Map of the Blazing Hearth (Ga...

By VentreCanard

1.1M 80.7K 28.3K

Iris Evangeline Daverionne is a white werewolf who hates vampires. She vowed to herself that she would never... More

Map of the Blazing Hearth
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 6

24.6K 1.9K 1.2K
By VentreCanard

Chapter 6: Agreement

Tila paulit-ulit na umugong sa isipan ko ang mga salitang binitawan niya sa akin. Hindi ko man nais magkaroon ng ideya tungkol sa komplikadong pamilya ng mga Gazellian, bilang mga royalidad ng emperyo'y mahirap itago ang bawat kaganapang nangyayari sa kanila.

Desmond Lancelot Gazellian's revelation about his identity made a huge stir in the whole empire of Parsua, lalo na't hindi biro ang pangalang ng kanyang ina. Danna Isolde was a known vampire that was chosen by the prophecy, a traitor, and a threat to the royal family. Isama pa na isa siya sa kilalang pinakamalakas at matalinong bampirang isinilang ng kanyang henerasyon.

Desmond's controversy as an illegitimate child was already a scandal in the whole empire, but the fact that he's a son of a known traitor... made it more complicated. At ngayon na tila naulit na naman with Prince Tiffon who was announced dead and suddenly had a child...

Ramdam ko ang biglang pag-ikot ng paningin ko. Napakarami na agad katanungang nabuo sa isip ko.

Sinabi sa akin mismo ni Adam na pinili nang itago ni Desmond ang kanyang pagkakakilanlan upang hindi na gumawa pa ng kaguluhan, but the Gazellian siblings insisted for his rights. At sinabing nararapat lang niyang dalhin ang pangalan ng kanilang pamilya.

Would that be the same with this silver-grayed hair vampire?

Ilang mga salita pa lang ang narinig ko mula sa kanya'y nasisiguro kong malaki na ang disgusto niya sa sarili niyang pamilya.

Nang muli siyang humakbang, pinilit ko ang sarili kong palakasin ang aking loob. I shouldn't be wavered. Paano kung hindi siya nagsasabi ng totoo? Paano kung... ngunit unti-unti rin nawala iyong pag-aalinlangan ko.

Saan pa ako hahanap ng butas sa kanya? He's a Gazellian! At hindi na iyon matatago pa.

"Come on! He could be dead by now! Nararamdaman mo pa ba ang presensiya niya?!" he looked impatient. Halinhinan ang tingin niya sa akin at sa bukana ng kuweba.

"What else? Tell me what do you want? Any information you want to know. I am not here to play with you, little wolf. I have a fucking mission!"

Hindi ko siya magawang sagutin. Paano ko iyon magagawa sa ganitong kaanyuan? Mariin lamang kaming magkatitigan nang ilang minuto bago siya naunang mag-iwas ng tingin sa akin.

He placed his hands on his waist and paced impatiently from left and right. And when he'd stop for a moment, his eyes were switching from the cave to my position.

Para siyang nag-iisip ng plano kung paano siya makakadaan sa kuweba na hindi na kailangang makipaglaban sa akin.

"Alright! Do you have something-" umikot ang mga mata niya sa paligid at nang makita niya iyong maliit kong bag na nakalapag sa ilalim ng isa sa nagtataasang puno, mabilis siyang naglaho sa harapan ko.

He quickly picked up my bag and threw it at me. "Change. Tatalikod ako."

That's the safest way to coordinate with me. Ang makausap ako nang maayos at alamin ang mga opinyon at nalalaman ko. Tumalikod na siya habang patapik-tapik ang isa niyang paa na parang may hinahabol siya.

Nanatili akong nakatitig sa kanyang likuran habang nagpapalit ako ng aking kaanyuan. Hindi umalis ang mga mata ko roon habang nagmamadali akong magsuot ng damit.

It only took a few minutes for me to get dressed. It was my usual outfit during my journey, black long sleeves tucked-in with a baggy brown army pants, black boots, and my braided hair. I held a knife behind my back to secure myself for emergency.

"Done."

"Alright," agad na siyang lumingon pabalik sa akin.

"Nagsasabi ka ba ng totoo?"

Umikot ang mga mata niya. "I am not a good liar. At lalong hindi ko nais gumawa ng kuwento. Kung nakipagtulungan lang siya sa akin ay hindi na hahantong sa ganito. I can quickly vanish. Wala nang makakaalam na mayroon pang isang Gazellian."

"What do you want from him?"

Sa paanong paraan ba sila nag-usap ni Caleb? If Caleb's afraid about this man's identity and his threat to Dastan's throne, hindi ba sinubukan ng lalaking itong sabihin na wala siyang interes sa trono?

What made him disagree?

"Tsk. I am getting impatient, werewolf. Nasabi ko na ang dapat kong sabihin sa 'yo. I need to cross this unknown world, and among those Gazellian, he has the only ability to cross that world. Sa sandaling matulungan niya akong makatawid roon ay kailanman ay hindi na ako magpapakita. Then, problem solved. Ganoon ba kahirap iyon?"

Hindi ako makasagot sa lahat ng sinabi niya. Bakit nga ba ako nadawit sa problema ng pamilya nila?

I am just merely fulfilling Queen Leticia's trust! Bakit ako kasalukuyang nakikinig ng problema tungkol sa komplikadong pamilya ng mga Gazellian?

If I allowed this man to enter the cave, what's the guarantee that he'd not harm Caleb?

"Alright."

"Right!"

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras, malalaki na ang hakbang niya patungo sa bunganga ng kuweba. At nang sandaling handa niya na akong lampasan, agad kong hinawakan ang braso niya at buong puwersa ko siyang hinila papalapit sa akin.

"I will come with you," tipid niyang tinapunan ng tingin ang kamay kong nakahawak sa braso niya. At nang makita ko ang pagtaas ng kilay niya ay agad kong binaba ang kamay ko.

"Be quick," tinalikuran niya ako at nagsimula muling maglakad papasok sa kuweba.

Noong una'y tanging ang mga relikya lamang ang makapagbubukas ng lagusan sa kuweba, at ang mismong pagtanggap nito sa nilalang na nag-aangkin ng angking kapangyarihan, sa pagkakataong ito'y naramdaman ko na ang panghihina ng harang ng kuweba. It wasn't as strong as before. Siguro'y dahil nagawa na itong pahinain ni Reyna Leticia o kaya'y naapektuhan na ito dahil sa dami nang nilalang na nakapasok dito.

But I didn't expect that it would be easy for us. Kung anuman ang plano ng misteryosong Gazellian sa paraan kung paano siya tuluyang makakapasok ay wala akong ideya, kaya bago pa man ang kuweba mismo ang gumawa ng atake laban sa amin ay agad ko nang inilabas ang aking mapa.

Tulad nang inaasahan ko'y agad nagkaroon ng reaksyon ang aking mapa, higit iyong nagliwanag sa kamay ko dahilan kung bakit natigil sa paglalakad ang misteryosong Gazellian at mapalingon pabalik sa akin.

"I don't know your plan to further cross this cave, but there's a high possibility that an alive cave would give us an attack. Lalo na't wala tayong imbitasyon mula sa kanya. This cave invites powerful vampires, or someone with a blood of a king-" natigil na ang anuman pang sasabihin ko nang nagpatuloy na sa paglalakad ang misteryosong Gazellian.

Kusa nang umawang ang mga labi ko sa reyalisasyon. Hindi ko na napansin ang paglukot ko sa mapang hawak ko habang nakasunod ang aking mga mata sa likuran niya.

Kanina pa lang sa labas ng kuweba'y wala na siyang pag-aalinlangan at tila walang nalalamang hadlang upang pumasok sa rito. He didn't even ask for my map, or any key.

A true blood of a king...

Could it be the real reason? Na kahit posibleng nagdeklara na siya ng kaalamang wala siyang nais sa trono'y naramdaman ni Caleb na ang misteryosong bampirang ito'y maaaring kilalanin ng lahat?

Muling nagpatuloy ang mga hakbang ko, nawala ang aking isang kamay sa mapa at hindi ko alam kung ano ang siyang nagtulak sa akin upang biglang hawakan ang kasuotan niya at tipid siyang pigilan.

What if Caleb's refusing to cooperate with him because of the idea that he'll run away? Paano kung mali ang iniisip ko? That he's not seeing him as a threat, but a relative that he needs to convince to stay? Dapat ko pa ba itong isipin at manghimasok sa kanila?

What if this is fate? Bakit sa mga oras na ito pa siya lumabas? Sa gitna ng nalalapit na digmaan... sa oras kung saan handang ibuwis ng lahat ang kanilang buhay? What if this man has a future contribution that this empire needs? Hahayaan ko na lang ba siyang maglaho nang isang parang bula?

Tama ba ang desisyon kong ito?

"What again?" iritadong tanong niya sa akin.

Kung inakala niya na ang pagsulyap niya sa kamay kong nakahawak sa laylayan ng damit niya'y magtatanggal doon ay nagkakamali siya. I straightened myself and answered his gaze.

"Ano ang kailangan mo sa mundong iyon? Who are you? Bakit sa ganitong sitwasyon ka nagpakita? Why not in those years-" bumuntonghininga siya.

"It's none of your business!" tinabig niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. Sa halip na sagutin iyong iritableng reaksyon niya ay mas pinakalma ko ang aking sarili.

I might look too nosy asking him these questions, but he could be something important in the future, lalo na't sa sandaling magtagumpay kami sa digmaang ito, higit na malaking responsibilidad ang kakaharapin ng mga Gazellian.

"I am looking for a woman."

"A woman?"

"Yes. Paulit-ulit ko nang sinasabi sa 'yo na kailangan kong tumawid sa mundong iyon at hahanapin ko ang babaeng kailangan ko. She has an ability connected to my empire."

"Empire?"

Napahilamos siya sa kanyang mukha. "Alright. Hindi ka pa rin ba naniniwala sa akin? I don't fucking care about this name Gazellian, they can have that family name, my rights or anything connected with Tiffon Gazellian. My late mother told me to find my blood relative with the same peculiar hair..."

Nanatili akong nakatitig sa kanya habang pinagmamasdan ang ekspresyon niya. I saw the sudden pain in his eyes when he mentioned his mother.

"I don't have plans to cross this world, but it was my mother's dying wish. I stayed here hidden while learning about this Gazellian family and their current state. It's catastrophic! Kaya nais kong umalis na rito sa lalong madaling panahon. I will ask that gray-haired foolish vampire to tell in instant the way to that world."

Nasisiguro kong walang ideya si Caleb sa lahat ng sinasabi niya. If he's telling me any Le'Vamuievos name, I might believe him, dahil kilala ang emperyo ng Parsua Deltora sa mga lagusan, ngunit si Caleb?

Umiling ako sa harapan niya. "Walang nalalaman si Caleb sa mundong sinasabi mo."

"I'm tired of this endless conversation with you, werewolf," tinalikuran niya akong muli at nagsimulang maglakad.

Kung iisipin, isa lang ang maaaring paraan upang makakuha siya ng impormasyon tungkol sa isang misteryosong lugar.

"If you're looking for a help to discover a mysterious place, I think you're searching for a wrong creature. I am the handler of this world's map. I am Caleb's m-mate..." nag-aalangan kong sabi sa kanya na nagpatigil muli sa kanyang paglalakad.

"And your point?"

"I am tied with Caleb... and my ability might help you."

Nang sandaling sabihin ko iyon ay malakas na siyang napatawa na halos umugong iyon sa kabuuan ng kuweba.

I don't know this feeling of uncertainty, ngunit parang may tila bumubulong sa akin na pigilan ang muling pagtatagpo nila ni Caleb. Tila ang kuweba na mismo o kung sino ang siyang pilit nagsasabi sa akin na hayaan si Caleb sa likuran ng matataas na harang na batong iyon.

"What the hell is wrong with you and your persistency?"

"Higit kong kilala si Caleb, kumpara sa impormasyong nakuha mo sa maiksing panahon. Walang kakayahan ang bampirang iyon makatagpo ng ibang mundo. Yes, he's always lurking around the human world... could it be...?"

"I am not looking for a human, but a witch."

"A witch..." ulit ko.

"I... I will help you," sumulyap ako sa mataas na batong nasa likuran ko. Alam kong ramdam na niya ang mga pagyanig. Muli ko nang nararamdaman ang presensiya ni Caleb.

Nasisiguro kong hindi ngayon ang tamang oras upang magharap silang muli ng lalaking ito. Queen Leticia needs Caleb's help. He couldn't be slowed down in this situation, lalo na't napakalaki ng ambag ng itinatagong misteryo ng kuwebang ito at nagawa iyong ipagkatiwala ni Reyna Leticia kay Caleb at sa akin.

"What for?"

"J-Just allow Caleb... this war to end. We will win this fight, saka ka namin ni Caleb haharapin. Just allow him to finish everything..."

"Paano kung makitil-"

"Walang mamamatay. We have the best Queen...King..."

"Convince me."

Ang hawak kong mapa'y agad kong inirolyo, ramdam ko ang higit na pintig ng dibdib ko habang nangangatal ang kamay kong ibinibigay iyon sa kanya.

Higit pa sa buhay ko ang halaga ng mapang iyon.

"I'll die protecting that map. Sa sandaling matapos ang digmaan ay muli tayong magkita, kukuhanin koi yang muli, at matapos niyo'y maaari kitang tulungan, kami ni Caleb... just please... allow us to face this war first."

Inaasahan ko nang hindi siya papayag sa mga sinabi ko, ngunit napamasahe na lang siya sa kanyang noo. He didn't accept my map, but just waved his hand on air in dismissal.

"You're really persistent. Alright. Just stay alive. Ramdam ko ring buhay pa ang bampira," tuluyan na siyang humarap sa akin at naglakad na siya pabalik sa labas ng kuweba. At nang malalampasan na niya ako ay tipid niyang tinapik ang balikat ko.

Saglit akong lumingon sa kanya habang hawak ang nakarolyong mapa, nanatiling nakasunod ang mga mata ko sa kanya.

"W-What is your name?"

Before he finally stepped outside the cave, he uttered his name with his voice filled with bitterness.

"Tavion... Lancelot," I waited for him to continue, but all he did was chuckle and shook his head, like his own name was a disappointment.

"How I hate my second name..." saglit niyang itinagilid ang ulo niya, ngunit hindi siya tuluyang nakalingon sa akin.

"Let's see each other again, Iris."

Kusa na siyang nawala nang parang isang bula sa harapan ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong siyang nagtuloy ng kanyang pangalan."Tavion Lancelot Gazellian..."

Continue Reading

You'll Also Like

635K 36.4K 98
Hello Duology, Book #2 || I was just happily watching my ship sailing when suddenly, someone boarded the ship I was in.
29.6K 1.1K 40
Many people always complaining about the sun. Kesyo ang init daw ng sikat ng araw, masusunog ang balat nila, pagpapawisan sila at mabubura ang mga ma...
8.6M 472K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
283K 16.9K 22
Harper Esmeralda Gazellian