The UnWanted Billionaire

By iampurplelynxx

21.4K 402 32

Ikakasal na sana si Louisse sa kan'yang soon-to-be husband pero nang dahil sa malagim na trahedya, ang inaasa... More

THE UNWANTED BILLIONAIRE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 8.1
CHAPTER 8.2
CHAPTER 9
CHAPTER 9.1
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 11.1
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 17.1
CHAPTER 17.2
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 21.1
CHAPTER 22
CHAPTER 22.1
CHAPTER 22.2
CHAPTER 23
CHAPTER 23.1
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 25.1
CHAPTER 26
CHAPTER 26.1
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 33.1
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 48.1

CHAPTER 14.1

267 6 0
By iampurplelynxx

Nanigas ang katawan ni Louisse. Bakit nga ba niya nakalimutan na mas malakas ang senses ng lalaki? Palaging nitong sinasabi sa kan'ya na bulag lang ito pero mas naging sensitibo ito sa bagay-bagay.

Hindi siya makaisip ng magandang dahilan, dahil bakas sa mukha nito na naghihintay ito ng kasagutan mula sa kan'ya. She was relieved when Sachza spoke. "I already told Khiel that he needs to separate his work. Nangako pa siya na hindi maaabala ang honeymoon namin, pero heto siya, still receiving a call from someone."

Tuluyan na silang napahiwalay sa isa't isa ni Zairus at parehong umayos ng upo. Hindi niya gugustuhing ma-left aside ang babae at makaramdam ng pagka-third wheel sa kanilang dalawa. Tuluyan niyang ibinaling ang atensiyon kay Sachza na noon ay nakatukod na ang isang kamay sa mesa. Ang kamay nitong iyon ay ginamit pa nito para mangalumbaba.

Hindi makapaniwala si Louisse na makikitang umaakto nang ganoon ang babae. Kilala kasi itong may table manners at elegante sa showbiz industry. Ngunit nang maisip na nagpapakatotoo ito sa harapan nila ay tila lumubo ang puso niya. Halatang sa piling tao lamang nito ipinapakita ang totoong pagkatao.

Maya-maya pa ay umayos na ito ng upo. "I'm sorry I got excited when I saw you two walking towards us. Kaagad ko kayong kinausap na para akong reporter. I guess, we need to take our lunch," anito saka itinaas ang kamay para kunin ang atensyon ng waiter, de-kalayuan sa p'westo nila.

Tumalima naman ang waiter at yumukod sa harapan nila. The waiter then handed them a menu. Nang buksan iyon ni Louisse ay napalunok siya dahil hindi niya alam kung paano bigkasin ang mga nakasulat doon. All she knows is - that is an italian menu.

Wala rin siyang ideya kung ano nga bang pagkain ang madalas na ino-order nila Sachza. Inaamin niya ring sa simpleng restaurant lang sila kumakain noon ni Arthur. Siya kasi ang uri ng babae na practical, kaysa sa gumastos sa mamahaling restaurant, mas gugustuhin na lang niyang ilagay ang perang natitira sa savings account.

Nang lingunin niya si Zairus ay seryoso lamang itong nakaupo habang ang menu na ibinigay dito ng waiter ay nakalapag lamang sa ibabaw ng table nila. Tuloy ay napalingon siya kay Sachza, saktong nagtama ang tingin nilang dalawa. Tumango ito na tila nababasa ang nasa isip niya.

"I'll order for us," anito.

Halos hindi makasabay si Louisse nang magsimulang mag-order ng lunch meals si Sachza para sa kanila. Halos sumakit pa ang ulo niya sa mga terms na binabanggit ng babae. Mabuti na lang at mukhang tapos naman na ito dahil tuluyan nang umalis ang waiter.

"So, are you now two planning about your honeymoon?" Maya-maya ay usisa ng babae.

Hindi naman mahanap ni Louisse ang sariling boses para magsalita. Alam niya sa sariling hanggang sa makapagpa-opera lamang si Zairus ang magiging existence niya. Hindi na sila aabot sa puntong iyon dahil nagpapanggap lang naman siya. Ngunit nang maisip iyon, tila may patalim na tumarak sa kan'yang puso. Hindi niya maipaliwanag kung bakit gano'n ang kan'yang nararamdaman.

She can't be fully attach to Zairus. Ni hindi siya pwedeng magkaroon ng kahit katiting na nararamdaman para sa lalaki. Lalo na't kahit hindi siya sinipot ni Arthur sa kasal nila at namayapa na ito, hindi iyon magiging sapat na dahilan para magloko siya. Hindi rin magandang tingnan kung mahuhulog siya sa dapat mapapangasawa ng kan'yang kaibigan.

Napaigtad si Louisse nang maramdamang pinisil ni Zairus ang palad niya. Nilingon niya ito at tila mamamasa ang mga mata niya nang makitang nakangiti ito. He looks beautiful that it hurts to look.

"Noong nagkakilala kami ni Lena sa ampunan, simple lang naman ang pangarap niya. Gusto niya kapag naikasal siya, titira siya sa isang marangya pero mapayapang isla. About the honeymoon, bata pa lamang kami no'n pero pilyo ko nang naitanong iyon sa kan'ya. She want it to spend with the man that she loves in a tree house. She's just a simple girl. But that makes me fall for her."

Nagkakilala ang dalawa sa ampunan?

Pilit inaalala ni Louisse kung nakita niya na ba noon si Zairus at kung ano ang hitsura nito noong bata pa. Imposibleng mula ito sa ibang ampunan at lihim na nakikipagkita kay Lena. Mahigpit na habilin sa kanila noon ni Sister Cecilia na bawal lumabas ng ampunan.

Could it be that he's also from Angel Eyes Orphanage?

Nabalik lang siya sa ulirat nang marinig ang boses ni Zairus. "Are you okay? I was calling you three times. You're spacing out."

Naramdaman niya pa ang paghagod ng kamay nito sa braso niya. She was wearing a puff sleeveless dress kaya ramdam niya ang init na nagmumula sa palad nito, papunta sa kan'yang katawan. Iyon ang naging rason kaya siya kumalma at naglaho ang mga katanungan na tumatakbo sa kan'yang isipan.

Sakto namang pagdating ng kanilang lunch meals ay ang pagbalik ni Ezekhiel sa table nila. Ni hindi siya nag-abalang tapunan ito ng tingin. Narinig na lang niyang pinangaralan ito ng asawa. Habang mula sa kan'yang peripheral vision ay nakita niyang napakamot na lamang sa ulo ang lalaki.

EZEKHIEL IANCEY MONTELL-MONTERO. Pagbasa ni Louisse sa buong pangalan ng lalaki na nakita niya sa isang post sa internet. May iilang pictures din itong kasama si Zairus sa mga gathering at family events.

Sunod naman niyang hinanap sa search-it-on ang information patungkol kay Zairus. Iilang post lamang doon ang lumabas, halatang inaalagaan nito ang private life. Wala rin siyang mahanap maski baby pictures o kaya noong binata pa ito. Para sana makumpirma niya kung galing nga ba ito sa kaparehong orphanage.

Nang puro patungkol sa achievements lang nito ang lumalabas at nababasa ni Louisse ay sumuko na siya sa paghahanap. Nang maalala si Manang Pasing ay mabilis siyang bumaba mula sa second floor ng bahay.

Naabutan niyang abala ang matanda sa paglilinis sa kusina. Nilingon siya nito nang maramdaman ang kan'yang presensiya. Rumehistro pa sa mukha nito ang pagkagulat. Matamis niya itong nginitian at naglakad palapit dito saka niya ito tinabihan.

"Manang."

Mukha itong nabalik sa reyalidad nang marinig ang boses niya. Narinig niya pa ang pagtikhim nito at nagpatuloy muli sa pagpupunas ng mga mangkok.

"May kailangan ka ba, Miss Lena?"

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago ito batuhin ng tanong. "Mayroon po ba kayong nakatagong baby pictures o maski kahit noong binata pa po si Zairus?"

Hindi nakatakas sa kan'yang paningin ang pag-tense ng katawan ng matandang babae. "Manang, may problema po ba?"

Naiiling nitong pinunasan ang kamay sa suot na apron at binalingan siya ng tingin. "Miss Lena, nakalimutan mo na bang hindi mahilig magpakuha ng litrato noon si Mr. Montell? Hindi niya gustong maalala ang childhood memories niya. Ayaw na niyang isipin ang mga pangit niyang nakaraan."

Mabilis siyang umisip ng dahilan. It's a good thing na naalala niya ang binanggit ni Zairus nang kausap nito si Sachza. "But there was a good memory. A memory of us, when we first meet, Manang."

Dumaan ang lungkot sa mga mata nito. "Hindi pa rin niya magagawang makalimutan ang pag-iwan sa kan'ya ng magulang niya, kahit pa noong dumating ka sa buhay niya. Alam mo bang ilang taon pa ang inabot ko bago ko makuha ang loob ni Mr. Montell?" Ngumiti ito na tila may naalalang magandang nangyari sa nakaraan. "Masaya ako noong nagsimula na siyang buksan ang sarili sa akin. Kaya naman kahit ilang taon na ang lumipas, pinagsisilbihan ko pa rin siya."

Tumango siya bilang pang-unawa. "Kaya ganoon na lang ang hinanakit at galit sa mga mata niyo noong makita niyo ako," hindi niya napigilang isatinig. Naging malinaw na sa kan'ya ang lahat.

"Pasensiya ka na, hija. Hindi naman talaga masama ang ugali ng pamangkin kong si Lineth. Katulad ko ay gusto lamang protektahan ng batang iyon ang amo namin. Marami na kasing pinagdaanan sa buhay si Mr. Montell. Alam kong magpa-hanggang ngayon ay dala pa rin niya ang takot sa kan'yang puso. Pati ang sakit na nararamdaman dulot ng pag-iwan sa kan'ya ng mama niya sa ampunan."

"Manang," tawag niya rito. Nagulat pa ito nang hawakan niya ang isa nitong kamay. "Naiintindihan ko po. Maniwala man kayo o sa hindi, pinagsisisihan ko ang ginawa ko kay Zai. Gusto kong bumawi, Manang. I want to be deserving for his love."

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niyang ngumiti ang matanda. "Tomorrow is his thirty-first birthday. Sa tingin ko ay doon ka magsimula, hija."

Napangiti na rin siya dahil sa suhestiyon nito. Tomorrow is April twenty-one. Then, she realized that she's already twenty-four. Kung thirty-one na bukas si Zai, seven years pala ang age gap nila rito ni Lena.

Magpapasalamat pa lamang sana siya sa matanda nang makita niyang bumakas ang lungkot sa mukha nito. "Kasabay ng kaarawan niya ay ang aksidenteng nangyari sa kan'ya, hija. Kaya sinabi ko sa'yo na rito ka magsisimula ay dahil gusto kong maalis mo ang takot sa puso ni Mr. Montell. Gusto kong i-celebrate niya pa rin ang kaarawan niya nang walang pag-aalinlangan."

Wala siyang maapuhap na tamang salita para sabihin. Nasa gano'n silang lagay nang marinig ang boses ng taong pinag-uusapan nila. "What's happening here?"

Pareho nilang nilingon ni Manang Pasing si Zairus na noon ay kapapasok lang ng kusina. Tumikhim siya. Nagawa niya pa ring ngumiti kahit na tila nawawasak ang puso niya nang dahil sa nalaman.

"I'm just asking Manang Pasing for her suggestion."

Nakita niya naman ang pagrehistro ng gulat sa mukha ni Zairus. "Manang?" Hindi makapaniwalang tawag nito sa matanda.

"Ayos na po kami, Mr. Montell. Hindi niyo po kailangang mag-alala."

Nang dahil sa isinagot ni Manang Pasing ay tila nakahinga nang maluwag si Zairus saka ito nakangiting inilahad ang kamay. "Wife?"

Nagkatinginan muna silang dalawa ni Manang Pasing bago siya lumakad sa kinaroroonan ni Zairus. Mabilis ang naging galaw nitong iniyakap ang isang kamay sa kan'yang beywang saka siya hinila padikit sa katawan nito. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang maglapat ang labi nila, kasabay niyang narinig ang pagsinghap ng matandang babae.

Nakita niya pa mula sa kan'yang peripheral vision ang paghihikaos na pagpasok ni Lineth sa kusina. Katulad ng naging reaksyon ni Manang Pasing ay napasinghap din ang dalagita. Ngunit hindi na iyon pinag-ukulan pa ng pansin ni Louisse. Binalewala niya rin pati ang warning bells sa likod ng kan'yang isipan.

She encircled her hands around his nape and pulled him more closer. Then, she savored his deep kisses.

Continue Reading

You'll Also Like

136K 5.7K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
26.1M 787K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
505K 8.4K 35
Eros Delvan is the most attractive professor Clariz met at school. Their interactions are always minimal, so she expects to graduate with nothing mor...