Stay, Love (Travesia Series #...

By shiningblueee

10.5K 375 131

Travesia Series #2 "Please don't leave me. Stay, Love..." Astley Shane Gomez grew up being tied down by misfo... More

Stay, Love
Author's Note
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Wakas
Author's Note

Kabanata 55

223 5 3
By shiningblueee

Thank you for reading my story. Kabanata 55 and Wakas will be Julius' POV. Thank you for your support! Writing Julius' side took me a lot of time. Maybe some of you hate him, but I hope I can show you the other side of him through writing this story. Also, I do hope that you can learn something from his story. I know this plot isn't unique, yet I wrote this because I also wanted to share the stories of those people who had the same case as what happened in this whole story.

Life is somehow unpredictable. Just always remember that no matter what your situation is... you are heard from above. Just talk to Him when you're at your worst. He's there. Always.

_____

Love

Kabanata 55

"Sino 'yon? Kilala mo?" Mahinang usal ko kay Lohwan.

"Ah, taga d'yan sa bayan. Bakit? Crush mo---"

"Gago! Crush agad? Halika na nga't baka naghihintay na 'yong dalawang magpinsan---"

"Sus! Rason mo bulok, eh! Crush mo nga 'no? Halika ipapakilala kita. Madalas din 'yan dito sa simbahan---"

Agad ko siyang hinampas nang makalabas kami ng simbahan. Umikot na ako at naunang pumara ng tricycle. Hindi na sumunod si Lohwan kaya natawa ako.

Asungot talaga ang gagong 'yon!

"Kasya pa po ba, Manong? Sa bayan lang po ako."

Agad tumama ang mata ko sa babaeng kanina ko pa tinititigan sa loob ng simbahan. Nakangiti siya ngayon. Labas ang pantay at mapuputing ngipin. Walang kung anong kolorete sa mukha dahil natural na mapula ang mga labi at pisngi dahil sa maputing balat nito.

"Oo, hija. Pasok ka. Aayos lang bang umusog ka ng kaunti, hijo?"

Umiling ako at lumabas. Nagtaka ang magandang babae sa naging aksyon ko kaya ngumiti ako nang matamis.

"Sige, pasok ka, Miss. Mahirap na kung malalaglag ka dito sa may pinto ng tricycle. Ako nalang pupuwesto rito."

"Oh... Okay po, Kuya. Thank you po." Aniya na halos magpintig ang tenga ko.

Tangina! Kuya pa nga!

My jaw clenched as I saw her in my peripheral view, just sitting comfortably beside me. The way her hair dances in the air feels like we're both riding in the carriage to the castle. My lips pressed into line, holding my temper not to smile in front of her.

Sa tuwing magkakadikit ang mga braso namin ay ramdam ko ang hindi maipaliwanag na tambol ng puso. Halos pagtawanan ko ang sarili ko dahil mukha na akong timang na nangingiti sa tabi niya.

Tangina... tinamaan ba ako?

Magmula nga nang araw na 'yon ay madalas ko na siyang makasalubong kaya nalaman ko na sa bayan din siya nag-aaral. Madalas ay tuwing bakasyon ko lang siya nakikita sa tuwing sinasama ako ng pamilya ni Kylie dito sa Travesia.

"Sama ka ba ulit kina Beshy? Uuwi sila ng Bicol next week."

Ngumiti ako nang malaki at inayos agad ang gamit nang araw na iyon. Pero lumipas ang buong bakasyon ay hindi ko man lang siya nakita sa kung saan. Nang sinubukan kong magtanong kay Sister Anna sa chapel kung saan siya madalas ay hindi na rin daw nagagawi doon.

Siguro ay may balat talaga ako dahil maging pangalan at number niya ay hindi ko man lang nalaman! Tanginang 'to! Dapat pala noong nasa tricycle palang ay tinanong ko na pangalan niya.

"Oh? Hinahanap mo na naman? Baka naman nagbakasyon sa ibang lugar. I knew she's hot, but she looks too nice for you, bro. Mata palang, inosente na. At mukhang hindi mga katulad mo ang tipo niya."

Para akong sinampal ng katotoohan dahil sa sinabi ni Lohwan kaya magmula no'n ay hindi ko rin siya pinaghahanap muli. Noong sumunod na taon ay inaya rin ako ulit nina Kylie at Leizl pero hindi na ako sumama pa. Isa pa ay may training na sa Taekwondo kaya doon ko nalang inabala ang sarili ko.

Pero siguro'y pabor din ang tadhana sa akin nang makita ko siya sa harap ng Taekwondo Building. Pulang pula ang pisngi niya at nang magtama ang mga mata namin ay biglang tumakbo kaya hindi ko na nahabol pa.

"Gago! Nagulat siguro sa katawan mo, Lavares. Topless pa ang gago, eh, panget naman katawan---"

"Siraulo! Mas malaman pa 'to kesa sa patpatin mong katawan! Tangina! Alis nga dyan, Jordan!"

Iritado ako buong umaga. Hindi ko tuloy siya nakita kahit sa canteen wala. Nagtanong tanong pa ako kina Ate Andie na bantay sa canteen pero wala daw. Halata naman siya agad dahil hindi siya naka-uniporme. May dinadalaw ba siya rito o dito na rin siya mag-aaral? Kung gano'n ay tranferee kaya siya?

"Kanina ka pa d'yan badtrip. Dahil ba sa mga freshman sa Team?" Tanong ni Jordan pero hindi ko siya pinansin.

"Pahiram ng kotse mo---"

"Gago! Ayoko! Baka magasgasan, uy! Wala ka pa naman lisensya pa---"

"Malapit na. Baka sa bakasyon makukuha ko na---"

"Ayoko pa rin---"

"Susi, Jordan." Utos ko pero nakabusangot ang buong mukha niya. Nagpakawala ako nang tawa nang ibigay niya rin naman ang susi. "Plus ten ka kay, Lord."

"Gago! Pabili din sa Starbucks, ah."

"Pera?"

"Syempre... libre mo, Boss. Kotse ko na nga naabala---"

"Bahala ka."

Umalis ako ng mag-lunchtime kahit naman nakagawian ko na na sa canteen nalang kumain kasama ng ka-team ko sa Taekwondo o minsan naman ay sina Leizl at Kylie. Pero wala akong gana ngayong araw kaya balak ko sana sa bahay magluto. Paglabas ko palang ng gate ay halos manlamig ang mga mata ko nang makita ang taong madalas kong hanapin.

Isang lalaking nakaitim ang nasa likod niya. Nandilim agad ang mga mata ko kaya bumababa ako ng kotse at nakakumo ang kamay na dumeritsyo sa lalaking nakaakbay sa kanya. Binunggo ko ito at pinagsusuntok ng malakas at tinadyakan nang matumba sa lupa. Hindi ko na napansin ang mga susunod na nangyari dahil sa pandidilim ng mga mata ko.

"Miss?" Halos umurong ang sikmura nang makita siyang putlang putla at nanginginig sa takot. "Let's go..." Hindi niya ako narinig kaya hiniwakan ko ang braso niya. "Ano ba, Miss! Tara na!"

Nang hawakan ko ang kamay niya ay ramdam ko ang pagkabigla niya. Tumangis ang bangang ko at iritadong iritado sa nangyari. Bakit ba kasi mag-isa lang siya?

"Okay ka lang? Shit! Dalhin na kita sa ospital---"

Nanlaki ang mata ko nang mapansin ang mga dugo sa damit niya. Halos umurong puso ko nang umakyat ang paningin ko sa mukha niya na ngayon ay putlang putla na.

"No, please..." Mahinang usal niya habang umiiyak.

I gritted my teeth. I clenched my fist and heaved a deep sigh, trying to calm myself because of irritation.

"Dumudugo na 'yang tagiliran mo. Tara na---"

"Thank you..." Saad niya habang patuloy pa rin ang mga luhang dumadaloy sa pisngi niya. Gustong gusto ko siyang yakapin at patahanin pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko na hinintay pa ang approval niya kaya dali-dali ko siyang sinugod sa ospital.

Halos para akong makakapatay ng tao dahil sa galit. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ni Jordan sa pinakamalapit na ospital. Minuminuto ko siyang tinitingnan dahil sa takot na baka malingat ako ay may mas malalang mangyari sa kanya.

"Pasensya na, Sir. Pero kailangan po talaga namin ang impormasyon ng pasyente. Pati na rin po ang contact number ng mga magulang o kaanak---"

"Hindi ba p'wedeng sa pangalan ko nalang at contact number?"

"Hindi po pupwede, Sir. Kaano-ano mo po ba ang pasyente?"

Umigting ang panga ko sa tanong niya. Tanginang ospital naman 'to, ang daming alam! Tanong ng tanong pa 'tong nurse na 'to!

"Girlfriend ko."

"Hindi niya po ba alam pangalan ng girlfriend mo, Sir? Need lang talaga ng info---"

"Putangina..." Mahinang usal ko at bumalik ng kwarto kung nasaan siya natutulog ngayon.

Wala akong nagawa kung hindi ay pakialaman ang gamit niya, nagbabakasakaling makahanap ng ID niya man lang. At sinuswerte nga naman nang makita ko ang wallet niya na may laman na ID. Halos hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti nang makita kung gaano siya kasimple at kaganda sa larawan niyang 'to. Mukha talaga siyang inosente.

"Astley Shane Gomez..."

Pangalan palang maganda na. Pangalan palang alam ko na na magiging girlfriend ko 'to.

After that day, I feel like I was meant for her because after that incident, I can't stop thinking about her. I can't stop myself from asking if she's finally okay or what. Na para bang nagayuma ako dahil hindi ko maiwasang hindi nag-alala at isipin siya.

Pero sa dinarami rami nga naman ng tao sa mundo, hindi ko alam kung talaga nga bang pinaglalaruan ako ng tadhana. Nang isang umaga, napaaga akong pumasok dahil nagbabakasali na masilayan siya. Ni-hindi ko na hinintay pa sina Leizl at Kylie dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko na makita agad siya at kamustahin.

Pero nang araw na 'yon, para akong tinamaan ng kidlat at pinasa sa akin ang galit ng kalangitan. Kitang kita ko kung paano niya yakapin ang isang lalaking matagal ko nang hinahanap. Si Ramos Gomez, ang taong dahilan kung bakit umalis si Mama.

"Swerte mo pala..." Malamig na saad ko.

Alam ko sa sarili ko na gusto ko na siya. Pero kahit gaano ko siya kagusto, hindi ko mapigilan na hindi maibuntong ang galit sa kanya. Anak pala siya ng lalaking iyon. Ang lalaking sumira sa pamilya ko. Sinong hindi magagalit kung sa ilang taon nagdaan ay iniwan ako ng sarili kong ina dahil sa isang lalaki.

Kahit pigilan ko ang sarili ko na hindi magalit sa kanya dahil alam kong wala siyang ginagawang masama, hindi ko pa rin magawa dahil sa tuwing nakikita ko siya. Pinaparamdam sa akin kung bakit ang mag-isa at malungkot sa buhay.

Iniwan ako ni Mama para sa iba at ngayong nakita ko ang taong may puno't dulo ng lahat, mas lalong tumindi ang galit at mas lalong dumami ang tanong sa isip ko.

"Uy, Lavares! Balita ko ginigipit na naman si Aling Sanya doon sa bangketa ngayon. At alam mo, 'yong babaeng nandito sa labas ng gym noong isang araw, nakikipagdiskusyon sa mga kumag na ulupong ni satanas---"

Hindi ko na pinakinggan pa siya at agad nang tumakbo. At doon ako dinala ng mga paa ko. Kahit gaanong iwas ko sa kanya, hindi ko pa rin mapigilan. Kahit galit ako sa Papa niya, hindi ko mapigilang hindi mag-alala.

"Ikaw na naman..." Pagpipigil ko sa sarili para hindi siya sigawan.

Tangina lang! Ano ba kasi ang ginagawa niya rito at nakikipag-usap pa siya sa mga hinayupak na 'to. Halos binastos na siya pero ginawa niya pang pangaralan ang mga hayop! Halos makakapatay ako ng tao nang makita ko ang isang lalaki na nakahawak sa binti niya. Halos mabasag ko nga ata ang bungo ng isang lalaking puwesto sa may likod niya at hinawakan ang pwet niya. Kung hindi lang ako napigilan, siguro'y patay na ang gagong 'yon!

Kahit na galit na galit ako ay ginamot ko ang galos niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi sumigaw. Pero dahil nga rin siguro sa pagkabigla ay nagalit siya sa pangangaral ko.

"I am always the target of bad luck... It's not new to me. I'm used to it, though. And I'm sorry for causing you a lot of trouble."

Para akong sinampal nang sabihin niya iyon. Kahit na galit na galit ako ay hindi napigilan nang puso ko na hindi lumambot. Kahit galit na galit ako sa nangyari ay nagpresinta pa rin akong ihatid siya dahil makakapatay na talaga ako ng tao kapag may mangyari pang hindi maganda.

"Uy, hinahanap ka no'ng maputing transferee. Ikaw, ah... Nakaporma ka ba agad! Lakas mo talaga sa babae, Senior!"

Hindi ko siya pinansin. Ginawa ko ang lahat para layuan siya. Ginawa ko ang lahat para hindi magalit sa kanya. Dahil may porsyento sa puso ko na nagsasabing hindi niya kasalanan na ama niya ang lalaking kinasusuklaman ko.

"Wala na bang itatagal 'to---Aray!"

"Gago ka! Ang ingay mo!"

"Hoy, Leizl! Nasa simbahan tayo! 'Yang bunganga mo----"

"Reklamo ka kasi ng reklamo. Malamang mamaya pa 'to dahil isang oras ang misa. Hindi ka na sana sumama pa kung----"

"Shhh! Beshy, men, tumigil na kayo. Pareho kayong maingay, eh." Saway ni Kylie habang siniko pa ako kaya halos dumaing ako sa sakit.

Tangina! Abs ko 'yong tinamaan!

"Hindi natin hawak ang oras. Hindi natin alam kung bukas o mamaya ay wala na ang isa sa mahal natin sa buhay. Kaya nga iisa lang ang gusto ng ating Panginoon... gawin natin ang tama. Magkawang gawa tayo para sa iba. Huwag na huwag magpapasilaw sa mga bagay na ipapahamak natin. Habang may oras pa, gumawa ng mabuti. Dahil hindi natin alam kung totoo nga ba ang karma. Ang tanging alalahanin lang natin ay makatulong tayo at maging bukas sa Kanya." Napako ako sa inuupaan ko nang sabihin iyon ni Father.

Life wasn't easy. Life keeps going as what God planned for us. Pero kung kusa kang susuko o gumawa ng kamalian, siguro'y karma na talaga ang aabutin mo. Noon, hindi ako naniniwala sa karma.

Pero noong umalis si Mama at hindi na kailan man bumalik, siguro iyon na ang karma ko sa buhay.

Grade six ako noong umalis siya dahil nagtalo sila ni Papa. Madalas ay abala si Papa sa trabaho bilang abogado kaya wala rin naman siyang oras sa aming dalawa. Magmula no'n, hindi ko alam kung talaga bang masaya pa ako sa buhay.

Sa mura kong edad ay mas inisip ko na siguro'y umalis siya dahil ayaw niya na sa amin at may iba na siyang mahal. Siguro'y umalis siya dahil pagod na siya. Siguro'y umalis siya dahil hindi niya na ako kayang alagaan. Hindi ko nga alam kung buhay pa siya dahil ni-anino niya ay hindi man lang siya nagparamdam sa loob ng maraming taon.

"Pa naman! Kahit konting balita lang, oh? Wala talaga? Hindi ba abogado ka, paanong hin----"

Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang maramdaman ang matigas na kamao ni Papa. Uminit ang ulo at tiningnan siya ng masama.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo! Oo! Abogado nga ako! Ginawa ko na ang lahat! Lahat ng kakilala ko---"

"Sinungaling! Nagmamaang maangan ka lang ba, Pa? O sadyang kinalimutan mo na rin siguro si Mama!? Kitang kita ko ang mukha ng lalaking 'yon! Si Ramos Gomez!" Kita ko ang pagkabigla niya. "Ano!? Tingin mo ba hindi ko alam!? Akala mo ba hindi ko malalaman ang ginawa ng gagong 'yon!? Tangina, Pa... Ang gagong 'yon ang dahilan pero pinapabayaan mo lang!? Ilang taon nawala si Mama... Dahil sa lalaking 'yon... Bakit hindi mo siya tinatanong kung nasaan si Mama!? Bakit hindi mo siya pinapakulong!? Bakit parang wala lang sayo!? Minahal mo ba talaga si Mama---"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang maramdaman muli ang kamao niya. Ngayon hindi isang suntok ang inabot ko. Kundi dalawa. Nanginginig ako sa galit.

"Umalis siya nang kusa. Umalis siya at mas pinili niya ang lalaking iyon... Iyon ang gusto niya. Sa tingin mo ba, madali lang sakin na makitang kasama ang lalaking iyon? Ako ang asawa niya... Ako ang asawa niya pero umalis siya dahil---"

"Dahil nagloko ka!? Nagloko ka Pa, 'di ba!?"mariing tanong ko pero umiwas siya ng tingin. "Hindi naman aalis si Mama nang walang dahilan. Hindi siya aalis nang walang sapat na rason. Hindi niya sana ako iniwan---"

"Isang pagkakamali lang iyon, 'Nak... Hindi ko---"

"Isang pagkakamaling sumira ng husto kay Mama. Tingin mo ba tama lang na sinaktan mo siya!? Putangina!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko na suntukin ang isang mamahaling painting sa sala. Umigting ang panga ko nang lingunin ko si Papa. Habang patagal ba patagal, mas lalo akong nagagalit sa kanya. Siya ang sinisisi ko kung bakit wala akong Nanay na nandito sa tabi ko.

This is all his fault. She left because he hurt her. She left because he ruined her trust.

"Hindi mo alam ang lahat... Hayaan mong ipaliwanag ko ang lahat... 'Nak... Patawarin mo 'ko---"

"Hindi ko kailangan ng rason mo, Pa. Dahil sa tuwing nakikita kita, naalala at naalala ko na wala nga talaga si Mama sa tabi ko nang dahil sa'yo."

Magmula noon ay hindi na maganda ang relasyon namin ni Papa. Madalas din ay mas pinagtutuonan niya pa ng pansin ang ang mga kaso ng iba kesa sa paghahanap kay Mama. Kaya mas lalong tumitindi ang galit ko dahil mukhang wala siyang pakialam. Wala siyang balak na hanapin si Mama.

"Lavares, pinapabigay ulit ni Miss Snow White 'tong---"

"Deritsyo mo sa basurahan---"

"Gago ka ba!? Balita ko ginawa nga raw niya 'to kanina para lang ibigay sayo---"

"Eh, bakit niya naman ako bibigyan!? Aso ba ako para paamuhin? Tsaka, noon ko pa tinatanggihan suhol niya---"

"Hindi 'yon suhol, bro! Pasasalamat nga raw---"

"Hindi ko kailangan ng pasasalamat ng anak ng..." Hindi ko tinapos ang sasabihin ko at agad na nairita.

Kahit anong gawin kong pag-iwas ay ganoon din siya kapursigido na lumapit. Sadyang makulit din siya at hindi ako tinitigilan kahit na pinaparamdam kong ayaw sa kanya kahit taliwas iyon ng nararamdaman ko.

"H-Hope we can be friends, Ian..." Bulong niya habang namumula ang mga tenga at pisngi.

Umiwas agad ako nang tingin at tinalikuran siya. Pero sa kalagitnaan nang paglalakad ko, huminto ako at napapikit ng mariin. Kahit hindi ko gustong sabihin iyon ay ginawa ko pa rin. Ginawa ko para hindi na mas maging komplikado ang nararamdaman ko na kung ano sa kanya.

"Hindi ko na kailangan ng kaibigan."

Akala ko pagkatapos no'n ay magiging payapa na ako. Mas mapagtotoonan ko na nang pansin ang binabalak kong pagbackground check sa ama niyang si Ramos Gomez nang hindi siya nadadamay pero... Nagkakamali ako.

"Siraulo ka pala! Eh, akala ko pa naman may chance kayo ni Miss Snow sa School Night. Bakit hindi mo inaya!? Eh, balita ko iyong Sandejas na kaklase niya ang partner--"

"Gusto mo ba?"

"Gusto ko---"

"E 'di, ikaw nalang, Jordan. Dinadamay mo pa ako---"

"Taena! Gusto ko siya para sayo!"

Akala ko, sa pananahimik ko at pag-iwas sa kanya... Mas magiging maayos ang sitwasyon. Pero akala ko palang pala iyon. Dahil sa tuwing nakikita ko siyang kasama iyong Renz na iyon, naiirita ako.

Tangina! Parang linta ang gago!

"Ano niya ba 'yan!? Araw-araw nalang sa labas ng gym! Nakakairita na! Papabakuran ko na talaga 'yan para hindi na pumunta---"

"Oh? Affected ka masyado, Senior? Malamang dinadalaw niyan si Miss Snow---"

"Wala akong paki! P'wede ba, pagsabihan mo nga rin 'yon na huwag nagdadala ng dalaw o kung ano!? Ano siya nasa kulungan para dalawin!? Hindi naman rehas 'tong gym, ah!"

"Selos ka lang, tukmol!"

"Anong selos, Jordan!? Hindi, 'no!"

Ako!? Magseselos? Para sa isang babae, magseselos ako? Hindi naman kagwapuhan iyong Renz na 'yon, eh! Mas gwapo pa ako! At mas lamang na lamang naman sa ligo at sa katawan!

Sa tuwing nakikita ko silang magkasama, palaging nasisira ang araw ko. Bakit ba dikit na dikit ang linta sa kanya!? Magnobyo at nobya na ba sila!?

"Uy ayan crush mo, oh!"

"Tangina---"

Hindi ko natapos ang salita ko nang biglang itulak ako ni Jordan nang hindi ko inaasahan sa kung nasaan si Astley dahilan kung bakit hindi ko agad na kontrol ang sarili ko. Bumangga ang dibdib ko sa braso niya na dahilan kung bakit halos matumba siya sa lupa. Sa gulat ko ay hindi ko agad siya naalalayan at naunahan ako ng isa niya pang kaibigan. Si Kyle, isa rin sa dikit ng dikit sa kanya.

"Aray!"

"Hindi ko... Sinasadya... Sorry..." Kinakabahang paliwanag ko.

Putcha! Halos gulpihin ko si Jordan ng araw na iyon. Hindi ako mapakali nang mas lalong pumula ang marka sa braso ni Astley pero wala akong magagawa dahil ayaw niyang dalhin ko siya sa clinic. Kung hindi nga lang pumapel iyong Renz na 'yon ay siguro sinugod ko na agad siya sa ospital ng walang pag-aalinlangan. Magmula no'n, bukod sa pag-aalala, mas lalong hindi ko maunawaan ang nangyayari sa akin sa tuwing nand'yan siya sa tabi ko.

"S-Sorry... Sorry for what I've said last time. Sorry kung nakukulitan ka---"

Tangina! Kung alam mo lang, Astley...

"Kalimutan na natin 'yon at pasensya na rin kung ano ang mga nasabi ko. Siguro ay nadala lang ako nang nararamdaman ko."

Hindi ko maamin sa sarili ko kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag dahil sa tuwing nakikita ko siya, gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung galit pa rin ba ako sa kanya hindi. Ang hindi ko lang talagang maiwasang mairita ay sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang lalaki.

Peste! Bakit ba kasi siya lapitin ng lalaki!? Hindi ba ako sapat? Kung pwede ko lang siyang bakuran ay siguro ginawa ko na. Tangina! Anong iniisip ko!?

"Coach, pahiram nalang ng susi mo! Kung ayaw niyo, ako nalang ang maghahatid sa ospital!" Singhal ko sa kanila.

Iritado kong kinuha ang susi at agad na pinaandar ang sasakyan para lang makaabot agad sa ospital. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Paulit ulit ko nang tinanong ang doktor kung ano ang mga dapat gawin.

"Wala namang naging bale, huwag ka nang masyadong praning d'yan, Senior. Feeling boyfriend 'yan?" Tukso ni Lara kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Wala akong pakialam kung anong isipin nila. Kung pupwede ngang umalis nalang siya pagti-taekwondo para mabawasan ang pag-aalala ko. Masyado pa naman siyang lapitin ng desgrasya.

"Bakit ba tayo nandito---"

"Ninong!" Hindi ko pinatapos si Jordan at nilagpasan siya. Dumeritsyo na agad ako sa sadya ko.

"Si Ramos Gomez? Isang ritirado at magaling na imbestigador 'yan. Alam mo bang madaming awards 'yan noong kabataan namin at t'saka wala din talaga akong masabi sa sipag at dedikasyon niyan sa trabaho. Pero ngayon ay wala na akong balita sa kanya--"

"Hindi po ba siya nagkaanak, Ninong?"

"Hindi ko rin alam, eh. Bakit mo pala naitanong? T'saka anong gagawin mo dito sa mga papeles na hinihingi mo---"

"Ah, may pag-aaralan lang ako, 'Nong. Sige ho una na ako. Maraming salamat ulit! Kamustahin mo nalang ako kay Ninang at sa mga kinakapatid ko."

Gaya nga nang naging plano kong paghahanap ng impormasyon. Mas luminaw sakin kung gaano kalakas ang Ramos na iyon. Kaya dahilan kung bakit naitago niya si Mama sa amin. Ilang taon akong nangungulila pero sa ginawa niyang pagtatago kay Mama ay ginamitan niya pa ng koneksyon kung kaya't ni anino ni Mama ay hindi ko man lang makita sa nagdaang taon.

Kahit may puwang sa akin na ayaw kong idamay si Astley... Mas nanalig sa kalooban ko ang maghiganti sa ama niya. Mas nagpasilaw ako sa galit ko kung kaya't ginamit ko siya para mas makakuha ng impormasyon kung nasaan ngayon si Mama.

Inaya ko siyang maging partner ko sa school night. Isa iyon sa mga paunang plano ko. Ang mas mapalapit sa kanya. Kinaibigan ko siya at mas pinagaan ang loob para mas makilala siya.

At ang pinakaimportanteng dahilan ay para malaman ko kung nasaan si Mama.

Kaya noong graduation, nagbabakasakali akong makita si Ramos sa mismong araw na iyon. Pero hindi pala dumalo. Tangina ng hayop na 'yon. Pati sa araw ng anak niya, wala siya? O alam niyang narito ako at baka takot siyang harapin ang kagaguhang ginawa niya?

"P're, ikaw na bahala sa kanya, ah. Kaibigan ko rin 'yon. Kapag talaga sinaktan mo siya, hindi ako magdadalawang isip na gulpihin ka---"

"Paano mo naman ako magugulpi, eh, luluwas ka na ng bansa. Gago! Iniwan mo pa talaga ako rito sa Taekwondo---"

"Sus! Huwag mo namang ipahalata na mami-miss mo ako ng sobra. Nandyan naman si Lara. Sa kanya mo na ipasa ang trono---"

"'Yoko! May balak din aking mag-quit in the near future---"

"Gago! Edi ngayon palang pareho na kayo lumayas ng Team!" Iritado kong singhal sa dalawa.

Nang sumapit ang araw ng school night, sinagawa ko na ang plano ko. Hindi ko siya sinundo, hindi ko siya sinipot sa mismong oras ng sayaw. Parte iyon ng plano ko. Pero parang nahulog ako sa sarili kong bitag dahil halos sumakit ang ulo ko dahil sa katangahan ko. Iritadong iritado ako noong makita ko sila ni Jordan buong gabi. Halos silang dalawa lang ang nagsasayaw sa isa't isa.

At ang tukmol, mukhang masayang masaya pa dahil naisayaw niya ang pinakamagandang babae sa buong campus. Tangina! Kasalanan ko rin naman!

"I'm sorry for neglecting you. I should be your first dance... At ako lang dapat..."

I-Ian..."

"Sulitin nalang natin ang oras na 'to. Okay na sa akin na ako ang huling maisayaw mo." Bulong ko, at sising sisi sa planong naisip ko.

Dapat pala hindi ko nalang ginawa ang planong 'to. Ako rin lang pala ang nagdusa sa katangahan ko.

"Galit ka nga."

Hindi niya ako pinapansin. Kaya kinulit ko siya ng kinulit. Kahit naman hindi niya sabihin, ramdam ko na galit siya dahil sa ginawa ko. Hindi siya makatingin nang mas lumapit ako. Mas namula pa siya kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

"I-Ian... You're too close..."

Hindi ko siya pinakinggan. Bumababa ang tingin ko sa labi niya. Natural na mapula ito na para bang kulay ng kamatis. Mukhang malambot din. Umiigting ang panga ko anng maisip iyon. Gusto kong umatras dahil ramdam ko na ang hininga niya at rinig ko na rin ang malakas na tambol ng puso ko. Pero may kung ano rin sa akin ang nagtulak para idampi ng tuluyan ang labi ko sa kanya.

Hindi ko napigilang mabaliw nang maramdaman ang malambot niyang labi. Ang tamis rin na para bang candy na hindi ko maipaliwanag. Habang patagal na patagal mas nakakaliyo. Nakakaadik na para bang isa itong drugs.

"Tangina..."

Lumipas ang mga oras na hindi ko namamalayan. Hindi ko namamalayan na nabubulag na pala ako taliwas sa naging plano ko para hanapin si Mama. Ang planong paamuhin si Astley para malaman ko kung nasaan si Mama ay sadyang naging isang parang gusot na papel na itinapon ko kaagad sa basuraan dahil hindi na mapapakinabangan.

"Tangina naman... Ano ba kasi ang mali ko? Sabihin mo, itatama ko... Huwag ka lang ganito sakin... Hindi ako sanay na iniiwasan mo ako..."

Para akong pinagtawanan ng kapalaran ko dahil ngayon mukhang ako pa talaga ang magsisisi sa ginawa kong plano. Ako ang nahulog sa sarili kong bitag. Ang planong paamuhin siya ay bumalik sa akin. Para bang nagkipaglaro lang ako ng uno cards at pinanlaban sakin ang reverse.

"Naku, pre! Akala ko ba si Kylie ang partner mo ngayong taon?"

"Oo nga, Julius. Ba't iba na 'yang kasama mo? Pinaubaya mo na sa ibang lalaki ang unang pag-ibig mo?"

"Anong pinaubaya? Hindi no!"

"Eh, ano? 'Di ba first love mo 'yon? Tangina kang tukmol! Nauhan ka pa pala ng ibang lalaki."

"Eh, si Leizl din pala hindi mo naging partner? Maging siya ay pinaubaya mo na sa iba? Tanga nito!"

Agad akong umiling at pinasadahan ng kamay ang buhok. Natatawa akong tinignan sila dahil masyado siyang curious. Mga hangal, swerte ko nga sa naging ka-partner ko, eh.

"Wala, eh. No choice ako sa partner ko. At least naman meron kaysa sa wala." Mayabang na saad ko.

"Sus! Nililigawan mo na ba---"

"Huwag mo nang itanong dahil hindi mo na kailangan malaman pa ang sagot. No choice na siya ang kasama ko ngayon, eh, siya lang naman ang magandang babae sa paningin ko ngayon."

"Gago! Yabang mo, Senior. Tinamaan na nga talaga ang mabangis na---"

"Ewan ko sainyo. Nabakuran ko na 'yon kaya umiwas kayo." Banta ko.

Akala ko maayos kami ng gabing iyon pero nagakakamali ako. Na-misinterpret niya ang usapan namin ng mga dati kong kaklase. Akala niya ay talagang napipilitan ako na yayain siya biglang partner ko.

Tangina! Sinong lalaki ang aayaw sa babaeng katulad niya? Ako nanga siguro ang pinakamaswerte dahil pumayag siya na maging partner ako.

"May... gusto ka... sa'kin?" Hindi makapaniwalang tanong ko nang sabihin niya iyon sa gitna ng argyumento namin. Agad niya namang binawi pero na-corner ko na siya. T'saka hindi niya ako maloloko. Bakit masyado siyang tensyonado nang lumapit ako sa kanya.

"Fine! I like you! Happy now!?"

Iyon na siguro ang pinakamagandang araw ng buhay ko. Iyon na rin siguro ang pinakamagandang mga salita na narinig ko sa buong buhay ko. Halos hindi ako makatulog nang malaman mula sa kanya na gusto niya ako.

Pero katulad ng mga nasa pelikula, talagang totoo ang kasabihan na kapag masaya ka, asahan mong may oras din na bibiglain ka nalang ng kapalaran mo. Akala ko pagkatapos no'n ay maayos na ang lahat.

Pero hindi pala...

"Fuck you, Asshole!"

Tuloy tuloy ang malalakas na suntok ang inabot ko kay Renz nang sumugod siya sa akin. Hindi na ako nakapaglaban dahil alam ko kung bakit siya nandito.

"I fucking knew it! I just came here to asked for help but you fucking ruined it! What you've done, huh!? You ruined everything! You ruined her image! You ruined her trust! Even to me... She thinks I was the one who--"

"Tangina! Kasalanan mo rin dahil masyado kang mapapel. Eh, sino ka ba---"

"Then, who the fuck are you too!? You're not even her boyfriend---"

"Gago ka pala, eh!"

Uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Oo kasalanan ko kung bakit ngayon ay iba ang tingin ng mga tao kay Astley. Kasalanan ko ang lahat. Pero hindi ko naman gusto na ipaalam sa lahat ang nangyari sa nakaraan niya. Hindi ko rin inaasahan na makukuyog ako nang isang grupo ng mga lalaki na nakalaban ni Papa sa kaso.

Nang makita ko ang kaso ng paghahanap ni Astley sa totoo niyang ina at kung ano nga ba talaga ang relasyon niya kay Ramos Gomez ay doon ko lang napagtagpi tagpi ang mga impormasyon na nakuha ko mula noon. Pero sa kasamaang palad, ako ang puntirya nang mga lalaking involved sa huling kasong hinawakan ni Papa.

Kinuyog ako na halos ikamatay ko pa dahil sa inabot na bugbog at sipa sa mga hayop na iyon. Sila ang nagpakalat kung ano ang nangyari noon kay Astley. Alam ng mga hayop na iyon ang koneksyon ko kay Astley kaya ganoon nalang kung paano nila ang binangga.

Doon ko lang din nalaman na, noong una pala ay mali na talaga ako. Making mali na ako sa ginawa kong plano. Maling mali ako nang taong sinira. Maling tao ang pinagbuntungan ko ng galit. Hindi ko alam na kung gaano kadilim ang nakaraan ko, mas madilim pa pala ang sinapit ni Astley kumpara sa akin. Mas malungkot ang nakaraan niya kumpara sa akin.

"Putangina! Na-contact mo ba!? Kasalanan ko talaga 'to! Kung nagtiwala ako, e 'di sana hindi siguro umalis si Astley. Ang tanga tanga kong kaibigan!"

Umigting ang panga ko nang marinig ang sinabi ni Lara. Umiling ako. Ang totoo, ako ang may kasalanan ng lahat. Hindi ko man lang siya nakausap ng maayos. Umalis siya. At balita ko ay pati mga papeles niya sa paaralan namin ay kinuha niya. Talagang umalis na siya.

"Eh, adik naman pala siguro ama no'n. Sayang maganda pa naman. Siguro hindi na 'yon virgin dahil--"

Hindi ko pinatapos ang sinasabi ng grupo ng lalaki sa canteen. Nasa tabi lang nila ako at kanina pa nila pinag-uusapan si Astley.

"Hayop ka! Dudurugin ko 'yang bunganga mong gago ka! Ano!? Tangina mong hayop k--"

"Julius!"

"Uy! Awatin niyo!"

"Julius tama na!"

"Uy! Hala awatin niyo na!"

Putangina! Wala ba silang magawa sa buhay nila at talagang pagsasalitaan nila ng masama ang tao patalikod. Mapapatay ko talaga sila kung hindi lang ako naawat ng mga tao sa loob ng canteen.

"Julius! Ano bang nangyayari sayo!? Ayusin mo nga ang buhay mo!"

"Tss. Sirang sira na ang buhay ko, Pa. At nang dahil sayo 'yon---"

"Julius!"

Nang dahil nga sa nangyari. Ginawa ko ang lahat para pakiusapan si Eli para alamin kung nasaan si Astley. At doon ko nalaman na nasa Travesia siya. Doon na rin siya nag-aaral at masaya nga siya roon nang bumisita mismo ako para sana makita siya. Gustong gusto ko siyang makausap pero talagang mapaglaro ang tadhana noong nalaman kong nakausap ni Papa si Mama.

Halos wala ako sa wisyo no'n nang malaman kong nasa ospital si Mama. Para akong sinaksak ng ilang beses nang malaman ang buong nangyari. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga kaganapan ko sa buhay. Sisingsisi ako kung bakit pinalala ko ang nararamdaman kong galit kay Papa na kung tutuusin ay wala siyang alam sa nangyari.

Naaksidente si Mama ilang taon ang nakakalipas at ang ginawang pagtatago ni Ramos sa kanya ay bilang proteksyon lang iyon para hindi lumalala ang kalagayan niya. Halos gusto ko nalang mamatay nang malaman ang buong katotoohanan.

My life is a messed. I'm so fucked up.

Siguro, kung talagang hindi malakas ang loob ko... nagpakamatay nalang siguro ako para makalimutan ang mga kagagohang pinaggagawa ko. Ang laking pagkakamali ang ginawa kong paninisi kay Papa. Ang lala rin ng ginawa ko kay Astley.

Talagang mapaglaro ang tadhana. Hindi ko nga alam kung paano ko nalagpasa ang lahat nang unti unti nang naayos ang sitwasyon ko sa buhay. At ngayon, maling mali ako nang iniisip sa ilang taon kong nabuhay na si Papa lang ang kasama. Hindi pala siya ang may kasalanan.

Ang may kasalanan ay ako. Kasalanan kong nagpasilaw ako sa galit. Kasalanan kong nanisisi ako ng tao.

Sa buhay, hindi natin kailangang magpadala sa apoy ng galit. Kailangan lang natin mas palawakin ang pangintindi natin sa sitwasyon kinakaharap natin. Life isn't perfect, also, the human being itself.

Lumipas ang panahon ay mas naliwanagan ang puso ko. Kahit papaano ay nagsisi ako sa ginawa ko lalo kay Astley. Pero siguro... makapal na sa makapal, ginawa ko ang lahat para lumapit ulit sa kanya nang wala nang halong galit sa puso ko.

At doon ko nga nakompirma na mahal ko na siya. Hindi lang mahal kundi, mahal na mahal ko siya at takot akong mawala siya sa akin.

"Mahal kita... Handa akong hintayin ka..."

Isa sa pinakanagustuhan ko sa kanya ay iyong panloob na ugali niya. Hindi siya iyong taong nagtatanim ng galit. Ay isa sa pinakapinapasalamat ko nang muli niya akong tanggapin at pagkatiwalaan. Mahal ko siya. Mahal namin ang isa't isa kaya handa akong gawin ang lahat para hindi siya masaktan.

Ginawa ko ang lahat para iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Halos araw-araw ay gusto ko siyang makita at pagsilbihan. Alam ko sa sarili ko na siya na talaga. Siya lang at wala ng iba.

Siya na ang taong pakakasalan ko.

Masaya ako sa tuwing magkasama kami. Masaya kaming pareho sa isa't isa. Pero hindi ko inaasahan nang isang umaga ay binalot ng takot ang buong pagkatao ko. Ngayon lang ako natakot ng husto sa buong buhay ko.

"Sad to say, Mr. Lavares... Based on my observations, you have been diagnosed with leukemia. Maybe you're wondering why your behavior has changed in the past few months. It's because it was one of the symptoms. Palaging stress, fatigue, namumutla at ayang mga pantal pantal mo sa katawan ay iilan din sa mga sintomas ng sakit mo."

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Hindi ko alam kung bakit ba ganito ang buhay ko. Kung kelan na maayos na ako. Maayos na ang relasyon ko sa pamilya ko. Kung kelan maayos na kami ni Astley. Kung kelan nagpaplano na akong makasama si Astley ng mas matagal... ay doon naman dumating ang pinakaproblema ko sa buhay.

Akala ko tapos na ang hamon ng Panginoon sa akin. Pero ito pa pala.

"M-May... sakit ka?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Leizl. Ginawa ko ang lahat para hindi nila mahalata ang nangyayari sa akin. Halos sisihin ko ang sarili ko. Siguro ito na talaga ang pinakakarma ko sa buhay. Ito na siguro ang pinakaproblemang binigay sa akin.

"Julius---"

"Huwag mong banggitin sa kanila. Lalong lalo na kay Astley--"

"Putangina! E 'di meron nga!? Sabihin mo nga sakin--"

"Huwag ka nang makialam, Leizl. Basta ang sinasabi ko sayo, huwag na huwag mong babanggitin kay Astley itong nalalaman mo--"

"Julius naman..." Kita ko ang pagtulo ng luha niya kaya tumalikod na ako at iniwan siya dahil takot ako kung ano pa ang pwedeng mangyari.

Natatakot ako na baka mapagbuhatan ko rin siya ng kamay kagaya nang ginawa ko kay Kylie. Hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa akin nang araw na iyon. Parang wala ako sa sarili. At hindi ko alam kung bakit. Hindi iyon ang unang beses nangyari sa akin. Dahil nasundan pa iyon noong magkita kami ni Renz.

"You're fucking crazy, asshole! You're hurting her! She didn't deserved you--"

"At bakit, ikaw ba? Sa tingin mo ay mas deserving ka para sa kanya? Eh hayop ka rin naman--"

"Fuck you!"

Ilang suntok ang natamo ko sa kanya kaya doon ako tuluyang nawala sa sarili ko. Bumalik lang ako sa wisyo nang makita ko si Papa sa mismong harap ko. At doon ko lang nakita ang sarili ko na nasa loob ng maliit na rehas sa presinto ng baranggay namin.

Doon ko nga nakompirma na hindi lang iyon basta pagkawala sa wisyo. Iyon na pala ang isa sa mga sintomas ng sakit ko.

At sa araw ngang iyon, nang malaman ko ang sakit ko... nagdesisyon na agad ako na layuan siya para hindi na siya madamay at ayokong masaktan siya ng lubos. Ang iwan siya ay ang tanging naisip ko. Mas mabuti nang kalimutan niya ako kesa sa mas masaktan siya kapag nalaman niya ang sakit ko.

Noong birthday niya, hindi ko siya sinipot. Noong araw din iyon ay alam kong anniversary namin. Sa totoo lang, nakaplano na ang lahat. Naplano ko na sana na yayain siyang magpakasal sa mismong anniversary namin. Halos matagal ko na ring naitago ang singsing pero nasira lang ang lahat nang dahil sa sakit ko.

From Love:

Hi! Are we cool? You seem cold, and you didn't even call me for 2 long weeks. But if you're busy, it's okay. It's fine with me. Call me if you're free. Take care always.

Halos madurog ko ang hawak na baso nang mabasa ang mensahe mula sa kanya. Gustong gusto ko siyang puntahan. Gustong gusto ko siyang makita at yakapin. Gustong gusto ko siyang halikan para iparamdam kung gaano ko siya kamahal.

Pero tanginang buhay 'to!

Mas okay na 'to na iwasan siya. Mas okay na siguro 'to kesa sa magalala pa siya sa akin dahil sa sakit ko. Ayokong maging pabigat sa kanya. Ayokong magulat siya at saktan ng tuluyan dahil alam ko naman na hindi ako tatagal. Tanggap ko naman na iiwan ko siya kaya habang maaga pa, kailangan ko nang iwan siya para masanay siya.

This is better than leaving her unprepared...

Noon, kinuwesyon ko si Papa kung bakit siya nagloko. At doon niya inamin na ginawa niya iyon dahil iyon lang ang tanging paraan para hindi si Mama madamay sa hawak ni Papa na kaso. Iyon lang ang tanging paraan niya para sa gayo'n ay hindi lumala ang sitwasyon. At ngayong ako naman ang nasa sitwasyon, ngayon ko lang na-realize na hindi madali ang dinanas ni Papa. Sadyang sinubok din siya ng Panginoon.

I don't know why I'm so fucked up. Is it still worth to live?

Wala akong ginawa. Ayoko rin magpagamot dahil para saan pa nga ba? May kilala akong may katulad na sakit sa akin at maging iyon ay maaga ring nawala kahit na nagpagamot iyon. Kahit ang doktor, sinabi mismo sa akin na walang kasiguraduhan na gagaling ako ng tuluyan. Kaya ano pang silbi kung magpapagamot pa ako, 'di ba?

"Uy, bro! Kasama ko na si Mexy!"

"Hi..."

Akala ko, madali lang na iwasan at kalimutan siya. Pero hindi, eh. Ginawa ko na ang lahat pero siya pa rinang laman ng puso't isipan ko. Halos araw-araw na nga siguro akong umiinom. Gabi-gabi na rin nga akong sumasama sa mga tropa ko. At iilang babae na ang nakaharap ko, pero tanging mukha niya ang nakikita ko.

Noong gabing sinama ko ang mga kaibigan ko sa bahay, hindi ko alam na naroon pala siya sa kwarto ko. Lasing na lasing ako noon at wala sa sarili. Wala akong inisip kundi siya kaya napagkamalan kong siya ang hinahalikan ko. Pero nagkakamali ako, si Mexy pala iyon at sisingsisi ako sa ginawa ko.

Pero wala akong magagawa, ito ang gusto ko...

"Did I do something wrong, Ian? Sabihin mo naman kung may problema? Kung tungkol sa pagiging abala mo, ipaliwanag mo sakin ngayon. Iintindihin ko naman kahit ano pa 'yan. J-Just...J-Just explain it to me. Tell me if you have a problem... Sabihin mo kung may nagawa ba akong mali---"

"Wala. Wala kang mali. Ako ang mali."

Gustong gusto ko siyang yakapin at punasan ang mga luha sa pisngi niya pero umatras ako. Ayokong mas pahirapan siya at ang sarili ko. Hindi ako nagpatinag kahit na ilang beses na siya nagmakaawa. Kahit naman sabihin ko na ang totoo sa kanya ay hindi na mawawala pa ang sakit ko. Himala nalang siguro ang gumaling ako sa sakit na 'to.

Ilang beses ko siyang pinagtabuyan. Kaya nang tuluyang siya na ang sumuko, wala na akong nagawa. Kasalanan ko naman. Ito ang ginusto ko. Ang tuluyan niya na akong kalimutan. Kaya nang tuluyang siya na ang umalis, sinabi ko sa sarili ko na tapos na ang kung ano man sa amin.

"A-Anak naman... Kailangan mong magpagaling. Parang awa mo naman Anak... Magpagamot ka na..."

"Ma, wala na akong pag-asa. Malapit naman na---"

"Julius! Huwag mo nga 'yang sabihin!"

Tumawa ako nang makita ang dalawa kong kaibigan na ngayon ay parehong nakabusangot at umiiyak.

"Ang panget niyo talaga umiyak. Kaya hindi kaya pwedeng maging artista---"

"I don't have plans for that... Ano ba men... Please lang... Pagamot ka na! Ang sabi ng doktor kailangan mo na magpa-chemo---"

"Kylie, mahal mo ba ako?" Tanong ko kaya agad siyang tumango.

"You, asshole! Of course--"

"E 'di pagbigyan niyo na ako rito. Pakinggan niyo naman ako kahit ngayon lang. Wala na akong pag-asa. Malala na 'tong sakit na 'to. Gusto ko nang manahimik. Kung gusto na akong kunin ni Lord, e 'di mabuti. Wala na kayong iisipin pa. Hindi na kayo masasaktan. T'saka wala na rin naman 'yong taong mahal ko kaya wala nang saysay pa kung magpapagamot pa ako. Kaya please lang din... balato niyo na 'to sakin. Ayokong magpagamot. Ayokong mas lalong bugbugin ang sarili ko sa ospital. Mas gusto ko nang isahang sakit. Kaya hayaan niyo na ako---"

"Julius naman..."

"Anak..."

"Basta tandaan niyo na mahal na mahal ko kayo. Pa, kayo na bahala kay Mama, ah. Ikaw Leizl... mahal ka niya. Huwag mong mas saktan ang sarili mo. Thankful pa rin ako dahil isa ka sa pinakabwesit na kaibigan ko---"

"T-Tangina... mo... talaga--"

"I love you too. Ikaw naman Kylie, alagaan mo ang sarili mo. Huwag mo namang isagad pag-aalaga mo kay Reign. Alam mo bang inggit na inggit ako sa tukmol na 'yon dahil masyado mong bini-baby---"

"Men, I'll take care of you... Just please---"

"Huwag na, men. Huwag na... Basta huwag niyong kalimutan na kapag wala na ako, nand'yan pa rin naman ako sa tabi niyo. Hindi ako mawawala. Siguro ang katawan ko ay mawawala rito sa mundo, pero tandaan niyo na nand'yan pa rin ako sa puso niyo."

Handa na rin naman ako kung ano man ang sakaling mangyari sa akin.

"I-Iyong kahon... sa ilalim ng kama ko... p'wede bang ibigay niyo 'yon kay... A-Astley?" Umubo ako nang maramdaman ang bukol sa lalamunan ko. "Importante 'yon. Zel, ikaw na bahala doon, ah."

Pero kung may pagkakataon man na magkita kami, ako na mismo ang magbibigay no'n. Hindi ko lang talaga alam kung may chance pa akong makita siya muli. Alam ko naman masaya na siya ngayon sa ibang bansa kasama si Renz.

Kung saan siya masaya, masaya na rin ako para sa kanya.

Noong gabing iyon... Handa na sana ako. Handa na sana akong iwan ang lahat.

Handa na akong umalis.

Handa na akong tapusin ang nararamdaman kong ito. Itong sakit ko na ito. Dahil habang tumatagal, mas lalo lang akong nasasaktan. Mas lalo ko lang nasasaktan ang mga mahal ko sa buhay.

Kaya mas mabuti na sigurong tapusin ko nalang 'to ng isahan.

Pero... nang makita ko siyang muli nang gabing iyon sa tabi ng dalampasigan. Para akong sinaksak ng milyong milyong beses. Para akong kinuryente sa kinatatayuan dahilan kung bakit hindi ako makagalaw.

Hindi ako nagkakamaling siya iyon. Kahit na gabi at madilim ang distansya namin sa isa't isa. Alam kong siya iyon. Iyon ang taong minahal ko at hanggang sa ngayon... Taong mahal na mahal ko.

Siya ang taong tinitibok ng puso ko.
At hanggang ngayon, kusang nga paa ko ang lumapit sa kanya. Pero alam kong hindi na pwede.

Iba na ang sitwasyon dahil ilang taon na ang lumipas. Kaya nang araw na 'yon. Kahit gustong gusto ko siyang hawakan ay dumeritsyo lang ako sa paglalakad hanggang sa malagpasan siya.

Akala ko ayos na ako kahit na makita lang siya nang araw na iyon. Pero ilang minuto lang ang lumipas ay naramdaman ko na ang kirot ng puso ko. Naramdaman ko ang patuloy na dugo na umaagos sa ilong ko. Ilang minuto iyon hanggang sa hindi ko na namalayan pa ang sumunod na nangyari. Lumabo ang paningin ko at tuluyang binalot ng dilim.

"Please don't leave me... Stay for me, love... Love... Please... Stay with me longer. Don't leave me like this. I can't live without you. Please stay with me! Stay with me, Love..."

Continue Reading

You'll Also Like

28.9K 1.2K 45
[COMPLETED] LA VISTA SERIES #3 Evorie Tatum R. Luneta lives within papers, books, school, and lectures. For years, her life has been boring like no o...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
72.6K 2.5K 58
Travesia Series #1 "Hold on, babe. Please breathe for me..." Kylie Cyril De Guzman admires this one boy who makes her heart beat so fast. Watching hi...
14.5K 248 62
❝boy, you're brilliant!❞ β† In which Kim Mingyu confidently competes with his fellow classmates but ended up being the last placer, sac...