Love at First Sight

By MyTrixietrix

90.9K 3.6K 195

Love at first sight More

PROLOGUE
First One
Second One
Third One
Fourth One
Fifth One
Sixth One
Seventh One
Eight One
Ninth One
Tenth One
Eleventh One
Twelfth One
Fourteenth One
Fifteenth One
Sixteenth One
Seventeenth One
Eighteenth One
Nineteenth One
Twentieth One
Twentyfirst One
Twenty-second One
Twenty-third One
Twenty-fourth One
Twenty-Fifth One
Twenty-Sixth One
Twenty-Seventh One
Twenty-Eight One
Twenty-Ninth One
Thirtieth One
Thirty-First One
Thirty-Second One
Thirty-Third One
Thirty-Fourth One
Thirty-Fifth One
Thirty-Sixth One
Thirty-Seventh One
Thirty-Eight One
Thirty-Ninth One
Fortieth One
Forty-First One
Forty-Second One
Forty-Third One
Forty-Fourth One
Forty-Fifth One
Forty-Sixth One
Forty-Seventh One
Forty-Eight One
Forty-Ninth One
Fiftieth One
Fifty-First One
Fifty-Second One
Fifty-Third One
Fifty-Fourth One
Fifty-Fifth One
Fifty-Sixth One
Fifty-Seventh One
Fifty-Eight One
Fifty-Ninth One
Sixtieth One
Sixty-First One
Finale

Thirteenth One

1.6K 51 0
By MyTrixietrix

Thirteenth One

Nagluluto si Elmo habang nag-uusap naman kami ni Maqui. Kilala ko na si Maqui matagal na. Kilala ko siya bilang si Maqui Farr pero hindi sa Frencheska Farr. Minsan kaming naging magkaklase sa baking class. Naging malapit kaming tatlo nila Carly. Nawalan lang kami ng communication nung naging busy ako studies at kay Kyle.

"Hindi ako makapaniwala, Juls. Ikaw pala ang babaeng bumihag sa puso ng bestfriend ko."

Natatawa naman ako sakanya.

"Ibang klase kasi yang bestfriend mo, ang lakas ng dating. Tinamaan ako."

"Hahaha! So naniniwala ka na sakin?"

Bulong niya. Nagtataka naman akong tumingin sakanya.

"Ano yun?"

"Diba sinabi ko sayo dati na kung wala lang girlfriend yung bestfriend ko ikaw ang gusto kong maging girlfriend niya."

Napalayo naman ako dun. Oo, sinabi niya yun. Nakita kong natatawa si Maqui.

"Hey, bakit namumula ka dyan? Ok ka lang?"

Napatingin ako kay Elmo. Kita ko sa mata niya na nag-aalala siya. Ngumiti naman kaagad ako.

"I'm okay Yam."

"So Julie, kamusta naman ang buhay kasama si Elmo? Hindi ka ba nabibigla? Baguhin mo na ang isip mo habang maaga pa. Takas na akong bahala sayo!"

Natawa ako kasi nilalakasan talaga niya para marinig ni Elmo.

"Ano yan ha? Bakit mo pinapatakas ang Yam ko? Nababaliw ka nanaman, Cheska!"

"Stop calling me Cheska. Maqui. Maqui nalang kasi."

"Ang layo naman kasi ng Frencheska sa Maqui. Saan mo ba napulot yan?"

"Dyan sa tabi tabi hanapin mo." Basag ni Maqui kay Moe.

Napailing nalang si Elmo at lumapit sakin. Inakbayan niya ko. Inayos ang buhok ko.

"Yam, paano mo ba naging kaibigan ang bestfriend kong baliw?"

Nagulat ako ng biglang yumuko si Moe at nadala pa ang katawan. Nakatanggap naman pala siya ng hampas mula kay Maqui.

"Maq, no please. Baka mabalian, papakasalan ko pa yan."

Nag paawa effect naman si Elmo.

"Totoo yam..ang sakit ohh. Kiss mo naman..yam.."

"Hay naku! Iisahan ka lang niyan. Hindi pa ba tapos yang niluluto mo?"

Nag pout si Elmo. "Paano matatapos eh inaaway mo ko?"

"Anong connect?" Sabi ni Maqui.

Lumayo si Elmo. "I-connect mo para may connection."

Akmang babatuhin ni Maqui si Elmo ng plato pero napigilan ko yun. Natatawa nalang ako sa inaasal nilang dalawa. Napaka bayolente.

"Lakas mang-asar ni Elmo, nakakairita."

"Mahal mo naman!" Sigaw ni Elmo.

"Yun na nga eh! Kung hindi lang kita bestfriend matagal na kitang pina-rape kay Julie!"

Napatingin naman ako kay Maqui. Ngiting ngiti naman siya. Hindi tuloy ako makapag react. Tiningnan ko si Elmo. Hindi siguro niya narinig kasi nag-asikaso na ulit siya sa pagluluto.

"Ikaw talaga, Maq!"

Natawa naman siya. "Namumula ka dyan? Don't tell me hindi niyo pa nagagawa yun ni Moe?"

"H..ha? Ang alin?"

Kiniliti niya ko sa may tagiliran.

"Asus. Wag mo ng ideny. Ayos lang yan noh."

"Ano bang sinasabi mo?"

"Hindi pa kayo nag loving loving ni Elmo?" Bulong niya.

Agad naman akong napailing. Napaka bulgar naman kasi ni Maqui. Nakakagulat.

"Totoo?" Nanlaki ang mata niya.

Tumango naman ako. "Hindi pa namin ginagawa ang bagay na yun."

"But why? Diba nasa Paris na kayo nun?"

"Oo pero walang nangyayari. Minsan nadadala kami pero isa samin ang may kakayahan na pigilan yun. Gusto namin gawin yun sa tamang panahon."

Napangiti naman si Maqui.

"Alam mo Julie, si Elmo lang ata ang lalaki na kayang magpigil lalo na kung ikaw ang kaharap niya. Nakikita ko sakanya na sobra ka niyang nirerespeto."

Tumango ako at tiningnan si Elmo.

"Sobra pa sa inaakala mo Maq. Sana siya nalang ang una kong nakilala."

"At sana ikaw nalang ang una niyang nakilala kesa kay Liza."

"Maq, mabait ba si Liza? Naging mabuti ba siyang girlfriend kay Elmo?"

Uminom si Maqui ng tubig bago magsalita ulit. Kita ko sa mata niya ang galit.

"Mabait? Oo sana kung hindi niya ina-under si Elmo. Masyado niyang inaabuso si Elmo porket alam niyang mahal siya nito. Maalaga naman siya. Kahit papaano nagpaka girlfriend naman talaga si Liza sakanya. Nagustuhan ko naman siya kahit papaano. Very light nga lang pero mas gusto kong maging criminal nung panahon na nalaman ko na pinagpalit niya si Elmo. Gusto ko siyang saktan eh."

Tumingin ako kay Elmo. Masaya siyang inaasikaso ang pagkain namin. Sa bait niyang yan? Bakit niya nagawang saktan si Elmo? Minahal nga ba niya ito?

"Hayaan mo na yun, Juls. Masaya na yun kasama si Enrique at si Elmo naman masaya na kasama ka niya."

"Nakapag desisyon na ko, Maq."

"Ha?"

Tumingin ako sakanya. "Mahal na mahal ko ang bestfriend mo. Hindi ko siya sasaktan at iiwan. Ipaparamdam ko sakanya na mas nararapat ako sa pagmamahal niya."

"Susuportahan kita."

Lumapit samin si Elmo na dala na yung pagkain. Ang bango. I bet masarap din ang lasa. Aasikasuhin sana niya ko pero pinigilan ko siya.

"Oh Yam bakit?"

"Maupo ka na, Yam. Ako na magsisilbi sayo."

Umupo siya sa tabi ko. Binigyan ko siya ng pagkain sa plato niya. Nilagyan ko ng juice ang baso niya. Pinupunasan ko ang labi niya kapag nalalagyan ng sauce.

"Ang langgam naman dito."

"Oo nga eh. Pati ako nilanggam sa pagiging sweet ng Yam ko."

"Ano ka ba, wala pa yan sa mga nagawa mo kahapon at kanina."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Yam, hindi ko ginawa yun dahil obligado ako. Ginawa ko yun kasi mahal kita."

"I know, Yam. I know." Ngiti ko sakanya.

Kumakain na kami. Nagtatawanan kasi hindi pa din natigil yung dalawa sa pagbabayangan.

"So kelan ang kasal niyo?" Tanong ni Maqui.

"After graduation ni Julie."

"Ang bilis naman pero keri na rin para magkaroon ako kaagad ng inaanak."

Oo nga. Parang ang aga naman kung after graduation ko kaagad. Don't get me wrong. Gusto ko na din pakasalan si Elmo. Gusto ko lang sana na kahit papaano nakahanap na ko ng trabaho nun. Ayoko naman na si Elmo lang ang gagastos sa kasal namin. Nakakahiya naman yun. Nagpaalam sandali si Maqui samin.

"Yam? Anong iniisip mo?" Tanong ni Elmo.

Umiling ako. "Wala naman, Yam."

Nginitian niya ko. "Iniisip mo ba yung kasal natin? Gusto mo bang iurong? Masyado bang maaga para sayo?"

Paano niya nalaman?

"You're thinking out loud."

Napakagat labi ako. Tumayo ako at pumunta sa may bintana.

"Yam, ang totoo niyan after graduation pwede bang maghanap muna ko ng trabaho? Gusto ko kasi na makishare ako sa gagastusin natin sa kasal. Sabihin na natin na mapera ka na nga at kaya mong gastusan ang kasal natin pero alam mo yun? Gusto kong tumulong."

"Okay, Yam."

Napatingin naman ako sakanya. Nakangiti siya sakin.

"Ha? Pumayag ka na?"

Tumango siya. "Yam, kung yan ang gusto mo at ikakapanatag ng loob mo then go. Gawin mo. Susuportahan naman kita eh. Kung gusto mo talagang tumulong sa mga ganung bagay, sige na."

Nilapitan ko kaagad siya at niyakap.

"Wow. Sobrang thank you. Thank you sa pag-intindi. Hindi ka naman ba galit kasi medyo mauurong ng very very light ang kasal natin?"

Umiling siya. "Kahit maurong pa ng paulit ulit yan basta kung ikaw naman ang papakasalan ko sa huli, hindi na ko magrereklamo pa."

Sa mga ganitong gestures ni Elmo mas lalo akong nahuhulog sakanya. Naiintindihan niya ko. Mas lalo kong gustong maging perfect wife para sakanya kasi napaka perfect future husband niya.

"Yam, basta within this year dapat Mrs. Julie Anne San Jose-Magalona ka na ah?"

Tumango naman ako sakanya.

"Opo."

Nakipag nose to nose ako sakanya. Dumating na si Maqui at as usual nag-asaran nanaman yung dalawa. Maya maya nagpaalam na kami kay Maqui. Kawawa naman kasi si cookie walang kasama ngayon sa condo.

"Sure ka na bang dito ka matutulog, Yam? Hindi ka ba hahanapin sainyo?"

"Hindi yan, Yam. Tska alangan naman iwan kita dito."

"Okay. Maliligo lang ako, Yam ah? Dyan ka nalang muna sa kama ko."

Iniwan ko siyang nilalaro si cookie. Nang matapos ako lumabas na ko sa banyo. Nakita ko siyang humihikab. Inaantok na siya. Lumapit ako sakanya.

"Yam? Maligo ka na muna para makapagpahinga ka na."

"Wala akong dalang damit, Yam. Bukas ko pa pinababalik yung driver ko. Sinabi ko na dalhan ako ng gamit bukas kasi wala akong susuotin sa school."

"Meron kang damit dito sakin. Hindi ko pa nabubuksan yung maleta ko. Nandyan yung pasalubong ko sayo. May hindi kasi tayo napuntahan sa Paris na mall. Sayang naman kaya namili na ko para sayo."

Inabot ko sakanya yung damit.

"Ayan, gamitin mo na."

"Wow. Kumpleto ah? May brief and boxers pa. Complete package ng Elmo the muppet character."

Natawa naman ako. Yung binili ko kasi is Elmo the muppet na boxers,brief at sando. Isang set na yun. Tawa naman siya ng tawa sa loob ng CR.

"Yam." Lumabas siya ulit.

"Yes?"

Ngumiti siya. "Ang ganda ng suot mo. Saan ka nakakita ng nightgown na spongebob ang design?"

At bumalik na siya sa loob ng CR. Napapailing nalang ako at napapangiti. Sinumulan ko ng tapusin ang design ko. Mabuti nalang at malapit na ito kaya hindi na ko matatagalan. Maya maya lumabas na si Elmo.

"Ang cute mo, Yam." Natatawa kong sabi.

"Mas cute ka." Tiningnan niya ang ginagawa ko.

"Yung pinapagawa ni Mrs. Meriales."

Hinalikan niya ko sa noo.

"Hintayin na kita."

Umiling naman ako. "Go na yam, inaantok ka na oh. Sige na susunod na rin naman ako sayo maya maya."

Humiga naman siya sa kama. Ilang sandali pa nakita ko siyang nakatulog na. Hindi ako makapag-isip ng tama kaya pabago bago ako ng design. Natagalan tuloy ako. Maya maya naramdaman kong nakaangat na ko.

"Yam?"

Ngumiti siya sakin. "Maganda na yung mga gawa mo, magpahinga ka na, Yam."

Nilapag niya ko sa kama. Kinumutan niya ko at hinalikan sa noo.

"Good night, Yam."

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
9.6K 342 65
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
183K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
55M 775K 57
She likes being alone while he loves being the center of attention. She'd rather stay at home, reading books while he'd be in the crowd, playing for...