Armed and Dangerous

By DuchessVenus

50.5K 1.9K 546

Montehermoso Series 4 (COMPLETED) (GENERAL FICTION) (UNEDITED) Austrianna Gorospe and Zach Martin Montehermos... More

Armed and Dangerous
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Wakas

Kabanata 21

1.8K 58 12
By DuchessVenus

Austrianna

Hindi naman bago sa akin ang ganitong gawain. Sa bundok na kinalakihan ko noon ay ito rin ang ginagawa ko sa tuwing nais kong kumain ng isda mula sa ilog. Minsan sinasamahan ako ni ama sa tuwing libre ang oras nito, para lamang mapasaya ako dahil alam niyang iyon ang kaligayahan ko noon—ang makasama ito.

Ngunit ngayong wala na siya, ako na lamang ang gagawa ng lahat ng mga ginagawa namin noong bata pa ako.

Saglit na nawala ang ngiti ko’t nag-unat ng likod. Tumuwid ako ng tayo at hinayaan ang sarili na tumanaw sa malayo. Hinayaan ko ang isip na tangayin ako ng mga alaala ng nakaraan.

“Ria anak, kapag dumating na ang araw na wala na ako sa tabi mo. Ikaw na lang ang gagawa ng mga ginagawa nating ito. Pero huwag kang malulungkot, alam kong matapang ka at malakas na babae. Tiyak ko na magagawa mo rin ang lahat ng ito kahit na wala na ako, kaya mo ’yan,” wika ng aking ama habang nakasakay ako sa likod nito nang mapagod sa kakabingwit ng mga tilapya sa ilog...

Tuwang-tuwa ako dahil natalo ko ito sa paramihan ng mga nakuhang isda, at natutuwa ito para sa akin dahil sa galing ko.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang alaalang iyon. Lahat ng iyon, nakatatak sa isip ko. Masayang isipin ang nakaraan kong iyon, ngunit sa kabila n’yon ay nalulungkot ako dahil hanggang alaala na lamang iyon. Hindi ko na muling maibabalik iyon nang kasama si ama— siguro ay ibang tao na ang makakasama ko.

Masyado pang mura ang isip ko noong mga panahon na ’yon para intindihin at unawain ang mga sinabi ni ama, ngunit ngayong malaki na ako ay saka ko lamang naintindihan ang lahat ng mga itinuturo nito sa akin.

Tama siya, darating talaga ang araw na hindi na namin magagawa ang mga bagay na gawain namin noon. Tulad ngayon, ako na lamang ang mag-isang nanghuhuli ng mga isda sa ilog. Pero kahit na ganoon, magagawa ko pa ring kumilos kahit na wala na ito.

Iiling-iling akong natawa sa sarili upang iwaglit ang pighati sa dibdib. Ipinagpatuloy ko na lamang ang panghuhuli, hanggang sa mapagod ako.

Umaapaw sa galak ang puso ko habang pinagmamasdan ang mga nahuli ko na napakaraming isda. Tiyak na kakasya na ito para sa barakong mga lalaki.

Madilim na ang paligid ngunit hindi ko iyon alintana. Dumating ako sa kampo na banas na banas ang mukha ni Martin.

Nang makita niya ako’y tila ito nakahinga nang maluwag.

“Ang tagal mo, saan ka ba nagtungo?” pikong anito, ngunit agad ding natigilan nang mapagmasdan ang kabuoan ko. “What the fuck, Austrianna?” Tila ito kasing bilis ng kidlat nang lapitan ako. Kinuha nito ang shirt na nasa gilid at ipinasuot sa katawan ko na ikinatigil ko.

Nag-angat ako ng tingin dito, sabay pakita ng hawak kong shirt ko na punong-puno ng isda. Napangiwi ako dahil amoy lansa na iyon, ’di bale, lalabhan ko na lang bukas. May naiwan pa akong mga tilapya sa gilid ng ilog dahil hindi ko na kayang bitbitin pa, babalikan ko na lamang.  “Nanguha ako ng maraming isda sa ilog, Martin! Mag-iihaw ako ngayon!” masayang wika ko at inignora ang mga matang nakatarak sa akin.

Nilapitan ko ang lutuan nila at naghanda para sa pag-iihaw. Pero natigilan ako nang mapansin na hindi ako nilulubayan ng tingin ng mga kasamahan ni Martin. Kunot-noo ko silang pinagmasdan at tinaasan ng kilay.

Ang iba ay biglang nag-iwas ng tingin at napasipol. Kinantyawan nila si Martin sa tabi ko na ngumisi-ngisi lang.

“Good mood pareho, a! Nagkabalikan na ba?” parinig ni Paulo, na kaibigan ni Martin.

Hindi ko na lang sila pinansin at ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa. Nalinis ko na rin naman ang mga isda kanina sa ilog, kaya ipinatong ko na lamang iyon sa ginawa nilang ihawan.

“Martin, babalik lang ako sa ilog, may mga naiwan pa ako roon,” wika ko habang hindi ito nililingon. Saglit ko pang pinagmasdan ang mga nakakatuwang naglalakihang mga tilapya, bago lingunin ang lalaki sa tabi ko.

Nahuli ito itong nakatulala sa akin habang may maliliit na ngiti sa labi. Nang tila matauhan ay tumikhim ito’t sumeryoso. “No, hayaan mo sila na kumuha n’yon,” asar na anito na ikinakibit-balikat ko.

Itinuro ko na lamang kung saan ko iniwan ang mga nahugasang isda, bago magtulong-tulong ang tropa niya sa pagkuha n’yon.

Nang makabalik ay naupo sila sa palibot ng apoy at tiningnan ako. “Ang dami mong nahuli, Miss. Tiyak na busog tayo nito mamaya,” wika ng isang hindi ko kilala.

Ngumiti lamang ako rito at nangalumbaba habang nakamasid sa mga isda. “Bakit pala wala man lang babae sa inyo? Hindi ba kayo tumatanggap ng mga babae sa grupo ninyo?” pagkaraa’y tanong ko na ikinatawa ng iba.
Ang nasa harapan ko ang sumagot na ikinabaling ko rito. “Tumatanggap naman, Miss. Kaso sa ngayon ay wala pang nangangahas na sumailalim sa training ng samahan namin. Mahirap kasi rito, hindi talaga biro lalo’t elite force itong pinasok namin, isa sa mga unit ng Philippine Army. Although may mga babae namang sundalo, pero sa ibang unit ’yon. Dito sa amin ay wala pang babaeng gumagraduate nang may tabak,” anito sabay turo sa tabak na nakadikit sa uniporme nito.

Napatango-tango ako rito at namangha. “Kung ganoon, talagang hindi kayo birong kalaban. Kaya naman pala ang hirap n’yong patayin, ang hirap ng naging training n’yo. Naikuwento na rin kasi sa akin ni Martin noon ang mga hirap na dinanas n’yo. Ang iba raw sa inyo ay uniporme na lamang ang naidadala sa graduation n’yo,” wika ko habang matiim na nakatingin sa kanila.

Bago sila grumaduate ay isinasabak muna sa misyon, sa totoong laban at totoong kalaban. Iyon ang pinakahuli nilang misyon bago maging isang ganap at opisyal na miyembro ng samahan nila. At ang ibang hindi mapalad ay nasasawi at hindi na umaabot pa sa graduation nila.

“Yeah, kung tutuusin nga ay patay ka na sana ngayon, kung wala ka lang sanang immunity mula kay commander. Hindi ka namin puwedeng patayin, pero puwede ka naming barilin sa parte na hindi naman masyadong delikado at sensitibo,” wika ng nasa dulo na lalaki na ikinamaang ko.

Natameme ako saglit at binalingan si Martin na agad na tumingin sa sapatos niya. Umigting ang panga nito ngunit hindi naman mukhang galit.

Nakagat ko na lamang ang ibabang labi at nahiya rito.

“At alam mo ba, Miss. Tawang-tawa kami nang batuhin mo kami ng granada noong sabihin ni commander na isuko mo na ang puso mo sa kaniya...”

Sapilitan akong napatingin kay Paulo nang magsalita ito. Natawa ang mga kasamahan nito dahil sa sinabi nito, lalo na si Martin, samantalang ako ay nanatiling seryoso ang mukha.

Bahagya akong napayuko at inilingan sila. “Wala namang nakakatawa roon. Pasensiya na pala sa ginawa kong ’yon. Nakakapikon kasi...”

Nakita ko agad ang pag-ismid ni Martin sa tabi ko. “Nakakapikon ba ako, sweetie?” sambit nito na salubong ang kilay.

Nagbelat ako rito at natawa. “Hindi ikaw, kundi ’yong sinabi mo. Parang ewan, alam mo namang ganoon ang sitwasiyon natin, nakuha mo pang magbiro.”

Natawa ito’t pasimpleng umakbay sa akin. Nais ko sanang alisin iyon dahil nakakahiya sa mga kasamahan niya, ngunit ibinaba lamang nito ang kamay sa baywang ko at marahan iyong pinisil. Agad akong napaigtad at sinamaan ito ng tingin.

Tumingin ito bigla sa mga kasamahan niya at inakay ako patayo na ikinagulumihanan ko.

“Doon lang muna kami sa kubo. Tawagin n’yo na lang kami kapag luto na ang hapunan,” anito at mabilis akong hinila palayo na ikinataka ko.

Ano naman ang gagawin namin sa kubo?

Bago kami makalapit sa kubo ay pareho kaming naghugas ng kamay na lalo kong ikinataka.

Ramdam ko ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay ko’t tinulak ang pinto. Nabigla pa ako nang ihagis niya ako sa manipis na kutson, saka binaklas ang army pants niya.

Agad akong ginapangan ng kahihiyan at kaba. Hindi ko alam kung pipigilan ko ba ito o hindi, masyado pa rin akong nahihiya rito.

Hindi ako nakapalag nang marahas nitong alisin ang ipinasuot niyang shirt sa akin. Isinunod nito ang sando ko at panloob.

“M-Martin...”

Walang pag-iingat nitong hinila ang pants ko pababa, pati na ang panty ko na ikinasinghap ko na lamang. Ipinatuwad ako nito’t dinaganan kaya halos mahigit ko ang hininga. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon, kaba at pagka-excite?

Ramdam na ramdam ko ang katigasan nito habang ipinapalusot ang mga kamay sa ilalim ko upang abutin ang mga dibdib ko. Marahan niyang pinisil iyon na ikinaungol ko.

“Kanina pa ako nagtitimpi sa ’yo, sweetie. Pasensiya ka na, lulubos-lubusin ko na ang pag-angkin sa katawan mo ngayon. Nauna na ang honeymoon natin kaysa sa kasal. Hmm...”

Mula sa dibdib ay pinagapang nito ang kamay papunta sa pagkababae ko. Mariin niya iyong nilaro-laro kaya’t hindi ko na napigilan pa ang sarili, hindi ko na nagawang tumutol pa. Nang makuntento ito sa pagkabasa ko ay agad niya rin iyong inalis.

Gamit ang isang kamay ay mariin nitong tinakpan ang bibig ko, habang ako ay napapangiwi dahil sa bagay na unti-unting pumapasok sa loob ko.

Naipikit ko ang mga mata habang pinag-iinitan ng katawan dahil sa ideyang inaangkin na naman ako nito. Simula nang una niya akong magalaw ay naging sunod-sunod na ang pag-angkin nito sa akin. Tila ba kinaa-adikan na niya ’yon. Habang ako ay unti-unti na ring nagugustuhan ang ginagawa nito sa katawan ko.

Halos pigil na pigil ko ang mga ungol ko dahil sa tindi ng sensasyon sa pagitan ng mga hita ko. Samantalang ito ay nanggigigil sa akin at malalalim at mabibilis ang paghinga sa tainga ko.

“Damn, sweetheart! Nakakagigil ka masyado!” mariing bulong nito sa akin, kasabay ng pagpisil nito sa mga dibdib ko.

“Hmmp...” Hindi ko na alam kung saan ako babaling, kung saan ako hahawak, dahil sa ligaya na idinudulot nito. Dumiin ang pagkakahawak ko sa braso nito’t kinagat ang ibabang labi. Hindi ako maka-ungol dahil sa riin ng pagkakalapat ng palad nito sa bibig ko. Mayamaya’y inalis niya iyon at sapilitang ipinaling ang mukha ko paharap dito.

Paulit-ulit nitong hinalikan at sinipsip ang mga labi ko na tila ba hayok na hayok. Samantalang ako ay walang nagawa kundi ang tanggapin ang lahat ng mga ipinadarama nito.

Ilang sandali pa ang lumipas nang pareho kaming manginig sa sarap. Idiniin nito lalo ang sarili sa loob ko’t ibinuhos sa loob ko ang lahat ng binhi niya.

Nanatili kami sa ganoong posisyon habang sinasaid nito ang likido niya sa loob ko. Hindi ako naka-imik habang hinihingal at hinayaan lamang ito sa nais.

Makaraan ang ilang sandali ay hinila ako nito pahiga habang hindi inaalis sa loob ko ang kahabaan niya. Naninigas pa rin ito, kaya naman sandali akong napaupo at tiningnan ito.

“Why? Ayaw mo na ba?” agad niyang tanong sa akin nang alisin ko ang kaniya sa loob ko.

Umiling-iling ako rito at mariing kinagat ang ibabang labi. “N-Nanghihina na kasi ako at napapagod...”

“Alam ko, kaya nga kita pinagpapahinga sa ngayon. Hindi pa ako tapos sa ’yo. Come on, dito ka lang,” turan nito’t hinila ako paupo sa hita niya. Itinutok nitong muli ang kahabaan sa akin at pinaupo ako roon. Sumagad sa loob ko iyon na ikinaungol ko. Hindi na ako nakapalag pa nang hilahin niya ako papunta sa dibdib niya upang yakapin.

Masyadong nakakailang ang posisyon namin, ngunit hindi naman ako maka-angal. May kaba pa rin sa dibdib ko dahil sa ginagawa naming ito, ngunit kung ano man ang kahahantungan nito ay bahala na.

“Martin...”

“Hmm?”

Marahan kong sinilip ang mukha nito. Tanging ilaw ng lampara lamang ang nagbibigay liwanag sa amin, ngunit sapat na iyon para masilip ko ang mukha nito na seryoso lamang. Nangingilabot ako sa paraan ng paghalos nito sa likod ko’t baywang, hindi ko naman ito magawang pigilin.

Hirap akong napalunok nang tila pagbarahan ako ng kung ano sa lalamunan. “B-Balak mo ba akong buntisin?” paniniguro ko rito.

Agad na tumama ang mga mata nito sa akin at umangat ang sulok ng labi. “Matagal ko nang balak ’yan. Hindi pa ba halata, hmm?” pilyong anito na ikinatigil ko.

Naalala ko na noon niya pa gustong magkaanak sa akin. Hindi ko lang alam kung handa na ba ang loob ko para sa bagay na ’yon, ngunit nais kong makabawi rito sa lahat ng mga naging kasalanan ko. At nais kong gawin ang lahat upang mapasaya ito.

Huminga ako nang malalim dito at tumango. “S-Sige, payag na ako,” wika ko’t biglang natigilan nang may maalala. Kahit nahihiya ay umamin pa rin ako rito patungkol sa nais ko. “At saka, ahm, Martin, k-kung pupuwede ay—ay ipagpatuloy ko ang—ang pag-aaral ko...”

Tumitig ito sa mukha ko na tila ba pinag-aaralan ang bawat reaksiyon ko. Tuloy ay nataranta ako at pekeng natawa rito. “H-Huwag kang mag-alala, hindi mo na ako kailangang gastusan pang muli para sa pag-aaral. Magtatrabaho ako upang gastusan ang sarili ko. Hindi na ako magiging pabigat pa sa ’yo,” pangunguna ko rito, lalo’t baka iniisip nito na ang kapal-kapal naman ng mukha ko. Sinayang ko pa naman noon ang pera niya nang tumigil ako sa pag-aaral at namundok.
Bigla akong namilipit nang idiin nito ang sarili sa akin. Natawa ito sa reaksiyon kong kinakabahan. Nakahinga pa ako nang maluwag nang alisin niya ako sa ibabaw niya’t sa wakas ay pinahiga rin sa gilid niya. Agad kong itiniklop ang mga hita dahil basang-basa at nanlalagkit ang gitna n’yon.

“Tensyonadong-tensyonado ka kapag kinakausap ako. Kumalma ka lang, mahal ko. At doon sa pag-aaral mo, walang problema roon. Hahayaan kita, pero hindi mo na kailangang pagurin ang sarili mo para magtrabaho. Kaya naman kitang buhayin, hindi ka naman pabigat sa akin noon pa man,” seryosong aniya’t hinaplos ang pisngi ko.

Napayuko na lamang ako at marahang tumango rito. Hindi na ako umalma pa dahil napapagod at inaantok na rin ako.

Ngunit agad din akong natigilan nang maramdaman ko na naman ang paghaplos nito sa katawan ko. Inabot nito ang labi ko na agad kong ikina-alma.

“T-Tama na, Martin. Magpapahinga na ako,” ilang kong sambit na mabuti’y naintindihan nito.

“Commander! Hapunan na!”

Parehas kaming natigilan sa narinig. Kahit napapagod ay bumangon ako’t kinusot ang mga mata.

“Tara na,” aya ko at inayos ang sarili. Napatingin pa ako rito nang tumayo ito at hinawakan ang ulo ko na tila ba pinipigilan ako sa pagtayo. Mabilis nitong inayos ang army pants sa harap ko na ikinaiwas ko ng tingin.

“Na-ah. Diyan ka na lang. Dadalhin ko rito ang pagkain,” anito na hindi ko na na-almahan pa dahil dali-dali itong lumabas.

Naiwan ako sa kubo na sobrang tahimik. Tanging pag-upo lamang ang ginawa ko roon habang naghihintay kay Martin.

Huminga ako nang malalim at sumandal sa dingding. Kinagat-kagat ko ang ibabang labi, ni hindi ko napansin ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa kaba. Kaba dahil sa mga kakaibang karanasan na nararanasan ko sa piling ni Martin. Mga bagong karanasan na hindi ko na-imagine mula pa noon.

Ilang sandali lang ang lumipas nang dumating si Martin na may dalang dalawang tilapyang inihaw. Nakabalot pa iyon ng dahon ng saging na ikinatakam ko.

Naupo kami pareho sa napakalambot na kutson at nagkatinginan. Amba pa sana akong tatayo upang maghugas ng kamay nang maalala iyon, ngunit pinigil ako nito at nginitian.

“Susubuan na lang kita. Nakapaghugas naman na ako ng mga kamay. Usog ka rito,” anito kaya naman tumango na lamang ako at umusog palapit lalo rito.

“Paano nga pala kayo nagkaroon ng kutson dito na sobrang lambot?” pagkaraan ay tanong ko habang nakatingin sa kanin na bahagya niyang hinalo-halo gamit ang kamay. Umuusok pa iyon kaya nakakatakam lalo.

Tumawa ito at dumakot ng kanin at isda, inipon niya iyon sa mga daliri niya at hinipan, bago isubo sa akin na ikinangiti ko.

“Gawa-gawa ko lang ’yan dahil inaasahan ko na talaga noon pa man na matutulog ka rito. Galing ang laman niyan doon sa nakita kong bunga ng puno na tila bulak ang laman. Naisip kong gawing higaan kaya nilinis ko sa ilog at tinahi, may mga tela pa naman kami rito na malapad kaya saktong-sakto.”

Napamaang ako sa narinig at biglang namula. Hindi biro na gumawa ng ganito dahil sa dami ng kakailanganing tila bulak na pampalambot. Tiyak na nagbuhos ito ng effort nang husto.

“Salamat, Martin. Ang sweet mo masyado kahit na ang laki ng naging kasalanan ko sa ’yo,” nahihiya kong pasasalamat dito.

Pigil nito ang ngiti nang sumubo ng pagkain. Salit-salitan lamang ang ginawa nitong pagsubo sa akin at sa sarili niya habang panay ang usap namin patungkol sa kung ano-ano.

Pareho kaming busog nang matapos. Nagpahinga lamang kami saglit, bago naglinis ng katawan at nagsipilyo.

Nakakailang man ngunit dahil sa wala akong dalang gamit ay ipinagagamit nito sa akin ang lahat ng kaniya, maging ang sipilyo niya.

Tumikhim ako nang matapos sa paglilinis ng sarili. Humarap ito sa akin at muling binuhay ang lampara. Nasa gilid ko lamang ito na hubad na naman ang pang-itaas. Suot-suot ko pa rin ngayon ang t-shirt niya at tanging bra lang ang panloob.

Inakay ako nito pabalik sa kubo nang walang imik. Nakasalubong pa namin ang iba niyang kasamahan na naghahanda na para sa pagtulog.

“Martin, puwede bang kahit isang beses ay matulog ako sa duyan mo nang magdamag?” pagbabaka-sakali ko habang pinagmamasdan ang mga kasamahan nito na nagtatawanan. Masarap matulog doon dahil mahangin at marami pang kasama.

Ganoon ang ginagawa namin minsan noong kasa-kasama ko pa ang mga rebelde. Kapag napapadpad kami sa ibang lugar ay sama-sama kaming natutulog. Masaya dahil may kuwentuhan at tawanan.

Ngunit lahat ng mga naiisip ko ay naglaho nang umismid ito. “Hindi maaari. Puro mga barako riyan. Mas panatag ako kapag nasa kubo ka. Isa pa ay wala na kaming extra-ng duyan, hindi tayo kasya,” anito na ikinatango ko.

“Kasya naman, patong na lang ako sa ’yo. He-he,” pagbibiro ko na tila sineryoso niya.

“Huwag mo akong umpisahan, sweetie. Ayaw mo naman sigurong magdamag na titirik ’yang mga mata mo...”

Napamaang ako sa sinabi nito at nagawa itong hampasin sa braso sa mahinang paraan.

Pagpasok namin sa kubo ay inayos nito ang higaan, saka ako pinahiga roon.

“Matulog ka na. Diyan lang ako sa labas, kung may kailangan ka pa ay sabihin mo lang sa akin, hmm?”

Tumango ako rito at ngumiti. “Oo, salamat. Matulog ka na rin. Good night,” wika ko’t binalot ang sarili ng kumot. Malamig naman ang gabi kaya hindi namin kailangan ng electric fan dito.

Nagpalipas lang ito ng ilang sandali, bago lumabas ng kubo.

Samantalang ako ay naiwan doon na tulala sa kisame.

Huminga ako nang malalim at tumagilid ng higa. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa nila ako itatago rito.

Nais ko nang magpahinga ngunit binabagabag ako ng mga naiisip ko ngayon. Nawala na rin ang antok ko.

Sumagi bigla sa isip ko ang sinapit ng pamangkin kong si Estela. Napakasaklap ng sinapit nito, at nag-aalala ako na baka ganoon din ang gawin ni Alicia sa iba pa niyang mga anak. Pareho pa naman silang baliw ng asawa niya.

Noong una ay wala lang naman sa akin kung marahas sila at kung umakto ay parang mga nasiraan ng ulo, pero ngayong bumalik na ako sa katinuan, nakaramdam na ako ng kaba.

Nais kong iligtas ang mga bata sa abot ng makakaya ko dahil alam kong napilitan lang naman sila na sumali sa ganoon dahil sa mga magulang nila. Pero hindi ko alam kung ano ang plano ng grupo ni Martin sa ngayon, kung maaari ay makikipagtulungan ako sa kanila upang mailigtas ang mga bata. Pagkakataon ko na rin ito upang gumawa ng tama at katuwiran. Nais kong bumawi at tuluyang magbagong-buhay.

At si Cora, hindi ko pa alam kung ano na ang kalagayan nito ngayon. Ngunit sana ay maayos siya at ang bata. Mahirap na lalo para sa kaniya ang manatili pa roon lalo’t may aalagaan na siyang bata.

Alam kong handa na ring magbagong buhay ang kaibigan kong iyon noon pa man. Hindi lang makapagdesisyon para sa sarili niya dahil panay ang pagde-depende sa akin at sa mga desisyon ko. Palibhasa’y ulila na rin...

Continue Reading

You'll Also Like

41.9K 1.4K 71
Uno. ʕ·ᴥ·ʔ. R18+. Matured Contents. Some scene contains séxuàl, Please, Be open-minded. Feel free to skip the chapter or the scene if you will uncomf...
17.1K 263 6
Montehermoso Series 6 (COMPLETED) (GENERAL FICTION) Gisselle Leanne Montehermoso and Carlos Joseph Guevarra NOTE: YOU CAN READ THIS ON GOODNOVEL Jun...
4.9K 218 39
Krizia Mae Ortigoza is an NBSB. She accidentally fell for a Annoying prick Altar Server who likes making her irritated. She fell and he left her brok...
3.9K 289 38
AU: Leona Fiero is a devoted wife and a mother or so it seemed on the outside. What happens when a certain confident brunette witnesses the verity be...