Chapter 21

44 3 0
                                    

Red Teasing The Dark
CHAPTER TWENTY ONE

Preparation

•••


"Let's date," anunsyo ni Scott. 

"Woah! Lakas talaga ni Dark," biglang sumulpot si Ethan at nakasunod na naman itong si Yvor.

As usual, nakipag-fist bump sila kay Scott at tamad naman na binangga ni Scott ang kaniyang kamao kina Yvor at Ethan. 

"Panira ng moment," asik pa ni Scott. Narinig ko pa ang pagbuntonghininga niya tila ba'y nababagot na sa kinatatayuan niya. Muli ay nagbuntonghininga siya at sinipat niya ng masamang tingin sina Ethan at Yvor. 

"Ano nga ulit 'yung sinabi mo?" siniko ni Ethan si Yvor na nasa tabi nito. "Naalala ko na...too slow but too fats," tila nagmamayabang niyang saad. Parang antaas nang kumpiyansa niya sa sarili. 

"Correction, too slow but too fast," pagtatama ni Yvor kay Ethan. Bahagya naman akong natawa. Si Scott naman ay parang walang pakialam sa kaniyang paligid. 

Saglit na sumulyap si Ethan kay Yvor. "Kaya ayaw kitang kasa-kasama, e. Hindi ko gets sinasabi mo," piinili na lamang ni Yvor na hindi sumagot sa sinabi ni Ethan. In the middle of silence suddenly Ethan's phone rang. at kinuha mula sa bulsa niya.

"Tinatanong ako ni President kung nasaan daw ako..." sumulyap si Ethan kay Dark na tila naghihintay ng sagot. Sa halip na sumagot si Dark ay binalewala niya ang sinabi ni Ethan. 

 Lumapit sa akin si Scott at bumulong. "Let's date, sabi ko," 

"D-date? May kalendaryo kayo, Dark." giit ko at nagkagat-labi. Nahuli ko pa siya na nakatingin sa aking labi.

"Damn, it's not it—never mind," aniya habang nakatitig lang sa labi ko. Marahan niyang binasa ang pang-ibaba bago nagtaas ng tingin sa mga mata ko.

He sighed and looked at me intently. "Kung maaari lang sana na pilitin ka para maibalik na ang alaala mo ginawa ko na. But I won't do that for the sake only of me. Of course, I don't want to be unreasonable," 

Napansin ko si Ethan na tila may sinesenyas kay Scott. Habang si Yvor naman ay nakabaling na ang tingin sa paparating na lalaki sa gawi namin. Biglang natahimik ang lahat maski si Scott na may sinasabi pa. Nang malapit na ang lalaki ay namukhaan ko na kung sino iyon. Biglang nagsalita si Scott na siyang ikinagulat ko. 

"I told you...no flirting while working then now you are flirting with me, Red. You are sabotaging my rule," nagtaas-kilay pa siya tila gustong iparinig sa papalapit na si Xanthus.

Nang tuluyan nang makalapit si Xanthus ay tumigil siya sa paglalakad at tumabi kay Yvor. 

"Really? If Red flirting with you then why are you just letting her do that thing to you, Dark? If you don't want to?" mariin na nakatitig si Xanthus kay Scott habang sinasabi ang mga katagang iyon. 

"Bakbakan na!" ani Ethan na tila nababagot sa kaniyang kinatatayuan. Naghihintay ng mga susunod pang mangyayari. Ang akala ko ay may sasabihin si Yvor ngunit hindi siya umimik. Kung dati-rati kasi ay kaagad siyang nakasunod pagkatapos makapagsalita si Ethan. Ngunit tila'y nag-iba yata ang ihip ng hangin. 

Xanthus glanced at his wristwatch. "It's flirting time, so it doesn't matter," nakuha niya pang ngumiti ng bumaling siya sa akin at marahan din akong ngumiti. 

"Uhm...Master—" narinig ko ang nakakainsulto na pagtawa ni Scott. Kaya naman hindi natuloy ang sasabihin ko. Nais ko sana na magpaliwanag kay Xanthus gayong nahuli niya kami ni Scott. 

Red Teasing The Dark 1 ✔Where stories live. Discover now