Love at First Sight

By MyTrixietrix

90.9K 3.6K 195

Love at first sight More

PROLOGUE
First One
Second One
Third One
Fourth One
Fifth One
Sixth One
Seventh One
Eight One
Ninth One
Tenth One
Eleventh One
Twelfth One
Thirteenth One
Fourteenth One
Fifteenth One
Sixteenth One
Seventeenth One
Eighteenth One
Nineteenth One
Twentieth One
Twentyfirst One
Twenty-third One
Twenty-fourth One
Twenty-Fifth One
Twenty-Sixth One
Twenty-Seventh One
Twenty-Eight One
Twenty-Ninth One
Thirtieth One
Thirty-First One
Thirty-Second One
Thirty-Third One
Thirty-Fourth One
Thirty-Fifth One
Thirty-Sixth One
Thirty-Seventh One
Thirty-Eight One
Thirty-Ninth One
Fortieth One
Forty-First One
Forty-Second One
Forty-Third One
Forty-Fourth One
Forty-Fifth One
Forty-Sixth One
Forty-Seventh One
Forty-Eight One
Forty-Ninth One
Fiftieth One
Fifty-First One
Fifty-Second One
Fifty-Third One
Fifty-Fourth One
Fifty-Fifth One
Fifty-Sixth One
Fifty-Seventh One
Fifty-Eight One
Fifty-Ninth One
Sixtieth One
Sixty-First One
Finale

Twenty-second One

1.7K 61 3
By MyTrixietrix

Twenty-second One

Sabado. Ito na ang araw na makikilala ko ang mga kapatid ni Julie. Papunta na ako ngayon sa condo niya para sunduin siya. Hanggang langit pa din ang ngiti ko kasi hindi ako maka get over sa ginawa niya kahapon. Ang sweet lang ng Julie ko.

"Good morning, Yam!"

Bungad ko sakanya. 5am palang kaya nakita ko na inaantok pa siya. Nakabihis na din siya.

"Good morning din Yam. Kumain ka na?"

Umiling ako. Inalalayan ko siya papunta sa sofa. Sinandal naman niga agad ang ulo niya sa balikat ko.

"Still sleepy?"

Tumango naman siya. Niyakap niya ko.

"Alis tayo after 5 min." Inaantok niyang sabi.

"Okay, uhmm, Yam? Nasaan si Carly? Hindi ba siya sasama?"

Umiling naman siya. "Uuwi siya sa parents niya ngayon. May outing din ang family nila."

"Ganun ba? Sayang naman."

"Yeah.."

"Yam? Sa kotse ka nalang kaya matulog para tuloy tuloy ang tulog mo."

Minulat naman niya ang kanyang mata.

"Okay Yam."

Kinuha ko agad ang gamit ni Julie sa kwarto niya. Kita ko na inaantok talaga siya kaya ako na ang nag-asikaso ng mga kakailanganin. Nasa elevator na kami ngayon. Hawak ko ang bewang niya para hindi siya matumba. Nakasandal naman ang ulo niya sa balikat ko.

"Sir!"

Agad akong tinulungan ng driver ko. Iba ang kotse ma gamit ko ngayong araw. Van siya na kumpleto sa loob. May CR,kama,kusina,tv at kung ano ano pa. Ngayon ko palang din ito gagamitin simula nung binili ko ito.

"Pakipasok nalang yan."

"Yes Sir." Pinagbuksan niya kami ng pinto.

"Thank you."

Agad kong nilapag si Julie sa kama. Wala siya sakanyang sarili kaya hindi niya napansin ang kotse na gamit ko.

"Subic na tayo."

"Yes Sir."

Tumabi muna ko kay Julie. Inaantok din kasi ako. Agad naman siyang yumakap sakin. Kinumutan ko naman siya. Pareho kaming nakatulog na dalawa. Matapos ang dalawang oras, nagising ako sa tunog ng cellphone. Minulat ko ang mata ko.

"Cellphone ko ba yun?"

Tiningnan ko ang cellphone ko. Hindi naman yun ang tumutunog. Tiningnan ko si Julie. Nakita ko na may umiilaw sa pants niya. Kinuha ko naman yun sa bulsa niya. Tumatawag ang Papa niya.

"Hello?"

"Elmo? Ikaw ba yan? Si Julie nasaan?"

"Uhm, Hello po, Papa. Nandito po kami sa kotse papunta na dyan. Natutulog po si Julie eh."

"Ahh ganun ba? Ok sige. Pakisabi nalang sakanya na malapit na kami."

"Okay po."

Binaba ko na ang tawag. Tumingin ako sa bintana at may nakikita na kong dagat. Malapit na pala kami. Ginising ko na si Julie.

"Yam? Yam, wake up na."

"Hmm.."

Napangiti ako. Ang cute kasi niya.

"Yam, gising ka na po mahal ko."

Bigla naman siyang nag pout. Nagpapakiss. Swerte ko naman.

"Kish muna.."

Agad ko naman pinagbigyan ang gusto niya.

"I love you. Gising ka na."

Umupo siya at tiningnan ako. Kinusot niya ang kanyang mata. Matapos yun nilibot ng paningin niya ang paligid.

"Nasaan tayo? Bahay ba toh?"

Napatawa naman ako. "No, Yam. Van ito. Well, para siyang bahay."

"Wow. Ang ganda."

"Ngayon ko palang ito ginamit. Ayoko kasi na mahirapan ka kapag kotse ang lang ang dala natin."

Pinisi naman niya ang ilong ko.

"Sweet mo. Yam, nasaan na pala tayo?"

"Malapit na. May nakikita na kong dagat."

Tumango naman siya. "Nadala mo ba yung mga books ko? Mag-aaral kasi ako eh. Exam na pala next week."

"Yes. Dinala ko na lahat ng kakailanganin mo. Gusto mo kumain? May food dyan."

"Sige, Yam. Luto mo ba?"

"Yup."

Tumayo ako at kinuha ang pagkain sa maliit na ref.

"Masarap yan."

"Sure naman ako dun, Yam."

Nagsimula na siyang kumain.

"Tumawag pala ang Papa mo. Malapit na din daw sila."

"Hmm. Talaga? Sige sige. Excited na kong makita ang mga kapatid ko."

Ilang sandali pa ang nakakalipas nakarating na kami sa beach resort. Nagpark na muna ang driver ko.

"Ui, sila Papa yun ah?" Sigaw ni Julie.

"Puntahan mo muna sila, Yam. Pupunta lang ako sa front desk."

Tumango naman siya. Naglakad ako papunta sa front desk.

"What? What do you mean?"

"Sorry po, Sir. Nagkaproblema po kasi talaga kami sa electricity kasi po may sumabog na outlet sa likod ng resort. Hindi po talaga namin kayo maaasikaso."

Napailing nalang ako. Maya maya may humawak sa kamay ko.

"Yam? Anong problema?"

Tumingin ako kay Julie. "May problema daw eh. Walang kuryente."

"Paano na yan?"

"Uhm, excuse me Sir?"

Tumingin ako sa babae.

"Sa kabilang beach resort po pwede naman po kayo. Sure akong maaasikaso nila kayo. Kung gusto niyo po kami nalang po ang cocontact sakanila na ireserve kayo ng rooms."

"Okay sige."

"Upo muna po kayo sa may lobby. Tatawagin ko nalang po kayo kapag okay na."

Tumingin ako kay Julie. "Sorry yam ah?"

Ngumiti siya. "Bakit ka nag sosorry eh hindi mo naman kasalanan yun. Nangyayari naman talaga yan."

"Salamat."

"Ate?"

Bigla kaming napatingin sa pamilya ni Julie.

"Good morning po." Bati ko.

"Good morning din sayo Elmo." Sabi ng Mama ni Julie.

"Good morning Elmo." Sabi naman ng Papa ni Julie.

Nginitian ko sila. Napatingin ako sa dalawang babae na nakasimangot pero maganda.

"Uhm, Yam? Sila nga pala ang mga kapatid ko. Si Joanna yung sumunod sakin at si Jac naman yung bunso."

"Ahh. Hi."

Hindi sila sumagot. Ngumiti lang sila.

"Ate? Sino po siya? Nasaan po si Kuya Kyle?"

Napatingin naman sakin ang pamilya ni Julie. Nginitian ko lang sila.

"Wala dito si Kyle. Wag niyo na siyang hanapin." Sabi ng Papa ni Julie.

"Pero po, Papa? Gusto namin si Kuya Kyle." Sabi ni Joanna.

"Tama naman po si Ate Joanna. Sabi po ni Kuya Kyle kapag mag swimming kami, tuturuan niya ko lumangoy." Sabi naman ni Jac.

"Ate? Nasaan na ba siya? Papunta na ba siya?"

Umiling naman si Julie. "Wala na kami ni Kyle diba? Wag niyo na siyang hanapin."

"Pero si Kuya Kyle ang gusto namin! Sino ba siya at bakit siya ang kasama mo Ate?"

Hinawakan ni Julie ang kamay ko.

"Siya si Kuya Elmo. Siya ang Fiance ni Ate Julie." Sabi ng Mama ni Julie.

"Ayaw namin sakanya! Kay Kuya Kyle lang kami!" Sabi nung dalawa.

"JAC! JOANNA!" Biglang sabi ni Julie.

Nagulat naman kami sa pagsigaw ni Julie. Bigla naman siyang nag walk out.

"Ayan na, nagalit na ang Ate niyo."

Nanahimik yung dalawa.

"Elmo, sorry ah?" Sabi nung Mama ni Julie.

Ngumiti ako. "Okay lang po yun. Sige po sundan ko na muna po si Julie."

Aalis na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko.

"Kami na po. Kami ang may kasalanan kay Ate."

At umalis na si Joanna at Jac. Tinapik ng Papa ni Julie ang balikat ko.

"Tara, upo muna tayo."

Tumango naman ako. Naupo kami sa may lobby. Umorder na din ako ng drinks.

"Pasensya ka na sa dalawang yun ah? Nasanay sila kay Kyle eh."

"Okay lang po yun. Hindi naman po siguro natin maaalis yun sakanila kasi si Kyle po ang nauna."

"Wag mo nalang pansinin yun. Magugustuhan ka din nila, maniwala ka samin ng Papa mo."

Tumango naman ako. Maya maya lumapit na yung tatlo. Umupo si Julie sa tabi ko.

"Okay na kayo?"

Tumingin siya sa mga kapatid niya.

"Sorry Kuya Elmo." Sabay nilang sabi.

"Okay lang yun." Ngiti ko sakanila.

"Sir? Okay na daw po. Pwede na kayong lumipat sa kabilang resort. Pero po aasikasuhin muna daw nila yung rooms niyo. Kung gusto niyo po muna magpahinga, may available room po kami or cottage. Free na po yun tutal nakaabala naman po kami sainyo."

Tumago ako. "Okay sige. San ba yung cottage?"

"Malapit po sa dagat, Sir. Pwede muna po kayong magpahinga at kumain dun."

Tumingin ako sa magulang ni Julie.

"Okay lang po ba sainyo?"

"Aba, Oo naman."

Tumingin ako kay Julie.

"Okay lang na sayo, Yam?"

Tumango naman kaagad siya sakin. Tumingin ako ulit sa Miss.

"Ok sige, Miss. Tutal hindi pa naman namin nababa yung gamit namin dun muna kami sa cottage. Mga what time ba kami pupunta dun?"

"Mga lunch na po kasi 2 hours po bago po kayo makapag check in."

Tumayo na ko. "Pwede naman siguro mag order na ng food dito diba?"

"Yes naman po, Sir."

Nilahad ko ang kamay ko kay Julie.

"Tara na?"

Tumango naman siya. Sumunod na din samin ang pamilya ni Julie. Maganda ang cottage kaya makakapag relax ka naman talaga dito. Natulog muna yung Papa ni Julie. Yung Mama naman niya pumipili ng pagkain. Si Joanna at Jac naman naglalaro malapit sa dalampasigan.

"Yam? Bakit nakasimangot ka?"

Lumapit ako sakanya.

"Kasi naman eh. Yung dalawang yun. Nakakahiya sayo yung pinagsasabi nila."

Hinaplos ko ang braso niya. "Ikaw naman. Wag kang mag-alala, okay lang yan. Hindi ko naman dinamdam yun eh. Naninibago lang siguro sila."

"Totoo? Sorry yam ah?"

"Ok lang."

Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan yun.

"Mahal kita yun ang importante. Gagawin ko naman ang lahat para magustuhan ako ng mga kapatid mo."

"Aaaaaaaaah!"

Sigaw ni Jac. Napatingin naman kami sakanila ni Julie. Dali dali naman kaming lumapit sa dalawa.

"Anong nangyari?" Tanong ni Julie.

"May matulis siyang naapakan." Sabi ni Joanna.

Binuhat ko si Jac na iyak ng iyak.

"Yam? Pakikuha yung bag ko. Maya dala akong first aid kit dun."

Tumango naman si Julie at kinuha ang bag ko. Tumingin ako kau Joanna.

"Pwede mo ba akong ikuha ng tubig? Ipangbabanlaw ko lang sa paa niya."

"Okay po. Sandali lang po ah?"

Umalis na siya. Iyak naman ng iyak si Jac sakin. Nakatago na ang mukha niya sa leeg ko. Bumalik na sila Julie at Joanna dala dala ang mga pinakuha ko. Hinugasan ko ang paa ni Jac. May matulis nga siyang naapakan.

"Aalisin ko lang ito ah?"

Umiling siya. "No no no. Ayaw! Masakit!" Iyak ni Jac.

"Jac, ipatanggal mo na yan kay Kuya Elmo." Sabi ni Joanna.

"Jac, sige na baby." Sabi ni Julie.

Matapos nun, napapayag na namin si Jac. Dahan dahan kong hinila yung nakakatusok para maalis sa paa niya. Halos mabingi naman kami sa sigaw niya, nilagyan ko ng gamot tska ko nilagyan ng bandage.

"Tahan na. Okay na wala na." Sabi ko.

Iyak pa din ng iyak si Jac. Yumakap siya sakin.

"Jac?"

Hindi siya tumitigil. Nakatago lang siya sa may leeg ko. Hinaplos ko ang buhok niya.

"Ok lang Yam. Hayaan na muna natin siya."

Sumang-ayon naman siya sakin. Umupo sila ni Joanna sa tabi ko.

"Kuya? Thank you po sa pag save sa sister ko." Sabi ni Joanna.

Ngumiti ako sakanya. "Wala yun."

"And sorry din po kanina, nasanay lang kami kay Kuya Kyle. Hindi naman po namin alam na sinaktan po niya si Ate."

"Friends na tayo?" Sabi ko.

Umiling siya. "Kuya na kita."

Natawa naman ako. Ngumiti lang samin si Julie. Napansin namin na tahimik na si Jac. Nakatulog na pala sa kakaiyak. Kukunin sana siya ni Julie sakin pero ayaw ni Jac. Nakakapit talaga siya sa leeg ko.

"Yam? Hindi ka ba nahihirapan?"

Umiling ako. "Hindi naman, Yam."

Nalaman na din ng magulang ni Julie ang nangyari kay Jac. Ayaw sana nila akong pagbuhatin kay Jac pero ayaw naman bumitaw sakin nito. Papunta na kami ngayon sa kabilang resort.

"Miss, ang ganda naman ng resort na ito. Sinong may-ari?" Tanong ng Papa ni Julie.

Sasagot na sana siya ng makarating na kami dun kaya inasikaso na nila kami. Sinamahan ako ni Julie sa front desk para kunin ang susi ng mga kwarto namin. Karga ko pa din si Jac.

"Miss? Nagpareserve kami dito. San na yung keys namin?"

Humarap siya sakin. Nagulat naman ako.

"Elmo?"

Parang tumigil ang mundo ko.

"Li..Liza?"

To be continued..

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 110 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
43.4K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"