Book 1: When I Met This Gangs...

Ladymania tarafından

267K 7.6K 197

We don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls... Daha Fazla

PROLOGUE <3
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19- SabNeth
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
SC #1
#2
#3
*****
#4
#5
#6
BOOK 2: We Meet Again, Gangster!

Chapter 22

3.8K 124 7
Ladymania tarafından

+++++

Ryan's Pov:

Seryoso kaming nag uusap ni Darryll ng biglang pumasok si Arl sa Tambayan. Napatingin kami sa kanya. Nakangiti siya.

"Pards?" Tawag ni Darryll

Nagtataka din siguro kung bakit nakangiti yung kaibigan naming ito. Himala eh. Once in blue moon mo lang ito makitang ngumite at himala dahil halos araw-araw ay nakangiti na siya. Nagtataka na ko kung sino yung dahilan nang pagngiti niya. Ang galing makahawa kay Jeth eh oh.

"What?!" Balik na sagot niya.

"Anong nakain mo? Bakit ka nakangiti?" Tanong ko na. I'm just curious you know. This is not him.

Umiling naman siya pero nakangiti parin. Parang may naalala na ewan. Lagot na! Nakasinghot yata. Binulungan ko si Montenegro.

"Nakasinghot yata kaibigan natin negro." Sabi niya at bigla akong binatukan. Ang brutal.

"Maliligo lang ako. Alis agad tayo"

"Saan pupunta Pards?"

Oo nga saan pupunta? Sa pagkakaalam ko ay wala namang pasok ngayon. Sabado kasi ngayon.

"Practice" ikling sagot niya. Napatango ako.

"Ay oo nga pala. Buti nalang nakaligo na ako." I said.

Tamang tama lang pala yung ginawa ko na maaga maligo. Yung isa dito nakaligo narin eh pagkadating niya dito.

"Ah. Pards Tumawag pala si Tito. Ngayon na yung alis niya papuntang California. Hindi ka kasi niya macontact."

Tumingin naman si Arl kay Darryll pero sumama naman iyong timpla ng mukha niya. Alam na. Masama ang loob sa Step Father niya. Yeah! Step Father! His real Father is already dead kaya ang tumayong ama amahan niya ngayon ay ang pangalawang asawa ng Mother niya, which is Tito Qu.

"Don't care." Sabi lang niya. Tumango naman kami. At pagpasok niya ng bathroom ay tiningnan naman ako ng masama ni Negro. Psh.

Kasalanan ko na naman sa bitter na to. Ang sama palagi ng tingin sakin.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"Wala. Trip ko lang masama?" He said.Ang galing naman ng trip niya. Masubukan nga minsan baka tumalab at maging suplado din ako tignan. Palagi nalang kasi akong napagkakamalan na mayabang. Eh hindi naman ako mayabang. Talagang nagsasabi lang ako ng totoo noh.

Im just Honest you know. Honest!

******

*AU(tambayan)

"Nakakabwesit naman ng babaeng to. Ayaw akong tigilan. Ghaaadd. Sinasabing hindi kami talo eh. Babae ako. Ba.Ba.e.. Urrrrgggghhh."

Pagpasok namin sa tambayan ganito agad yung narinig namin. At nadatnan namin si Mikaela na hinahampas-hampas yung cellphone niya sa sofa. Sino ba kasi yang katext niya?

"Hoy! Mikaela. Ikaw palang dito?"

"Natural! May nakikita ka pa bang hindi ko nakikita Huh?!" Singhal niya. Therefore I conclude mainit nga yung ulo niya. Tumahimik nalang ako at hindi na nagsalita pa. Baka kalbuhin pa ko ng Mikaela na to eh. Mahirap na. Kahit gangster ako ay natatakot parin ako, takot masabunutan dahil baka masira ang hairdo ko. Ang hirap kaya mag ayos ng buhok kung alam niyo lang. Kasing hirap magpaamo ng Tigre!

"Anong oras dadating yung Polkadots?" Tanong ni Jeth. Hmm. Bakit niya kaya hinahanap si Sunny. I smell something Fishy sa Jeth na to ah.

"Mamaya pa siguro. Siguradong tulog pa yung babaeng yun."

Nakita ko namang tumayo si Jeth. Sinundan ko siya ng tingin at naninibago ako sa kilos niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Kung sa babae pa blooming ang tawag eh. Parang ganun siya ngayon.

"Isa pang tingin Park. Makakatikim kana."

Umayos naman ako ng upo.

"Aham. Sabi ko nga hindi na titingin"

Binaling ko nalang yung tingin ko kay Darryll. At nakita kong nagtitext siya sa isang tabi. Sinubukan kong silipin ang cellphone niya pero nilalayo niya agad ito. Pero hindi talaga ako mapakali at gusto ko talagang malaman kung sino yung katext niya. Humanap ako ng way para mabasa yun. Pumunta ako sa likod niya. At sumimpli ako. Binasa ko yung text. At may nabasa akong.

'Anong gawa mo?'

Nagreply naman si Montenegro.

'Nagtitext ikaw?' reply niya sa taong hindi ko kilala. Pero nagtataka ako kasi kung anong nireply niya ay ganun din yung dumadating na message sa kanya. Nakita kong nagtype ulit siya.

'Nagtitxt din. Ang boring noh?' reply niya ulit.

Nagtaka na naman ako kasi ganun parin eh. Pareho lang eh. Tiningnan ko kung ano yung pangalan ng katext niya. At napafacepalm naman ako sa nabasa ko.

'My no.'

Nice! Ang galing, Kaya pala. Ang laking gago nito! Sarili niya mismo yung katext niya. Nabuang na talaga yung mga kaibigan ko. Baka pati ako madamay dito.

"Hayop ka Montenegro. Astig rin yung trip mo. Sarili mo mismo katext mo Nice"

Nagulat naman siya sa biglang pagsalita ko sa likod niya at agad na tinago yung cellphone niya.

Nakita ko na eh. Itatago pa niya. Sige lang. Suportahan kita Negro.

"Walangya ka. Mind your own Business Park. Gumawa ka ng gusto mong trip. Tsk" sigaw niya. Napailing naman ako at pumunta nalang sa guitara ko. Susundin ko nalang yung sinabi niya na Mind your own Business.

Hindi ko kasi kaya yung trip niya eh na sarili niya mismo gawin niyang textmate. Para kasing niloloko ko yung sarili ko. Buhay nga naman.

Tumugtog nalang ako. Pero maya-maya lang ay biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si Sunny at isang lalaki na kaholding hands niya. Napangiti ako. Si Ex-bayaw pala ni Arl andito. Ano kayang ginagawa niya dito? Ang tagal rin naming hindi nagkita ha. Hmm. Naisip ko na batiin siya kaya tumayo ako.

Pagtayo ko agad namang nahagip ng mata ko si Arl na hindi maipinta yung mukha. Na anytime gusto ng manuntok na ewan. Sinundan ko naman yung tingin niya. Nakatingin siya dun sa kamay nina Sunny at Louie. Napangisi naman ako at nilapitan siya.

Tinapik ko ang balikat niya sabay bulong. "Jealos ha?. Tsk. tsk.tsk"

Tiningnan niya naman ako ng masama.

*Smirk

Huli ka Arl. Karibal mo pa yata si Ex-bayaw.

****

Sunny Pov:

Pagkapasok namin sa tambayan ni Louie tinginan agad ang mga tao dun samin. Nakakailang ng ginagawa nila parang may ginawa akong kasalanan ah.

"Sunny girl who is he?" Pambabasag ni Michael sa katahimikan.

"Umm. Si Louie nga pala ano ko---"

Naputol naman yung pagsalita ko ng biglang nalaglag yung isang drums sa tabi ni Zenberg. Nakita kong pinulot niya yun at tumingin saming lahat.

"Go on."

Kaya ang ginawa ko pinagpatuloy ko ulit yung sasabihin ko pero napahinto na naman ng malaglag ulit yung isang drums. This time sa kabila naman.

"Hoy. Zenberg lumayo ka nga d'yan sa Drums. Para hindi mo masagi" Sabi ko sa kanya.

"Oo nga pre! *wink*. Nakakahiya naman kay pareng Louie." Sabi ni Ryan.

Problema ng Ryan nato? Nakangiti kasi siya na parang aso. Tapos nakita ko pa yung pagkindat niya kay Louie. Tiningnan ko naman itong lalaking ito sa tabi ko. Nakangiti siya na parang ulol!

"Anyways guys si Louie nga pala--"

"Boyfriend niya." Dugtong niya sa sinabi ko. Siniko ko siya. Dahil kung ano anong lumalabas sa bibig niya. "I'm Louie, his boyfriend." Sabi niya habang nakangiti.

Teka anong pinagsasabi nito na Boyfriend? Kakafriend lang namin kanina tapos boyfriend na agad? Aba't ang bilis ah!

"Sumakay ka nalang." Sabi niya sabay pisil sa ilong ko. Pinalo ko naman siya tapos bigla niya kong inakbayan. Anak ng tikla naman tong si Louie oh. Anong trip nito.

"Diba magpapratice pa kayo MHINE?" Sabi niya. Diniinan niya talaga yung Mhine. At tsaka saan niya nakuha yung mhine? Humanda talaga sakin tong lalaking to  mamaya. Ang lakas makapangbadtrip kasi eh.

"Tama nga naman yung MHINE mo Sunny. Halika na practice na tayo" sabi ni Ryan habang nakangisi na nakatingin kay Zenberg.

Napailing nalang ako. At tsaka nagpractice nga kami. Pero halata ko lang kay Zenberg walang gana yung pagkakakanta niya. May problema ba tong isang to.

"Hoy! Zenberg ayusin mo nga yung pagkanta mo. Pati ako nadadamay eh."

Hindi kasi maganda pakinggan. Alam niyo yun. Wala sa tono. Kahapon okay naman yung pagkanta niya eh.

"Tsk"

"Sungit"

"Ah guys. Pwedi ba kong umalis muna? My emergency lang kasi."

"Saan ka pupunta bakla?" Tanong ko.

"Basta. Diyan lang sa tabi. Oo tama." siya na parang hindi mapakali.

Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon. Grabi lang ha.

"Layas na Mikaela." Sigaw ni Ryan sa kanya. Umalis nga si Bakla na bitbit yung mga dala niya habang nagmamadali. Kami naiwang nakatayo.

"Magpapraktis pa ba tayo o hindi?" Tanong ni Darryll sa lahat. Sumabat naman agad itong si Zenberg.

"I'm tired. I need to rest."

Aish. Wala na kaming oras para magpahinga pa eh.

"Guys kailangan na nating magpraktis. 2 weeks nalang yung natitira, contest na." Sabi ko.

"Kaya yan Sunny. Tinatamad daw si Lover--- este si Arl pala."

Tiningnan naman siya ng masama ni Zenberg kaya ayun nagtago sa likod ni Darryll.

"Oh. Mhine uwi nalang tayo. Ihahatid pa kita sa inyo diba?"

Alam mo yung feeling na naiinis ka sa lalaking ito na anytime gusto mo siyang bugbugin kasi hindi mo alam kung ano yung trip niya. Nakakagago lang! Sa tuwing kokotrahin ko kasi siya ay bigla niya namang pipisilin yung ilong ko kaya hindi ko na natutuloy yung sasabihin ko.

"Uwi na daw kayo ng Mhine mo"

Tinaasan ko naman ng kilay si Zenberg. Problema nito, ang sama kasi ng tingin sakin eh.

"Problema mo?"

"Nothing."

Okay. Edi wala. Madali lang naman akong kausap eh. Habang nakatayo dito sa harapan ng Mic ko ay nahagip naman ng mata ko si Ryan na kumakanta-kanta sa gilid. Habang si Darryll ay nakangisi. Mga adik. Mga nakasinghot yata.

"Tara na Mhine" sabi ni Louie sabay kuha sa kamay ko. Napataas yung kilay ko sa ginawa niya at akmang magsasalita na sana ako ng bigla niya akong hilahin papunta sa kanya. Hinawakan niya iyong doorknob at pinihit ito pabukas. Palabas na sana kami ng tambayan ni Louie ng bigla nalang akong higitin ni Zenberg at walang humpay na kinaladkad. Goodness!

"Hoy anong Problema mo?!" Sigaw ko. Bakit bigla-bigla nalang tong nanghihigit.

"Shut up!"

Edi tumahimik nga ako. Tinatamad na kong magsalita eh. Maya-maya lang ay nakarating kami sa tapat ng CR at tinulak niya ko papasok doon. Then bigla niyang nilock yung pinto. Kinabahan naman ako sa ginawa niya.

"H-hoy Zenberg ano to ha?!" sigaw ko sa kanya. Pero Pokerface lang siya. Ewan ko ba. Lumapit siya sakin at umatras naman ako.

Lapit

Atras

"I hate Liars. Don't you know that?" Sabi niya. The way he looked at me kinakabahan ako. My ghad! Ano ba kasing problema niya?

Lapit.

"A-ano bang problema mo?" Sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.

Atras.

"I don't know." Anak ng tupa! Problema niya hindi niya alam? Tapos ano ako ang pagbubuntungan niya?!

"Alam mo. Wala akong paki sa mga pinagsasabi mo. At tsaka anong paki ko kung hate mo yung mga sinungaling ha?!"

Lumapit siya sakin pero wala na kong maatrasan pa.

"Wala?"

Naguguluhan na ko sa lalaking to ha. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nito eh. Nakadrugs ata to.

"Tsk. Mhine ha." Rinig kong sabi niya.

"Teka Zenberg. Ano bang problema mo. Pweding pakiexplain?"

Hindi ko kasi gets eh. Alam niyo yun.

"I-"-siya. Hindi niya natuloy yung sasabihin niya kasi biglang may kumalampag nang pinto sa labas.

"Pards emergency." I think si Darryll iyon. Tinapunan niya muna ako ng tingin bago binuksan yung pinto.

"Pards si--"

"Lets go." Sabi niya at tsaka sila umalis. Napahinga naman ako ng maluwag. "Ho! Goodness."

"Mhine?" Napatingin ako kay Louie na ngayo'y nakatayo sa tapat ng pinto. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hoy ikaw na lalaki ka?! Walangya ka! Anong Mhine pinagsaaabi mo?!" Sigaw ko sabay palo sa kanya , todo sagang naman siya.

"Aray! Ano ba masakit!"

"Eh gago ka pala eh! Syempre masakit kasi pinalo kita! Urgh! Kainis ka. Leche!" Sigaw ko at padabog na umalis sa harapan niya. Badtrip! Sa tingin ko kaya ako pinagtripan ng Zenberg na iyon dahil sa lalaking to eh. Pinagseselos niya itong Gagong Louie. As if naman magseselos itong pisugong ito diba? Eh wala naman kaming relasyon. Tsk

.

.

_ladymania.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

10.4K 589 54
Isang School na nawawala.Ang BLACK WOOD HIGH ay 100 years nang nawawala.Dating ordinaryong paaralan.Na ngayon ay nababalot na nang kahiwagahan.Marami...
255K 7K 103
So Hard... So hard to get her.. How to get her? I don't know.. Who is she?... Why so mysterious?... Why so many sacrifices?.. I'm hard to get too! Bu...
5K 513 45
Nasanay si Cassi na mabuhay ng mag isa. Ang malamig nitong mata ay simbolo ng matibay na harang na itinayo niya sa sarili niya laban sa lahat ng taon...
102K 3K 87
Ito ang Adventure na Buhay ni Acacia Ann Silvestre...Well its Starts When nakilala niya si RJ Ignacio......But Who Knows When it will Ends? It is a H...