan ng may dumating. Halos pinagtitinginan ng tao. 


"Si Mitch ang malanding bitch." Sabi ni Carly. 


Lumabas si Mitch. Maganda ang suot nito. Mukhang kilala ko na kung sino ang ginagaya niya. Si Hera. Goddess of all goddesses. Ngiting ngiti naman siya habang naglakakad. Napatingin siya kay Carly. 


"Ohh Carly? So ikaw pala si Athena?" 


Lumapit si Carly sakanya.


"Oh yes. Buti nakilala mo kung sino ako. Ikaw? Sinong ginagaya mo?" 


Hinawi pa niya ang suot niya. 


"Hera. Goddess of ALL goddesses." 


"Ohhh. Talaga? Akala ko si Maleficent ang ginagaya mo." 


Napataas naman ang kilay ni Mitch. 


"Bakit? Naka black ba ko?" 


"Hindi. Pero kita ko kasi ang sungay mo." 


Kita ko sa mukha ni Mitch ang pagkainis. 


"Okay lang. Hindi kita papatulan. Mamaya nalang kapag pinamukha ko sa bestfriend mo na ako ang pinaka maganda ngayon sa ball. Where is Julie? Nagtago na ba? Natakot?"


Ngiti lang ang sinagot ni Carly. Tumingin siya sakin. Huminga ako ng malalim bago bumaba. Halos lahat ng tao napatingin at napatigil. 


"Meet Aphrodite. Goddess of Love and beauty." Proud na sabi ni Carly. 


Tumingin ako kay Mitch. Ang sama ng tingin niya sakin. Ngumisi siya. 


"Maganda. Yung damit." Sabi niya. 


"Maganda ka sana kundi ka lang naging panget." 


"Ikaw..." 


Ngiti lang ang sinagot ko sakanya. Maya maya dumating si Kyle. Napatingin siya sakin. 


"Hey Kyle." Kumapit si Mitch sakanya. 


"Ohh.." Nakatingin parin siya sakin. 


"Julie, siya ang date ko. Si Caerus. God of luck and opportunity." 


Nginitian ko siya. "Hi."


"He..hello Julie. You are so beautiful." 


"We know." Sabi ni Carly. 


"Ikaw? San ang date mo?" Tanong ni Mitch. 


Nagkatinginan kami ni Carly. Napayuko naman ako. Nakarinig ako ng pagtawa. 


"Oh? Wala kang date? Hahaha! Bakit? Wala yung fiance mo? Kawawa ka naman! Hahahaha!" 


"Mitch!" Saway ni Kyle. 


"Totoo naman eh. Maganda ka nga wala ka namang date ngayon? Ano nalang? Hahaha." 


"Meron siyang date." 


Lahat kami natigilan. Boses ni Elmo yun ah? Tumalikod ako. Nakita ko siya. Halos lumuwa ang mata ko sa gulat. Anong ginagawa niya dito? Lumapit siya sakin. 


"Ako ang date niya tonight." 


"Arkin?" 


Nagtilian naman yung mga girls. Akala ko talaga si Elmo na. Kaboses niya eh. Ang gwapong bata ni Arkin. Tumingin siya sakin. 


"Tara na Ate?"


Ngumiti ako sakanya. Thank you for saving me. Lumakad na kami papasok. Narinig ko si Carly na kinausap si Mitch.


"Ano ka ngayon? Gandang lahi ng mapapangasawa ni Julie noh?" 


Napailing nalang ako. 


"Arkin? Anong ginagawa mo dito?" 


Ngumiti siya sakin. "Kuya called me kanina lang. Mabilisan lang yun kasi may inaasikaso siya." 


Huminga ako ng malalim. "Kamusta na ang Kuya mo?" 


"He's okay. Busy as usual. Don't worry Ate, I'm here." 


Tumango ako. "Anyway, ang gwapo mo. Sino ka naman sa mga Gods?" 


"Apollo." 


"Hmm. God of the sun, music and healing." 


"Yeah. So tara? Upo tayo Ate?" 


Ngumiti ako sakanya. Pinagtitinginan kami ng makapasok kami sa loob. Kinuhaan niya ko ng inumin. 


"Wala kang gustong kainin, Ate?" 


Umiling ako. "Wala eh. Hmm, ikaw? Kain ka." 


"No, I'm good." 


Pinanuod namin ang mga taong nagsasayawan. May mga lumapit sakin para makipag sayaw pero wala akong gana. Iniisip ko pa din si Elmo. Nakatingin lang ako ngayon sa cellphone ko. Nagbabakasakali na tatawag siya o kahit text lang. 


"Ate?" 


"Hmm?" Tumingin ako kay Arkin. 


Tumayo siya at nilahad ang kamay niya. 


"Let's dance? May I?" 


"Pero.." 


"Hindi tatawag si Kuya." 


"Ha?"


Ngumiti lang siya sakin. Kinuha niya ang kamay ko at dinala ako sa dance floor. Nag start kaming sumayaw. Ang ganda ng tugtog sa violin. A thounsand years. 


"Namimiss mo na si Kuya Elmo?" 


Tumango ako sakanya. 


"Sobra." 


"Wag kang mag-alala, Ate. Malapit mo na siyang makita." 


Napakunot noo naman ako. Magtatanong na sana ako pero may mga babaeng lumapit samin. Gusto atang isayaw si Arkin. 


"Sige na. Punta na muna ako sa upuan." 


"Sure ka ba Ate? Samahan nalang kita." 


Umiling ako. "Wag na Arkin. Sige na ienjoy mo muna yung mga girls oh." Biro ko sakanya. 


Natawa nalang siya. Iniwan ko siya doon at umupo ako. Nakita ko si Carly na nagsasayaw kasama ng partner niya. Yung ibang students naman kumakain,selfie at make out? Dito pa talaga? Hmm. 


"Hi Julie." 


Napatingin ako sa lalaking biglang tumabi sakin. 


"Kyle?" 


"Pwede ba kitang isayaw?" 


Pilit akong ngumiti. "Pagod na kasi ako Kyle eh. At tsaka ang sama nanaman ng tingin ni Mitch satin." 


Napatingin siya kay Mitch. 


"Wala naman akong pakialam sa sasabihin niya." 


"Ako meron. May Elmo na ko remember?" 


Tumango naman siya. Sinamahan nalang niya ako. Hindi naman kami nag-usap. Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala pa ding text. Tumayo nalang ako. 


"San ka pupunta?" 


"Magpapahangin lang sa labas." 


"Gusto mo samahan kita?" 


Umiling ako. "Gusto ko lang mapag-isa." 


Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Umalis na ko. Naglalakad lakad ako. May mga lovers dito sa labas. Yung iba naman napapatingin sakin. Hindi ko nalang pinapansin. Hindi ko alam kung san ako dadalhin ng paa ko pero nadala nito sa may gate. Maglalakad na sana ako pabalik ng may marinig ako.


Looking in your eyes I see a paradise

This world that I found is too good to be true

Standing here beside you, want so much to give you

This love in my heart that I'm feeling for you..


Napahinto ako ng marinig ko ang boses na yun. Dahan dahan ko itong nilingon. Natulala ako. Nandito siya. May hawak siyang gitara. 


Let 'em say we're crazy, don't care 'bout that

Put your hand in my hand baby, don't ever look back

Let the world around us just fall apart

Baby, we can make it if we're heart to heart..


Nakasandal lang siya sa kotse niya. Nakangiti siya sakin. Para akong napako sa kinakatayuan ko. Hindi ako makapaniwala na nandito siya.


And we can build this dream together, standing strong forever

Nothing's gonna stop us now

And if this world runs out of lovers, we'll still have each other

Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us now

Woh woh oh...


Ooh, all that I need is you

All that I ever need

And all that I want to do

Is hold you forever, forever and ever..


Lumapit siya sakin. 


"Hi Yam." 


Hindi ako makapagsalita. Inabutan niya ako ng isang puting rosas. Kukunin ko na sana yun sa kamay niya pero dahil sa pagkamiss ko sakanya, niyakap ko siya bigla. Tinago ko ang mukha ko sa leeg niya. 


"Miss me?" 


Tumango ako. "Sobra. Sobrang miss kita. Miss na miss kita." 


Hinarap niya ako sakanya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. 


"Mas namiss kita, Yam. Sorry kung hindi ako nakakatawag sayo." 


Umiling ako. "Wala na kong pakialam. Basta nandito ka. Okay na ko basta nandito ka." 


Ngumiti siya sakin. Ang ngiting hinahanap hanap ko. Ang ngiting tuwing nakikita ko naiinlove ako. 


"I love you.." Sabi niya. 


"I love you too." 


Inabot niya ulit sakin yung rose. Kinuha ko yun at inamoy. Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. 


"Tara? Balik tayo dun?" 


"Bakit? Ayy oo nga pala si Arkin." 


Natawa naman siya. "Kaya na ni Arkin ang sarili niya." 


"Eh bakit tayo babalik?" 


"Isasayaw kita." 


Napangiti ako. Bumalik na kami sa loob. Magkahawak ang kamay. Lahat ng tao nakatingin samin ng pumasok kami sa loob. Parang lahat ng tao dun napatigil sa pagpasok namin. 


"Wait here." 


Umalis na muna siya. Pumunta siya sa may center stage. May kinausap siya dun. Nakita ko siya na hinubad ang coat niya. Tinaas niya ang long sleeves na suot niya hanggang siko. Biglang siyang tumingin sakin. Nakangiti siya. 


And we can build this dream together, standing strong forever

Nothing's gonna stop us now


Lumapit siya sakin at nilahad ang kamay niya. Sinayaw niya ako habang kumakanta siya. Lahat ng tao nakapalibot lang sila samin. 


And if this world runs out of lovers, we'll still have each other

Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us now

Woh woh oh..


"I'm sorry. I'm not a God. I don't have a costume like the others. I'm just myself." 


"Moe.." 


Ngumiti siya sakin.


"All I can offer to you is myself. Me. Elmo Magalona. I'm yours." 


Hindi ako fan ng PDA pero sobrang saya ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Narinig ko ang mga tao na nagtilian at nagpalakpakan. 


We kissed. 


I kissed him. 


I love you Elmo Moses Magalona.


To be continued..

Continue Reading

You'll Also Like

338K 7.7K 33
Bored ako
1.6K 110 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"
226K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
1.3K 93 20
Maria Nicolette Vergara is a famous idol and known as a short tempered person. Jhoanna Christine Robles is a blind girl and she idolize Colet's group.