Chapter 17

55 3 0
                                    

Red Teasing The Dark
Chapter 17

Choose

•••


"Ano nga iyong kondisyon na tinutukoy mo?" panimula ko ngunit ang tingin ay hindi sa kaniya. Nakatuon ang aking atensyon sa paglilinis ng aking salamin. Maaga akong nagising ngunit mas maaga pa rin si Sweet kaysa sa akin. Naging kuryoso ako sa kundisyon na pabor niya kahapon. Nawala na sa isipan niya kung kaya't aabalahin ko na siya. 

"Oh! I want to invite you sa org sana," aniya habang abala sa kaniyang morning routine, doing her make-up. Siya iyong tipo na hindi makakapasok kapag walang kolorete sa kaniyang mukha. Hindi naman gaanong maarte pero madalas sarkastiko. 

"Anong klaseng organisayon iyon?" may bahid sa aking tono ang pagiging kuryoso. "Alamin mo, Red," saad niya habang naglalagay ng liptint sa kaniyang labi. 

Muling umalingawngaw sa aking pandinig ang code name ko. Nais kong makita si Xanthus ngayong araw upang kausapin siya tungkol doon. Kung maaari pa ba itong palitan o mananatili na lamang akong bilang si 'Red Divine'?

"Gusto mo?" tanong niya sa akin at pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin. Bahagya niyang iwinagayway ang kaniyang liptint. 

"Uhm..." bahagya akong natigilan dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kung tatanggihan ko naman ay maaari siyang magtampo. Pero sa totoo lang ay hindi ako gumagamit ng naturang produkto. 

"Duh! You wish," pambabara nito at nagngising aso. "Kahit lunukin mo pa kung gusto mo," depensa ko. Nagulat ako sa mga katagang naibulalas ko. 

"That's my Red!" natuwa pa siya. "Uhm...sa tingin ko masaya iyon…" pagbalik ko sa usapan kunwari'y interesado sa pakikilahok sa naturang club na iyon. 

"Of course...ipapalista na ba kita? Wala ng bawian," pagkumpirma niya. Maling galaw, I thought back to myself. 

Bakit parang ang bilis naman yata saka hindi pa ako nakakapagdesisyon ng maayos sa pagsali ko roon. Hindi man lang niya ako binigyan ng palugit kahit hanggang mamaya para makapag-isip ng matino. Kung sasali ba ako o hindi. Kung tama ba ang desisyon ko o mali. Kung pagsisisihan ko ba o pagsisilbihan ko ang samahang 'Dark's club.'

Samut-saring katanungan ang nabuo sa aking isipan ngunit sa dakong huli ay napagpasyahan ko na kung ano ang nais ko. Iniisip ko, naroon naman si Sweet at mukhang masaya roon.

 I want to fit in myself for the first moment with a bunch of different people. I am in there exploring something new and setting free to interact with others. I have been imagining myself doing those things and getting eager looking forward to it. Mas mainam siguro na matuto akong makipag-komunikasyon sa iba.

I verified to her that I want to engage myself with their organization when I met her in the hallway to fetch me. Dating-gawi, dumiretso kami sa aming dorm. I can't see anything wrong with it, ang sumali roon. Moreover, to help myself to be involved with the activities at this time. 

As soon as our break time was already done Sweet and I separate directions. I am a Senior High while she is in a College na. 

"Be careful," she tells me before our ways separate. Those in her last words as always. When my phone vibrated I tend to stop in the hallway.



From: Unknown

You are now a member of 'Dark's club'. If you turn your back I will torture you until you broke down. I will cut your head, you woman. Don't you dare...I tell you. 




Red Teasing The Dark 1 ✔Where stories live. Discover now