A Stranger's Heart[Completed]

By Queen_Stelle

204 38 1

Truth Pano kung ang katotohanan ang sisira sa inyong pagmamahalan, susugal ka pa rin ba? Mananatili ka pa ba... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 3O
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

CHAPTER 58

5 0 0
By Queen_Stelle


ZACK'S POV

Time check....

7:45 am

Maaga pa pala...pero kailangan ko ng maghanda..

Makaligo na nga...

Pagkatapos kong makigo ay nagbihis na ako. Pinakapili-pili ko pa nga yung susuotin ko.

Naka-dark blue polo ako at itim na pantalon. Ini-style ko pang mabuti ang  ayos ng buhok ko pero paulit-ulit ko rin lang naman ginugulo dahil hindi ako masiyahan sa ayos nito.

Naka-ilang beses pa akong agusin ito hanggang sa makontento na ako sa ayos nito saka ko lang inayos muli ang suot ko. Naka-3/4 pa nga ang mga manggas ng polo ko, sinuot ko rin ang regalong relo ni dad sa akin nung nakaraang birthday ko.

Ayos na...Teka kulang pa pala...

Kulang ng pabango.

Ini-spray ko naman ng todo ang pabango na kulang na lang ipaligo ko na ito sa buong katawan ko.

Hmm...Okay na, baba na ako.

Itetext ko pala muna si Elle.

Compose message...
To: Ms. S
Hey, Goodmorning, Ready ka na ba? Just text me if your'e ready:)😙
Message sent
7:47 am

Pagkatapos non ay pinatay ko na ang cellphone ko. Makababa na nga muna.

Pagkababa ko, as usual ay naabutan ko na naman si mommy naghahanda ng umagahan.

"Hi mom"...bati ko sabay halik sa pisngi nya. "Oh, good mood tayo ah"...biro ni mommy at ngumiti lang ako sa kanya. "I'm just happy mom"...sagot ko.

"Ay sus, ang baby ko talagang binata na oh"...puri ni mommy sabay yakap sa akin. "Mom, alam nyo na ba kung babae or lalaki toh?"...pagtutukoy ko sa tiyan ni mommy.

"Actually papunta nga ako sa Ob-gyne ko today"....sabi ni mom kaya naman napangiti ako sa kanya.

"Oh, ba't natahimik ka naman jan, pinag-usapan lang natin si baby eh"...sita ni mommy sa akin at napatingin naman ako sa kanya.

"Ano lang kasi mom, malungkot lang ako kasi di man lang nya naabutan si Ate Bri, di man lang nya mararanasan ang pagmamahal na binigay nya sa akin noon"...paliwanag ko at lumapit naman sa akin si mommy at tinapik ako sa aking likod.

"Alam ko namang kahit nasa itaas na ang ate mo, alam kong masaya na sya doon, At alam ko ring hindi mo naman pababayaan tong bago nyong kapatid, isa kang mapagmahal at maalagang anak, kaya alam kong magiging ganun ka rin kay baby"...sabi ni mommy at napatango naman ako sa kanya.

"Oh sya kumain ka na, baka masira pa ayos mo sa date nyo"...biro ni mommy pero ngumiti lang ako sa kanya at nagsimula ng kumain.

Pagkatapos kong mag-agahan ay muli akong umakyat sa kwarto ko. Kinuha ko ang bulaklak na ibibigay ko sa kanya mamaya.

At bago pa ulit ako makababa ay muli akong humarap sa salamin at tiningnan kung ayos pa ba ang hitsura ko.

Muli ko pang inayos ang buhok kong medyo nagulo at pagkatapos non ay bumaba na ako.

Pababa na ako ng hagdan ng biglang mag-tunog ang cellphone ko.

May nagtext.

One new message...
From: Ms. S
Tapos ka na? Asa labas na ako ng bahay namin.
8:12 am

Shoot. Alas-otso na pala. Grabe antagal ko pala.

Naunahan nya pa ako.

Nagmadali naman akong lumabas ng bahay. Since may lakad din si mommy ay tiyak na naliligo na yun kaya di na ako makakapag-paalam.

Kaya naman agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at agad akong sumakay dito.

Pagkabukas na pagkabukas ng garahe namin ay agad kong ini-start ang kotse ko.

Pagkalabas ko naman sa kalsada ay natanaw ko na si Elle sa labas ng bahay nila.

Halatang ako na lang ang hinihintay nito kaya naman agad kong pinatakbo ang kotse ko at tumigil sa harap nila.

Pero bago ako makababa ay nag-angat sya ng tingin at kumaway sa akin. Hindi naman tinted ang kotse ko kaya kita ko sya sa labas at kita nya rin ako sa loob.

Bago yun, ay syempre inabot ko muna sa may passenger's seat ang mga bulaklak na pinasuyo ko kay tita.

Hindi kasi natuloy yung nakaraan kaya ngayon na lang.

Pagkabukas ko ng kotse ko ay agad akong humakbang pababa ngunit tinago ko muna ang bulaklak sa likod ko at unti-unting naglakad papalapit sa kanya.

"Ang ganda mo"...puri ko at ngumiti naman sya sa akin. Dahil hindi sya katulad ng ibang babaeng nag-aayos para sa date nila ay simpleng maong shorts at over-sized t-shirt ang suot nya. Tinernohan nya din ito ng boots at meron din syang sling bag na ngayon ay nakasabit sa kaliwang balikat nya.

"Ang gwapo mo"...puri nya at ngumiti naman ako sa kanya pabalik. "Kelan ba hindi?"...pabiro kong tanong but she just smirked at me.

"Here, flowers for you"...bungad ko at binigay sa kanya ang isang boquet ng bulaklak na may iba't ibang uri ng bulaklak. "Ang bango ah, ikaw ba pumili nito?"..tanong nya.

"Actually nag-patulong ako sa tita ko, sa kanya ko rin kasi binili yan. Meron kasi syang flowershop"...sagot ko at tumango naman sya.

"Date ba toh?"...nagulat naman ako sa tanong nya pero ngingiti-ngiti naman akong tumngo sa kanya. "Sus, oh tara"..sabi nya at this time sya naman ang naglahad ng kanyang kamay sa akin.

Kaya naman wala akong sinayang maski segundo dahil agad kong inabot ang kanyang kamay at sumakay na kami sa kotse ko.

"Saan tayo?"...tanong ko..

"Ikaw, kung saan mo gusto"...sagot nya. "Eyys..anjan na naman yang linya mong yan, para tuloy ako ang nililigawan mo"..maktol ko habang nagmamaneho.

"Ano ba dapat? Eh kung ako naman ang tatanungin, dadalhin na lang kita sa paborito kong puntahan"...sagot nya na ikinamangha ko. Didn't know she had a favorite place to go.

"Saan, tara puntahan natin, gusto ko kasi ikaw naman ang mauna, gusto kong pumunta kung sa'n mo gusto"..sagot ko sa kanya.

"Sigurado ka?"...tanong nya at agad naman akong tumango. "Ikaw pa"...biro ko at natawa naman sya sa akin.

At nagulat naman sya ng bigla kong ilahad ang aking kamay sa kanya.

"Ano yan?"...tanong nya at bahagya naman akong lumingon sa kanya at pilit kong inilahad sa kanya ang kamay ko, umaasang mage-gets nya ang nais kong iparating.

"Tss..pag tayo naaksidente, bahala ka"...sagot nya pero in the end hinawakan nya rin ang kamay ko. Kung dati HHWW lang kami ngayon pati sa sasakyan, HHWD na kami.

"Wag kang mag-alala ako bahala, ako pa"...at mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ng mga kamay namin.

Habang nagmamaneho ako ay itinuturo nya sa akin ang direksyon kung saan yung lugar na tinutukoy nya.

Sasabihin ko nga sanang I-gps na lang namin dahil mas madali yun.

Pero sabi nya eh wala daw lalabas na lugar na ganun kaya ganun na lang ang ginawa namin.

"Malapit na ba tayo?"...tanong ko pero umiling lang sya sa akin. Gaano ba kalayo yun, buti di sya napapagod mag-drive sa t'wing pumupunta sya doon.

"Pagod ka na ba?"...napalingon naman ako sa tanong nya pero muli kong binalik ang tingin ko sa daan para iwas aksidente. "Hindi pa naman"...palusot ko. Actually hindi pa naman talaga ngalay lang kasi iisa lang ang kamay na gamit ko sa pagmamaneho.

"Itigil mo muna kotse,"...nagulat naman ako sa bigla nyang utos sa akin. "Bakit?"

"Basta, tabi mo dun oh"...turo nya sa gilid ng daan.

Ng maitigil ko ang kotse ko ay mas nagulat ako ng bigla syang bumaba ng kotse.

Anong nangyari sa kanya?

Hanggang sa makaikot sya papunta sa akin ay nanatili akong titig sa mga inaasta nya.

ELLE'S POV

Pagkarating ko sa kanya ay tinuktok ko ang bintana nya at agad naman nyang binuksan ang pinto ng kotse.

"Bakit?"...alam ko kasing pagod na sya. Isipin mo yun, yung isa kahawak yung kamay ko, tas yung isa naman nasa manebela.

"Ako na ang magmamaneho"...sabi ko pero bago pa man ako makapasok ay pinigilan nya ako. "Hindi pa ako pagod, I swear"...nagtaas pa sya ng kamay, pero di ako nagpadala.

"No, Ako na ang magda-drive, dun ka na sa Passenger seat"...utos ko at wala naman syang nagawa kundi umikot papunta sa passenger's seat.

"Zack, you know you can tell me anything, sabihin mo sa akin lahat, sabihin mo kung pagod ka na, kung hindi mo na kaya, ginagawa mo naman akong manghuhula eh"...sabat ko pero napansin kong nag-iba ang timpla ng mukha nya.

"Elle, what do you mean? Alam mong hinding-hindi ako mapapagod sayo"...pinagsasabi neto?

"Huh?"..takang tanong ko. Ah!

"I'm not talking about that, sinasabi ko yung sa pagmamaneho mo shunga"..sita ko, anong iniisip neto?

"Pero seriously Zack, magsabi ka, always so I can help you, hindi ka naman nag-iisa, andito ako"...paliwanag ko at hinawakan ang kanyang kamay.

"Tara na"...yaya ko at tumango naman sya. Ngayon ay hindi na kami naghawak kamay.

Actually ang tinutukoy kong lugar ay kung saan ako natuto humawak at gumamit ng baril. Weird man, pero this became a special place for me.

Pagka-liko ko sa kaliwa ay nakita ko na ang guest house naming wala namang nakatira.

We used to live here, siguro mga months din lang, nung mga oras kasi na yon, si lolo ay ang leader ng gang namin.

There are many threats of course, maraming hostages, may mga patayan syempre. But after ni lolong makilala bilang isang sikat at makapangyarihang mafia. Policies had changed.

They want a new generation of Mafia leaders even in Mafia world.

They want us, women to rule. Pero nung una pinag-awayan nila ito. Maraming nagsasabi na ang mga babae, mahihina ang puso. They can't stand to fight, at marami pang ibang negatibong sabi-sabi.

Pagka-parada ko ng kotse sa loob ay bumaba na kami. It may look likan ordinary house but once you're inside it will explain all of it.

"Tara"...yaya ko sa kanya at bumaba naman sya sa kabila.

Bago pumasok ay hinintay ko muna sya. "Bahay nyo ba toh?"..tanong nya at tumngo lng ko at inilahad ang kamay ko sa kanya. "Tumira kami dito dati pero hindi mo naman kasi ito matatawag na bahay. Sure, may mga kwarto pero hindi kama ang nakalagay"...paliwanag ko at pumasok sa bahay.

"Eh anong nakalagay?"...tanong nya sa akin. Pero bago ko yun sagutin ay kumalas muna ako sa pagkakahawak ng mga kamay namin at sinarado ang pinto bago muling nagsalita.

"You'll see, let's go"...agad ko namang kinuha ang kamay nya. It's a two story house with an underground.

"San mo muna gustong pumunta?"...tanong ko.

"Sa taas, gusto kong makita yung mga kwarto"....sagot nya kaya naman umakyat na mami sa hagdan.

Ng mapuntahan namin ang isang kwarto ay napangnga naman sa mangha si Zack.

"Is this even possible?"...manghang tanong nya. Ni-renovate na kasi nila ito and this first room occupy a very large space.

Ito kasi ang court, I mean basketball court. May mga bola din and may ring magkabilaan. Parang gym lang ng school pero dito walang upuan para sa audience.

Kaya naman kumuha ako ng bola at nag-dribble. "Marunong ka?"...tanong ko at tumango naman ako. "Ako pa ba, pero hindi naman yung sobrang runong haha"...sabi ko at nagdribble papunta sa may ring at ishi-noot ko yung bola.

"Laro tayo"...sabat nya at pumayag naman ako. Sa buong oras na ginugol namin dito ay hindi ko lang alam kong matatawag ko pang laro ito dahil nauwi din lang naman sa biruan at kulitan ang lahat.

Pero masaya, hindi ko na matandaan kung kelan ako naging masaya, pero gawa dito pakiramdam ko sobrang laya ko.

Wala akong inisip kundi kaming dalawa lang, ang laya namin na parang walang problemang dumarating sa buhay namin.

Naglibot din kami, sa iba pang mga kwarto at manghang mangha naman si Zack.

At dahil nakaramdama kami ng gutom ay nagpunta kami sa hapagkainan nitong bahay, may mga katulong naman dito at may mga chef din lalo na kapag may dumarating.

Puro kwentuhan lang kami at biruan, nagyayabangan pa nga kung maka-tyempo.

Pero bago pa man matapos ang araw na ito ay may isa pang parte ng bahay na ito na nais kong ipakita sa kanya.

"Can't believe na may underground kayo dito"...manghang sabi nya habang patuloy na naglalakad pababa sa hagdan. "Mmhmm, kasi this is entirely designed para sa akin at kay kuya"...sagot ko kaya naman naoatingin sya sa akin.

Magtatanong pa sana sya ng marating na namin ang aming destinasyon, kaya naman unti-unti kong binuksan ang pinto, only to see what's inside.

Walang imik kaming pumasok sa loob. "Dito ako natutong humawak at gumamit ng baril"..mahinang paliwanag ko habang sinsabayan syang pagmasdan ang buong paligid.

At maya-maya napadako naman ang paningin nya sa mga baril na maayos na nakalatag sa isang mesa.

"Gusto mong i-try?"...tanong ko at tumingin naman sya sa akin.

"Pwede?"..at tumango naman ako sa kanya. "Halika, tuturuan kita"...prisinta ko at ako na ang nagdala ng baril at pumasok kami sa sa loob.

"Suot mo muna toh"...tukoy ko sa earmuffs na nandoon.

Pagkatapos nyang mag-suot ay ako muna ang sumubok para ipakita sa kanya.

"Manood ka muna"...sabi ko at hinawakan ko ng mahigpit ang barik gamit ang dalawa kong kanan at ipnuwesto ito sa tapat ng target.

Ng maitutok ko ito ay dahan dahang inabot ng daliri ko ang gatilyo ng baril bago mabilis na hinila ito upang pumutok.

"Woah, unbelieveable, gitnang gitna yung tira mo, Elle"...puri nya at pumalakpak pa.

Ewan ko kung mapapangiti ako o kikilabitan sa sinabi nya. Pero kahit pa ganun pinilit ko pa ring ipakita ang ngiti sa mga labi ko kahit pa pilit lang ito.

"Ikaw naman"...anunsyo ko at pumwesto naman sya. "Okay, ganito hawakan mo ng ganto ang baril, higpitan mo kasi malakas ang impact nito kapag pumuputok"...paliwanag ko at kinapitan ang kamay nya para i-demo ang sinasabi ko.

Pero dahil sa posisyon namin ay hindi ko maiwasang hindi mailang. Sa lagay kasi namin, parang nakayakap ako sa kanya at sa tuwing humaharap sya sa akin eh naglalapit ang mga mukha namin sa isa't isa.

"Tama ba toh"..natinag lang ako sa tanong nya at tumango naman ako bago ko sya bitawan. "Then itutok mo na yung baril, sipatin mong mabuti yung target mo para matamaan mo"...sabi ko at tumango naman sya.

Pero ang akala kong babaril na sya ay naputol dahil unalis sya sa posisyon nya kanina at dahan-dahang lumapit sa akin.

"Elle, kung matamaan ko lahat ang limang target na yun, Can I ask you a question?"...hindi ko alam pero nabigla ako sa sinabi nya.

Anong tanong naman kaya yun?

Aish! Bahala na,

"S-sige"...ang tanging nasagot ko at muli syang pumwesto.

1st target - shoot

2nd target - sablay

3rd target -sablay

4th target - shoot

5th target - shoot

Owww...kay. Atleast 3 out of 5 ang natamaan nya, beginner pa lang naman kasi.

Pagtapos nya ay pinuntahan ko sya.

"Hey"...bungad ko.

"Listen, hindi ko man natamaan lahat ng yun pero I'd only ask this question--no permission from you"...sabi nya.

Wala naman akong masabi kaya naman pinakinggan ko na lang sya.

"Elle, Can...."...pinutol pa talaga..








"....Can you be my"









"...Prom date this coming friday?"

Speechless na naman ako. Oo nga pala prom namin sa friday, andami din palang event na magsasabay-sabay mangyari sa isang araw.

Bahagya akong natahimik sa tanong nyang yun pero ngumiti lang ako sa kanya, bago ako nagbigay ng sagot. Wala naman akong ibang gustong magtanong ng tanong na ito sa akin kundi sya lang. Ang isang Zackharias Marquez lang.

"Yes"

"......I'll be your prom date Zack"....sagot ko at dah sa tuwa ay hinila nya ako para sa isang yakap.

"Thank you"...sagot nya pero hinigpitan ko lang ang pagkakayakap namin sa isa't isa.

Pakiramdam ko kasi ngayon, gusto ko lang syang yakapin ng mahigpit at wag ng pakawalan pa.

Can I....even do that?







Kahit pa dumating sa puntong malaman nya ang lahat....












Can I still hug him like this, even though kasalanan ko?




Or









Would you even let me?





Pero kung dumating man yung oras na yun, sana, kahit hindi ako ang kayakap mo, maiwan sayo ang mga alaalang ganito.

I know I'm at fault pero kasalanan ko pa rin bang minahal kita?






Kasalanan ko bang tao rin ako at may puso, nararamdaman ko rin kung anong nararamdman ng iba.



I really didn't know love at first since I grew up in a different environment.









But when I met you I learned what love is.









Yung dating utak kong nakapukos sa gulo, napunta sayo.













Yung puso kong naging bato, lumambot sayo.













At yung tingin kong sa kalaban nakasentro napalingon sayo.



























It feels like you reached out to me, not by anything, but by one thing.....that is called.












































Love.



To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...
393K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...