MISSION 1: Saving You

By AleezaMireya

198K 9.5K 1K

Misyon ni Captain Jason Arellano na panatilihing payapa at ligtas ang pamayanan. Lifelong mission naman ni Ji... More

Author's Note
Teaser
Chapter 1 - Chance Encounter
Chapter 2 - Abducted
Chapter 3 - His Mission
Chapter 4 - Enemy Camp
Chapter 5 - Rescued
Chapter 6 - Her Mission
Chapter 7 - Military Brat
Chapter 8 - Guard Duty
Chapter 9 - His Mission vs Her Mission
Chapter 10 - Courting Danger
Chapter 11 - Realization
Chapter 12 - A Real Gem
Chapter 13 - Sweet Moniker
Chapter 14 - Deeper Connection
Chapter 15 - His Golden Rule
Chapter 16 - Magical Moment
Chapter 17 - The Only Exception
Chapter 18 - A Step Further
Chapter 19 - Falling Deeper
Chapter 20 - The Looming Danger
Chapter 21 - Compromises
Chapter 22 - Barrel of Secret
Chapter 23 - Fire and Ice
Chapter 24 - Guns and Roses
Chapter 25 - Too Sudden, Too Soon
Chapter 26 - Approval
Chapter 27 - Rival
Chapter 28- Tease
Chapter 29 - Unbridled
Chapter 30 - His Other Side
Chapter 31 - Million Dollar Question
Chapter 32 - Complete Surrender
Chapter 33 - Going Official
Chapter 34 - The Lion's Den
Chapter 35 - Asunder
Chapter 36 - Far Away
Chapter 37 - Borrowed Time
Chapter 38 - Safe Haven
Chapter 40 - Close Call
Chapter 41 - Saved
Chapter 42 - Permission
Chapter 43 - His Promise
Chapter 44 - Big Event
Chapter 45 - Best Gift Ever
MISSION: Saving You (new edition)

Chapter 39 - Frightening Reality

3.2K 177 16
By AleezaMireya

“Hindi ko maipapangako pero pipilitin kong pumunta sa airport,” ani Jason na yumapos sa bewang niya habang ibinobutones niya ang polo shirt nito.

Tumango si Jillian. Nang maibotones ang damit nito ay ipinulupot niya ang braso sa leeg ng fiancé. “I understand. At masaya na ako na kahit saglit ay nagkasama tayo, Jason.”

Kahit limited ang oras nilang dalawa ay sumaglit pa rin sila sa dagat kanina at nagtampisaw. She wanted to savour and build as many memories as she can in the borrowed and limited time, she has with him. She took many pictures of them together. Mamaya ay ipapadala niya iyon kay Nanay Beth para kahit papaano ay maibsan ang pangungulila nito sa anak.

Pagkatapos nilang maligo sa dagat ay kumain sila sa restaurant bago muling nagkulong sa cottage. Jillian thought Jason showed her all the forms and arts of making love but he showed her another form earlier. And the latest way of him loving her is the best in her book so far.  

Nagshower silang dalawa na naging mas matagal dahil sa foreplay. Jason brought her to the edge several times but never let her fall. She’s about to lash at him when Jason carried her to the bed. He took his sweetest time loving her, savouring every delicate stroke and lingering kiss. Jason’s unhurried thrust steadily build the sensation in her veins, slowly taking her higher and higher until they both reached the seventh heaven.

Bumuntong-hininga ito. “Pero bitin na bitin pa rin ako, baby girl. Kung pwede lang na dito ako magpalipas ng gabi, ginawa ko na. Kaso may message na sa akin si Major Guevarra.”

“Duty calls. Basta mag-ingat ka palagi. Ipapanalangin ko na ilayo ka at ang mga kasama mo sa kapahamakan.” Pilit na ngumiti si Jillian para pagtakpan ang lungkot na nadarama. “At saka mas okay na rin na makabalik ka kaagad sa detachment. Let Major Guevarra know na napapaaga ang bakasyon mo.”

Napag-usapan nila kanina na mas paagahin ang kasal nila. Gusto ni Jason na hindi pa halata ang tiyan niya sa kasal nila. At personally ay gusto rin naman iyon ni Jillian. Magpapaalam si Jason sa senior officers nito at siya naman ay tatawagan ang ama, pamilya ni Jason at ang wedding coordinator para ipaalam sa mga ito ang pagbabago. As soon as masigurado niyang walang magiging aberya sa biglang pagbabago ng petsa ng kasal nila ay tatawagan naman nila ni Jason ang mga sponsors at malalapit na kaibigan na nauna na nilang nasabihan.

“I’m excited to see you walk down the aisle in two months time, baby.”

Jillian smiled. Maging siya ay gano’n din ang nararamdaman. Kung pwede lang niyang madaliin ang petsa ay gagawin niya.

Mabilis siyang kinintalan ng halik ni Jason bago ito lumuhod. Napasinghap si Jillian nang itaas nito ang laylayan ng blouse niya at halikan ang kanyang puson. “Hey, buddy! Man up! Be a good boy and take good care of Mommy while Daddy is away. Wag mo siyang pahihirapan sa paglilihi.”

Jillian smiled with mist in her eyes, “At paano kang nakasiguradong lalaki ang magiging anak natin, Captain?”

Muli nitong hinalikan ang puson niya saka tumayo. Muli siyang ikunulong sa braso nito, “I just knew. Sigurado akong lalaki ang panganay natin.”

Umangat ang kilay ni Jillian. "At nararamdaman ko naman na babae ang panganay natin, Captain."

Lalo namang lumapad ang ngiti ni Jason. “Boy, baby. I can feel it,” confident na sagot nito. “Mamayang gabi ay mag-isip na ako ng magiging pangalan ng baby boy natin.”

Napatawa si Jillian, “Hindi ka naman masyadong excited niyan, Captain?”

Nagkibit-balikat ito, “Hindi naman. Chill-chill lang,” anito saka siya kinindatan.

"Well, since hindi ka naman excited, mag-isip ka na rin nang ipapangalan sa baby girl natin. And Captain, just so you know, fixed na po na apat na anak lang ang gusto ko."

Si Jason naman ang napatawa. "Kung babae nga ang panganay natin, tulad nang sinasabi mo, ibig sabihin, hindi lang apat ang anak na gagawin natin. Four boys ang gusto ko, remember?"

"No!" pinandilatan niya ito ng mga mata. "Apat na anak lang! Fixed na iyon!"

Sasagot pa sana ito pero tumunog ang cellphone. Nang sagutin nito ang tawag ay nalaman nilang nasa labas na raw ng resort si Barrera. May ibang personal na lakad daw ito at napagkasunduan na lang na sabay na ring babalik sa detachment.

The mist in her eyes intensified. They had been delaying as much as they can, but Jillian knew the time has come for them to leave the cottage. Mahirap na abutin nang malalim na gabi pauwi sa detachment sina Jason.

Matapos maibaba ang tawag ay sinapo ni Jason ang magkabilang pisngi niya, “I love you, Jillian. Lagi mo ‘yang tatandaan. 'Wag na 'wag mong kalilimutan.”

“Wag ka ngang magsalita nang ganyan na para kang namamaalam!” Magaan niya itong pinalo sa dibdib. “Apat na lalaki ang pangako mo sa akin at una pa lang itong nasa sinapupunan ko kaya umayos ka, Captain Arellano!”

“Hey! Namamaalam naman talaga tayo sa isa’t isa, di ba? Pero saglit lang naman tayong magkakahiwalay. After nito, medyo matagal din tayong magkakasama,” anito na pinunasan ang luhang umalpas sa kanyang mga mata.

“I will surely miss you, Daddy Jason.” Jillian smiled through her tears.

Jason’s eyes twinkled. “I like how you fondly call me Captain Arellano, but I love hearing that Daddy Jason more.”

Jillian tiptoed and kissed him. But they were once again interrupted by a call. This time, it was Jillian’s phone. Si Tammy. Ipinapaalam na nasa parking lot na ito ng resort at inaantay na siya.

Bumuntong hininga si Jillian. Muling kinintalan ng halik ni Jason ang mga labi niya bago sila magkahawak-kamay na lumabas ng kwarto. Matapos mag check-out ay magkahawak-kamay silang lumabas ng resort. Yumapos si Jillian sa fiancé at tumingala rito.

“Mag-ingat ka, Daddy Jason,” bilin niya habang pinipigilang muling pumatak ang luha sa mga mata.

“Yes po, Mommy Jillian,” nakangiting sagot nito na hinalikan ang tungki ng ilong niya.

Yumapos siya sa fiancé. Isinandig ang ulo sa balikat nito. Pero ang planong pagpikit ng mga mata ay nauwi sa singhap nang makita ang pagtigil ng motor at pataas ng kamay ng isang sakay noon.

“Jason!” Jillian shouted as she pulled his body behind the column.

But her movement is much slower compared to the speeding bullets. Jillian knew everything happened in a flash but she can swear everything seems super slow in her eyes. She heard Jason’s whimper and felt his body gave way. Jason embraced her tightly, his hand goes behind her head.

The panic, shouts and chaos of people fleeing the scene did not register in Jillian’s shock-stricken mind. Even the pain of falling on the concrete driveway did not fully registered in Jillian’s system. She wanted to shout for help but her throat closed up. She looked around, desperately searching for anybody. But the resort lobby seems so deserted after the thundering gunshots.

They were partly hidden by the planters and the column of the resort’s archway but Jillian was able to see that the gunman gets off the motorcycle. The anger she suddenly felt cause Jillian’s mind to focus. She wiggled underneath Jason and reached behind his back. Alam niyang may dalang sidearm si Jason dahil nakita pa niyang isinukson nito sa likod kanina bago nito isinuot ang polo shirt. Nang makuha niya ang baril ay agad iyong ikinasa at bago pa tuluyang makalapit sa kanila ang gunman ay pinaputukan na kaagad niya.

The first shot hit his chest. The gunman’s body swayed but Jillian got her target locked. She pulled the trigger hitting him again in the chest. Her third shot hit the gunman’s shoulder before he finally fell to the ground.

Nang bumagsak ang gunman ay sumilip siya sa kalsada. Pero dahil nakadagan si Jason sa kanya at nahaharangan pa sila ng planters at ng column ng archway ay hindi nagkaroon nang maayos na line of sight si Jillian sa driver ng motor. Gayon pa man ay iniumang niya ang baril sa area kung saan niya nakitang tumigil ang motor. May umalingawngaw na dalawang putok at lalong humigpit ang pagkakakapit ni Jillian sa baril. Kahit nahihirapan sa posisyon ay pilit siyang luminga sa paligid. She assessed her surroundings for other possible assailants that would suddenly pop-out.

Ilang sandali pa ang lumipas at humahangos na lumapit si Barrera. “Doc Jill! Sir Jason!”

Jillian took a huge breath using her mouth. Noong lang niya ibinaba ang kamay kasabay nang pagbitaw sa baril na hawak. “Barrera, help me. May tama si Jason!”

Dahan-dahan nitong inangat si Jason sa kanya. Jillian had seen blood so many times it’s already a common sight to her. But years of medical school and actual practice of her profession did not prepare her for the dread that gripped her body and numbed her soul. She nearly fainted when she saw both of them were covered in blood. And just the thought that all this blood came from Jason made Jillian lose her bearing. Tears gushed out of her eyes.

“Jason!” sigaw ni Jillian nang makitang nakapikit ito. Her hands automatically searched for his pulse. “Call an ambulance, please!”

Hindi maglipat-sandali ay bigla silang napalibutan ng mga tao, mga taong hinahanap niya kanina para tumulong sa kanila. Jillian cried in fear, frustration and anger as she desperate search where are the bullets entry point.

“Back off!” sigaw ni Barrera sa mga taong unti-unti nang dumarami na nakapaikot at nag-uusyoso sa kanila.

“Jillian!” Humahangos na lumapit si Tammy. “Oh my God!” Saglit lang itong natigilan bago nagkick-in ang training. Sumigaw ito sa gawi ng resort. “Call the nearest hospital and bring me your first aid kit!”

Continue Reading

You'll Also Like

4.5K 164 21
Dominic always wanted the perfect life for him and his wife Nathalie. Since college, he planned their whole life ahead and worked hard to achieve his...
61K 1.3K 43
SEDUCTION SERIES #4 Aria Dawn Montevilla, a wise girl, whose goal in life is to be successful. She doesn't really care about loving someone, until s...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...