Chapter 20

38 3 0
                                    

Red Teasing The Dark
CHAPTER TWENTY 

Date

•••

"How many times do I have to tell you, Red! Ayusin mo nga ang sarili mo. Nagmumukha kang manang na dugyot!" here we go again, sermon. Dinaig niya pa sina Ama at Ina. 

"Sweet, komportable naman ako sa ayos ko," I defended. 

"My point is dalaga kana, Red hindi kana bata. You should've known na alagaan ang sarili mo hindi para sa iba kundi para sa sarili mo," 

"Hindi ko gustong baguhin kung ano at sino ako. I'm scared that they might judge me, by society, those people surround me," 

"That's what you get from society's judgment. Don't be affected. Hayaan mo silang isipin ang gusto nilang isipin. Hayaan mo silang paniwalaan ang gusto nilang paniwalaan." 

"Ganoon ba ang ginagawa mo sa kanila, Sweet? Doesn't mind them? Kahit ano pa man ang sabihin nila sa'yo?" She nodded and I smiled. 

"Hindi ka naman totally nagbago once na binago mo ang panlabas mong kaanyuan only your appearance, Red hindi ang panloob mong kaanyuan. It that makes sense." 

Parang naliwanagan ako sa mga sinabi niya. Noong mga nakaraan kasi sa tuwing pinagsasabihan niya ako tungkol sa sarili ko ay hindi ko siya pinapansin. Hindi ko siya pinapakinggan, binalewala ko siya. Mali pala ang pagkakaintindi ko sa nais niyang ipahiwatig sa akin. Ang akala ko ay hindi niya ako gusto maging ang paraan ko sa pag-aayos. Na kinamumuhian niya ako. Para sa akin din pala ang mga sinasabi niya. Ang pag-aalala niya. Tanging kapakanan ko ang iniisip niya. 

"Hindi ba ako kaaya-aya...kapag may makapal na salamin? Nahahati ang buhok sa dalawa na nakatrintas?" kuryoso kong tanong sa kanya. 

"Maganda ka, Red. Hindi mo lang nakikita 'yon. Ika nga nila, Beauty is in the eye of the beholder," Sweet said, she held both of my shoulders then she turned me to face the mirror.

"Look. You're more beautiful than me but mas lamang ako sa kulay...mas maputi ako. Duh!" 

"Maganda ka nga ba?" sarkastiko kong sambit at umirap siya sa harap ng salamin.

I chuckled a bit. "Sana kung may Ate ako...ikaw 'yung gusto kong maging ate," 

"Is that so?" 

"Prangka ka. Magaling manermon and a little bit sarcastic pero mabait naman pala." 

"Stop!" 

"A little bit maarte pero hindi naman ganoon maarte," 

"I said stop, Red!"

"Mabilis mapikon sa tuwing nagbabangayan sila ni Kua Neopard," pagpapatuloy ko pa at lalong umusok ang kanyang ilong sa pagkainis.

"Bakit na naman kasali ang lalaking 'yon?!" 

"Sabi na nga ba e, mabilis mapikon. Narinig lang ang pangalang Neopard umiinit ang ulo," She blushed. 

Sweet tells me that issue has been deleted. Nawala ang link na tungkol sa issue na iyon kahit daw sa website ay wala na rin. She heard that someone deleted it. 

Sa tingin ko, walang ibang makapag-uutos na burahin ang tungkol sa isyu. Kundi ay ang nasa mataas na posisyon lamang. Nasa President or the Vice President themselves. Hindi susunod ang taong may gawa niyon kung ang nag-utos ay ang typical na estudyante lamang.

Hoping that the mastermind who spreads about the issue gets caught. Hindi siguro iyon kakalat ng ganoon kung hindi niya intensyon na ikalat. Who is the mastermind behind it? Bakit big deal sa kaniya iyon? 

Red Teasing The Dark 1 ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя