JASPER, The Demon Slayer

By DyslexicParanoia

4.3M 121K 14.3K

Katropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng prope... More

Jasper, the Demon Slayer [Wattpad Version]
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
UKOL SA IKALAWANG BAHAGI
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES
3rd Batch for JTDS Limited Book Collector's Edition is now open!

KABANATA 41

37.3K 1.1K 67
By DyslexicParanoia

Jasper's P.O.V.

Tarantadong Paolo. Ma-epal talaga. Akalain mong papasugod na sana ako, nang humarang pa ang gago sa dinadaanan ko? Para ano? Para lang magpasikat sa paghawak n'ya ng gulok?

Tinagpas n'ya ang ulo ng tatlong aswang sa iisang pagsakyod ng gulok. May pa-porma-porma pa itong nalalaman na akala mo, kung sino itong legendary hero. Kung ako lang ang masusunod, babatukan ko na talaga ang lintek na 'to. Nakakainis eh. Mas'yadong pasikat! Wala naman dito si Helena, para pagpa-cute-an n'ya. So, kanino pala s'ya nagpapa-impress? Sa asawa kong si Jordanna?

Taragis! Kapag hindi pa s'ya tumigil, talagang patitikimin ko na s'ya ng sakit sa katawan na hindi pa n'ya nararanasan sa tanang buhay n'ya.

Humiyaw ako habang sinisipa ko isa-isa ang apat na Aswang na sunod-sunod namang nagsisitalsikan. Nginisan ko ang ma-epal na Paolo na 'yun, para lang ipamukha sa rito, na hindi ko kailangan ng gulok para pabagsakin ang mas marami pa. Nakabub'wisit na nginisian din lang ako ng tanginang hambog, bago nito ipinagpatuloy ang pagtaga sa bawat aswang na sumusugod sa kanya.

Pilit kong iniiwas ang atensyon ko papalayo sa kanya, at itinuon na lang ang pansin sa hindi mabilang ng mga b'wisit na mga impaktong animo'y mga ipis na hindi maubos-ubos. Nasa isang daan na--sa aking tantya ang aking napapabagsak, nang unti-unti ko nang naramdaman ang pagsakit ng aking kamao.

Lintek naman kasing kay titigas ng pagmumukha ng mga Aswang na ito. No'n ko na na-realize na mas wise nga yata ang ginawa ni Paolo.

Sa pakikipagbakbakan sa maramihan, hindi talaga pwedeng asahan lang ang lakas ng katawan. Dapat, may sandata talaga ako, pangsangga man lang sa nasusugatang balat ko.

"Jazz!" Malakas na sigaw ni Jordanna. Napalingon ako.

Inihagis n'ya sa akin ang aking dalawang rattan na hindi ko malaman kung pa'no n'ya nakuha mula sa aking taguan. Nasambot ko 'yun, at diretsong inihataw sa kahit sinong aswang na maglakas-loob na sugurin ako.

Escrima. Isa ito sa mga nauna kong natutunan mula kay Lola. Limang taon pa lamang ako nang nag-umpisa akong mag-aral nito. Hindi naman huminto 'yun hanggang sa maging eksperto ako.

Walang humpay kong ipina-ikot-ikot, itinarak, kung hindi nama'y inihataw, ang aking dalawang baton, depende sa kung papa'no ko gustong lumapat 'yon sa kalamnan ng mga tanginang mga panget! Ang ekspertong manipulasyon kong 'yon na sinabayan ko naman ng tamang paggamit ng lakas ng aking pagsipa, kung kailan ito hinihingi ng pagkakataon.

Halos kinukuyog na ako ng mahigit sa limampung aswang nang marinig ko ang sigaw ni Jordanna. Pilit kong hinanap ang pinanggagalingan ng kanyang boses, para lang makitang bitbit na pala s'ya ng isang malaking Wak-wak.

Shit!

Halos lumubog na ako sa mga kumukuyog sa akin. Hindi na halos ako makagalaw sa pagtabon ng ilan sa akin.

"Jordanna!" Pagsigaw ko, pero maging ang boses ko, halos hindi ko na marinig dahil na rin sa sabay-sabay na pag-angil ng 'di mabilang na mga impakto sa paligid ko.

Hindi ko malaman ang gagawin ko habang nakikita kong lumilipad papalayo ang bumitbit sa mahal ko. Lalo pa akong naging desperado nang halos hindi na ako makagalaw sa sabay-sabay na panggigitgit sa akin ng mga kalaban ko.

Ilang saglit pa, nakarinig na ako ng gumuguhit na tunog ng mga pana mula sa itaas. Inulan ng pana ng mga labana ang isang batalyon ng mga impaktong malayo-layo sa amin ni Paolo; malamang na nag-iingat ang mga ito na matamaan din kami. Nagpatuloy akong kumakawala sa mga pangit na nanggigitgit sa akin sa gitna, hanggang sa marinig ko na ang gulok ni paolo na tinatagpas ang mga ulo ng ilang mga pangit na dumadagan sa akin.

"Jasper!" Dinig kong pagtawag sa akin ng isa sa mga lumilipad na lambana sa itaas. Si Lolo Alfonso ito. Papasugod na ito at ang ilan pang pinuno ng mga lambana para bitbitin kami nina Daddy at Paolo paitaas.

Nahirapan pa sila ng kaunti sa pagbitbit sa akin, dahil sa mga buwisit na aswang na humihila at naglambitin sa aking mga paa. Sinipa ko ang mga ito isa-isa, bagama't kinailangan kong gawin 'yun nang makailang beses dahil sa higpit ng pagkaka-kapit nila.

"Lolo, nakuha nila si Jordanna, si Mommy at Helena!" Habang nakakapit ako sa kanyang braso.

"Alam ko."

"Dalhin n'yo po ako sa kanila."

"H'wag ngayon, mapanganib pa." Anya.

"Kung ganun, hindi ba mas dapat natin silang puntahan?"

"Mas lalo mong ilalagay sa peligro ang buhay nila kung magpupumilit kang sumugod do'n ngayon."

"Pero, saan tayo pupunta kung hindi pa natin sila pupuntahan?"

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Tsk! Hanggang ngayon, makitid, makasarili at isip bata ka pa rin Jasper. Puro ka kahabugan, gayung wala ka pa namang napapatunayan. Kailan ka kaya matututong maging isang mahusay na pinuno?"

Sinimangutan ko ito, "At ano naman po ang ibig sabihin n'yo ro'n?"

"Alam mo ang ibig kong sabihin, Jasper."

"Pero--"

"Shhhh. Tahimik! Kung ayaw mong ilaglag kita sa lupa!" Pabulyaw na wika n'ya. "Puro ka yabang, wala ka namang binatbat!" Bulong n'ya. "Kaya maraming napapahamak, dahil wala kang k'wenta!"

Nabubuwisit man ako sa pagmamaktol n'ya, pinalagpas ko na lang ito. Medyo uminit man ang ulo ko sa mga patutsada n'ya, tinanggap ko na lang.

Malayo na kami sa aming mga kalaban, nang mas nakapag-isip ako nang matino...kasalanan ko nga ba ang lahat ng ito? Puros nga lang ba kahambugan ang nalalaman ko? Wala nga ba akong binatbat? Wala nga ba akong kuwentang pinuno?

Natatanaw ko na ang ilang miyembro ng aking hukbo mula sa itaas. Ika-apat na bahagi ito ng naaalala kong buong bilang nila. Malapit na kami ro'n nang nagtanong na ako kay Lolo Alfonso, "Nasa'n na po ang iba?"

"Sinong iba?" Seryosong tanong n'ya, habang lumalapat ang aming mga paa sa isang mataas na burol.

"Ang ibang miyembro ng aking hukbo."

"Ito na lang sila, Jasper."

"A-anong ibig n'yo pong sabihin?"

"Ito na lang ang natitira sa iyong hukbo." Malungkot ang expresyon ng kanyang mukha habang tinatanaw ang nagpapalakpakang mga kapanalig kong mga maligno at aswang.

"Narinig mo ang sinabi ko, Jasper." Tiningnan n'ya ako ng mata sa mata, "Ito na lang ang natitira. Ang iba'y bumaliktad na, ang iba nama'y nilipol na nila, ang iba'y binihag nila at ang iba nama'y unti-unti nilang pinahihirapan hanggang sa mamatay." Nanginginig ang boses nito

Hindi ako makapagsalita. Gulat na gulat sa aking narinig.

"Masaktan ka na kung masasaktan ka na, hambog!" Galit na galit na bulyaw sa akin ni lolo Alfonso, "Pero wala ka talagang k'wenta. Kay tagal naming naghintay sa kapanganakan mo. Umaasang ikaw ang susugpo sa kasamaan ng kadugo mong demonyo. Pero umasa lang pala kami sa wala." Nakita kong tumutulo na ang kanyang mga luha, "Masdan mo silang mga natitira." Itinuro n'ya ang mga kasamahan naming nasa ibaba ng burol, "Kakaunti na nga lamang sila'y mga sugatan pa. Hindi ko talaga alam kung bakit nananatili pa rin sila sa likod mo. Kung hindi lamang sa Lola mo, sa palagay mo ba'y susunod pa rin kaming mga lambana, at ang iba pang mga engkanto sa 'yo? Sayang lang ang pagod namin sa 'yo. Wala kang kuwentang pinuno." Pinahid n'ya ang kanyang mga luha at saka akmang aalis.

"Teka Lolo." Habang nakahawak ako sa kanyang braso, "Saan po kayo pupunta?"

"Kailangan kong sundan ang Lola mo."

"Pero paano ang aking huk—"

"Bahala ka sa buhay mo!" Bulyaw n'ya sa mukha ko, "Patayin mo na lang sila kung gusto mo! Tutal, sa unti nilang 'yan, sa pagpapakamatay mo na rin sila dadalhin!" Hinablot n'ya ang kanyang braso at tuluyang umalis.

Nilingon ko ang iba pang mga lambanang nagbitbit kay Daddy at Paolo. Umiling-iling lamang ang mga ito bago lumakad papalayo. Habang si Paolo at Daddy naman, tinabihan ako sa magkabilang gilid ko.

"Anong plano mo, Anak." Pag-aalala ang nakaguhit sa kanyang mukha.

Tiningnan ko ang aking hukbo sa ibaba ng burol at tinantiya kung ilan na lang sila. Wala pa silang limang daan sa aking tantya. Samantalang alam kong libo-libo naman ang nasa panig ni Lucio, kasama na ang mga dati kong kakampi na nagbalik loob sa kanya.

Ano nga ba ang plano ko?

Ewan ko.

Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung iiyak na lang ako o magtatapang-tapangan habang unti-unti nang tumatagos sa pagkatao ko ang mga huling salitang binitawan sa akin ni lolo Alfonso.

Totoo nga yata. Puro lang ako kayabangan, samantalang wala pa naman akong napapatunayan. Kasalanan ko kung bakit umabot ang lahat sa ganito. Kasalanan ko ang pagkapahamak ng lahat ng mga nasa panig ko.

[ITUTULOY]

Continue Reading

You'll Also Like

20.7M 761K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
223K 9.9K 110
[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someon...
Living Lies By Jacob

Mystery / Thriller

9.4K 348 38
After knowing what they really meant, their question now is how to know the truth behind the lies ahead.
1.8M 180K 204
Online Game# 2: MILAN X DION