Love at First Sight

By MyTrixietrix

90.9K 3.6K 195

Love at first sight More

PROLOGUE
First One
Second One
Third One
Fourth One
Fifth One
Sixth One
Seventh One
Eight One
Ninth One
Tenth One
Eleventh One
Twelfth One
Thirteenth One
Fourteenth One
Fifteenth One
Sixteenth One
Seventeenth One
Eighteenth One
Nineteenth One
Twentieth One
Twentyfirst One
Twenty-second One
Twenty-third One
Twenty-fourth One
Twenty-Fifth One
Twenty-Sixth One
Twenty-Seventh One
Twenty-Eight One
Twenty-Ninth One
Thirtieth One
Thirty-Second One
Thirty-Third One
Thirty-Fourth One
Thirty-Fifth One
Thirty-Sixth One
Thirty-Seventh One
Thirty-Eight One
Thirty-Ninth One
Fortieth One
Forty-First One
Forty-Second One
Forty-Third One
Forty-Fourth One
Forty-Fifth One
Forty-Sixth One
Forty-Seventh One
Forty-Eight One
Forty-Ninth One
Fiftieth One
Fifty-First One
Fifty-Second One
Fifty-Third One
Fifty-Fourth One
Fifty-Fifth One
Fifty-Sixth One
Fifty-Seventh One
Fifty-Eight One
Fifty-Ninth One
Sixtieth One
Sixty-First One
Finale

Thirty-First One

1.6K 61 0
By MyTrixietrix

Thirty-first One


"Besh? Besh? BESH!" 


Napatingin ako kay Carly. Kakatapos lang ng exam. 


"Nakatulala ka ah? Wala pang isang araw sobrang miss mo na siya?" 


Napabuntong hininga lang ako. 


"Nakakamiss naman talaga siya." 


"Haynaku! Alam mo mapapagod lang si Elmo dahil kanina pa siya tumatakbo dyan sa isip mo. Pagpahingahin mo naman! At speaking of pahinga.." 


Tinayo niya ko. 


"Aalis tayo!" 


"At san naman tayo pupunta?" 


Sinamaan niya ko ng tingin. 


"Sa mall! Mag shopping tayo. Tumingin tingin na din tayo ng susuotin natin sa graduation ball!" 


Napatawa nalang ako. "Alam mo kung hindi lang talaga fairytale ang theme? Kahit anong dress nalang ang isusuot ko. Eh daig pa ata natin ang mag prom." 


"Wag ka nga. Tska high school pa yun noh. Tagal na din. Isipin nalang natin na prom toh para mas exciting! Tska para kahit papaano mabawasan yang pag-iisip mo kay Elmo. Dali na besh. Kakatapos lang ng exam oh. Bukas sure akong magiging busy tayo." 


"Sige na nga." 


"So tara!" 


Bigla akong may naalala. Pinigilan ko siya. 


"Wait, besh. Susunduin kasi ako ng driver ni Elmo eh. Utos kasi ni Elmo na ihatid at sunduin ako." 


"Hmm. Edi sabihin natin na sumama siya mall." 


"Besh, nakakahiya." 


"Bakit naman? Ikaw talaga! Magiging asawa ka na ni Elmo ganyan ka pa? Lika na nga ako magsasabi." 


Pumunta na kami sa parking lot. Bago pa kami makalabas nakita namin si Mitch. 


"Ohh..nandito pala ang oh so famous Julie Anne San Jose." 


Tinaasan ko siya ng kilay. 


"And so?" 


Natawa naman si Carly. "Biruin mo yun? Nandito din ang oh so malanding bitch ng campus." 


"Tigilan mo ko, Carly." Sabi ni Mitch.


"Pwes, tigilan mo ang best friend ko." 


Tumingin sakin si Mitch. 


"Makikita mo sa graduation ball, Julie Anne. Tatalunin kita. Ako ang magiging Queen of the night." 


Umalis na siya. Napailing nalang ako. As if naman gusto kong maging queen of the night. Sakanya na. 


"Tara na nga besh. Ang aga aga kung managinip. Grabe! Wag na natin siyang pag aksayahan ng panahon. Ikaw pa din ang mananalo." 


"Besh talaga oh. Wala naman akong pakialam dun. Kung gusto niya sakanya na." 


Tumingin ng masama sakin si Carly. Ayaw kasi niyang magpatalo ako kah Mitch. Natalo na niya ako kay Kyle, ayaw ng maulit ni Carly yun. 


"Don't worry besh. May Elmo na ko. Panalo na ko sakanya. Natalo ko na si Mitch." 


"Ewan ko sayo. Basta hindi ako papayag na maging queen yang haliparot na babae na yan." 


Napailing nalang ako. Tumingin ako sa likod ni Carly. Napatingin naman si Carly sa tinitingnan ko. 


"Good afternoon po Ma'am Julie." 


"Kayo po pala." 


Lumapit ako. 


"Uhm, kayo po yung driver ni Elmo diba po?"  Tanong ni Carly.


Tumango naman siya. 


"Aalis po kasi kami ni Julie. Pupunta po kami sa mall." 


Ngumiti siya at biglang binuksan ang pinto ng kotse. 


"Utos po ni Sir Elmo na kailangan kong siguraduhin na makakarating at makakauwi ng mabuti at maayos si Ma'am Julie. Kung san po kayo pupunta, kailangan po kasama ako. Hindi ko po pwedeng suwayin ang utos ni Sir." 


"Nakakahiya naman po. Hindi ko naman po kayo driver. Tsaka wala naman po si Elmo." 


"Tulad po ng sinabi ko, hindi ko po pwedeng suwayin si Sir Elmo. So kung sa mall po ang punta natin, sabihin niyo po at ihahatid ko na po kayo." 


Tumingin sakin si Julie. 


"Besh, wag ka ng maarte dyan. Sabi nga niya, utos ni Elmo. Kapag hindi ka pumayag baka siya pa ang pagalitan ni Elmo. Ayaw mo naman yun diba? So tara." 


Hinila ako papasok sa kotse ni Carly. Wala na kong magagawa kung ganito ba nman ang kasama mo tapos utos pa ni Elmo. Wala talaga akong laban. Nasa loob na kami at papunta na sa mall. 


"Hmm. Ano kayang magandang isuot noh? May naisip ka na ba kung sino ka sa greek goddesses?" 


"Wala pa eh." 


"Hmm. Ako kaya? Sino kaya ako? Gusto ko masama para ung kong papatayin si Mitch." 


Natawa naman ako. Hindi pa talaga siya maka move on kay Mitch. 


"Baliw ka talaga." 


"Wala naman kasi tayong kilala na makakatulong pa sa atin. Ay wait!" 


"Bakit wait?" 


"Kuya driver ni Elmo, alam niyo po ba kung san ang bahay ni Frencheska Farr?" 


Pinigilan ko si Carly. "Huy? Ano ka ba? Guguluhin mo pa si Maqui." 


"Ano ka ba! Makakatulong siya satin noh. Tsaka malay mo wala naman siyang ginagawa ngayon. Nakapunta ka na dun diba? Alam mo ba kung saan?" 


Umiling ako. "Hindi ko na tanda kung san yun eh." 


"Sige po, dadalhin ko muna po kayo kay Ma'am Cheska." 


Pumalakpak naman si Carly. 


"Great! Salamat po!" 


"Lahat nalang talaga ng maisipan mo Carly." 


Nakarating na kami sa condo ni Maqui. Pinagbuksan kami ng driver ni Elmo. 


"6th floor po si Ma'am Cheska. Room 617" 


Tumango naman kami at nagpasalamat sakanya. Umakyat na kami sa unit ni Maqui. 


"Ang ganda dito noh?" 


Tumango ako. "Yeah." 


Naglalakad na kami ng makasalubong namin si Maqui. 


"Julie? Carly?" 


"MAQUI!" 


Niyakap naman kaagad ni Carly si Maqui. Ngumiti lang ako kay Maqui at kumaway. 


"Anong ginagawa niyo dito?" 


"Uhm, Maq? Sorry ah? Ikaw kasi ang pinunta namin dito. Yan kasing si Carly makulit eh. Lahat nalang ng maisipan." 


Natawa naman si Maqui. 


"Ano ba kayo, okay lang yun noh. Tara pasok muna tayo." 


Pumasok na kami. Pinaupo niya kami sa sofa. 


"San ka nga pala pupunta kanina?" Tanong ni Carly. 


"Ahh. Bibili sana ako sa baba ng pizza. Pero mag order nalang ako para makakain narin kayo. Oo nga pala, paano niyo nalaman ang unit ko? I mean, nakapunta ka na dito Julie pero ang bilis mo matandaan ah?" 


Umiling naman ako. "No Maqui, hindi ko talaga tanda itong condo mo. Hinatid lang kami ng driver ni Elmo." 


"Si Kuya Rolly? Kasama niyo si Kuya Rolly? Where's Elmo ba?" 


Natahimik naman ako. Namimiss ko nanaman si Elmo. 


"Hay naku, si Elmo niya umalis ng bansa." Sabi ni Carly. 


"Ha? Bakit? Saan nagpunta yung mokong na yun?" 


Tumingin ako kay Maqui. 


"May problema yung ibang branches niya eh. Kinailangan siya." 


Napatango nalang si Maqui. 


"Ganun ba? Hmm. Normal lang yun. Alam mo naman yung status ni Elmo. Ayy, dahil wala siya bakit hindi kaya magsama sama muna tayo? Girl bonding lang." 


Tumayo naman si Carly. 


"True! Kaya nga kami nandito eh!" 


"What do you mean, Carly?" 


"May graduation ball kasi kami tapos fairytale ang theme. Ayun, need namin ang payo mo." 


Napangiti naman si Maqui. 


"Sige sige. Game ako dyan. Hmm, hindi na ko oorder. Kumain nalang tayo sa labas." 


"Mag overnight ka na din sa condo namin." 


"Okay lang ba? Sayo Julie? Okay lang ba kung mag overnight ako?" 


Ngumiti naman ako. "Oo naman noh. Welcome na welcome ka dun." 


"That's great! Sige mag-aayos lang ako." 


At umalis na muna siya. Tiningnan ako ni Carly. 


"Tahimik ka nanaman dyan. Tulala pa. Wag mo munang isipin si Elmo. Nag tatrabaho yung tao oh. Relax ka lang. Mag enjoy ka." 


"Namimiss ko lang naman siya.." 


"Miss ka na din niya. Sure na yun besh." 


Umalis na kami ng matapos si Maqui sa pag-aayos. Nag mall kami at naghanap ng costume na susuotin namin. Kumain na din kami kasi nagutom si Maqui. Natagalan kami kasi hindi makapili si Carly. At the end of our shopping nakapili na rin siya. Nasa sasakyan na kami ngayon.


"Carly, nagustuhan mo naman ba yang napili mo?" Tanong ni Maqui. 


Tumango naman si Carly. 


"Oo naman. Athena kaya ako. Goddess of wisdom,art, and poetry. May konting kaalaman din sa war. Taray diba?" 


Natawa si Maqui. "Bagay nga sayo. Ikaw Julie? Bakit hindi nalang si Hera ang napili mo? Sa ganda mong yan ikaw na ang goddess ng lang ng goddesses." 


Umiling ako. "Mas okay na ko kay Aphrodite."


"Maq, okay na yun. Siya naman ang goddess of love and beauty. Bagay lang sakanya." Sabi ni Carly. 


"Sabagay. Pero diba sabi mo kasama si Moe? Sino naman siya? Anong costume niya?" Tanong ni Maq.


"Si Zeus nalang siya." Sigaw ni Carly.


"Tatanungin ko nalang mamaya kapag nagkausap kami." 


Ngiti ko sakanila. Gabi na ng makarating kami sa condo. Kasama ko si Maqui sa kwarto kasi si Carly nanunulak yan kapag may katabi. Kakatapos ko lang maligo. Si Maqui na yung naliligo ngayon. 


"Oh? What's with the face?" 


Nag pout ako. Tinago ko yung cellphone ko sa drawer. 


"Kasi si Moe, hindi nagpaparamdam. Yung text niya kanina pang umaga. Hindi ko na nasagot kasi may exam. Tinatawagan ko nga hindi naman nasagot." 


Umupo si Maqui sa kama ko. Nagpapatuyo siya ng buhok. 


"Busy lang yan. Alam mo matagal ng gusto ni Elmo na magtayo ng resto, kaya talaga naman nagsisikap siya." 


Nakikinig lang ako kay Maqui. 


"Kaya ikaw bilang malapit mo na siyang maging asawa dapat sanay ka na din dyan. Ngayon lang naman nagkaroon ng ganyang problema. Sa susunod wala na yan. Kaya na ng mga tauhan ni Elmo yan." 


Napangiti naman ako. "Siguro nga tama ka. Hindi ko muna siya kukulitin para matapos niya kaagad yung ginagawa niya dun." 


"Tama! Para makakauwi na siya sayo agad." 


Tumango ako. Tama si Maqui. Dapat masanay na ko. Uuwi naman sakin si Elmo tsaka mabilis naman ang oras at panahon. Hindi ko nalang mamamalayan na nandito na siya. 


"Julie?" 


"Hmm?" 


Umiling siya tapos humiga na. 


"Gusto ko lang sabihin na natutuwa talaga ako na ikaw ang mapapangasawa ni Elmo. Wag mo siyang iiwan ah?" 


Napangiti ako. 


"Good night!" 


Natulog na si Maqui. Lumapit ako sa may bintana. Tumingin ako sa langit.


"Good night Yam. Sana okay ka lang dyan. Namimiss na kita. I love you." 


To be continued..

Continue Reading

You'll Also Like

14.4K 877 42
Rodrigo a secret billionaire businessman only impregnated a woman in a bar and the child was just left in front of his home with a note that he's the...
1.6K 79 29
She fell first, who fell harder? Si Colleen Vergara at Maya Celeste Arceta ay galing sa magkaibang squad na eventually ay nag-join force as Bibi squa...
206K 6.3K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
381K 5.5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...