Love at First Sight

By MyTrixietrix

90.9K 3.6K 195

Love at first sight More

PROLOGUE
First One
Second One
Third One
Fourth One
Fifth One
Sixth One
Seventh One
Eight One
Ninth One
Tenth One
Eleventh One
Twelfth One
Thirteenth One
Fourteenth One
Fifteenth One
Sixteenth One
Seventeenth One
Eighteenth One
Nineteenth One
Twentieth One
Twentyfirst One
Twenty-second One
Twenty-third One
Twenty-fourth One
Twenty-Fifth One
Twenty-Sixth One
Twenty-Eight One
Twenty-Ninth One
Thirtieth One
Thirty-First One
Thirty-Second One
Thirty-Third One
Thirty-Fourth One
Thirty-Fifth One
Thirty-Sixth One
Thirty-Seventh One
Thirty-Eight One
Thirty-Ninth One
Fortieth One
Forty-First One
Forty-Second One
Forty-Third One
Forty-Fourth One
Forty-Fifth One
Forty-Sixth One
Forty-Seventh One
Forty-Eight One
Forty-Ninth One
Fiftieth One
Fifty-First One
Fifty-Second One
Fifty-Third One
Fifty-Fourth One
Fifty-Fifth One
Fifty-Sixth One
Fifty-Seventh One
Fifty-Eight One
Fifty-Ninth One
Sixtieth One
Sixty-First One
Finale

Twenty-Seventh One

1.8K 66 0
By MyTrixietrix

Twenty-Seventh One


Pauwi na kami ngayon ng Manila. Nakatingin lang si Elmo sa labas ng bintana habang ako naman nag rereview dito sa may kama. Simula kanina hindi pa siya nagsasalita. Puro tango at iling lang ang sinasagot niya sakin. 


"Yam?" 


Tumingin siya sakin. Walang expresyon sa mukha niya. 


"Uhm, malapit na ba tayo?" 


Tumango naman siya sabay iwas ulit ng tingin sakin. First time namin na maging ganito. Hindi ko naman alam kung anong ginawa ko. Ang alam ko lang naging ganyan siya after kong sabihin na sa Paris ako magtatrabaho after graduation. Sabi niya okay lang eh bakit parang hindi naman. 


"Yam, masama ba ang pakiramdam mo? Bakit ang tahimik mo?" 


Hindi ko na kaya. Ang saya saya namin tapos ganito. Kailangan kong malaman ang dahilan niya. Lumapit ako sakanya. First time kong gagawin ito. Umupo ako sa lap niya. 


"Julie?" 


"Anong problema mo?" 


"Wa..wala. Mag-aral ka na ulit, Yam." 


Umiling ako. "Sabihin mo na kasi yung problema mo. Okay tayo kanina tapos naging ganyan ka." 


Tumingin siya sa labas ng bintana. 


"Wala lang talaga yun." 


Umalis ako sa pagkakaupo ko sakanya. Bumalik ako sa kama. Nabato ko yung notebook ko at nahiga. Ayaw pa kasi sabihin eh. Nakakainis naman siya. Bahala na nga siya. 


"Yam..yam.." 


Minulat ko ang mata ko. Nakaupo siya sa gilid ng kama. Umupo ako. 


"Nandito na tayo." 


Tumango ako. Kinuha ko ang gamit ko. Tumayo ako at hindi ko parin siya pinapansin. 


"Ako na ang magdadala ng gamit mo." 


Umiling ako. "Ako na." 


Nauna na kong lumabas sa kotse. Alam ko na sinusundan niya ko. Nang makarating na kami sa unit, tumingin ako sakanya. 


"Okay na ko. Umuwi ka na." 


Tumalikod ako. Papasok na sana ako ng maramdaman ko ang yakap niya. Tinago din niya ang mukha niya sa leeg ko. 


"I'm sorry." 


Hindi ako umimik. 


"Nagulat lang ako kasi sa Paris mo napiling magtrabaho." 


Huminga ako ng malalim bago humarap sakanya. 


"Akala ko ba okay lang sayo?" 


Tumango siya. "Okay lang. Alam mo naman na susuportahan ko lahat ng desisyon mo diba? Pero kasi..ang layo ng Paris para dun ka magtrabaho. Kaya kitang puntahan dun pero hindi ganun kadalas." 


"Bakit?" 


"Kasi yam..mag iikot kami sa buong asia. Yung mga branches dun? Dadalawin ko lahat yun tapos baka magtayo naman ako ng iba pang business all around asia. Next target ang Europe." 


"Talaga? Ang galing mo naman pala Yam eh. Nag eexpand na ang business mo. Sobra sobra. Tska wala namang problema dun Yam ah? Magiging busy ka at magiging busy din ako." 


Umiling siya. "Problema yun, Yam. Hindi kita makikita ng madalas. Magkalayo tayo." 


"Hayy. Halika nga dito." 


Niyakap ko siya. "Hindi pa naman man final yun, Yam. Hindi pa naman ako nagpapasa ng requirements na kailangan dun sa napili kong company sa Paris. Pinag-iisipan ko palang din kasi ang gaganda ng offer nila. Ayoko din naman na malayo sayo kaya nga pag-iisipan ko palang." 


Humarap siya sakin. "Talaga Yam?" 


Tumango ako. "Kaya wag ka ng mag emote dyan. Akala ko naman may nagawa na kong bagay sayo kaya ka nainis. Basta lahat naman ng desisyon ko ipapaalam ko sayo." 


"Gagawin mo yun?" 


Ngumiti ako sakanya. "Oo naman. Ikaw kaya ang future husband ko." 


Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. 


"Salamat naman. Ako din. Ganun din ang gagawin ko sayo. Lahat ng desisyon ko sasabihin ko muna sayo." 


Pinapasok ko muna siya. Walang tao? Baka umuwi si Carly sa bahay nila. Wala pala akong kasama. 


"Wala si Carly?" 


Umiling ako. "Baka umuwi siya sa bahay nila." 


"Gusto mo mag stay muna ko?" 


"Wag na, Yam. Kailangan mong magpahinga. Umuwi ka na muna sa pamilya mo. Okay lang talaga ako." 


Tumango siya. 


"Sige Yam. Magpahinga ka na ah?" 


"Opo. Sige na." 


Hinatid ko na siya sa may pinto. 


"I love you." 


Hinalikan ko siya sa pisngi. 


"I love you too. Goodnight." 


Ginawa ko na ang dapat kong gawin. Inayos ko ang gamit ko. Humiga na ko sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame. Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si Carly. 


"Hello?" 


"Besh!" 


"JULIE ANNE! Bakit ka ba nakasigaw?"


"Sorry sorry. Natutulog ka na ba?" 


"Patulog palang sana. Wait? Asan ka na ba?"


"Condo na." 


Umupo ako. 


"Hala! Hindi ka naman kasi tumawag kaya hindi ako nag stay dyan. Uuwi nalang ako dyan bukas." 


"Okay lang. Uhm? May sasabihin kasi ako sayo." 


"Ano yun? Magkwento ka pala sa mga nangyari sa bakasyon niyo ah?" 


"Sige. Besh, naalala mo nung bago ako umalis papunta sa Paris, sabi ko sayo may balak akong magtrabaho dun? Tayo?" 


"Oo. Bakit?" 


"Kasi..kanina sinabi ko yun kay Elmo pero parang hindi niya gusto yung idea na dun ako nagtatrabaho eh. Pero sinabi niya naman na susuportahan niya ko pero.." 


"Hmm. Ganun? Anong balak mo? Itutuloy mo pa ba?" 


Napakagat labi ako. "Iniisip ko lang kung gusto mo bang maging partner ko?" 


"partner?" 


"Yeah, uhmm..magtayo tayo ng business dito sa Pilipinas para hindi na tayo umalis." 


"Uii! Magandang idea yan! Sige okay lang sakin. Pag-usapan natin bukas." 


Napangiti naman ako. 


"Thanks Besh! Uhm, wag muna sanang makarating kay Elmo." 


"Bakit? Maglilihim tayo ganun?" 


"No. No. No. Gusto ko siyang isurprise." 


"Ikaw talaga. Sige sige." 


Binaba ko ang tawag. Masaya akong matutulog. Gagawin ko ito para kay Elmo. Para samin. Para sa sarili ko. Kung magsisimula ka, dapat sa bayan kung san ka nagmula. 


Umaga na at pasukan nanaman. Tinatamad akong pumasok pero kailangan magsipag. Graduating na. Ginawa ko na ang dapat kong gawin. Nakapagbihis na din ako. Coding pala ang kotse ko kaya mag commute nalang ako. Palabas na ko ng building ng may humarang sakin. 


"Good morning Ms. Julie." 


"Ohh. Kayo po yung driver ni Elmo diba?" 


Tumango naman siya. "Pinapasundo po kayo ni Sir." 


"Ha? Bakit po?" 


"Diba po may pasok kayo?" 


"Ahh. Okay po." 


Binuksan niya ang pinto ng kotse. Pumasok naman na ako. Tiningnan ko siya na nagmamaneho. 


"Nasaan po si Elmo?" 


Ngumiti siya. "May biglaang meeting po si Sir. Hindi rin po niya kayo matext at matawagan kasi lowbat siya kaya pinasundo ka na niya sakin para ihatid sa school. Gusto niya sanang siya ang maghatid sayo." 


"So hindi po siya papasok sa school ngayon?" 


Umiling siya. "Hindi na po siguro." 


Napatango naman ako. Hindi ko pala siya makikita ngayon. Hay. Pero okay lang para mapag-usapan na din namin ni Carly yung plano namin. This is for you, Yam. 


"Miss Julie, nag riring po yung cellphone niyo." 


"Ayy. Sorry po." 


Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot yun. 


"Besh! Oo papunta na sa school." 


"Paano mo nalaman na yun ang itatanong ko?" Sabi ni Carly. 


Natawa ako. "Eh kasi besh kita. Kilala ko ugali mo noh. Mamadaliin mo nanaman ako." 


"Baliw! Nasaan ka na ba? Sinundo ka ba ni Elmo?" 


"Hmm. Hindi eh. Pero pinasundo niya ko sa driver niya." 


"Ang sweet. Pero nasaan siya?" 


"Mag biglaang meeting eh. Hindi nga siya makakapasok ngayon." 


"Wag ka ng malungkot dyan. Pag-iisipan pa natin yung plano diba?" 


Napangiti ako. "Sige. Hintayin mo ko sa lobby. Medyo malapit na kami." 


"Okay." 


Binaba ko yung tawag. Ilang sandali pa nga ay nakarating na kami sa school. Pinagbuksan ako ng driver ni Elmo. 


"Salamat po." 


"Trabaho ko pong pagsilbihan kayo Miss Julie. Magiging asawa na po kayo ni Sir Elmo." 


Nginitian ko siya. "Sige po Kuya, alis na po ako." 


"Miss Julie?" 


"Po?" 


Umiling siya. "Mag-ingat po kayo sa buong araw." 


Tulad ng nauna, ngiti na ang sinagot ko sakanya. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng school. Pupunta na ko sa lobby ng may humila sakin. 


"Besh!" 


Napahawak ako sa dibdib ko. 


"Pambihira ka naman besh! Nagulat ako sayo! Bakit ka ba nanghihila?" 


"Eh kasi wala lang. Tara na? Punta na tayo sa classroom. Wala pang tao dun." 


Naglakad na kami papunta sa classroom. Wala ngang tao ng makarating kami dun. 


"Nasaan sila?" 


"Wala nasa field. May practice game ang soccer team eh alam mo naman na adviser ng soccer team ang adviser natin sa first subject kaya ayun. Dinamay ang klase." 


"Eh bakit wala tayo dun?" 


"Wag na. Dito nalanag tayo." 


Tumango naman ako. Nagsimula muna kaming magkwentuhan sa nangyari sa subic. Tapos yung nangyari kay Liza. 


"Sayang hindi ako nakasama." 


"Next time dapat sumama ka na talaga." 


"Oo naman noh. LR tuloy ako sa mga happenings. So ano? Magtatayo ba tayo ng business?" 


Tumango ako. "Oo." 


"Ok sige. Nag search ako kanina habang wala ka. Aabutin tayo ng milyon para makapagpatayo ng isang clothing company. Small business lang mahal na." 


"Meron akong konting naipon sa bank account ko. Pero hindi pa sapat yun." 


"Meron din naman ako. Gusto mo humingi tayo ng tulong sa parents natin?" 


Umiling naman ako. "Ayoko besh. Pati din sila gusto kong masurpresa eh." 


Ngumiti siya. "Kung yan ang gusto mo. Pero saan tayo kukuha ng malaking pera. And marami pa tayong aasikasuhin. Empleyado pa." 


"Hmm. Mag part time job kaya tayo?" 


"Ayy. Game ako dyan! Pero anong job naman?" 


"Kahit ano. Mag apply tayo." 


"Sige sige." 


"By that magkakaroon na tayo ng puhunan." 


"So ganito, after graduation maghanap muna tayo ng trabaho kung san kikita tayo. At kapag nakapag ipon na tayo tsaka natin simulan ang business natin." 


Ngumiti ako at nakipag apir kay Carly. 


"Good idea. Tama yan. Besh?"


"Hmm?" 


"Thank you ah and sorry na din." 


"Para saan?" 


"Eh kasi nadadamay ka dito. Gusto ko kasi na kahit papaano makapagbigay naman ako sa kasal namin ni Elmo. Honestly, nararamdaman ko kasi na parang ang layo ng agwat ko kay Elmo. Tingnan mo nga at magpapagawa nanaman siya ng iba pang company around asia at europe." 


"Oh? Anong problema dun? Hindi ka ba proud sakanya?" 


"Besh, proud ako siyempre. Pero ayun nga, mayaman si Elmo. Though, may kaya naman kami pero wala pa sa kalahati ng yaman niya. Ayoko naman na pag-awayan namin ang pera. Hindi siya ganun pero alam mo naman tayong mga babae palaging may issues. Ayoko naman na umabot kami sa ganun ni Elmo." 


Tinapik niya ko. "Alam mo besh, wala yan sa yaman o mas mayaman. Mahal ka ni Elmo oh. Mahal ka niya na pumayag siyang abutin mo muna ang pangarap mo bago kayo ikasal. Pumayag siya na mag-ipon ka kung gusto mong makapag ambag sa kasal niyo. Ang swerte mo sakanya besh." 


"Alam ko besh. Alam na alam ko." 


Tumayo siya at pumalakpak. 


"Okay! Leggo! Gagawa tayo ng business! Ngayon palang maghanap na tayo ng pwesto ganun." 


"Sige sige." 


Nagsimula ang second subject. Dumami na kami sa loob ng classroom. Ewan ko ba pero wala ang utak ko ngayon sa pag-aaral. Namimiss ko na kasi si Elmo. Hindi ko naman siya makikita ngayong araw. 


"Julie?" 


Tumingin ako sa may likod ko. 


"Hm?" 


"Okay ka lang?" Tanong ni Kyle. 


Tumango ako. "Oo naman." 


"Parang hindi eh." 


"Hmm. Namimiss ko lang si Elmo."


"Hindi ba siya papasok? Mamaya pa naman natin siya magiging classmate diba? Antayin mo nalang." 


Umiling ako. "Hindi siya papasok ngayon eh. May biglaang meeting siya." 


Tumango naman si Kyle. "Nalaman ko na one of the richest man pala si Elmo sa buong asia. At his age? Ang galing niya." 


"Oo nga eh. Talagang nagsikap siya." 


"Proud na proud ka siguro." 


"Oo naman." 


Natapos ang klase. Nag-unat na muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko. Walang text si Elmo. Napabuntong hininga nalang ako. Hanggang ngayon na nasa meeting pa din siya? Namimiss ko na siya. Nagsimula ang third subject hanggang sa matapos ang klase. Walang Elmo na nagpakita ngayong araw. 


"Oh? Sambakol nanaman yang mukha mo?" 


"Hay. Miss ko na siya besh eh." 


Natawa naman siya. "Super clingy mo na kay Elmo ha? Iba na yan." 


"Tsk. Tigilan mo nga ako besh." 


Natawa naman siya. "Alam mo mag lunch na tayo. Gutom lang yan." 


Pumunta kami sa canteen at umorder ng pagkain. Nang makaupo kami siya namang ring ng cellphone ko. Kinuha ko kaagad yun kasi baka si Elmo ang tumatawag. 


"Hmm. Number lang?" 


"Sino yan?" 


"Di ko kilala eh." 


"Sagutin mo." 


Tumango ako. Sinagot ko nga ang tawag. 


"Hello?" 


"Hi Ate Julie! Si Arkin toh." 


Arkin? Kapatid ni Elmo!


"Oh Hi Arkin! Napatawag ka?" 


"Kasama ko kasi si Kuya dito sa company meeting. Hindi siya makalabas eh. Hindi niya din magamit yung phone niya. On going kasi yung presentation eh. Sinenyasan niya ko na tawagan ka." 


Busy nga talaga siya. 


"Ganun ba?" 


"Yeah. Pero matatapos naman na ang meeting. Malay mo sunduin ka ni Kuya." 


"Naku. Sure akong pagod na ang Kuya mo after niyan. Ayoko naman na makaistorbo pa ko sakanya." 


"Hindi yan Ate. Oh wait, lumabas na sila. Tatawagin ko lang siya. Wait ka lang." 


"O..okay." 


Hindi muna nagsalita si Arkin. 


"Hello? Yam? Yam ko?" 


Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Elmo. 


"YAM!" Hindi ko napigil. 


"Miss na miss na kita. Sorry kung hindi kita natetext ah? Lowbat ako tapos hindi ako makalabas." 


"Okay lang, Yam. Mas namiss kita." 


"Wag kang mag-alala, Yam. Ako ang susundo sayo. Kakain tayo sa labas. Anong gusto mo?" 


Nag-isip ako. 


"Mcdo!" 


Natawa naman siya. "Okay sige mcdo. Miss na kita, Yam. Wait for me ah?" 


"Yes yam! See you and i love you!" 


"I love you too." 


End call. Kilig na kilig akong tumingin kay Carly. Natatawa naman siya sakin. 


"Baliw ka. So ano? Makikita mo na siya?" 


Tumango ako. "Yes! Susunduin daw niya ako. Nakakatuwa naman. Namiss ko siya eh. Ang gwapo ng boses niya." 


"Ewan ko sayo. Pati boses talaga ah? Oh kumain ka na dyan. Pupunta pa tayo sa conference hall. Meeting para sa grad ball." 


Nakangiti kong tiningnan ang cellphone ko. 


"See you later, Yam." 


To be continued..

Continue Reading

You'll Also Like

223K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
339K 7.7K 33
Bored ako
121K 4.5K 43
Is it worth it to invest feeling to someone who never appreciate your existence? On-going
2.7K 75 25
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...