Chapter 38

22 3 0
                                    

Red Teasing The Dark
CHAPTER 38 

Sexy Dark Saint 

While writing this chapter I was listening to a song Photograph lol. 

•••


Hell days came. Hindi ko alam kung gumagana pa ba ang utak ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang mag-test. Hindi dahil natatakot akong walang maisagot. Ngunit impossible iyon dahil nag-aral naman ako. Pero ang totoo...natatakot akong kumuha ng test dahil ay si Scott ang magbabantay sa amin. 

Tahimik na ang paligid. Nakaayos na rin ang aming upuan sa one-seat-apart. Tanging test paper na lang ang hinihintay ng lahat. Nabigyan niya na lahat ako nalang ang hindi. 

Dark circles under his eyes. His hair was disheveled seems like he didn't have time to brush his hair. Palagi naman. I noticed that he lose weight. I want to ask him what's happening with him? But I can't speak anything even at least a word. He was lazily staring at me just like he was not in the mood. 

Basta ang lamig ng mga titig niya. Naglakad siya palapit sa akin na hindi manlang inaalis ang titig niya at napalunok ako ng husto.

"Nagkulang ng isa ang test paper. Samahan mo 'ko para kunin ang iyo." 

Hindi kaagad ako nakagalaw dahil sa mga titig niya sa akin lalo na nang umalingawngaw sa aking pandinig ang malamig niyang boses. Tila tumatagos sa pagkatao ko. Napalunok pa ako ng ilang beses bago nakatayo ng tuluyan. 

Nauna na siyang naglakad at sinundan ko siya. Walang estudyante ang na sa paligid dahil kasalukuyang na sa pagsusulit ang lahat ng antas. Hindi ko alam kung saan kami papunta ng marahas niyang hinawakan ang pupulsuhan ko at hinila sa isang bakanteng silid.

"Uhm…'yung test paper ko po Vice Presi—"

"Why are you avoiding me?" he suddenly asked at pinasadahan ng kamay niya ang magulo niyang buhok. Hindi ako umimik ngunit nanatili pa rin ang mga mata ko sa kaniya. 

"You don't even bother answering my texts and calls." 

Nanatali pa rin akong walang imik. It seems nothing happened. Para bang hindi niya ako nasaktan. Para bang hindi niya ako sinigawan. Para bang hindi niya ako pinagtabuyan noong gabing iyon. Heto siya ngayon sa harap ko kinakausap ako na para bang hindi siya galit at ako nama'y imbes na matakot ay nagtaka pa ako sa kaniyang inasta.

"Fuck, Red!" pumikit siya ng mariin. "You do always bringing on the worst of me!" 

Run, woman! Run!

Sunod-sunod kong naalala ang lahat ng mga pinagsasabi niya noong gabing iyon. Halos bumalik lahat ng sakit, pag-iyak at pagod na naramdaman ko. Maging ang pandidiri sa aking sarili ay muling nabuhay. 

I won't chase you if that's what you thinking.

Ngunit hindi ako nagpatinag sa mga mata niya at maging sa galit sa kanyang boses. Hindi maaari. Hindi pwedeng manipulahin niya na naman ako. 

I'm already done...with you so it's better to run!

"I have to take my test, vice president." ani ko at inalis ang pagkakahawak niya sa pupulsuhan ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa na umalis at iwan nalang siya roon. 

Nang makarating ako sa silid namin ay kaagad kong tinungo ang upuan ko. May test paper nang nakalapat sa desk ko. Hindi na ako nagtanong kung sino nagbigay. Nagsimula na akong sumagot. Ilang minuto na rin akong nagsasagot ng hindi ko namalayan ang paglapit niya sa akin. 

Red Teasing The Dark 1 ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ